15.
Today is Sunday. Ngayon na ang
final practice dahil sa bukas na ang programme. Inaantay ko ngayon si Stephen sa tapat ng bahay namin, usapan kasi eh 10:00am.
May kotse naman na nagpark sa side. Syempre nasa isip ko si Stephen, siya lang naman ang inaantay ko ngayon pero Akala ko lang na si Stephen na pero hindi pala.
Nung nkita ko yung bumaba eh halos malaglag yung puso ko at gustong magunahan yung mga legs ko sa pagtakbo, pero pasenya na mga legs, malakas kapit ng lupa.
“R-ralph. Napapunta ka?” Bakit siya nandito? Ang hirap naman ng kaso ko. Dalawang tao tinutulungan ko kay Ana, ang mahirap pa dun eh magpinsan sila. :’( Ako tuloy yung naiipit. Ang hirap talaga maging mabait oh.
“May lakad ka ba? Nakabihis ka eh.” Kelan ba ako nakahubad?

Ikaw Ralph ah..
“Oo eh. Kasama ko si Stephen.” Biglang nagbago yung mukh niya este expression sa mukha niya para bang sinasabi niya na 'SI STEPHEN NA NAMAN.'
“Tuloy pa rin ba yung lessons na ginagawa niyo? Bakit ba kasi kailangan niyang sumali sa programme na yun? That’s just not the Stephen I know.’’ ‘Eh gusto niyang magpagood shot kay A— Uhm.. magpagood shot sa mga teachers.” Muntik ko ng masabi buti nalang bigla kong naalala na gusto rin pala ni Ralph si Ana.
Si Ana kaya.. Si Dino pa rin ng mahal?“Hey Jai! Ralph? Naman. Wag mo sabihing you have to talk to her again??” Sa wakas!Si Stephen dumating na rin.
“No, no. Im cool. I thought Sunday would be a freeday and you know, wanted to hang out with my best friend.
” Napasimangot naman si Stephen nung diniinan ni Ralph ang word na bestfriend, what’s up with these guys?
“Pucha Ralph. Anong pinapamukha mo ha?! Na ikaw lang ang may karapatan sa kanya kasi Bestfriend mo siya!? WHAT the HELL.” 
Oh my golly gulay. Nagulat ako nung nagtaas ng boses si Stephen kay Ralph.
“Hey, hey. Im just saying. Im not tht shallow.” Halata ko sa boses ni Ralph na naaasar na rin siya. Tae, nagkakapikunan na yata sila eh. Mukhang kailangan ko ng umapela.
‘Um Ralph Ill talk to you later ha ? Pasensya na.. kailangan kasi `to e.” Nagroll ng eyes si Ralph.
Ralph! Wag mo ngang gawin yan! KASI.. Mukha kang bading. 
tapos naglakad siya paatras, kami naman ni Stephen eh naglakad na rin nung biglang sumigaw si Ralph.
“Insan! Go for a voice lesson and don’t bug my BESTFRIEND!” Sabay tawa ng napakalakas na feeling ko naririnig na sa kabilang village.
Hindi naman siguro.
“Wag mo nalang patulan, please.” Ayoko ng gulo, not in front our house. Not in front of me. Nakita kong nagform into fists yung kamay niya.
“Please.. Stephen.. let’s just go.” Hinila ko yung braso niya papunta sa kotse niya.
“Ano bang problema niya?!” Mainit yata ulo ni Stephen hanggang ngayon kahit nagddrive na siya.
“Hayaan mo nalang.” Wala talaga akong ibang maisip para sabihin sa kanya tsaka hindi naman pwedeng wala akong sabihin, baka mabangga kami sa inis niya noh.
‘Hayaan ?! May Ana na nga siyang kinababliwan eh ngayon inaagaw ka pa niya sakin !’ 
Napatingin naman ako nun sa kanya bigla.
‘I m-mean yung time.. p-para mag practice.”
Tahimik nalang kami papunta sa venue, biglang naging awkward yung atmosphere eh.
Hy, kaawang Stephen. Walang kamalay malay na pagdating sa venue eh masasabak siya sa pagkanta. >
VENUE‘Anong gagawin natin dito ? Akala ko ba karaoke tayo pupunta ?’ Sa tingin niya ganun kadali ang final practice? No way!
“Kailangan matest ka in front of the public noh! ” Yes, kakanta siya sa harap at wala na siyang magagawa dun dahil kakontsaba ko ang MC.

