TWO.
“Chix mo mukha mo. Tsk. Sige na, *sniff* mag… mag-aral ka na dun! *sniff* Galingan mo!” Hindi ko na tinanong kung ano ibig-sabihin ng comment niya na yun, maglolokohan lang naman ulit kami, panigurado. Tssk.
“Eh ikaw, ‘wag ka nang iiyak! Kukurutin kita, tsk. Ehh… makakapag-aral ka ba naman niyan?” Tinatanong niya talaga yun sa’kin no? Imba.
“*sniff* Aba’t…! Oo! Papasa ako. Pramiss. Hindi pa naman end of the world nu, grabe siya. *sniff* Ha ha. *sniff* Sige naaaaa~ ibababa ko na ‘to. Mag-aral na tayo.” Makikita ni Ahyan… Papasa ko sa exams kahit ganun ginawa niya sa’kin. Siya na makapal ang mukha!
“Oo sigee, ayusin mo yang mukha mo ah! Tsk tsk, pag nakita kong namamaga yang mata mo bukas, nakoo... Hindi dapat iniiyakan ang mga ganyang lalaki, pumapangit ka lang. Ang cute mo pa naman. Ohsiyabbyegoodluck!”
*toot toot toot*
“Go-goodluck din. *sniff*”
Ano daw sabi niya? Tama ba yung narinig ko??
Kinabukasan, 1pm start ng prelims. Masyado na ata akong prepared kasi halos tatlong araw ko nang pinag-aaralan yung first major exam. At pag ako bumagsak pa dun, ewan ko na sa sarili ko. Magsshift na ko. Sorry Mama, Papa.
Umalis ako sa apartment ng 12noon para saktong 1pm eh nasa school na ko. Room 102. Room assignment para sa Calculus. Calculus ang first major exam. Calculus ang pinag-aralan ko ng halos tatlong araw, ano kaya gagawin ko sa sarili ko pag bumagsak ako? Hmm~
Pagliko ko pa lang papunta sa room 102, ang dami ng studyante sa hallway. Nakatambay, nag-aantay na matapos yung mga naunang naka-schedule. At siyempre, maingay pa sila niyan. Akala mo nag-aaral, pero ‘wag ka… pag dumaan ka sa harap nila, inuman na agad pinag-uusapan. Pampalubag-loob daw kapag nahirapan sa Calculus. Hindi pa nga nagsisimula enu? Ganyan sila mag-isip, masyadong advanced.
“Uhh, excuse me…”
“Julia!” Narinig kong may tumatawag sa’kin. Masyadong madaming tao sa hallway kaya hindi ko alam kung saan lilingon.
“Hoy! Dito! Bakit ka ba kasi nakatungo dyan?” Bigla na lang may sumulpot sa kaliwa ko, si Yuka pala. One-fourth Jap, three-fourths Filipino. Close friend ko mula nung mag-college ako.
“Oh? Eh anong drama mo? Bakit namamaga yang mata mo?! Umiyak ka ba?”
“Obvious ba Yuka? Ssh. Wag ka ngang maingay dyan. Tsk. Andami namang tao. Ang init.” Tumayo lang kami ni Yuka sa tapat ng room. Nag-aantay din matapos yung naunang naka-schedule. Nilugay ko yung buhok ko para hindi naman masyadong halatang namamaga yung mata ko saka ako tumungo.
Functions… Limits… Continuity… Ano pa ba yun?
Tsk tsk, pag nakita kong namamaga yang mata mo bukas, nakoo... Hindi dapat iniiyakan ang mga ganyang lalaki, pumapangit ka lang. Ang cute mo pa naman.
*poke*
“Aray naman Yuka! Bakit ba ang brutal mo? Kita nang may…”
“May ano? Hihi. Hi!” Ay pusang kinalbo.
“Hoy Sean! Dun kaaaa~ dun ka sa malayo! Pati ako nadadamay sa kalandian mo eh. Chupii!” Sabi ni Yuka habang tinutulak palayo si Sean. Eh ang kumag naman, nakangisi lang.
“Well, goodluck din sa’yo Yuka! Ang bait mo talaga enu? Hahaha.” Hobby nila yan, mag-asaran sa harap ko. Minsan nga pakiramdam ko naviviolate na yung tenga ko eh. Para silang aso’t pusa. Pero siyempre, asar talo si Yuka. Babae eh.
“Chii! Tantanan mo nga kami kwago. Dun ka sa puno! Dun ka bagay! Alis!” Parang nung isang araw niya pa sinasabi yan ah? Hmm~ wala na bang bago? Tsk. Napailing na lang ako saka tumungo ulit. Hay buti na lang hindi niya napansin. Lalayo na sana ko sa kanilang dalawa nang hawakan ni Sean yung braso ko.
“Sungit natin ngayon ah? Hm… kaya pala. Sabi ko sa’yo ‘wag kang iiyak eh…” Ayun na nga, kasasabi ko lang na hindi niya napansin, napansin naman niya. Tsk, imba.
Nakatungo lang ako habang nakaharap sa kanya. Nag-iisip. Hindi naman kami close pero kung makahatak siya ng braso akala mo childhood friends kami. Bakit ba ganito ‘to? May sakit ba ‘to?
“Ano daw Julia?? May sinasabi ka kwago?”
“Julia…”
“Hm? May sasabihin ka pa? Pustahan pa tayo Sean, papasa ako dito. Ha ha.”
*ding dong*
“Oh, tayo na pala. Goodluck! Tara na Yuka! Dun tayo sa tapat ng aircon pumwesto. Dalii.” Nginitian ko si Sean saka unti-unting hinatak pabalik yung braso ko. Nung nakuha ko na yung braso ko, tumalikod na ko saka naman lumitaw si Yuka.
“Wag masyadong pilitin Julia, hindi bagay sa’yo.”
Nakatalikod na kami sa kanya nang sabihin niya yun. Napangiti na lang ako. May sakit nga ‘to.
“Ano daw sabi ni kwago?? Hoy, hindi mo pa pala kinukwento kung ano nangyari dyan sa mata mo. Ikwento mo mamaya ah?? Tsk.”
Tumango lang ako kay Yuka. Saka huminto sa may pinto. Alam kong nasa likod lang namin siya.
“Taba ng utak mo Sean, ang dami mong alam.”