At un na nga. Dahil excited din ako eto na ung chap1. bitin ung intro eh nuh. ahahha..
1
Start Here
"ELIYAH AYEN!!!! Gising!!! Nananaginip ka na naman.!" sabay sampal.
"Ouch, that hurts. Gising na po ako. Nakakailang alog na kayo eh tas kelangan talaga sinasampal ako." sabi ko naman habang nakahawak pa sa pisngi ko. Feeling ko talaga sasabog na ung pisngi ko sa sobrang sakit nung sampal.
"Kasi naman eh. Mananaginip ka na lang, kelangan pang takutin kame. Sigaw ka kaya ng sigaw ng tulong." sabi naman ni Mommy. Mommy ko nga sya.. Kasi pag natatakot yan asahan mo nang may masasaktan dahil sa bigla. Hay naku.
Oh well... dahil tanghali na nga, kailangan ko nang kumilos. May orientation pa ako for the new school year. Taun-taon na lang puro ganito. OK Lia tiis lang. Last year mo na sa school na yan so tiis lang. As usual daily routine ako. Gising, kain, toothbrush, ligo, bihis, alis. Grabe ah. mga ilang araw ko ding hindi to nagawa since nagstart ang vacation na hindi ko masyado na-feel. Oh well, off to go na kami ni Mommy sa school.
Mga quarter to nine na kami nakarating ni Mommy sa school. Na-enroll na ako ni Mommy so proceed to the orientation na kami pagdating. Umupo lang siya dun and since alam ko na naman yun at kung may nadagdag man malalaman ko din un, kaya nag-excuse ako na lumabas.
"OI LOKA! Tagal mo naman. Kanina pa kita hinihintay dito. " Sabi na nga ba eh.. familiar yun eh. Pano, sa Katrhine un.. classmate ko since first year. At panigurado pati ngayon.
"Sensya naman napasarap tulog ko eh.." sabi ko naman. Pag tinignan mo kami for sure malalaman mo agad ung difference namin. Kasi naman po crush ng bayan yang si Rhin. Maganda talaga sya at full of energy. Kung sabagay ako din naman makulit peo not now. Sama gising ko eh.
"Umikli ata ang hair mo teh." Ay naku pati ba naman buhok ko. Di bale na nga sanay na ko sa kanya eh.
"Nagpagupit kasi ako eh. Well, init eh. Dun nga tayo. " Sabay turo ko naman sa swing dun sa Math garden. Katapat un ng fish pond namin. Favorite place ko un. Bakit? Ah.. 3 three major reasons. 1st, tahimik. 2nd, relaxing ang view and 3rd, well may nararamdaman ako na ang place na to ang magiging simula ng lahat.
Kwento naman dyan, teh. Anak ng pating ako pa talaga kailangan magkwento ngayon? O well, taray ko no.. Sakit pa din kasi ng pisngi ko.
Kaw na lang. nasampal ako kanina dahil akoy binabangungot daw. Sabay hipo ko naman sa pisngi ko.
Sige na nga. No choice ang bruha. Ayun nagkwento nga. Half listening nga lang din ako eh. May nakita kasi akong hindi kanis-nais.
Wait Rhin. May isang tanong lang ako sayo. Pinutol ko naman ung last statement nya.
Yeah. Whats that. Aba ine-english mo lang ako day ah. Eh kung sampalin kaya kita kaso alam ko namang ganyan ka na dati pa. Back to the topic.
Uh
madami ba tayong classmates ngayong year na 4 years na nating classmate? Nakatingin pa din aq sa Registrars Office. Sinong tinitignan ko? Oh well, well know that later.
Uh
sino nga ba? Yeah
si Ken, Elice and Alice, at si JV. Na hanggang ngayon ay tila wala pa ring kilala. Sila na lang naalala k dun sa list kanina eh. Lia bakit? Sinagot nya naman ako. Hindi nya pa din nakikita kung ano ung tinitignan ko.
Wala naman nacurious lng ako. Sagot ko tas tumingin na ako sa kanya. Ayoko din naming pahalata nu. By the way, ung tinitignan ko? Gusto nyong malaman? Nakatingin ako kanina sa Registrar's kasi may nakita akong hindi magandang sight sa orientation. JV. Jhen Vincel Ocampo. School hearthrob. And he'll be the last person na gusto kong makita for today. Unfortunately, nakita ko sya.
