Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Avatars larger than 75x75 pixels will be deleted. Check out the Avatar&Signature. Rules.



Poll

Please rate my Story!

Better than BURNT!
 1 (33.3%)
Okay lang! gano'n pa rin!
 2 (66.7%)
Worse pa 'to kesa sa BURNT
 0 (0%)
Wala talaga!
 0 (0%)

Total Members Voted: 3

Author Topic: SILVER CROSS/Story#4/Genre: Romance (Updated 02/22/2010, SC 8)  (Read 495 times)

mS.pRexUz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1047
  • Karma: +74/-8
  • my.cake.18<3
    • sHirty spree
Re: SILVER CROSS (Sequel of BURNT) <4th Story> [Updated 02/06/2010, SC 4]
« Reply #15 on: February 07, 2010, 10:21:54 pm »
ay ay may sequel, basahin ko to bukas, gawa ako project  ;D
MY STORiES :]
LOVE101
KiCK OUT FROM HELL
YOU BELONG WiTH ME

MY ONLiNE STORE :]
precious1418.multiply.com

touya013

  • jellybean
  • **
  • Posts: 229
  • Karma: +10/-2
  • not just your ordinary guy...
Re: SILVER CROSS (Sequel of BURNT) <4th Story> [Updated 02/06/2010, SC 4]
« Reply #16 on: February 07, 2010, 11:29:43 pm »
is it my computer or teentalk?
parang yung fonts dito sa teentalk e hindi po yata gumagana...
kasi iniba ko 'yung fonts ng mga headers(title) sa stories ko pero i don't see any result kahit anong browser ang buksan ko...
pero nung nagpunta ako sa ibang forums gumagana naman...
hmmm...  ??? ??? ???

ay ay may sequel, basahin ko to bukas, gawa ako project  ;D


sige...gawa ka muna ng project mo...

..ohw sho0t...

..im..im so..sorry kuya,,... :-[

.....uhm...uhm...

...nice story pala...ah..... :-[

____________



LONER FOREVER[/pink]


thanks ulit...nabasa ko na nga pala 'yung story mo...nagcomment din ako dun...
« Last Edit: February 07, 2010, 11:31:22 pm by touya013 »
ONGOING STORIES:
3. EVERY LITTLE THING...IS YOU
4. SILVER CROSS

FINISHED:
1. BURNT
2. ANGEL

kris_wayne92

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 48
  • Karma: +0/-0
Re: SILVER CROSS (Sequel of BURNT) <4th Story> [Updated 02/06/2010, SC 4]
« Reply #17 on: February 08, 2010, 05:49:13 pm »
sundae!?
very nice eunice  8)

touya013

  • jellybean
  • **
  • Posts: 229
  • Karma: +10/-2
  • not just your ordinary guy...
Re: SILVER CROSS (Sequel of BURNT) <4th Story> [Updated 02/06/2010, SC 4]
« Reply #18 on: February 10, 2010, 06:17:07 pm »
Update for today (02/10/2010)



SC 5: XANDREII & MARQO

Gumising ako ng maaga. Tinawagan ko agad si Red dahil magpapasama sana ako sa kanya. Kaya lang masama daw ang pakiramdam ni Red kaya mag-isa na lang akong pumunta.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko nung mga oras na 'yun. Kinakabahan ba or excited? Hindi ko talaga alam. Dalawa lang naman ang kailangan ko dito. Una, ang result ng exam na magsasabi sa 'kin kung mag-aapply na ako sa ibang college o sasabihin sa 'kin na magtatalon na ako sa tuwa dahil pumasa ako. Pangalawa, 'yung taong 'yun. Sana lang talaga makita ko s'ya ulit. Namalayan ko na lang na natulala na pala ako sa tapat ng basurahan.

"Miss, ano pong ginagawa n'yo sa tapat ng basurahan?" sabi naman nung isang tao doon na hindi ko naman kilala.

Lagi na lang akong hinihila ng mga basurahan nitong mga nakaraang araw. Dati nabangga ko naman 'yung basurahan sa mall nung araw na na-hold up ako. May sign ba sa basurahan?

"Ah wala naman. Hinahanap ko kasi 'yung office kung sa'n makukuha 'yung result ng entrance exam."

Tumawa ba naman 'yung taong 'yun na para bang nang-iinsulto. Sino ba s'ya? Kala naman n'ya kung sino s'yang maganda.

"May nakakatawa ba Miss?"

"Ah wala naman." tapos umalis na s'ya habang tumatawa ulit.

Okay mukhang alam ko na kung anong sinasabi ng mga basurahan sa 'kin. Nung una lang kasi hindi ko pinakinggan. Nung araw na nabunggo ko 'yung basurahan, na-hold up ako. Ngayon naman sinasabi na ng basurahan na iwasan ko 'tong taong 'to kung ayaw kong malasin. Okay, sige pagbigyan. Pero tatandaan ko 'yang mukha n'ya.

"Ah sige, salamat ha." may pagpipigil kong sinabi.

Okay, hindi ko na kasi dapat tinanong 'yung taong 'yun. Ang laki naman kasi nung nakasulat do'n sa tapat ng isang office do'n na dun ko pala makukuha 'yung resulta ng entrance exam.

Kinausap ko 'yung attendant nila sa loob. Binigay ko 'yung pangalan ko at naghintay saglit. Tapos may inabot na sa 'kin na envelope.

"Miss, hindi n'yo po ba natanggap 'yung pinadala namin sa bahay n'yo? Nag-send po kami ng result sa bahay n'yo."

"Ha? E wala pa kasi akong natatanggap e."

Talaga 'yung si Red hindi naman sinabi na pinapadala na lang pala 'yung result ng exam. Pero teka, kung gano'n, ibig sabihin baka wala dito 'yung taong inaabangan ko. Kaya siguro tinatawanan ako nung babae kanina. Hay! 'Yun pala ang message nung basurahan. Akala ko pa naman close na kami nung basurahan, mali pala ang interpretasyon ko sa message n'ya.

Hawak ko 'yung sobre. Ayoko pang buksan. 'Registrar's Office', binasa ko 'yung nakalagay dun sa counter dun.

"Miss, itatanong ko po sana kung okay na 'yung enrollment nung anak ko."

"Anong name?"

"Xandreii Fernandez."

