SIETE:
Mabait siya pero may mga panahong hindi ko talaga nagugustuhan kung ano yung lumalabas sa bibig niya. Hindi ko alam. Siguro kasi, akala niya lahat ng tao ka-brad niya.
"Ano yun, pre? Ulitin mo nga yung sinabi mo?" Bumitaw si Ahyan sa pagyakap sa'kin. Hinatak niya ko sa likod niya habang hawak niya yung kamay ko. Maniwala man kayo o hindi, sa kamay naming dalawa ako nakatingin. Halos hindi ko na nga narinig kung ano yung sinabi niya, kung hindi lang sinabi ng utak ko na pangit yun...wala talaga akong pakialam. Parang bata, oo na.
"Bingi ka ba talaga? Oh gusto mo lang na pinauulit-ulit ko pa? Ang sabi ko, siraulo ka."
"Sean." Kung titingnan kami ngayon, para kaming dalawang couple na nag-aaway. Si Yuka, nakakapit sa braso ni Sean. Natatakot yung itsura niya. Napatingin ako sa kamay niyang nakakapit sa braso ni Sean, nanginginig. Pero kita kong may kung ano sa hawak niyang yun. Bakit hindi ko napansin? Bagay pala sila.
Siraulo ka.
Bakit? Ano bang problema? Bakit ang gulo-gulo na? Gusto ko lang naman bumalik sa kanya...gusto ko lang naman siya mahalin ulit. Ano bang problema dun?
"Hindi ako yun. Ikaw." Mas lalo niyang hinigpitan yung hawak sa kamay ko. "Andito lang ako beb." Ginagawa niya kong bata...pero hindi ako narereklamo. Yun ang nagustuhan ko sa kanya.
"I'm not scared." Ngumiti ako kahit alam kong may mali. Bakit niya sinabihan ng ganun si Ahyan?
"Hindi ako ang sira ang ulo sa'ting dalawa. At alam mong ikaw yun...ano? Nagsawa na ba sa'yo yung babae mo? Ha? Tapos ngayon babalik ka kay Julia? !@#$ pare, hindi siya laruan!"
"Hindi ko siya ginagawang laruan. Do you really get what you're saying? Wala akong babae. They...they set me up. She set me up. Gawa-gawa niya lang lahat yun. Yung text messages. Lahat! Nilayo niya sa'kin si Julia! All those times, siya lang ang minahal ko... Si Julia lang."
"Wala akong pakialam kung gawa-gawa niya lang yun! Kung mahal mo talaga siya, napigilan mong masaktan siya. !@#$. Alam mo ba kung ga'no siya nasaktan nang malaman niya yun? Ha? Asan ka nung tumawag siya sa'king umiiyak? Asan ka nung ang sakit-sakit marinig yung iyak niya? ASAN KA?! Pucha pare, hindi pagmamahal tawag dyan..."
At ngayon ko lang napansin na lahat ng tao nakatingin sa'min. Yung iba, nagbubulungan. Nakakahiya.
"Seth...tama na. Pabayaan mo na siya..." Ready na kong umalis at hayaan na lang siya. Pero hindi ko napigilan nang magsalita ulit siya...
"Ano Julia? Pagkatapos ng lahat nang yun, ganun-ganun na lang?! Babalik ka na lang ulit sa kanya? Ha? Ganun ba? Kakalimutan mo kung ano yung ginawa niya sa'yo? Ganun ka ba ka-desperada?"
Bumitaw ako sa hawak ni Ahyan. Five seconds after, nasa harap na ko ni Sean.
PAK!
"Wala kang alam. Kung magsalita ka, akala mo alam mo lahat...ni isa wala kang alam. Kaya wag na wag mo kong sasabihan ng ganun. Nagmahal ka na ba Sean? Naranasan mo na ba kung pa'no masaktan? Kung hindi pa, you can shut your mouth. Akala ko, maiintindihan mo kung ano yung nararamdaman ko...hindi pala. Bakit hindi ka na lang maging masaya para sa'kin? And I'm sorry for calling you that time. Akala ko maiintindihan mo. Sorry. Pero isang masakit na salita pa na galing sa'yo, kalimutan mo na na nakilala mo ko. Pagod na ko sa'yo Sean."
"Julia... I..."
"Sorry. Yuka. Samahan mo na lang siya ngayon. Aalis na kami ni Ahyan. Tawagan na lang kita mamaya. Ingat..."
With that, tumalikod na ko pabalik kay Ahyan. Hindi ko na siya tiningnan pagkatapos nun. Hinawakan ni Ahyan yung kamay ko. Nagsimula na kaming maglakad papalayo sa kanila...sa kanya.
"I'm sorry. G-gusto kita Julia. Gusto kita."
Nagmukha ba kong tanga? Gusto kong bumalik kay Ahyan pero nung marinig ko yun, natigilan ako. Bakit?