Gutom na ko. Kain tayo. Takaw mo! Ang tagal naman ng orientation na yan. Ganyan talaga ako sumagot.
Hinatak ko si Rhin sa canteen. May dala naman akong pera nun. Kumain lang kami ng chips kasi nag-breakfast naman ako.
Maya-maya pa. Natapos na ung orientation. Sa wakas!!!
Nagpaalam na ako kay Rhin nun kasi aalis pa daw sila ng Mama nya. Kami din naman eh. Aalis na para umuwi. Hay boring. Wala naman dun si Kuya kaya wala din kwenta. Ang nandun lang eh ang aking dakilang kapatid na 1 year older sakin. Ang Ate kong loka-loka. Dapat talaga sumama na lang ako kina Rhin kung hindi lang talaga ayaw ni Mommy.
Mhy, uwi na tayo? Hindi man lang tayo bibili ng gamit sa school? Intelihente nga akong tao di ba.
Eh panu si Rea? Sabi ni Mommy. Maya maya lang mauuto na yan.
Eh di ako na pipili nung ke Rea. Tsk3. Ate ko yun pero hindi ko sya tinatawag na ate. Hindi ako sanay eh. Saka isang taon lang naman eh. Hindi din ako pinapagalitan nila Mommy.
Ok, fine. Siguraduhin mo lang hindi kayo mag-aaway dalawa dahil dyan ha. Sabi sayo madaling kausap yang Mommy ko eh.
Mga 10 minutes lang siguro nakarating na kami sa mall. Syempre National muna. Kumuha lang ako ng red basket. Si Mommy din kumuha. Sya na lang daw bibili nung kay Rea. Hehe. Umubra plano ko. Humiwalay naman ako sa kanya. Sanay nay an sakin eh. Pag nagmo-mall kasi kami, si Rea lagi nya kasama at ako eh ako lang. Sarap mag-isa nu.
Inuna ko naming puntahan ung mga gamit ko. Nung nakumpleto ko na, saka ako pumunta sa books section. Hinanap ko naman ung isang set ng Harry Potter books. Tinext ko si Mom kung pwede ko bilhin yung set ng book nay un. Tumanggi nung una pero sabi ko naman, dala ko ung card ko. Kaya pumayag din. Nilagay ko na yun sa basket. Mabigat din kaya nung nakita ko yung isang book kinuha ko tas hindi ko na binasa. Pag talikod ko.
Plok.Nahulog ko ung basket.
OUCH! Napatili ako nun. Natumba kasi ako tas nahulog sa paanan ko ung basket. Sh*t.
Sorry Miss. Inangat naman nya agad ung basket. Tas inoffer ung hand nya para makatayo ako. Dun ko lang napansin na Nakatingin pala samin lahat. Pero back to business naman sila.
Hoy lalake. Anong ginagawa mo sa anak ko? Entrada naman ang nanay kong super protective.
Ma, ok na ko. Accident lang yun. Napaka OA talaga ng Mommy ko eh nu.
Dont make a scene her please. Once is enough. Sabi ko nang pabulong. Ako kasi yung klase ng tao na ayaw napapahiya so mula pagkabata prinspyo ko na sa buhay yun na 'Once is enough.'
Nagets naman ni Mommy un. Hinila ko na lang sya sa counter nun kahit sakit ng paa ko. Bigat kasi nung basket eh.
Nung malapit na kami sa cashier which is sobrang lapit sa accident kanina, narinig ko naming nagsalita ung guy. Hindi ko napnsin ung mukha nya. Tangkad nya kasi tas nakatingin pa ko dun sa paa ko.
Uh, Miss. Eliyah Ayen right? Sabi nya kaya napalingon ako at tumango. Dun ko lang nakita at Im sure. Hes JV.
Yeah. JV ikaw pala. Sabi ko naman. Aba kilala nyapa pala ako. By the way, JV is one of my classmates since first year. Mula nun may isyu na saming dalawa. Kasi lagi kaming seatmates at tahimik pareho. Tas basta un yun. Malalaman nyu din. In right time not now.
Sorry. Tas tumalikod na sya. Aba kung nasa mood lang talaga ako ba nasapak ko nato. Pero sanay na din naman kasi ako kaya wag na lang. Sabi ko nga once is enough.
Binayaran na naming ni Mommy ung binili ko. Dami kong dala kaya dinaan ko muna yun sa kotse. Si Mommy naman, pumunta na sa department store. Bibili na din kasi kami ng iba pang necessity naming magkapatid. New shoes, socks, hankies, pati other garments. Girls thing. Haha. Sumunod na lang ako.