Maya-maya may napansin akong taong pumasok sa Registrar's Office. 'Yung babae nanaman. Tumingin lang s'ya sa 'kin mula ulo hanggang paa. Okay, lalabas na nga ako.

Mabagal akong naglakad sa lobby. Kinakabahan ako sa resulta nitong exam. Pero hindi ko malalaman ang resulta kung hindi ko titingnan. Ano pa nga bang hinihintay ko? Mabuksan na nga.

Pagkabasa ko nung nakasulat sa papel. Tiningnan ko ulit. Baka mamaya e mali lang ang pagkakaintindi ko. English kasi e. Masyadong formal 'yung nakasulat.

"Nakapasa ako?" wow! Naku, totoo ba 'to? Nakapasa ako! Napatili naman ako no'n sa sobrang saya.

"Miss, anong nangyari sa 'yo? Bakit ka tumitili?"

Huh? Leigh!

"Leigh!"

Nagtaka naman s'ya sa sinabi ko.

"Uhmm...miss okay ka lang ba?"

"Leigh!"

"Ano 'yun?"

"Leigh!"

"Chinese ka ba?"

"Leigh!" nasabi ko nanaman ulit.

"You're not chinese? You don't look like one. Hmmm?"

"Leigh!" hindi ko alam kung bakit wala akong ibang masabi sa sobrang shock ko sa taong 'to at sa result ng exam.

"Miss, you're scaring me. What are you saying?"

"Leigh! Ikaw si Leigh!" sa wakas at may nadagdag sa sinabi ko.

"Sus! Nagtatagalog ka naman pala e. Hindi Leigh ang pangalan ko."

Huh? Hindi Leigh ang pangalan n'ya?

"Leigh!.." nasabi ko ulit. Paulit-ulit na lang ako.

"Miss, hindi Leigh ang pangalan ko. Marqo ang name ko."

"At ako nga pala si Xandreii." sa'n naman nanggaling 'tong loko-lokong 'to?!

"Sundae?"

"Xandreii, hindi po Sundae."

Ano na ba 'tong nangyayari sa 'kin?

"Pero kamukhang-kamukha mo si Leigh." kinausap ko naman 'yung Marqo.

Napakunot naman 'yung noo n'ya. Halatang nagtataka.

"Anyway, miss sana okay ka lang. Kailangan ko na kasing pumasok sa Registrar's Office e. Sige ha."

Pero...

"That guy looks familiar. Parang nakita ko na 'yun dati."

Ano namang sinasabi nitong isang 'to? Bakit parang kung nasa'n ako e nando'n din s'ya?

"Ano nanamang ginagawa mo dito?"

"Mag-eenroll na ako at hinahanap ko ang Mama ko dahil iniwan n'ya ako sa bahay."

"Dito ka papasok?"

"Wala akong makitang dahilan para hindi dito mag-aral ng college. Maganda 'tong school na 'to."

"Stalker ka ba? Bakit kung nasa'n ako nando'n ka rin?"

"Stalker? Ikaw susundan ko? Hmmm..." tiningnan naman n'ya ako, "Pwede rin siguro. You're not that bad at all." compliment ba 'yun? "Pero hindi ako stalker. Siguro kasi kilalang school 'to kaya halos lahat ng high school graduate ngayon e dito nag-aapply for college at kaya tayo nagkita dito e nag-eeskandalo ka lang naman sa tapat ng Registrar's Office which is iisa lang naman 'tong Registrar's Office sa school na 'to na kailangan ko ring puntahan dahil nga mag-eenroll ako. At siguro dahil malaki ang mall kaya dun ka pumupunta na nagkataon naman na dun ako nasa-summer job. At siguro dahil clumsy ka kaya napansin agad kita nung nadapa ka. It's just a matter of coincidence."

Kunsabagay, tama lahat ng sinabi n'ya. Ako lang yata itong nagfi-feeling na sinusundan n'ya ako. Malawak ang reasoning nitong taong 'to ah. Marami s'yang nasabi sa isang tanong ko.

"Xandreii, okay na 'yung enrollment mo. Okay na lahat." napatingin naman ako dun sa lumabas ng Registrar's Office.

"Ma, bakit naman ikaw pa nag-asikaso nitong enrollment ko? Kaya ko naman 'to."

"Ano ka ba? S'yempre excited din ako para sa 'yo."

"Okay, Ma. Thanks."

"Friend mo ba s'ya?" tumingin naman sa 'kin 'yung Mama n'ya.

"Uhmm...are we friends?" tanong naman n'ya sa 'kin.

"Don't be rude, Xandreii. Ipakilala mo naman s'ya sa 'kin."

"Okay. Ma, si Eunice...??"

"Eunice Angela Rivera po." ngumiti naman ako sa Mama n'ya, "At opo, friend po ako ni Sundae." sabi ko naman kahit hindi naman talaga.

Natawa naman 'yung Mama n'ya sa sinabi ko. May nakakatawa ba?

"Xandreii ang pangalan ko. Hindi Sundae." singit naman n'ya.

"Nakakatuwa ka naman. O pa'no? Maiiwan ka pa ba dito Xandreii? Uuwi na muna ako."

"Wala naman na po akong gagawin dito e. Samahan ko na po kayo umuwi."

"O s'ya sige tara na. Eunice, nice to meet you nga pala."

Ngumiti lang ako tapos nag-bye na sila sa 'kin. Sabi pa nung si Sundae e, magkikita pa raw kami. Naku, sana hindi na. Nakukulitan kasi ako e. Buti 'yung Mama n'ya hindi makulit katulad n'ya.

Teka, nalimutan ko! Si Leigh! Nasa Registrar's Office s'ya.

Pumasok ako sa Registrar's Office...

"Leigh!!"

Nagtinginan 'yung mga tao sa loob. Napalakas yata ang boses ko. 'Yung si Leigh naman, tumingin sa kisame at parang nahihiya sa ginawa ko. Naku, nakakahiya talaga ako. Nakita ko pa 'yung isang babae na nakataas ang kilay. Lumabas ako na hiyang-hiya. Dapat kasi naghintay na lang ako dito sa labas. Tama dito ko na nga lang s'ya hihintayin.

Ilang minuto rin ang lumipas. Tinitingnan ko lang 'yung nakasulat sa result ng exam. Ano ba 'tong Probationary na 'to? Hmmm? Ang pinakamababa kong score e sa English. Sa iba, okay lang naman. 'Di ko talaga akalain na papasa ako. Tama si Dennisse, dapat hindi ako masyadong negative thinker.

