Teentalk

Author Topic: One shot short stories by Alyloony  (Read 107 times)

alyloony

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 612
  • Karma: +45/-5
  • Harry Potter will remain in our hearts forever.♥
    • My stories
One shot short stories by Alyloony
« on: January 20, 2012, 09:19:01 am »
Some Jokes are Half Meant
By alyloony
 



"mahal kita..."


Madalas niyang sabihin saakin ang mga salitang yan. Walang araw na hindi ko maririnig ang mga katagang yun galing sa kanya. Nung una naiinis ako kada maririnig ko yun pero habang tumatagal, parang hindi na kumpleto ang araw ko pag hindi niya ako sinabihan niyan.

Kaya lang laging may kadugtong na "..joke lang" sabay tawa ng malakas.


Syempre masakit. Kung pwede nga lang alisin na niya yung 'joke lang' eh. Kaya naman hindi ko sineseryoso yung sinasabi niya. Kasi nga alam kong nanti-trip lang siya.

Pero nagbago ang lahat ng yun nung tinuro niya saakin ang sinasabi nilang,


 

"some jokes are half meant"


 


 

Hindi ko makakalimutan nung unang beses na pinagtagpo kami ng tadhana. Third year highschool pa lang kami nun, first day of classes. Habang papunta ako sa classroom namin, nakarinig ako ng malakas na tawanan ng mga lalaki na nanggagaling sa corridor na dadaanan ko.


"psst miss!" sabi nung isang lalaki doon sa babaeng padaan sa harapan nila "ang ganda mo naman!"


"oo nga!" dagdag pa nung isa "pakasal tayo gusto mo?"

Inirapan lang sila nung babae at nagsimula ng maglakad papalayo. Napailing na lang ako. Mukhang wala atang matinong magawa ang mga lalaking to. Nakaharang pa sa dadaanan ko.

Dahil wala akong choice kundi dumaan sa harapan nila, yumuko na lang ako at dire-diretsong naglakad ng hindi sila nililingon. Kaso nagulat naman ako ng pagdaan ko sa harap nila, tahimik silang lahat, pero ramdam kong sinusundan nila ako ng tingin. Nang makalagpas ako, nagulat ako ng sumigaw yung isa nilang kasama.

"miss na may color pink na bag!"

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa bag na hawak ko. Color pink. Nilingon ko yung lalaking tumawag saakin and nakita kong nakatingin siya saakin ng seryosong seryoso.

"uhmm m-may sasabihin sana ako sayo" sabi niya saakin ng may seryosong tono ng boses at mukhang nahihiya.

"ano yun?" tanong ko sa kanya.

"k-kasi, ano, mahal kita" sabi niya ng seryosong seryoso.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at parang nabingi ata ako sa narinig ko. Ano daw ulit sabi niya? Mahal niya ko? Totoo ba to? May lalaking nagtatapat saakin ngayon, dito sa maingay at puno ng estudyante na corridor sa iskwelahan namin?

Ano ang dapat kong i-react?


Tinignan ko lang siya ng seryoso nun dahil parang umurong ang dila ko. Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa kanya.

Nabigla naman ako ng bigla siyang ngumiti ng nakakaloko sabay sabi ng mga salitang "de, joke lang" at biglang tawa ng malakas na akala mo eh wala ng bukas kung makatawa. Sinabayan pa ng mga kabarkada niya ang pagtawa niya.

Narinig ko pa ngang sinabi nung isa "nice one pare!"

Tinalikuran ko sila at nag lakad na papunta sa room namin.


Ayun ang araw na sinumpa ko ang pangalang Arashi Umali. Ang kauna-unahang lalaking pinagsigawan na mahal niya ko sa harap ng madaming estudyante sa corridor ng school namin. Yun nga lang may pahabol na 'joke lang' sa dulo.

At kung mamalasin ka nga naman, kaklase ko pa pala siya. Pero dahil nga sa nangyari sa corridor, hindi ko siya pinapansin at hindi rin naman niya ako kinakausap in return.


 


Dalawang buwan na ang nakakalipas matapos start ng classes. English subject namin nun at may pinapakabisado saaming piece para sa speech. Nakaupo ako sa assigned seat ko habang binabasa ko yung piece. Kabisado ko na naman siya pero binabasa ko parin para wala na talaga akong makalimutan pag turn ko ng mag recite. Naramdaman ko namang may nag occupy ng seat sa katabi ko.


"hi! Kabisado mo na?"

Napatingin ako sa katabi ko at imbis na yung seatmate ko ang makita ko, si Arashi Umali ang naka occupy dun sa upuan.

"oo" sagot ko sa kanya sabay balik ng paningin doon sa piece na binabasa ko.

"wow! Ang galing mo naman!" sabi niya saakin "sige nga i-recite mo sa harap ko"

"mamaya na lang, pakinggan mo ko" sabi ko sa kanya ng hindi parin nakatinggin

"ganun? Ay ano nga pala pangalan mo? Dalawang buwan na tayo magkaklase pero hindi parin kita kilala."

"Kierstine. Kierstine Jade Gonzales."


"ako naman si Arashi Umali. Pero Rj na lang itawag mo saakin"

RJ? Ang layo naman ata ng Rj sa Arashi? But, oh well, walang pakialamanan ng nickname. Hindi ko na siya pinansin ulit at tinuloy ko na ang pagbabasa. Besides hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niya saaking pantitrip dati.