Sayang wala si Rea. Haha. Nabulong ka mukhang narinig ni Mom.
Sayang nga eh. Text mo nga. Pasunurin mo dito. Sabi ko nga masamang idea ang pagbulong eh.
No choice kundi itext sya kasi pag hindi ko ginawa baka kulitin nya lang ako nu. Mga 5 minutes lang din andun na si Rea kasi galing pala sya kina Monica. Yung classmate nya. 4th year high school din yan eh. Sabay kaming nag-aral kasi nung mag-aaral na sya ayaw kong pumayag kaya ayun pareho kami ng year. Kaso nung lumaki kami lagi na kaming magkaaway, magkaibang school kasi kami.
Oh, Lil sis. Hows life? Sarcastic pa pagkakasabi.
Fine. Ma, punta lang ako sa Record bar ah. Wala ako sa mood makipag-away.
No. youre not going. Baka mapagastos na naman ako. Saka hindi ka pa nadala. As if kaya mong maglakad nang matino nyan. What the. No choice ulit si Lia. Teka nasabi ko ba kung bakit Lia?
Eliyah Ayen kasi ang name ko. Eliyah Ayen Valdez. Ang weird nu. Ayen ang tawag sakin nung bata ako. Kaso nung nag-aral na ko Lia ang tinawag sakin pero sa bahay lahat ila Ayen pa din.
Si Rea naman. Ereyah Ayan. EA din. Sya naman umiiyak pag tinawag na Ayan. Saka nahihirapan sya mag-respond pag un ang tawag sa kanya. Kaya ayun Rea tawag sa kanya.
Ma, bakit? Ano nangyari kay Ayen? Na curious naman ang bata.
Nabunggo kasi sya kanina eh, tapos nahlog ung dala nyang basket sa paa nya. Ayan hirap maglakad. Daldal talaga. Rea would be the last person na gusto kong makaalam nun.
Sabi na nga ba eh. Tumawa siya pero hindi masyado. Andun kasi si Mommy. Binili na lang naming ung mga dapat bilhin. Since injured ang lola nu si Rea ang nagdala nun kaya dinaan nya na din sa kotse tas sumunod sya sa resto nun. Kapatid ko nga sya diba. Hindi naming trip magdala ng madami pag kasama si Mommy magmall. Anong ginagawa ng trunk ng kotse diba?
So yun na nga, past 9 na din na kami umuwi. Tinawagan ko naman agad si Rhin nun.
Hello bruha. Busy? Ganda ng bungad ko diba.
Hindi naman. Gabi na ah. Anung dahilan naman nyan ha? Sagot niya.
Ah kasi nagkita kami ni JV sa mall kanina. Laki ng kasalanan nya sakin. Nabunggo nya ko at dahil dun nahulog ung bitbit ko sa paa ko. Nothing important. Alam nya pala ang name ko. Wala lang nasabi ko lang. Wala kasing makausap nng matino dito eh.
[color=yellowOh really. Sira ka ba. Classmate natin un since first year nu. Natural lang un. Saka ex mo kaya sya. Remember?[/color] sarcastic yung pagkakasabi nya nun. Bruhilda talaga to.
Yeah right. Ipaalala mo pa. Humanda ka talaga sakin sa first day.
Che. Kilala nya man ako kasi seatmates kami pero never nya atang nabanggit ang name ko. OI lang tawag sakin nun noh. Saka kahit naman dati nu. Kahit kami pa nun never nyang nabanggit ang name ko. Once lang ata. Sa dami ba naman ng humabol at naging ex nun. Ganyan talaga kami mag-usap. Pagpasensyahan nu nah.
Ah ok. Lia geh na. Tawag ako ni Mama eh. Bye. See ya tomorrow. Sabi nya naman.
Bakit nu meron tomorrow? Tanong ko bago nya ibaba ung phone. Kaso I failed kasi nababa nya. Hindi nya narinig ang tanong ko. Enough for too much thinking Lia. Natulog ako nun. Dreamless sleep pa nga eh.
Kinabukasan...
______________________________________________________
sensya na kung bitin hehe

next time na ulit ung next chap...
yay..! yay..! at isa pang yay..!

ansipag mo naman..!
weeee..! 
ako masipag??!!! hahaha.. wala lang akong balak magbasa ng kwento sa libro q sa filipino.. hahaha..