"Oo, tapos na. So ano, magkita na lang tayo mamaya. Thanks sige bye."

Lumabas na si Leigh at may kausap s'ya sa cellphone n'ya.

"Leigh!"

Nagulat yata s'ya sa 'kin. Nakakunot 'yung noo.

"Miss, hindi nga Leigh ang pangalan ko."

"Pero bakit kamukha mo si Leigh? Ikaw si Leigh."

This time, seryoso na s'ya.

"Miss, ano ba? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Hindi nga Leigh ang pangalan ko. Marqo ang pangalan ko, okay? Stop calling me Leigh."

Natauhan naman ako sa sinabi n'ya. Tama hindi nga s'ya si Leigh. Kung si Leigh man 'yun. Gano'n ba n'ya ako kakausapin?

"Sorry."

Nakasimangot s'yang umalis sa harap ko. Ako, naiwan lang dun. Miss na miss ko na kasi si Leigh. Akala ko naman natanggap ko na, na wala na s'ya. Pero bakit ba ako ganito? Umaasa pa rin ako na babalik s'ya. Pero hindi na posible 'yun. Hindi ko namalayang...





...umiiyak na pala ako.
ONGOING STORIES:
3. EVERY LITTLE THING...IS YOU
4. SILVER CROSS

FINISHED:
1. BURNT
2. ANGEL

bbyng101

  • jellybean
  • **
  • Posts: 205
  • Karma: +16/-32
  • TeenTalker
Re: SILVER CROSS (Sequel of BURNT) <4th Story> [Updated 02/10/2010, SC 5]
« Reply #19 on: February 10, 2010, 09:02:58 pm »
...woahh...sino ba si leigh...

....nakz...umiiyak na c eunice...parng na iiyak na din akooh... :'(


...kuya, i update mo hahh..!!!>. ;D :D

touya013

  • jellybean
  • **
  • Posts: 229
  • Karma: +10/-2
  • not just your ordinary guy...
Re: SILVER CROSS (Sequel of BURNT) <4th Story> [Updated 02/10/2010, SC 5]
« Reply #20 on: February 10, 2010, 11:32:18 pm »
...woahh...sino ba si leigh...

....nakz...umiiyak na c eunice...parng na iiyak na din akooh... :'(


...kuya, i update mo hahh..!!!>. ;D :D


si leigh?...
s'ya 'yung main character nung 1st story ko na BURNT...
well pre-requisite yun kung babasahin mo 'to...kaya lang na-spoil ka na nitong silver cross...
alam mo na magiging ending kung babasahin mo 'yun...pa'no nabuo 'tong sequel?...and 'yung mga tanong na gumugulo sa start nitong SILVER CROSS...
ang sagot e nando'n sa 1st story ko, entitled BURNT...click nyu na lang yan...
ONGOING STORIES:
3. EVERY LITTLE THING...IS YOU
4. SILVER CROSS

FINISHED:
1. BURNT
2. ANGEL

tr.ix.ia

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 538
  • Karma: +38/-15
  • iloveyou. :)
    • RawrTumblr. :)
Re: SILVER CROSS/Story#4/Genre: Romance (Updated 02/10/2010, SC 5)
« Reply #21 on: February 11, 2010, 07:41:31 pm »
I missed burnt :)
Ndi ko pa nababasa, busy pa. Exams eh. :P
Sa saturday balik ako dito. :)
Buti ngstart ka ulit kuya?  ::)
You&&Me,AgainstTheWorld. :x
ChoiSeungHyun.
BigBangLove,Baby! :">

touya013

  • jellybean
  • **
  • Posts: 229
  • Karma: +10/-2
  • not just your ordinary guy...
Re: SILVER CROSS/Story#4/Genre: Romance (Updated 02/10/2010, SC 5)
« Reply #22 on: February 15, 2010, 06:35:27 am »
Update for Valentine's Day (02/14/2010)

I know it's late...pero ito sana 'yung update ko kahapon kung hindi lang ako busy...hehe...

Belated Happy Valentine's!!!



SC 6: MAKE IT GOOD

Umuwi ako ng bahay. Nagpakasaya na lang ako sa balitang pumasa ako sa entrance exam. Pero hindi rin mawala sa isip ko 'yung lalaking kamukha ni Leigh na si Marqo. Kunsabagay may tao talagang may kamukha. At sa lahat naman kasi ng kamukha e si Leigh pa.

"Red, ano bang ibig sabihin ng 'probationary'?"

"Ibig sabihin n'yan, kailangan mong galingan sa mga subjects mo. Kahit nakapasa ka sa entrance exam hindi umabot 'yung score mo sa average. Nasa below average 'yung score mo. Kaya kailangan wala kang bagsak."

Isa lang pala ako sa mga 'pinagbigyan dahil sa awa'. Pero okay na rin 'yun, at least hindi na ako mamomroblema sa papasukan ko. Tama, gagalingan ko na lang!

Nakabalik na rin si Dennisse mula sa Zambales. May mga dala nga silang pasalubong sa 'min e. Nakuha na rin n'ya 'yung result ng exam na pinadala sa bahay nila. Pasado rin naman s'ya pero hindi tulad ko na 'probationary'.

Hindi na ulit nag-krus ang landas namin ni Marqo aka kamukha ni Leigh. Si Sundae naman nakikita ko kapag pumupunta ako sa mall. Hindi naman ako nangangahas na lapitan s'ya sa Zagu stand do'n. Hindi naman kasi kami close no'n. Kahit nung enrollment hindi ko na nakita 'yung si Marqo, siguro dahil wala na s'yang dahilan para bumalik maliban sa school dahil nakapag-enroll na s'ya at gano'n din naman si Sundae. Kahit nung um-attend kami ng orientation, hindi ko sila nakita.

Dumating ang araw ng birthday ko, masaya naman ako. 'Di tulad nung nakaraang taon, kasama ko sila Mommy at Jake. Naghanda kami sa bahay. Dumating din si Dennisse, Red at Tita Annie. 'yung iba kong classmate nagsipunta rin. Napag-alaman ko rin na 'yung iba naming classmate e dun din daw papasok sa school na papasukan namin nila Red. Mga ilan lang naman. 'Yung iba kasi sa Manila na naghanap.