Dumating na ang teacher namin kaya naman bumalik narin siya sa proper seat niya. Nagsimula ng magtawag ng mga estudyante para isa isang mag recite sa harap hanggang sa dumating ang turn ko. Matapos kong i-deliver ang speech ko, nagpalakpakan ang mga classmates ko.

Kaso mukhang may nanti-trip na naman saakin.

Sa dulo ng classroom, sumigaw si Arashi este Rj Umali ng "ang galing mo talaga Kiers! Kaya mahal na mahal kita eh! Ay hindi, joke lang!" sabay tawa ng malakas. Pati ang mga kaklase ko nagtatawanan din dahil sa kanya.

Pulang pula akong bumalik sa upuan ko habang binubulong sa sarili na 'wala talagang matinong magawa ang isang yan!'


 


Araw-araw ganoon ang ginagawa niya. Sinasabihan niya ako na mahal niya ako tapos biglang idudugtong ang mga salitang "..joke lang." Lagi kaming inaasar ng mga kaklase ko pati narin ang mga teachers. Naging 'loveteam' of the year pa nga kami eh. Syempre asar na asar ako dahil alam kong nag eenjoy siya sa pang t-trip saakin.

Isang araw nag usap usap ang klase namin about sa field trip namin na gagawin kinabukasan. Binigyan kami ng adviser namin ng mga rules and regulations habang nasa trip kami. Bigla namang sumingit si Rj


"ma'am may tatanong po ako"

"what is it Mr. Umali?" tanong nung teacher sa kanya.

"kasama po ba sa field trip si Kierstine?"


Napayuko naman ako habang naririnig ang mga pangaasar ng mga kaklase ko. Nakita ko pang napangiti ang adviser namin sa tanong niya.

"yes, kasama siya" sagot ng adviser namin sa kanya "bakit mo naman naitanong?"

"wala naman po ma'am. Kung pwede lang kasi gusto kong palaging kasama si Kiers, dahil masaya ako pag nandito siya sa tabi ko."


Mas lalong lumakas ang hiyawan at asaran ng mga kaklase ko. Ako naman pulang pula na dito. Nakisali pa yung adviser namin. Mukhang pati ang mga kaklase ko nakikisali na sa panti-trip saakin.

Dumating ang araw ng field trip namin. Sa tagaytay kami nagpunta. Syempre nag tour kami around the city. Mga bandang tanghali nung pumunta kami sa picnic groove para kumain ng lunch. Pero grabe pala sa tagaytay, kahit tanghali malamig gawa ng hangin. Hindi pa naman ako nakapagdala ng jacket.


Nung matapos ako kumain ng lunch, naupo naman ako sa isang banda doon habang tinitignan ang ganda ng paligid. Nagulat ako ng biglang may nag lagay ng jacket sa balikat ko. Pagtingin ko si RJ.

"malamig, baka sipunin ka" nginitian lang niya ako sabay alis.

Nakita ko siyang bumalik doon sa mga kaklase namin then kumuha ng guitar at nagsimulang kantahin ang I'll Be ni Edwin McCain. Pinanuod ko siya habang kumakanta ng biglang..

Dugdug dugdug dugdug.

Napahawak ako sa chest ko at nagtaka sa naramdaman ko. Hinikpitan ko ang hawak doon sa jacket ni Rj dahil parang nanlamig ako bigla habang pinapanuod ko siyang kumanta. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at pinagsawalang bahala yung nararamdaman ko nung mga panahon na yun.


Nung matapos ang fieldtrip namin, kinantyawan si Rj ng mga kaklase ko na ihatid ako sa bahay pauwi.


"halika Kiers, ihahatid na kita. . . . . .dito sa puso ko" sabi niya saakin ng may nakakalokong ngiti.


Mas lalo pang nagkantyawan ang mga kaklase ko sa banat niya kaya in the end wala na kong nagawa kundi magpahatid sa kanya, sa bahay hindi sa puso niya.


 


Malay ko bang nung mga panahon nayun na papunta narin pala ako sa puso niya.


 


Dumating ulit ang pasukan. Ganoon parin siya, araw araw akong sinasabihan na mahal niya ako tapos biglang may kadugtong na 'joke lang.' Isama mo pa yung mga mala-kesong mga banat niya saakin.

Isang beses hindi siya nakapasok sa iskwelahan kaya naman walang nanti-trip saakin. Wala ring nagsasabi ng "mahal kita.. di, joke lang" sabay tatawa ng malakas. Akala ko magiging masaya ang araw nayun dahil panandaliang matatahimik ang buhay ko. Pero mali. Hindi ko alam na nakakabingi at nakakalungkot pala ang sobrang katahimikan. Hinanap hanap ko yung taong nagiingay sa buhay ko. Pag wala pala siya parang hindi kumpleto ang araw ko. Kinabukasan naman pumasok ulit siya. Nagka LBM daw siya kaya hindi siya nakapasok. As usual inasar na naman niya ako at sinabihan ng kanyang famous line na "mahal kita.. di, joke lang." Pero nung mga panahon na yun parang ang saya saya ko ulit. Doon ko lang nalaman ang totoo kong nararamdaman. Kaya naman gabi-gabi akong nagdadasal na sana, tanggalin na niya ang salitang 'joke lang' pag sinasabihan niya akong 'mahal kita'