Nasa isang RestoBar pala kami ngayon, eto lang naisipan kong venue eh besides friend ng parents ko yung may-ari.
“You mean me? On the stage?” Tumango lang ako with an evil smile, magbabalak pa sana siyang umalis pero nagsalita na yung MC.
“Please give a big round of applause to our guest who will be singing for us this morning! Stephen Roxas!”
*Clap Clap Clap*
“Sh-t Jai. What have you done..?” Humarap nalang siya sa audience nun tapos nagsmile. This is for your own good Stephen.
‘Go, kung hindi mo kaya ngayon pano mo makakayanan bukas ?’ Umakyat na siya sa stage.
“Goodmorning, everyone. :-/ ” Halatang kabado siya eh kaya nag thumbs up ako sa kanya nung tumingin siya sakin.
“Um. I’d like to sing “Im Yours” by Jason Mraz—well not that I like to sing but I.. I.. I will just… you know.. sing.. Sana hindi ko masira yung umaga niyo.” Lol. Anong ginagawa niya?

Natawa yung audience dhil dun sa last line niya.
Isa yung “Im Yours” sa kakantahin niya bukas, 3 songs kasi kakantahin niya eh.
“WHOOO!” Nagcheer naman yung audience sa kanya. Kahit naman siguro nagramble yug words niya eh dagdag points pa rin yung looks niya.
[Hindi ko na ipopost yung Lyrics, alam niyo naman na siguro yun diba? ^_^v]
Waddapak. Ang ganda na ng boses niya ah.

Nagpalakpakan yung audience pagkatapos niyang kumanta.
“Wow! And that was Stephen Roxas!” Sabi nung MC. Pagkababa ni Stephen ng stage eh may babaeng nag-abot sa kanya ng tissue. Ano kaya yun?
“You did great. Ay, Uy, bakit may binigay na tissue sa`yo yun?” Syempre na intriga ako. Inabot niya nalang sakin. Loko `to ah? Mamaya isipin nung babae tsismosa ako
o kay naman nagseselos na GF. Susme.
“Call Me. 09**5565**90 –Sabrina.” Oooow. Ok. She’s flirting. Cinrumple ko naman yung tissue sabay tapon sa gilid.
“Oh bakit mo tinapon?” Parang nanghinayang siya dun ah?
“Numero lang nakasulat eh.” Tumango siya pero may bahid ng pang-aasar yung mukha niya.
“Ang gwapo ko talaga.” Wala kayong narinig guys este nabasa. Baka mabulag kayo.

Patuloy lang ako sa paglakad papuntang table sa dulo, aba gutom na ako no. Naramadaman ko naman na kinalabit ako ni Stephen kaya tumingin ako sa kanya.
“Yep?”“Sabi ko ang gwapo ko.” Adik `to. Siguro pinaglihi `to sa bagyo, ang hangin eh.
“Oh tapos anong gagawin ko?” Aba sinimangutan ba naman ako tapos naunang umupo sa table namin. Problema nun ?