*******************************

Puyat ang naging dahilan para ma-late ako nung first day of school sa college. Hindi ko malaman kung bakit sa daming araw nung bakasyon e nung mismong bago pa mag-first ako napuyat. Kinabahan kasi ako dahil pakiramdam ko ibang-iba na ang environment. Naghanap pa ako ng matinong isusuot ko. Tapos nung umaga e hinanap ko pa 'yung kwintas ko dahil na-misplace ko. Mabuti na lang at hindi pa kami mag-uuniform. Pwede daw na mag-civilian muna. Mabuti na lang din at hindi terror ang teacher sa unang klase.

Hindi kami classmates ni Dennisse. Kahit pareho kami ng course, sa ibang section ako napunta. Si Red naman, iba ang course. Ayos lang naman. New environment, new friends...sana lang walang new enemies.

"Miss next time, agahan mo ang pasok ha. Dahil sa susunod may mga lessons na tayo at baka ma-miss mo."

Pumasok na ako at naghanap ng uupuan. Uupo na sana ako dun sa dulo nung mapansin ko na nilagay nung babaeng makakatabi ko 'yung bag n'ya sa uupuan ko. Ayaw magpaupo? Tiningnan ko s'ya. Tinaasan ako ng kilay. Okay, magpigil. Hindi dapat sirain ang araw sa mga katulad n'ya. Marami pa rin namang upuan na bakante.

Nakakita rin ako ng uupuan ko, kaya lang napansin ko nanaman 'yung makakatabi ko. Gano'n din ang ginawa. Pasimple lang ang style at kunwari hindi ako nakita. At 'yung taong makakatabi ko sana e si Leigh este Marqo. Teka, pareho kami ng section at course?! Pero ang sama naman! Oo hindi 'yan si Leigh! Eunice, alisin mo na sa utak mo na s'ya si Leigh. Hindi gagawin ni Leigh sa 'yo 'yan. Okay, next seat.

Nakakita ulit ako ng uupuan. Dun na sa likuran. Mabuti na 'to. Walang katabi. Peaceful!

"Uhmm...Miss Late, ano bang idea mo sa subject na 'to?"


Hindi naman ako nagmagaling at umamin ako na...

"Actually Mam, wala po akong idea kung anong subject ito."

Nagtawanan naman 'yung iba. At may narinig akong hindi kaaya-aya sa pandinig.

"Ang bobo naman..." malakas ang pandinig ko e, kaya kahit pabulong ang pagkakasabi e narinig ko.

Teka, kilala ko 'yun ha. S'ya 'yung babaeng tumawa sa 'kin nung kinuha ko 'yung result ng exam. Mayabang na 'yun. At least inamin ko na wala akong idea.

Isa't kalahating oras ang itinagal ng isinumpang subject. Umalis na rin ang teacher. Naku, block subject nga pala kami. Sabi ni Red 'pag block subject daw, 'yung mga classmate mo sa isang subject, maaaring classmate mo sa lahat.

May mga ibang student na pumasok sa loob. Classmate ko rin ba sila? Tinanong nga 'yung pangalan ko e. Sinagot ko rin naman, tapos sinabi rin nila 'yung kanila. Kaya lang hindi ko matandaan 'yung iba. Ang natatandaan ko lang sa loob ng classroom e si Marqo.

"Aba, pareho pala tayo ng course." may nagsalita naman sa likuran ko.

"Sundae? Dito rin section mo?"

"Oo, 1HM3 'to, 'di ba? Tapos 'yung unang subject e Principles of Tourism, tama ba? At Xandreii ang pangalan ko, hindi Sundae."

"Oo, e bakit 'di ka pumasok sa first subject?"

"Late ako e."

E late nga rin ako, pero pumasok pa rin ako.

"Paupo ha." umupo s'ya dun sa tabi ko.

"Sa'n ka nga pala nag-graduate?" natanong ko lang bilang panimula ng conversation sa isang seatmate.

"Hindi ako nag-graduate. Nag-acceleration Exam lang ako. Hindi naman kasi ako nag-highschool e."

Kakaiba naman 'tong taong 'to. Hindi man lang s'ya nakaranas ng Graduation?

"Hi, I'm Rina. Anong name mo?" lumapit naman 'yung babaeng kanina lang e tinataasan ako ng kilay. Nakikipagkilala s'ya sa 'kin?

"Eunice..." pag-aalangan ko namang sagot dahil hindi ko malaman kung anong gusto n'ya.

"Teka, you're that weird garbage bin girl. 'Yung nagsisigaw sa registrar's office."

Medyo malakas ang pagkakasabi n'ya, kaya parang na-curious 'yung mga classmate. Isa na dun si Marqo na napatingin saglit sa direksyon ko pero umiwas din pagkatapos. Iniiwasan n'ya ba ako? Teka nga, ano 'yung sinabi nitong babaeng 'to kanina? Garbage Bin Girl? More of like a basurera ang dating ng sinasabi n'ya ah. Dapat ko bang patulan 'to, nakakarami na e.

"Okay, so classmates pala tayo. Nice to meet you." halata ko naman na kabaliktaran 'yung sinasabi n'ya. Ano bang gusto nitong mangyari? Wala naman akong ginagawa sa kanya.

Mabuti na lang at wala na akong narinig sa babaeng 'yun. Lumapit na kasi s'ya sa iba naming classmates at akala mo kung sinong Ms. Congeniality na nakipagkilala sa kanila.

"Garbage Bin Girl? Ano naman 'yun? At nagsisigaw ka sa Registrar's Office?"

Tiningnan ko lang s'ya. Hindi naman ako kailangan mag-explain sa kanya. Mas kailangan ko yata mag-explain dun kay Marqo. Alam ko wala na akong pakialam sa iniisip n'ya dahil wala namang kung anong connection sa 'min. Pero he thinks I'm weird at unfair 'yun para sa 'kin.

"Hey Eunice, bakit ka nakatingin dun sa lalaki sa harapan?"

"Pa'no mo naman nalaman na s'ya ang tinitingnan ko?"

"E 'di s'ya nga?"

"O ano naman sa 'yo kung s'ya nga?"

"E 'di s'ya nga."

Ang kulit naman talaga nitong Sundae na 'to!

"Alam mo, parang nakita ko na 'yang taong 'yan e. Pero hindi ko alam kung saan."

"Talaga?" pero hindi naman talaga ako interesado sa sinasabi n'ya dahil nga nakukulitan na ako sa kanya.

