NUEVE:
Pa'no mo ba nalalaman na mahal mo ang isang tao? Pa'no mo nalalamang siya ang dahilan ng mabilis na pagtibok ng musmos mong puso? Pa'no mo nalalamang masaya ka kapag kasama mo siya? Kapag nakikita mo siya? Pa'no mo nalalaman na gusto mo siyang makita? Na siya lang ang gusto mong makita? Pa'no mo nasasabing siya lang ang mamahalin mo sa ginawa mong forever? Pa'no mo nasasabing... siya, siya yun. At hindi, sana siya na lang. Pa'no mo nasasabing masaya ka? Na nagmamahal ka?
Paano nga ba magmahal ng isang tao?
Kung dati pa tinanong sa'kin yan, ang isasagot ko... isang malaking HINDI KO ALAM. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang sagot. Pero ngayon, siguro alam ko na.
Mahal mo ang isang tao kapag MAS mahal mo ang sarili mo.
Mas mahal mo ang sarili mo na kaya mo siyang hayaan pag gusto na niyang umalis. Bakit? Kasi nga mas mahal mo ang sarili mo. Kung mas mahal mo siya, edi malamang...hindi mo siya pakakawalan, tama ba ko?
...
"Sean..." Napatitig ako sa mga mata niya. Pero wala akong mabasa.
*thunder*
"Ay pambihira!" Napatalon si Yuka sa gulat. "Wee. Salamat kwago! Hmm~" Sabi niya pagkatapos abutin yung coffee saka amuyin. "Ay ang sarap ng buhay..."
Nakatingin ako sa kanya habang marahang pinapagpag yung jacket at buhok ko. At malayang nakikisabay ang makukulit na tibok ng puso ko.
"Sshh.."
"M-may sinasabi ka?"
Napailing ako. Hindi ko alam kung pa'no sasagot ng matino.
Wag kasi kayong maingay. Pambihira.
"Ay kabayo! Hala. Nakalimutan ko magpabili para kay Julia! Nakoo namaaaan! Tsk. Teka, bili mo naman-"
"Ano, ok lang Yuka. Mamaya na lang pagkatapos ng recollection. Hindi naman ako masyadong nilalamig eh. Kaya ko pa. Saka..."
"Hindi ka umiinom ng kape, tama ba?"
Pa'no niya nalamang hindi ako umiinom ng kape? Si Ahyan pa lang--
"Aish. Teka Yuka. Nakalimutan kong tawagan si Ahyan. Nakoo. Teka..." Hindi ko na na sagot yung tanong niya, nataranta naman ako. Nawala sa isip ko na tatawagan ko nga pala si Ahyan. Pambihira. Masama na 'to, Julia.
Lumayo ako ng kaunti sa walk na tama lang para marinig ko kung ano yung pinag-uusapan nilang dalawa. Pero hindi ko rin naman maintindihan kasi nga kausap ko--
"Hey! 'been terribly worried about you! Nasa school ka na?? Safe?? You have your jacket with you, right?" Napangiti ako agad sa bungad niya. Sweet, as always.
"Relax. I'm fine. And I'm sorry. Medyo natagalan kasi masyadong malakas yung ulan. Pero I'm fine. Kasama ko na sina Yuka. Papunta narin kami sa auditorium. Hmm, two hours lang naman siguro yun beb."
"I see. Then, ok. I'll pick you up na lang...yun ba pwede na?"
"Hmm, sure! Tapos, lets go somewhere. Pwede?"
"With this weather, beb?" Hmm, oo nga pala.
"Ay, oo pala. Sige, next time na lang. Hehe, sorry."
"Hmm, would like to go and visit mom? Sabi niya kasi, gusto ka niya ulit makita. We can stay at home habang pinapatila yung ulan. Sabihin ko na lang kina Tito. Ok ba?"
"Really?? OK! OK! ILY!" Hindi naman pansin na tuwang-tuwa ako, db? Kasi naman, makikita ko ulit sina Tita Eireen. Pati yung makulit na kapatid ni Ahyan. Wee, gumaan naman yun pakiramdam ko.
"Good. And Eira says she misses you, too." Kahit nasa phone, alam kong nakangiti siya. God, I love talking to him like this...like we used to.
"Oh. Is she in? Can I talk to her??"
"Yeah, sure love. Wait lang. Eira! Come here, sweetie. Ate Julia's on the phone! She wants to talk to you! Beb?" At excited akong makausap si Eira, promise. She's sweet, like her brother.
"Yepyepp??"
"I love you." Jeez. Giniginaw na ko sa lamig, plus kilig.
"More. I love you more, beb."
"Ne Ate Julia! I missed you! When are you coming home?? Mikah misses you, too!" By coming home, she means visiting. And Mikah yung name ng princess doll niya. We used to play with her, too.
"Aw, Eira! Ate missed you, too! And don't worry, I'll be there in a couple of hours, m'kay?" From the other end of the line, I can see her nodding.
"Oki! Oki! I'll be waiting for you, then! Love you!"
"Love Eira! Hmm, and would you do something for ate, then?"
"Anything." Napangiti ako.
"Tell your kuya how much I love him, ok?" Hindi ko na siya narinig magsalita pero I bet, she nodded. Then...
"Kuya! Ate Julia loves you sooooooooooooooooo much! Don't you dare leave her, huh? Or else, I'll be mad at you."
"Got it, angel. I love her just as much."
Hindi kaya masayado na kong nagiging masaya nito? Bakit parang pakiramdam ko, may nakatingin sa'kin?
"Ehem."
Paglingon ko, nakatayo siya sa harap ko. With a blank face. Tapos, wala na. Nawala na lahat ng ngiti sa mukha ko.
"Ate? Ate Julia?"
"Uh hey, sweetie. Ate's still here." Sagot ko kay Eira habang nakaharap kay Sean. Am I being unfair? "Can I talk to your kuya n-- hmmpf."
Hinalikan niya ko.
...to be continued.