Kaso hindi. Sa araw araw na ginawa ng diyos, hindi na maalis alis ang salitang 'joke lang' sa dulo ng 'mahal kita.' Siguro dahil pinag ti-tripan lang talaga niya ko. Pero grabe ng biro ang ginagawa niya, dahil natuluyan na ko. Natuluyan nang mahulos sa kanya


 


February 13. Isang araw bago ang Valentines Day, may isang lalaking nagtapat saakin na gusto niya ako at tinanong ako kung pwede daw ba siyang manligaw saakin. Hindi siya si Rj, kundi ang pinsan niyang si Mike. Para ngang nakakapang asar kasi sa harap pa talaga ni Rj siya nagtapat saakin. Inabutan niya ako ng isang box ng chocolates sabay sabing "matagal na kitang gusto, pwede ba kitang ligawan?"

Ang reaction ni Rj

"aba aba popormahan mo ang labs ko pinsan? Pero dahil pinsan kita ipagkakatiwala ko sayo ang labs ko! Wag mong paiiyakin yan ha! Mahal ko yan! Hahaha! Hindi, joke lang"


Tawa siya ng tawa habang inaasar niya kaming dalawa ni Mike. Syempre nasaktan ako ng mga panahon na yun. Dun ko napatunayan na laro-laro lang pala yung saaming dalawa. Hindi niya ako totoong mahal, sadyang napagtripan lang asarin. Masakit. Sobra.

Pinayagan kong manligaw saakin si Mike. Siguro kailangan ko ng bigyan ng chance ang taong seryoso saakin. Mahal ko nga si Rj, pero kung laro lang naman ako para sa kanya, ano pang use para mahalin ko siya?

Pero kahit na nanliligaw saakin ang pinsan niya, patuloy parin niya akong sinasabihan ng "mahal kita.. di, joke lang." Kada sasabihin niya yun, nasasaktan ako. Kaya naman isang araw hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko siya.

"pwede ba tigilan mo na nga yan! Akala mo ba natutuwa ako kada sasabihan mo ko niyan?! Sinasabi ko sayo, hindi ka na nakakatuwa!!"

Matapos kong sabihin yun, nag walk-out ako at dumiretso sa girl's restroom at doon nagiiyak.

"bwisit na joke na yan, mamatay na ang nagpauso.." sabi ko sa sarili ko habang umiiyak.

Matapos ang araw na yun, hindi na ko ulit kinausap ni Rj. Nalungkot ako nun. Nakakamiss siya, sobra. Parang mas preferred kong asarin na lang niya ako kesa hindi niya ko totally pansinin. Halatang iniiwasan niya rin ako.

Pero naisip ko, mas ok narin siguro to. Mahirap na baka lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.




Isang buwan ang nakalipas ng hindi namin pagpapansinan ni Rj. Isang buwan at kalahati naman na nanliligaw saakin si Mike. Nung mga oras na yun nakapag desisyon na ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Tinext ko si Mike na mag meet kami dahil may mahalaga  akong sasabihin sa kanya.

Nauna siya sa meeting place namin. Nung makita ko siya, huminga ako ng malalim.

'kaya ko to!' sabi ko sa sarili ko.

Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na sa kanya lahat ng dapat kong sabihin. Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib matapos kong sabihin lahat ng yun. Alam ko, hindi ako nagkamali ng desisyon.

Naunang umalis si Mike dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin. Ako naman nagpaiwan muna dahil gusto kong magisip isip.

'Sana talaga hindi ko pagsisihan itong desisyon ko' nasabi ko sa sarili ko 'Pero kahit na, nagawa ko na eh. Bahala na kung masaktan ako pero wala ng urungan ito'




Nagulat naman ako ng biglang may sumigaw ng pangalan ko




"Kierstine Jade Gonzales!!"


Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Rj na nakatayo habang pawis na pawis.

"Rj?"