"Ah siguro dun sa Zagu, nung nagsa-summer job ako."

Kitams, sabi na walang kwenta ang sasabihin nito. Okay, mamaya kakausapin ko 'tong si Marqo. Medyo matagal na kaming naghihintay pero wala pa rin 'yung prof namin. Siguro absent.

Nagsilabas na 'yung iba naming classmate. Nauna ngang lumabas si Sundae e. Kakausapin ko na sana si Marqo, kaya lang bigla naman s'yang lumabas. Parang alam n'ya na lalapitan ko s'ya. Kaya  lumabas din agad ako ng room at hinanap ko s'ya pero hindi ko na pala s'ya kailangang hanapin dahil paglabas ko ng room, nakita ko s'ya na may kausap sa cellphone n'ya. Okay, ito na ang pagkakataon mo Eunice, kailangan hindi n'ya isipin na weird ka o kung ano man. Dapat mabago 'yung first impression n'ya sa 'yo.

Ito ang first time ko na mag-aapproach sa isang lalaki ng ganito. Hindi ko alam kung bakit ako apektado sa kung anong iniisip n'ya, basta alam ko dapat mabago 'yun.

"Okay, sige bye."

Tapos na s'yang makipag-usap sa cellphone n'ya. Tatawagin ko sana s'ya kaya lang napansin na agad n'ya ako nung mapalingon s'ya sa likuran n'ya. Alam ko na ang gagawin nito, iiwas nanaman s'ya.

"Teka, sandali lang..."

"Bakit?"

"Gusto ko lang sanang..." isip ng dahilan. Ano ka ba Eunice? In-approach mo s'ya ng hindi man lang nag-iisip.

"Ano?"

"Gusto ko sanang, mag-lunch kasama ka."

He looked surprised! Kahit ako nasurprise sa sinabi ko. I don't know why I said that. Pero marami na agad akong naimagine na isasagot n'ya that very moment.

"Sorry, I'm busy." sabay alis n'ya.

Hindi! Pumalpak ako. Stupid idea! Dapat hindi 'yun ang sinabi ko. Ngayon, ano nanaman kayang iispin n'ya? Habulin s'ya!

"Teka, hindi 'yun tulad ng iniisip mo. Gusto ko lang sanang mag-explain..."

"I'm not asking for it. Again, sorry. I'm busy."

Tinalikuran n'ya ulit ako. Pero bago s'ya ulit makahakbang, hinawakan ko s'ya sa braso n'ya. This time, tumingin s'ya ulit sa 'kin.

"'Wag mo sanang isipin na weird ako. I have reasons kung bakit napagkamalan kitang si 'Leigh'..."

"I'm not interested." tapos inalis n'ya 'yung kamay ko sa braso n'ya.

Dumiretso na s'ya sa hagdan. Pilit ko naman s'yang hinabol kaya lang, aksidente akong nadulas na naging dahilan para...





...maitulak ko s'ya.



What happens next?
-Saan naman kaya nakita ni Xandreii si Marqo? Sa Zagu nga kaya?
-Or baka naman hindi si Marqo ang nakita n'ya...could it be Leigh?
-Tsk...tsk...what will happen to Marqo sa next chapter?
-Who is Rina? What's her role?


Abangan n'yo na lang sa next update!
ONGOING STORIES:
3. EVERY LITTLE THING...IS YOU
4. SILVER CROSS

FINISHED:
1. BURNT
2. ANGEL

hugz_n_kissez

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 610
  • Karma: +93/-12
  • .:.toxic duties!!.:.
Re: SILVER CROSS/Story#4/Genre: Romance (Updated 02/14/2010, SC 6)
« Reply #23 on: February 15, 2010, 08:46:55 am »
I'M HERE NA!!! wiw.. ang kyoot ng sequel.toink.. si leigh ba tlaga yun?? baka naman sumapi siya? kaso kamukha niya pero iba ugali.. ahh ewan.. aahah..  ;D


.:.your face is like a moon.. in my empty room .:.


touya013

  • jellybean
  • **
  • Posts: 229
  • Karma: +10/-2
  • not just your ordinary guy...
Re: SILVER CROSS/Story#4/Genre: Romance (Updated 02/14/2010, SC 6)
« Reply #24 on: February 16, 2010, 05:52:21 pm »
Update for today (02/16/2010)



SC 7: FORGIVEN

Hindi! Naitulak ko s'ya. Kitang-kita ko kung pa'no s'ya nahulog. Mataas pa man din 'yung hagdan.

"Oh my God!"

Nando'n si Rina at na-shock yata sa nangyari.

"Tinulak mo s'ya! Bakit mo s'ya tinulak?"

Humingi s'ya ng tulong sa mga taong nando'n. Ako na-freeze na yata sa kinatatayuan ko. Nakita ko si Marqo, hawak-hawak 'yung isang binti n'ya at 'yung ulo n'ya may dugo.

"Dalhin natin s'ya sa nurse." sabi naman ni Rina.

Anong gagawin ko? Hindi ko naman sinasadya e.

Dinala na si Marqo sa nurse, naiwan si Rina at hinarap naman n'ya ako.

"You will come with me."

"Sa'n tayo pupunta?"

"Sa Guidance tayo pupunta!"


Ha? Naku po, guidance? Hindi ko naman sinasadya e.

"Teka, hindi ko naman sinasadya 'yung nangyari e."

Hindi yata s'ya nakikinig sa 'kin basta ang alam ko na lang ini-interrogate na ako sa loob ng guidance office. Tatanungin daw nila si Marqo kung ano daw ba talagang nangyari. Pinaliwanag ko sa kanila na hindi ko naman talaga sinasadyang maitulak s'ya. Sana lang hindi ako ipagkanulo nung Marqo na 'yun. Ano nanaman ba 'tong napasukan ko? Unang araw pa lang ganito na.

"Hoy Eunice, anong nangyari?"

Nakita ko si Dennisse kasama si Red. Kinuwento ko sa kanila 'yung nangyari. Balitang-balita na raw sa buong department namin 'yung nangyari kanina. Tingnan mo nga naman ang chismis o.

Pumunta na ako sa sunod na subject ko. Nag-aalala naman ako kay Marqo, mukhang hindi s'ya okay dahil dumugo 'yung ulo n'ya at mukhang napilayan s'ya. Pagpasok ko ng room, nakatingin sa 'kin lahat ng classmates ko. Parang sumikat ako agad ah. 'Yun nga lang hindi sa magandang paraan at saka ayoko ng ganitong attention. Pinagkalat yata nung Rina 'yung nangyari.

