Ika-17 na KabanataCan you be my…JUSTIN’S POVOne week na mula nang lumabas si Aicen sa ospital. Next week pa siya pwedeng pumasok sa school kasi baka mabinat daw siya kapag nag-back to school siya agad.
Papunta ako ngayon sa bahay nila Aicen. Nakapagpaalam na ako sa parents niya na ngayon ko balak sabihin sa kanya lahat-lahat. Kinakabahan nga ako eh. Kasi hindi ko alam kung ano magiging reaction niya sa sasabihin ko eh.
Pagdating ko sa kanila, naabutan ko sina Tita Airene at Tito Carlos na nag-aalmusal sa garden ng bahay nila. May blessing na naman nila ako kaya confident ako sa gagawin ko. Sabi din nila, tutulungan nila ako kapag hindi umayon sa plano lahat.
“Good morning, Tito, Tita.”
“Good morning din, Justin.” Tumayo si Tita tapos nagbeso kami.
“Justin, ready ka na ba?” sabi naman ni Tito tas pinat niya yung balikat ko.
“Ready na po, Tito.”Pagkasabi ko nun biglang may parang nahulog sa hagdan. Lahat kami napatayo at napasugod sa may hagdan. Nakita namin dun si Aicen, hinahawakan yung pwet niya kasi siya pala yung nalaglag sa hagdan.
“Aray.”
“Anak, hilo ka pa ba sa sakit mo?”
“`Ma naman eh!”
“Kasi naman mag-ingat ka. Nakakahiya tuloy kay Justin. Nakita ka niyang nahulog!”
“Eh?!”
“Hi, Aicen.”Ang cute ni Aicen tignan. Nanlaki yung mata niya tapos namumula pa yung pisngi niya. Ang sarap kurutin. Haha.
“H-Hello, Justin. Anong ginagawa mo dito?”
“Sinusundo ka niya. Nakapagpaalam na iyan sa’min. Dalian mo na at kanina pa yan naghihintay.”
“Sandali lang naman, `Pa. Hindi pa nga ako nakakakain ng breakfast eh.”
“Si Justin na ang bahala dun, anak.”Kinuha ko na yung kamay niya tapos nagpaalam na kina Tito at Tita.
“Sige po, Tito, Tita, alis na po kami.”
“O, Justin, ikaw na ang bahala sa anak namin. Wag na wag mong papaiyakin yang anak namin ha? May tiwala kami sayo.”Naguluhan naman si Aicen sa sinabi ng Papa niya. Hinila ko na siya palabas ng bahay nila. Sorry naman, excited na kasi ako. Excited na kinakabahan.
Habang naglalakad, hindi ko mapigilang mapangiti. Alam kong panandalian lang `to pero masaya pa rin ako. The best memories na siguro ang maiiwan niya sa’kin.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Napansin kong napatingin siya sa’kin. Nginitian ko lang siya. Gumanti rin siya ng ngiti. That’s her sweetest smile. Galing sa puso.
Mukhang kanina pa niya ako gustong tanungin kung saan kami pupunta pero nagdadalawang isip siya kung itatanong ba niya o hindi. Lalo lang ako napangiti sa inaasal niya. Kinakabahan tuloy ako na nae-excite. Para akong grade schooler na nagiging giddy kapag nakikita niya yung crush niya.
“Care to share, Justin?” Hindi na siguro siya makapagpigil. Knowing her, she won’t stop until she gets what she wants.
“Sik.re.to.” Mukhang nainis siya dahil hindi niya ako kinausap pa habang papunta kami sa surprise ko sa kanya.
“Justin, saan ba talaga tayo pupunta? Ang dami nating iniikutan. Nakakahilo na.”Napangiti na naman ako. Hindi ko talaga mapigilan.
“Ayan ka na naman. Smiling pero hindi sinasabi kung bakit.”Halatang naiinip na siya.
“Saan ba kasi talaga tayo pupunta? Naiinip na ako, Justin.”Binilisan ko na ang lakad. Alam kong sasabihin niya yan. Iyon ang magic word ko para lang madala ko siya sa lugar na pupuntahan namin. Ilang sandali pa, nandun na kami.
“We’re here.”AICEN’S POV“Park?!?” Napataas naman ang kilay ko dun. Grabe ha, kanina pa kami lakad ng lakad tapos sa park lang pala ang pupuntahan namin? Ang dami-dami pa naming inikutan, e, meron namang diretsong way para makarating kami dito.