"Mukhang huli na ata ako" sabi niya saakin ng may malungkot na expression "pero kailangan ko ng sabihin sayo to, dahil pag hindi, kahit kalian hindi ko na ulit to masasabi sayo. Dati pa kitang kilala kahit hindi pa tayo magkaklase. Nung unang beses na nakita kita, na cute-an ako sayo kaya naman tinanong ko sa kabarkada ko kung ano ang pangalan mo. Kierstine. Hindi lang pala ikaw ang cute pati din ang pangalan mo. Isang beses ni-required akong manuod ng quiz bee dahil nag vandal ako sa armchair ko. Nung una bored na bored talaga ko. Sino ba namang hindi ma bo-bored sa panunuod ng mga estudyanteng nagpapatalinuhan di ba? Kaso nabuhay ang dugo ko nung makita kitang umakyat sa stage. Kada right answer mo napapapalakpak ako. Kada naman may mali kang naisasagot napapasigaw ako ng 'ok lang yan!' Ang saya saya ko nung nanalo ka. Sa English quiz bee pa! eh pinaka ayaw ko na atang subject ang English. Tapos ayun, isang beses nakita ko sa bulletin board na nag champion ka rin pala sa art contest. Nakapost pa nga yung drawing mo dun eh. Naisip ko ang dami mo namang masyadong talent. Ang hirap mong abutin. Kaya nakontento na lang ako sa pagtingin sayo sa malayo." Nagulat ako sa mga sinasabi niya at lahat ng iyon ayaw mag sink-in sa utak ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya pinili ko na lang na manahimik at makinig sa kanya. "Kaso hindi ko inaasahan na pagdating ng third year natin naging magkaklase tayo" pagpapatuloy niya "Ang saya ko nun. Inabangan ka namin ng mga kabarkada ko sa may corridors nung first day ng pasukan. Alam din kasi nila na may gusto ako sayo. Nung makita ka namin na parating, binulungan ako ng kaibigan ko. Sabi niya magtapat na daw ako sayo. Ginawa ko nga, kaso nadugtungan ko naman ng '..joke lang' yung sinabi ko. Kinabahan kasi ako nun na baka ireject mo ko. Kumpara kasi sayo sino ba naman ako? Isang troublemaker at sakit sa ulo ng mga teachers. Sabi ko sa kabarkada ko mukhang wala na kong pag-asa sayo. Sa galing at talino mo paano mo pa ko mapapansin. Sabi naman niya magpapansin na lang daw ako sayo gamit ang bagay kung saan ako magaling. Eh sa kalokohan lang naman ako magaling eh. Kaya ayun, nagpapansin ako sayo gamit ang kalokohang taglay ko. Lagi kitang sinasabihan ng 'mahal kita, di joke lang' sa pagaakalang alam mo yung sinasabi nilang some jokes are half meant. Hindi pala." Napakamot naman siya sa ulo niya at mukhang nahihiya. "Yun nga lang isang araw nagalit ka na saakin, siguro dahil akala mo pinag t-tripan kita kaya itinigil ko na. Pasensya ka na sa mga ginawa ko ha? Pero nung time na nagtapat sayo ang pinsan ko, nasaktan ako nun. Sa harap ko pa kasi. Lalo na nung pumayag ka pa. At malamang ngayon, kayo na. Alam kong masyadong huli na kung sasabihin ko sayo to, pero kailangan. Walang halong biro, mahal kita."


 


Katulad nung unang beses niyang sinabi ang mga katagang yan, pareho din ang nararamdaman ko ngayon. Para akong nabibingi at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact. Hinihintay ko na sabihin niyang joke lang lahat ng sinabi niya pero wala. Hindi niya binawi. Katulad ko nakatayo lang din siya at nakatitig saakin.

Lumapit ako sa kanya. "bat ngayon mo lang sinabi lahat ng yan? Alam mo bang huli ka na? may boyfriend na ako. Dapat dati mo pa sinabi saakin yan!!" galit kong sabi sa kanya.

Napayuko siya "k-kayo na ni Mike?" tanong niya saakin


"oo" sagot ko

Tinignan niya ulit ako "g-ganon ba? C-congrats" sabi niya ng may malungkot na tono.





Nginitian ko siya sabay sabing "joke lang"

Nagliwanag naman bigla ang mukha niya "i-ibig mong sabihin..?"

"hindi ko sinagot si Mike. Sabi ko kasi may mahal akong iba, kaya lang lagi akong pinag ti-tripan nung taong yun. Nagalit na nga ako sa kanya eh kasi laging may kadugtong na 'joke lang' pag sinasabihan niya kong 'mahal kita.' Malay ko ba dun sa sinasabi nilang jokes are half meant. Pero ngayon oras na para makaganti ako sa taong yun" tinitigan ko siya sa mata "mahal din kita, walang biro"


 


 


The End.
"Harry Potter series. 1997-2011 .. 14 years of magic... 7 books, 8 movies.. and a billions of childhoods. thanks Jo for this wonderful novel!.♥"


alyloony

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 612
  • Karma: +45/-5
  • Harry Potter will remain in our hearts forever.♥
    • My stories
Re: One shot short stories by Alyloony
« Reply #1 on: January 20, 2012, 09:25:02 am »

Gitara
By alyloony

(part 1)



♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
“To my dearest Ideshiie,
 
You are the sweetest of all the sweets, and the most beautiful Goddess I’ve ever seen. Your smile is like a rainbow after the rain
 
Love, Superman”
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
               
 

Inilapag ng parekoy na si Enzo yung letter na kasama nung isang box ng ferrero chocolate then kumuha siya ng isa nito at kinain
 

“parekoy Ides, smile ka nga, tignan natin kung parang rainbow after the rain talaga yang ngiti mo”
 
Hinampas ko siya “parekoy naman eh! Nangaasar ka ba?!”
 
“hindi naman. Masyado lang akong na-sweetan sa secret admirer mong si Superman”
 
“ay naku eto ang mas sweet!” inabot ko sa kanya yung napaka tamis na letter ng isa sa mga secret admirer ko. Kinuha naman niya ito at binasa
 
 
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
“Dear Ideshiie
 
Hi
 
Love Pedro”
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
 
 
Bigla na lang humagalpak ng tawa si Enzo “hahahahahaha grabe parekoy! Ano ba naman tong mga manliligaw mo parang naka hithit ng muriatic acid. Mukhang mga high eh!”
 
 
Hinampas ko ulit siya sa braso “eh atleast sila dumadamoves! Eh ikaw?! Sino ba kasi ang nagugustuhan mo ha? pormahan mo na kaya!”
 