"Psst! Dito ka..."

Lumapit naman ako.

"Ang bilis kumalat ng balita. Alam mo ba kung anong narinig ko?"

"Ano naman?"

"Sabi nung ka-block natin na si Rina, tinulak mo daw 'yung Marqo sa hagdan."

"Hindi totoo 'yan 'no! Aksidente 'yung nangyari!"

"Bakit mo naman s'ya tinulak?"

Chismoso rin pala 'tong taong 'to.

"Hindi ko nga s'ya tinulak."

"E pa'no nangyari 'yun?"

"Teka nga, bakit ba panay ang tanong mo? Gusto mo itulak kita sa hagdan?"

"Nakakatalon ako sa hagdan na gano'ng kataas. Stuntman ako e."

"Nakakaasar ka, alam mo 'yun."

"Oo, alam ko."

Konti na lang at maihuhulog ko na rin 'to sa hagdan. Buti na lang at pumasok na 'yung next prof namin.

"Sino si Ms. Rivera?"

"S'ya po!" sabay turo nung si Rina. Epal 'to!

"Pumunta ka daw sa nurse, kakausapin daw kayo nung Discipline Officer. Ngayon na."

Lumabas naman agad ako. Naku, sana lang talaga sabihin ni Marqo 'yung totoo. Kinabahan ako nung nasa tapat na ako ng clinic. Sinabi kaya ni Marqo na hindi totoong tinulak ko s'ya? Okay sige, papasok na nga ako.

"Ms. Rivera, naikwento na sa 'min ni Mr. Dee ang nangyari?"

Tiningnan  ko si Marqo. May nakatapal sa noo.

"Next time, be careful. Mabuti na lamang at hindi nabalian itong si Mr. Dee."

Hindi s'ya nabalian? Hay, buti na lang. akala ko kanina nabalian s'ya dahil hawak n'ya 'yung binti n'ya.

"So I'll leave both of you for now. Work things out. Okay?"

Iniwan na kami do'n mabuti na lang at walang parusa.

"Thank you! Sinabi mo sa kanila 'yung tunay na nangyari."

Nakatingin lang s'ya sa 'kin. Parang gusto n'ya yata akong suntukin.

"Sorry din. Hindi ko naman kasi sinasadya e. Sorry na naman oh."

"I forgive you."

"Talaga?" lumapit naman ako pero nag-sign s'ya na 'wag na akong lumapit, "Sana hayaan mo na makabawi ako sa 'yo." sincere naman ako sa sinabi ko. Babawi talaga ako sa ginawa ko.

"Hindi na. Baka mamaya kung ano pang mangyari sa 'kin. Sige, aalis na ko."

Papilay-pilay s'yang lumabas ng clinic. Kahit hindi s'ya nabalian, s'yempre nasaktan pa rin s'ya.

"Tutulungan na kitang umakyat sa hagdan."

"May elevator. At saka sa tingin mo makakapasok ako ng ganitong lagay ko?"

Sabi ko nga uuwi na s'ya e.

Tiningnan ko na lang s'ya habang palayo s'ya. Pa'no kaya ako makakabawi sa kanya? Alam ko na!

Bumalik agad ako sa classroom namin. Hindi pa tapos 'yung klase namin. Inabutan ko silang may kinokopya sa board. Pero wala na 'yung teacher namin.

"O kumusta naman? Paglilinisin ka daw ba ng CR? Canteen? Garden?"

"Chismoso! Hindi ako maglilinis ng kung ano dahil wala akong kasalanan."

"Ay sayang naman."

"Anong ginawa n'yo sa klase?"

"Ayan o, sabi d'yan sa board. Mag-research!"

Oo, tama. Sa ganitong paraan na lang siguro ako babawi sa kanya.

"O Eunice, kumusta na? Nakausap mo ba 'yung tinulak mo sa hagdan?"

"Hindi ko s'ya tinulak Dennisse. Oo nakausap ko na."

"Sikat pala 'yung taong 'yun dito e. Akalain mo 'yun, freshman pa lang kilala na sa school."

"Talaga?"

"E MVP daw 'yun dati sa school nila nung highschool. Sabi sa 'kin nung ka-block ko. Madami daw nagkaka-crush dun. Kaya pala ang bilis din kumalat nung nangyari sa kanya."


Lumilinaw na lahat sa 'kin. Imposible nga na s'ya at si Leigh ay iisa. Kamukha nga lang n'ya siguro talaga si Leigh. Bakit ko nanaman ba naisip 'yun?

MWF ang schedule nung mga subjects ko kahapon kaya ngayong Tuesday, iba nanaman ang mga subject. Dalawa nga lang ang subject namin ngayon e. Kaya lang mahaba. Hindi ko nakita si Marqo nung araw na 'yun. Kumopya lang ako ng mga notes dun sa klase namin.

"Eto na pala si Troublemaker e."

"Ako ba tinutukoy mo?"

"Sino pa ba?"

"Rina, right? Sana itigil mo na 'yung pagkakalat mo ng kung ano dahil malinaw naman na sa guidance 'yung nangyari. Hindi ko tinulak 'yung classmate natin kaya sana tumigil ka na."

"Okay..." maarte n'yang sagot sa 'kin.

Hindi ko alam kung anong problema nung taong 'yun sa 'kin. Meron pala talagang mga gano'ng tao. Walang magawa sa buhay.

"O ngayon may kaaway ka naman."

"Sundae, hindi ako nang-aaway. Ayoko lang na may nagkakalat ng kung anong chismis tungkol sa 'kin."

"Wow tapang naman. Pero uulitin ko, hindi Sundae ang pangalan ko."

"Okay, Sundae."

Dahil nga dalawa lang 'yung subject nung araw na 'yun, umuwi na rin ako ng bahay. Ang sarap din pala ng buhay sa college. Makakalabas ka ng school kahit kailan mo gusto. 'Di tulad sa highschool kahit na walang teacher, hindi kayo pwedeng lumabas ng campus.

Dumating ang Wednesday, pumasok na si Marqo. May nakatapal pa rin sa noo n'ya.

"Uhmmm...oi Marqo."

"Bakit? Ano nanamang kailangan mo?"