“Oo, park. Ayaw mo?”“Ano ba kasing gagawin natin dito?”Napangiti naman si Justin bago sumagot.
“Ano… kasi… papatulong sana ako.”Parang nahihiya pa yata ang mokong na ito ah.
“Saan naman?”“Mag-confess sa taong mahal ko.”OUCH! Teka, sa lahat naman ng matatanungan ako pa. Bakit kaya hindi na lang si Ice?
“Dapat kay Ice ka nagtanong.” Kainis `tong si Justin. Haay… kung wala lang akong promise sa sarili ko, hindi ko tutulungan `to. Haay… for his happiness.
“Paano naman malalaman ni Ice yun, e mas kilala mo yung gusto ko.”Mas kilala ko? E di ibig sabihin third year din siya? Baka kaklase ko pa. Ano ba yan. Ang sakit naman sa puso.
“Ano ba gusto mo malaman?”
“Paano ko masasabi sa kanya na mahal ko siya?”
Hindi ko matanggap! Si Justin may ibang mahal. Ang sakit. Gustong-gusto ko nang umiyak dito kaso hindi pwede. Malalaman niyang mahal ko siya. Ayoko. Friendship over love kung one sided lang ang love na ito.
“Eherm. Ah… ano nga ba? Eh… flowers? Bigyan mo ng flowers?”Waaa. Nakakaiyak talaga. Sa lahat pa ng pagtatanungan niya, ako pa! :’(
Napansin kong may batang lumapit sa’min. May dala-dalang isang bouquet ng red roses. Akala ko iaabot nung bata kay Justin pero sa’kin binigay.
“Thank you, little boy. Sino nagbigay nito?” Pagkatanong ko, bigla namang umalis yung bata.
“Ano pa?” “Uhm… chocolates?” Nakita ko na naman yung bata. Papalapit na naman siya sa’kin. Inabot niya sa’kin yung paper bag na dala niya. At laking gulat ko na favorite kong chocolate yung nasa loob.
“What else?”
“Why don’t you just tell her how you feel? That would be the best. I guess.”
Pinilit ko ang sarili ko na huwag mag-stutter. Kahit nasasaktan na ako, ayokong malaman niya na mahal ko siya lalo na ngayong iba naman pala ang mahal niya.
Nakangiti lang si Justin nun. Parang desidido talaga siya na magtapat dun sa girl. Ang swerte nung girl na mahal niya. Siguradong hindi siya masasaktan kay Justin. Hindi ko na napansin na tumutulo na pala yung luha ko.
Naramdaman kong may kumuha nung mga bitbit ko. Pagkatapos ay hinila ako ni Justin patayo at pinunasan yung mga luha ko. Kainis! Bakit ganito siya? Pinapaasa niya ako na mahal rin niya ako? Bakit ganito siya sa’kin, e di ba, may iba siyang gusto? Ang sakit sakit. Hindi ko kaya.
“Aicen, wag ka nang umiyak. Nasasaktan din ako. Stop crying, Aicen. Masakit para sa’kin na nakikita kang umiiyak. Please listen to me. Please?”
Napatigil ako at tumingin sa kanya. Nakangiti lang siya sa’kin. He’s looking at me as if I were the most beautiful girl in the world. Para bang ako lang ang gusto niya.
Pinikit ko ang mga mata ko kasi akala ko nag-iimagine lang ako, na baka nananaginip lang pala ako. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa forehead ko. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na umiyak. Ewan ko ba kung bakit iyak ako ng iyak. Pinunasan niya ulit yung mga luha ko tapos niyakap niya ako ng mahigpit. As in sobrang higpit.
“May nakapagsabi sa’kin na favorite mo si Superman. Nang marinig ko yun, di ko maiwasang isipin na sana katulad din ako ni Superman para favorite mo rin ako. Hindi lang favorite, love mo pa. Sana ako na lang si Superman mo.”
Naguguluhan na ako. Anong ibig niyang sabihin?
Nilapit niya yung mukha niya sa may tenga tapos bumulong…
“Can you be my Lois Lane, Aicen? Even for a while?”
AYAN NA! AYAN NA! AYAN NA!
Readers ko, asan na kayo?
MERRY CHRISTMAS!