He just smiled at me then kinuha ang gitara niya at nagstart mag strum
 
 
 
 
Ayan ang parekoy-slash-best friend kong si Enzo. Matalino, mabait at gwapo pero no girl friend since birth. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Kung tutuusin madami nagkakagusto sa kanya pero iniisnob niya lang. Minsan naghihinala ako na baka parehong lalaki ang hanap namin.
 
“eh ikaw naman parekoy? May balak ka na bang sagutin sa mga high mong suitors?”
 
“wala” sagot ko sa kanya
 
“bakit naman?”
 
I just smiled at him at tumingin sa langit.
 
 
I’m Ideshiie. Fourth year high school student. Sabi ng iba ako na ang heartthrob queen sa school na to dahil sa dami ng admirers at suitors ko.
 
Sabi naman ni Enzo, ako yung batang siga pero iyakin na parekoy niya.
 
Simpleng tao lang ako pero hindi ko alam kung bakit parang magnet ako sa mga lalaki. Yun nga lang sa dinami dami nila, wala ni-isa sa kanila ang napamahal talaga ko. Bukod sa yung iba eh ayaw naman magpakilala saakin at pinupuno lang ng sulat ang locker ko, yung iba naman nagustuhan lang ako dahil maganda ako.
 
Wala akong sinasagot sa kanila. Siguro sa kadahilanan narin na parang may kulang sa kanila. May hinahanap ako na hanggang ngayon, hindi ko mahanap.
 
Ganito araw araw ang routine ng buhay ko. Papasok sa school, dadaan sa locker ko. As usual makakakita na naman ako ng kung anu-ano sa locker ko. Sa ibabaw puno ng chocolates na halos maging diabetic na ko sa dami nila, flowers na nagmumukha ng flower shop ang bahay namin, at sulat na akala mo eh mailbox ang locker ko.
 
Buti na lang at nandyan si Enzo para taga bitbit ko ng mga flowers at chocolates. Minsan nga nahihiya na ko sa kanya kasi kung gaano kadaming love letters ang narerecieve ko, ganun din kadami ang death threats na nakukuha niya galing sa mga suitors ko.
 
“uy sorry parekoy. Lagi mo na ko hinahatid sa bahay namin tapos inaaway ka pa ng mga nakahithit ng asukal na mga lalaking yun. Pasensya na talaga ha?” sabi ko sa kanya one time nung hinahatid niya ako pauwi.
 
“ok lang yun. Nakakalibre naman ako ng meryenda ng dahil sayo. Tsaka ng chocolate”
 
“gusto mo flowers din?” inabot ko sa kanya yung isang bouquet na hawak ko
 
“ayoko niyan. Hindi edible”
 
“umiral na naman ang katakawan mo”
 
“hahaha saan mo naman ako pamemeryendahin ngayon parekoy?”
 
“sa mcdo want mo?”
 
He smile “sure”
 
Tinignan ko yung likod niya and as usual nakasakbit na naman doon yung gitara niya.
 
“parekoy bakit lagi mong dala-dala ang gitara mo?” I asked him.
 
“girlfriend ko yan eh. Kaya lagi ko kasama” sagot naman niya
 
Tinignan ko si parekoy. Bakit ba napaka lihim nito pagdating sa lovelife? Ayaw niyang pinaalam o sinasabi saakin kaya naman naiintriga ako ng husto.
 
“parekoy sino ba ang crush mo sa school?” natanong ko sa kanya one time habang naka tambay kami sa may school play grounds. As usual, hawak hawak na naman niya ang gitara niya.
 
“crush? Yung gitara ko crush ko” sagot niya saakin.
 
“eh naman eh! Yung matino! Sino nga? Kahit yung simpleng nagagandahan ka lang?”
 
“nagagandahan?” he looked at me then he smile “sayo. Nagagandahan ako sayo” sabi niya sabay iwas ng tingin at nag strum ng gitara niya.
 
Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko.
 
Isa ito sa pinagtataka ko sa sarili ko. Sanay na kong sinasabihan ng maganda. Pero bakit pag sa kanya nanggaling iba ang pakiramdam ko?
 
 
 
 
Umaga. As usual, pagkadaan ko sa locker ko, puno na naman ng kung anu-anong bagay ang mga ito. Mukhang mapapabuhat na naman ng boxes ng chocolates si parekoy ah. Samahan mo pa ng mga naglalakihang bouquet ng flowers. Akala mo ibuburol ako eh.
 
Pag bukas ko ng locker ko, ang dami na naman nakasingit na papel. Mga notes na naman galing sa mga admirers. Kinuha ko yung mga notes then pinuntahan ko si parekoy doon sa school playground kung saan kami madalas tumambay. Nakita ko siya na nakaupo sa ilalim ng puno habang nagtutugtog ng gitara. Tinabihan ko naman siya at isa isang binasa yung mga notes.
 