"Meron nga pala tayong research sa Chemistry. Eto o. Iginawa na kita. Kasi 'di ba hindi ka nakapasok sa Chem nung Monday? Tapos 'yung mga notes na na-miss mo, eto o pina-photocopy ko para may kopya ka."

"Bakit mo ginagawa 'to?"

"Bumabawi lang."

"Okay sige, sayang naman 'tong pinaghirapan mo kung hindi ko tatanggapin. Pero don't do this again. 'Di naman ako bata para gawin mo 'to. At saka hindi rin naman ako gano'ng kasama para abusuhin ka."

"Okay."

Gumaan ang loob ko sa mga sinabi n'ya. Akala ko iiwasan nanaman n'ya ako o magsasalita nanaman s'ya ng kung ano. Siguro, mabait din 'tong taong 'to...





...tulad ni Leigh.
ONGOING STORIES:
3. EVERY LITTLE THING...IS YOU
4. SILVER CROSS

FINISHED:
1. BURNT
2. ANGEL

seeyama

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 49
  • Karma: +2/-0
  • iloveyou :]
Re: SILVER CROSS/Story#4/Genre: Romance (Updated 02/16/2010, SC 7)
« Reply #25 on: February 17, 2010, 06:45:48 pm »
kuya leigh!!andito na koo.haha

wah..leigh!na-miss kita ng sooobra..
sana ikaw na lang si marqo.. pwede? :)
ang cute naman nun sundae.haha..
okaay.update na kuya..!! go!hahaha. :]

burnt!na-miss ko yun. (:
EL. EY. BEE. BEE. WAY. :)

sissy

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 74
  • Karma: +2/-0
  • .reeser.C:
    • .istorya ko.C:
Re: SILVER CROSS/Story#4/Genre: Romance (Updated 02/16/2010, SC 7)
« Reply #26 on: February 19, 2010, 10:08:01 pm »
hello po
as expected, ang ganda pa rin po ng story niyo
super nagustuhan ko yung Burnt a nd Im pretty sure na magugustuhan ko din to
i'll wait po sa mga susunod na posts:)
one of a kind.
.its the way you make me laugh when i dont even want to smile.
[false hope]

touya013

  • jellybean
  • **
  • Posts: 229
  • Karma: +10/-2
  • not just your ordinary guy...
Re: SILVER CROSS/Story#4/Genre: Romance (Updated 02/16/2010, SC 7)
« Reply #27 on: February 22, 2010, 10:01:00 pm »
Update for today (02/22/2010)



SC 8: SUN-GAY?

Kahit na hindi maganda ang kinalabasan ng simula ng pagpasok ko sa college, naging maayos din naman agad bago natapos ang week.

"Ang tagal naman ng professor natin. Mag-cutting na lang kaya tayo? 'Di ba ang sabi pwede naman na daw lumabas ng room kapag late na ng 15 minutes ang prof."

Eto nanaman si Sundae sa kakareklamo n'ya. Hindi ko alam kung bakit panay ang tabi nitong taong 'to sa 'kin e. Mukhang nagiging ka-close naman na n'ya 'yung mga boys namin sa block namin. Bakit kaya hindi na lang sila ang demonyohin n'ya tungkol sa pagka-cutting?

"Oi mga tol, tara labas na tayo. Wala naman yata 'yung prof natin e."

Nagsunuran naman 'yung mga boys sa kanya, maliban lang kay Marqo na kanina pa nakaupo sa upuan n'ya at hindi man lang gumagalaw. Steady lang s'ya dun. 'Yun pala natutulog lang si Marqo. Napansin din s'ya ni Sundae.

"Oi tol."

Pasaway talaga 'tong si Sundae at ginising pa 'yung natutulog.

"Bakit?"

"Ano ngang pangalan mo?"

"Marqo, bakit pare?"

"Tara labas na tayo. Wala namang prof."

Sumingit naman ako.

"Hoy Sundae! 'Wag ka na ngang mandamay ng iba. Dinadamay mo pa itong si Marqo. Nananahimik 'yung tao e."

"Talaga itong si Eunice, kinakaibigan ko lang 'tong classmate natin e. At saka ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na Sundae, este Xandreii ang pangalan ko. Nahawa na tuloy ako sa 'yo."

"Nandedemonyo ka, hindi nakikipagkaibigan."

"Okay true. Ano Marqo?"

Makulit talaga 'tong si Sundae. Kakalbuhin ko 'to e.

"Sige tara." tapos umakbay si Sundae sa kanya.

Ngumiti lang sa 'kin si Sundae. Bwisit nanalo s'ya. Umupo na lang ako, nag-isip. Mukhang wala naman na talagang prof. Nagsisialisan na rin 'yung mga ibang classmate ko. Ako na lang ang maiiwan. Malabas na nga lang din.

Nasa'n na kaya 'yung mga boys na 'yun? Hmmm...malamang may klase pa 'yung si Dennisse at si Red. 'Pag block section daw kasi bihira lang magkaro'n ng mahabang vacant time. Okay naman din pala 'yung idea ni Sundae. E sa'n na kaya ako pupunta nito? Alam ko na hahanapin ko na lang sila Marqo.

"Oi classmate." nakita ko 'yung isa naming classmate na hindi ko pa alam ang pangalan.

"Bakit?"

"Nasa'n 'yung mga boys natin? Alam mo ba kung sa'n pumunta?"

"Sa gym yata e. Magbabasketball daw."

Pumunta naman ako sa...sa'n nga ba 'yung gym dito? Soccer field, volleyball court ah malamang malapit sa volleyball court. Nung nando'n na ako nakita ko 'yung mga classmate ko na naghihiyawan. Pwede ba 'yun dito? Pwede bang maglaro ng basketball sa kalagitnaan ng klase? Kunsabagay, madaming nakatambay dito sa gym. Baka pwede nga.

Nando'n din 'yung ibang classmate namin na girls. Nanonood sa mga boys, pero napansin ko lang 'yung taong nandemonyo sa buong klase e nakaupo lang sa bleachers.

"Bakit nakaupo ka lang?"

"Tamo lalabas ka rin pala e." tumingin s'ya sa mga naglalaro, "Ang galing n'ya, tingnan mo."

Nakita ko si Marqo, hawak 'yung bola at nagfade-away shot. Tapos nung na-shoot na at nasa kabilang team na 'yung bola, naagaaw n'ya agad 'yung bola at mabilis na tumakbo sa ring at nag-lay up. Magaling nga yata s'ya.

"E ikaw, bakit nandito ka lang?"

"Hindi ako naglalaro n'yan e."

"Hindi ka marunong magbasketball?"

"Nakakatawa ba? Hindi ako marunong e."

Weird, may mga lalaki palang hindi marunong maglaro ng basketball.

"Hindi naman ako natatawa, nagtatanong lang."

Tiningnan ko lang s'ya. Nakatingin pa rin s'ya do'n kay Marqo. Parang gusto naman n'yang maglaro. Hindi ba s'ya nakasubok maglaro nung highschool? Ay oo nga, hindi pala s'ya nag-highschool. E elementary? Hindi rin ba s'ya nag-elementary? Ngayon lang ako nakakilala ng ganitong tao. Pwede pala 'yun 'no, hindi ka mamomroblema sa homeworks at mga gawain sa school. Ipasa mo lang 'yung acceleration exam, college ka na. Pero hindi ba boring din 'yung gano'n?

"Ikaw, pare? Gusto mo bang maglaro?"

"Hindi na pareng Marqo, baka magkalat lang ako d'yan."

Close agad sila ha. Pare na tawagan nila.

Natapos 'yung game nila, nanalo 'yung team nila Marqo. Pawisan nga s'ya e. Itong si Sundae, nakatingin pa rin sa kina Marqo. Siguro gusto n'yang matutong magbasketball. I wonder kung gusto rin n'yang maging kasing-galing ni Marqo. Kasi si Marqo, ang galing maglaro. Marami s'yang points pero hindi s'ya madamot sa bola. Ipinapasa lang talaga palagi sa kanya 'yung bola kaya marami s'yang nagawang points. Siguro kung papasok s'ya sa varsity, makukuha s'ya. Parang si Leigh, magaling din sa basketball.

Pumunta na kami sa classroom para tingnan kung nando'n na 'yung teacher namin. Nando'n na rin 'yung iba naming classmates. Pero 'yung teacher namin, wala pa. Pasaway na mga teacher oh. Late na lang lagi. Makapunta na nga lang muna sa restroom. Pero iiwan ko muna 'tong bag ko sa room.

Nung nando'n na ako sa tapat ng restroom may nakita akong tao sa tapat nung kabilang restroom. Sa restroom ng mga boys. May nakatayo sa may pinto at parang may sinisilip. Lalaki rin 'yung taong sumisilip. Pero kilala ko 'to ah.

"Sundae!"

Nagulat yata s'ya sa 'kin.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Pupunta ng CR."


"Ng boys?"

"S'yempre dun sa kabila. E ikaw? Bakit nandyan ka sa tapat? Anong sinisilip mo d'yan?"

"Ha? Wala. Ano e...may gugulatin lang kasi ako."

Puro kalokohan na lang ang nasa isip nitong lalaking 'to. Pero bakit parang nag-aalangan s'ya sa sagot n'ya?

"Talaga? Sino naman?"

"Mag-CR ka na nga lang d'yan. 'Wag mo na akong istorbohin dito. Baka marinig pa tayo. Pumalpak pa ako sa panggugulat."

Kaya lang biglang may lumabas sa CR. Si Marqo!

"O pareng Marqo."

"O pare, nando'n na ba 'yung teacher sa room?"

"Wala pang teacher." sabi ko naman.

"Ano nga ulit name mo?"

Nakakainis naman. Sa haba...I mean 'di naman mahaba 'yung pinagsamahan namin. Hindi pa rin n'ya alam kung anong pangalan ko?

"S'ya si Eunice, classmate natin." sabi ulit ni Sundae.

"Ah okay. Sige mauna na 'ko sa room."

Hmmm...parang may something fishy na ginagawa itong si Sundae ah. Gugulatin n'ya si Marqo? Oo, maloko s'ya pero parang may iba akong nasesense. Sisilip ka pa ba kung manggugulat ka? Dapat hihintayin mo na lang lumabas, 'di ba?

"Hoy Sundae!"

"Ano?"

"May hinihintay ka pa ba dito?"


"Ah...wala na."

So hinihintay n'ya si Marqo na makalabas? Ibig sabihin si Marqo 'yung sinisilip n'ya sa loob. OMG! Itong Sundae, isa kaya s'yang...um! Ibig sabihin 'yung mga titig n'ya kanina nung naglalaro si Marqo, may ibang ibig sabihin? Naku, ano ba 'tong iniisip ko?

Umalis na s'ya pumunta ako ng CR. Humarap sa salamin. May nakita akong dumi sa mukha ko. Naku, nakakahiya naman. Humarap ako kay Marqo ng may dumi sa mukha. Ha? Mukhang madumi na 'yung necklace ko, matanggal nga muna. Lilinisin ko 'to sa bahay. Nilagay ko muna sa bulsa ko 'yung kwintas at bumalik na rin ako agad sa room. Halos sabay lang kami nung prof namin. Nilagay ko muna 'yung sa bag 'yung kwintas, baka kasi maihulog ko 'pag dumukot ako sa bulsa ko. Isang oras na diskusyunan lang naman ang ginawa namin. Buti na nga lang hindi s'ya nagpagawa ng kung anong homework. Pero sabi n'ya may quiz daw kami next meeting. At sa wakas isang maagang uwian nanaman.

"Ano guys, gala tayo mamaya!" nagsimula nanaman 'tong si Sundae. Puro bulakbol na lang yata ang alam nito ah.

"Pareng Marqo, gusto ko mamaya kasama ka ha?"






Natigilan ako sa narinig kong 'yun. Eunice tumigil ka na! Um!
ONGOING STORIES:
3. EVERY LITTLE THING...IS YOU
4. SILVER CROSS

FINISHED:
1. BURNT
2. ANGEL

seeyama

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 49
  • Karma: +2/-0
  • iloveyou :]
Re: SILVER CROSS/Story#4/Genre: Romance (Updated 02/22/2010, SC 8)
« Reply #28 on: February 23, 2010, 04:40:37 pm »
HAH.bading ba sya?nakuuu.
naglalaro rin ng basketball si leigh di ba?
anu yun.. sumapi kay marqo?SANA! hahaha :)
naman.. napaka imposible nun..haha
kelan po ulit update?
EL. EY. BEE. BEE. WAY. :)

 

Advertisement