 
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
Dear Ideshiie,
 
Hello
 
Love, Pedro
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
 
 
Hay ang sweet sweet talaga ni Pedro kahit kailan. Malapit na niya ko mapasagot sa mga pa-hi hello niya. =___=
 
 
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
Ideshiie,
 
YOU ARE THE... apple of my eye, mango of my pie, palaman of my tinapay, keso of my monay, teeth of my suklay, fingers on my kamay, blood in my atay,  bubbles of my laway, sala of my bahay,  seeds of my palay, clothes in my ukay- ukay, calcium in my kalansay, calamansi on my siomai, inay of my tatay, knot on my tie, toyo on my kuchay, vitamins in my gulay, airplane of my Cathay, stars of my sky, hammer of my panday, sand of my Boracay, sultan of my Brunei, highlands of my Tagaytay, MOLE on my Ate Guy, baba of my Ai-Ai, voice of my Inday Garutay, spinach of my Popeye, sizzle when I fry, wind when I paypay, tungkod when I'm pilay, feeling when I'm high, shoulder when I cry, wings when I fly, prize when I vie, cure to my "ARAY!", answer to my "WHY?",  foundation of my tulay, truth behind the lie, the life after I die... In  short, you're the center of my buhay.
 
Love,
soon to be boyfriend mo
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
 
Hehehehehehe. Hahahahaha. Huhuhuhuhuhu
 
Ampupu. Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman after kong mabasa ang mga ito. Tatawa ba ko, kikiligin o maiiyak? Sabi na eh masama sa kalusugan ang pagbabasa ng mga love letters. Dapat tantanan ko na to.
 
Ititigil ko n asana ang pagbabasa nung may nakita akong isang note dito na nakasulat lang sa isang 1/4 pad paper. Kapansin pansin lang talaga kasi karaniwan nasa magandang papel nakasulat ang mga bigay nila. Eto nasa pad paper lang?
 
Binuksan ko ito and binasa yung nakasulat
 
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
Dear Ideshiie
 
You’re my Mona Lisa
You’re my rainbow skies
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes...
 
Maganda ka ba? Sige na nga maganda ka na. Pero magandahan pa kaya sila pag nakita ka nilang punong puno ang bibig habang kumakain? O humahagalpak ng tawa? O umutot? O bagong gising at puno ng muta ang mata at puro panis na laway ang gilid ng bibig mo?
 
Don’t worry, para saakin ikaw parin ang pinaka maganda. Mahal kita eh.
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
 
Napangiti naman ako bigla sa nabasa ko. For the first time in history, kinilig ako ng dahil sa sulat ng isa sa mga admirers ko.
 
Too bad hindi ko kilala ang nagpadala nito.
 
“parekoy” kalabit ko kay Enzo “alam mo ba tugtugin ang kantang to?” pinakita ko naman sa kanya yung letter at binasa niya
 
“oo alam ko. Gusto mo kantahan kita?”
 
“sige nga!”
 
He started strumming the guitar then kumanta siya
 
You’re my piece of mind, in this crazy world
You’re every thing I've tried to find
Your love is a pearl
Napangiti ako habang kumakanta si Enzo. Ang ganda kasi talaga ng boses ng parekoy na to eh. Kung hindi ko lang to best friend malamang nainlove na ko dito.
 
You’re my Mona Lisa
You’re my rainbow skies
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes...
 
Pero kung sabagay, hindi man ako sa kanya mainlove, mukhang sa lalaking nagpadala saakin ng letter na ito.
 
Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala.
 
 
 
The next day naka receive ulit ako ng letter sa kanya.
 
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
Dear Ideshiie
 
I don’t want another pretty face
I don’t want just anyone to hold
I don’t want my love go to waste
I want you and your beautiful soul
 
Nag survey ako. Ang tanong ko “bakit niyo nagustuhan si Ideshiie” 80% sinabi dahil maganda ka. Kaso kung ako tatanungin kung bakit kita nagustuhan alam mo ang isasagot ko? Dahil ikaw si Ideshiie
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
 
Pinakanta ko ulit it okay Enzo and as usual kinilig na naman ako.
 
Sa mga sumunod na araw, lagi na lang ako nakaka receive ng mga letters na may lyrics ng kanta galing kay mystery guy. And sa bawat letter niya, lagi ko itong pinapakanta kay Enzo
 
 
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
Dear Ideshiie
 
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you...
 
Aaminin ko matagal na ko nag balak na bitiwan ka, na kalimutan ka. Sinabi ko sa sarili ko, wala akong pag-asa. Sa dinami dami ng may gusto sayo mapansin mo pa kaya ako? Masaya na ko na makita kang masaya. Pero para kang magnet eh. Kada gusto ko na bumitaw lagi mo akong hinihila papablik. Siguro kung may isa akong bagay na hindi mai-gi-give up, yun ang pagmamahal ko para sa iyo.
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
 
After kong mabasa ang letter niya na ito, para akong kinilabutan na hindi ko maintindihan. Ngayon alam ko na, iba siya sa lahat.
 
Inabot ko yung letter kay Enzo para kantahin niya. Nag start na siyang i-strum ang gitara niya tsaka niya ito kinanta.
 
“It took one look
And forever laid out in front of me
One smile and I died
Only to be revived by you”
 
Mas lalo akong kinilabutan nung kinanta ito ni Enzo. Para kasing nangaasar yung parekoy na to eh. Nararamdaman ko yung message ng kanta habang kinakanta niya ito.

“There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'bout the way life plays out...”

Siguro dahil ang galing lang niya talaga kaya ganito nararamdaman ko? Siguro dahil masyado ng expert sa pagkanta ang parekoy ko kaya nailalabas niya na ng husto yung feeling nung kanta

I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you... ooh...

Kaso ang hindi ko maintindihan, yung malungkot na expression ng mukha niya habang inaawit niya ito.
"Harry Potter series. 1997-2011 .. 14 years of magic... 7 books, 8 movies.. and a billions of childhoods. thanks Jo for this wonderful novel!.♥"


alyloony

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 612
  • Karma: +45/-5
  • Harry Potter will remain in our hearts forever.♥
    • My stories
Re: One shot short stories by Alyloony
« Reply #2 on: January 20, 2012, 09:27:10 am »
(part 2)


Ilang araw ding hindi nagpadala ng letter si mystery guy. Aaminin ko nalulungkot ako kasi kada umaga inaantay ko palagi yung mga letter niya.
 
Kada umaga inaantay ko ito para kantahin ni Enzo.
 
Yung mga message ng kanta, at yung way kung paano ito kinakanta ni Enzo ang gumigising sa puso ko kada umaga. Kada makikita ko yung letter, at kada maririnig ko na ang magandang boses ng parekoy ko aaminin ko, hindi maiwasang lumundag ang puso ko sa sobrang saya.
 
Kung dahil ba doon sa letter o dahil sa pagkanta ni Enzo hindi ko alam. Ang alam ko lang, inaabanggan ko ito araw araw.
 
Isang araw nung buksan ko ulit ang locker ko, halos mapatili ako sa sobrang saya nung makita ko ang pamilyar na papel. Agad agad ko itong kinuha at binasa ang laman.
 
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
Dear Ideshiie
 
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Ilang araw ko ng hindi nakikita yung masisigla mong ngiti. Naisip ko, dahil kaya saakin? Pero kung ano man ang problema, sana ang simpleng sulat na ito ay napangiti ka. Ideshiie, kahit hindi mo nararamdaman ang totoo kong nararamdaman sayo, sana dito man lang sa sulat na ito malaman mo na mahal na mahal kita.
 
♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥
 
 
Agad naman akong napatalon dahil sa kilig. Tumakbo agad ako papunta kay Enzo para ipakita yung sulat.
 
 
“Parekoy! Parekoy!! Nagpadala na ulit siya ng sulat saakin oh!” inabot ko sa kanya yung sulat
 
“aba ayos ha. Mukhang excited ka. Siguro in love ka na dito no?”
 
Nginitian ko lang siya “dali na tugtugin mo na”
 
Inayos niy Enzo yung gitara niya at nagsimula siyang tugtugin ito.
 
"Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit"
 
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang kinakanta niya ito. Nakatitig sa mga mata ko si Enzo habang kumakanta siya. Dati kasi lagi lang siyang nakatingin sa gitara niya, pero this time saakin siya nakatingin.
 
Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ng humiwalay ng puso ko sa katawan ko.

"Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik"
Siguro kung meron mang matutunaw dito hindi ikaw Enzo, kung hindi ako. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko habang kumakanta siya at nakatingin saakin, hindi ko maiwasang titigan siya sa mata.

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin"

Bigla niyang itinigil ang pagtugtog at hinawakan ang kamay ko
 
 
“parekoy, aalis na kami. . .” sabi niya saakin ng may malungkot na tinig
 
“ha? aalis? Anong ibig mong sabihin?”
 
“mag mi-migrate na kami sa Italy”
 
Natigilan ako sa mga binitawan niyang salita.
 
Hindi ako makagalaw. Paulit ulit sinasabi ng utak ko na nabingi lang ako. Na iba ang pagkakarinig ko. Na hindi siya aalis.
 
Kahit alam ko sa sarili ko ang totoo.
 
“aalis ka na?”
 
Tumango lang siya “next semester hindi na ko mag-aaral dito”
 
Huminga ako ng malalim para mapigilan ang mga luhang gustong lumabas sa mata ko “bakit ang bilis?”
 
“kahit ako nagulat din. Pero bago yun, may gusto pa akong sabihin sayo” pumunta siya sa harap ko atsaka lumuhod para makita niya maigi ang mukha ko. Tinitigan niya ako sa mga mata sabay bitiw ng mga katagang hindi ko inaasahan na manggaling sa kanya.
 
 
 
 
“mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal kita, parekoy”
 
 
 
 
 
 
 
Ilang linggo na ang nakalipas simula ng sabihin niya saakin na mahal niya ko. Hanggang ngayon paulit ulit parin sa isipan ko ang mga katagang yun.
 
Matapos niyang sabihin yun, bigla na lang akong tumakbo palayo. Simula nun, hindi na kami nag kita pa.
 
Inaamin ko mukhang ewan ako dahil sa ginawa ko. Pero ayaw talaga mag function ng utak ko nung mga panahon na yun. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-react.
 
Semestral break na ngayon. Alam ko na sa darating na pasukan hindi ko na siya makikita.
 
Napapikit ako. Naalala ko lahat ng mga bagay na ginawa namin ng magkasama. Mga tawanan, asaran at kulitan. Nung panahong nakaupo lang siya sa isang tabi at tumutugtog ng gitara. At yung mga panahong kinakantahan niya ko.
 
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Napadilat ako ng mata at bigla na lang lumakas ang pintig ng puso ko nung maalala ko nung kinantahan niya ako habang nakatitig siya saakin.
 
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
 
Napabangon ako sa kama ko at inilagay ang kamay ko sa dibdib ko atsaka pinakiramdaman ang puso ko.
 
Ipinikit ko ulit ang mata ko.
 
“mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal kita, parekoy”
 
“mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal kita, parekoy”
 
“mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal kita, parekoy”
 
“mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal kita, parekoy”
 
Idinilat ko ang mata ko
 
“mahal din kita, Enzo. Mahal kita. Ayokong mawala ka saakin”
 
“mag mi-migrate na kami sa Italy”
 
Hindi. Hindi pwede. Hindi siya pwedeng umalis hangga’t hindi niya nalalaman ang nararamdaman ko.
 
Agad akong nagpalit ng damit at tumakbo palabas papunta sa bahay nila Enzo. Ng marating ko ang bahay nila, nakita ko naman ang kotse nila na palabas
 
“manang saan sila pupunta?!” tanong ko doon sa kasambahay nila
 
“ay aalis na po papuntang Italy”
 
Aalis na? hindi pwede! Hindi siya pwedeng umalis!
 
Tumakbo ako at sinubukan kong habulin yung kotse
 
“ENZO!!”
 
Oo alam kong hindi ko kayang abutan to, pero hindi ako papaya na aalis siya ng ganito. Aalis siya ng hindi niya malalamang mahal ko din siya.
 
“PAREKOY!! ENZO!! BUMABA KA DIYAN! MADAMI PA KO SASABIHIN SAYO!!!”
 
Medyo lumalayo na ang distansya nung kotse nila at nararamdaman ko din ang unti-unti ng pamamanhid ng katawan ko kaso patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa maramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko.
 
“ENZO!! Enzo…”
 
Napahinto na lang ako at napaupo sa sahig habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha ko.
 
Wala na siya.
 
Ni-hindi ko manlang nasabi ang nararamdaman ko. Ni-hindi ko manlang nasabi na hindi talaga yung sulat ang hinihintay ko, kundi yung pagkanta niya saakin. Hindi ako doon sa taong nagbigay ng sulat nahulog kundi sakanya.
 
 
 
 
“parekoy”
 
Napaangat bigla ang ulo ko ng marinig ko ang boses na yun.
 
“Enzo?”
 
“bakit ka naman tumakbo ng ganun?”
 
Nakita ko sa likuran niya yung kotse na hinahabol ko kanina na nakahinto na.
 
“may sasabihin pa kasi ako sayo! Hindi ka pwedeng umalis hangga’t hindi mo naririnig ito!”tinignan ko siya sa mata “mahal din kita. Mahal na mahal! Kaso bakit ganito? Bakit ngayon pa kung kelan aalis ka na? bakit ngayon pa na iiwan mo na ko?”
 
Inalalayan niya ako tumayo atsaka pinunasan nito ang luha ko
 
“hindi na ko aalis”
 
“h-ha?”
 
“dito na ko gagraduate ng highschool at mag college kasi sabi ko sa kanila hindi ko kayang iwan ang iyakin kong parekoy”
 
“E-enzo..”
 
“atsaka may hindi pa ko naibibigay sayo”
 
May kinuha siyang papel galing sa bulsa niya at inabot niya saakin.
 
Katulad nung sulat na binibigay saakin ni mystery guy.
 
“t-teka ikaw si…?”
 
Nginitian niya lang ako atsaka kinuha ang gitara na nakasabit sa likod niya. Bago ko pa mabasa ang sulat niya, kinanta niya na ito para saakin.
 
Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa tuwing tayo'y magkasama
 
Huminto siya sa pagtugtog atsaka tumingin saakin.
 
“oo nga naman parekoy. Kada magkasama tayo lagi na lang may eentrang manliligaw mo. Minsan nga gusto ko ng manigaw eh. Gusto kong sabihin sa kanila na ano ba, moment namin to eh! Wag nga kayo umextra!”
 
Natawa naman ako bigla sa sinabi niya.
 
Itinuloy niya ang pagtugtog

Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
“kung bigyan siguro kita ngayon ng rosas wala ng thrill. Araw araw na lang kasi ikaw nakakatanggap nun eh”
 
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara

“pero meron na bang nakagawa sayo nito? Na araw araw kang kakantahan para lang mapasaya ka? Ako lang yun di ba? Pero masaya ako, kasi napapangiti kita. Eto lang ang kaya kong gawin. Wala akong pambili ng mamahaling chocolates, o bulaklak o stufftoy. Pero kada kinakantahan kita, lahat to nanggagaling sa puso ko”

Hinawakan ni Enzo ang kamay ko “natakot ako dati na baka pag sinabi ko sayo, mawala ka ng tuluyan saakin. Lalo na nung panahon na nasabi ko na sayo at hindi mo na ko pinapansin. Pero masaya ako ngayon, mahal kita”
 
Bigla na naman bumagsak ang luha ko kaya napayakap na lang ako sa kanya.
 
“mahal din kita.”
 
 
 
 
 
The end.
"Harry Potter series. 1997-2011 .. 14 years of magic... 7 books, 8 movies.. and a billions of childhoods. thanks Jo for this wonderful novel!.♥"


 

Candy Blog

What We Did: A Week-Long Internship!
by: guest, 2012-02-10
Hi, :hi: we're Estelle and Tanitha, we're 15 and 14 year old French girls and we're in...

Council of Cool Blog

La Paella in Greenhills
by: Rebecca, 2012-02-10
With our limited allowance and time, us teenagers enjoy finding new spots to enjoy our time...
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website