After namin kumain eh syempre lumabas na kami ng resto, alangan naman dun kami tumambay diba.
Nasa kotse n kami nung ngring yung phone niya.
“Hello? Po? Busy p--- May ginaga--- Nasa laba--- OKAY!” Natawa naman ako sa naiirita niyang itsura.
‘Teka di ko n pala mabibigay yung whole Sunday ko sa`yo ngayon.” May nangyari kaya?
“Bakit?” Gusto kong malaman eh, ano ba.
“Wala ka na dun.” Sabi ko nga.
Di pa kami nakakalayo eh nagring ulit yung phone niya.
“Ano?” Grabe, ang gentledog talaga nito, Hello lang di masabi eh.
“Ngayon na?! Ihahatid ko pa yung kasama ko eh!” Sino kaya yung kausap niya?
“Hindi pwede! ---Pucha. OO NA! ----Ano? Di ako nagmura ah!” Sabay end ng call.
“Anong problema..?” Baka kailangan kong magcommute, okay lang naman sakin yun.
“Tahimik ka nalng.” Kanina pa `to ngsusungit ah? Dahil ba `to dun sa pagiging NR ko nung pinagpipilitan niyang ang gwapo niya talaga?

Nashock naman ako nung tumigil kami sa isang bahay---na hindi sa amin.
“Uy anong gingawa natin dito?” Ang ganda ng bahay, may malaking garden pa sa harap. Woot. Yaman naman.
“Bahay namin `to.” 
ANO?! Bakit niya ako inuwi sa kanila?!
“Bakit tayo nandito!?” Hindi niya naman siguro ako isusumbong sa pangaapi ko sa boses niya.
“Mag biBabysit tayo.” Tuloy tuloy siya sa paglakad sa loob. Baby sit? May kapatid pala si Stephen? Hindi ko alam yun ah.
Bakit ko naman malalaman?
“Titoooo!” Sabi nung cute na lalaking bata. Waaa. Ang cute niya talaga!
“Sinong kasama mo?” Sabi ni Stephen sa bata habang nakaluhod para pumantay sa bata.
‘Iniwan lng ako po ako dito eh kasi si Yaya my baby na po sa tiyan.’ Watda. Ang sama naman ng magulang niya.. Iniwan siyang mag-isa dito? Kahit na nandito yung mga katulong nila Stephen, yes, mga. Nakita ko kasi kanina eh.
“Ah ganun ba? O sige, kami nalang magaalaga sa`yo” Kinarga siya ni Stephen. Grabe ang cute nila—nung bata! At grabe, pareho sila ni Stephen ng Eyelashes!

Halata mo talaga yung closeness nila.
“Tito sino po siya? Girlfriend mo po? Hi po.” Naramdaman kong umakyat yung dugo ko sa mukha.
Bakit ako nagbblush!?
“Hello. Jaira pangalan ko, pero Ate Jai nalang tawag mo sakin.
” Opportunity ko na `to. Opportunity ko na `tong pisilin ang kanyang cheeks. BWAHAHA.
“And Im not your Tito’s Girlfriend.” Sang lupalop naman nakuha ng batang `to ng salitang GF?
“Owww. I see. Im Juno, 3 years old.” Ang cute ng pagkakasabi niya nun! AHHH! Gusto ko siyang kidnappin! Lol.
“Anak ng pinsan ko `to.” Sabay kiss kay Juno si Stephen.
TEKA.

PINSAN!?
“May anak na si RALPH?!?
” Naramdaman ko naman na nagsisigaw yung maliliit na tao sa brains ko.
"SIRA! Hindi lang naman si Ralph ang pinsan ko eh!" Ay oo nga pala.
Jai, pahiya ka ano?
“Why do you know my Bad Tito Ralph?” Nakasimangot pang sabi ni Juno. Bad Tito? Inaapi ba siya ni Ralph?
“Why? Is Tito Ralph bad?” Ayan nakikitito na din ako.
Binaba ni Stephen si Juno, nangawit yata. Kaya ayun, di tuloy nasagot ni Juno yung tanong kasi tumakbo na siya sa tapat ng TV nung narinig ang boses ni Spongebob.
‘Ayaw kasi ni Ralph sa mga bata. One time, iniwan ni Ate Juliet yung anak niya, si Juno kay Ralph para ibaby sit pero nung aksidenteng naspill ni Juno yung Iniinom na coffee ni Ralph sa painting niya eh nasampal niya yung bata. Since then, ayaw na pumunta ni Juno kay Ralph.’ 
Si Ralph nananampal ng BATA!?
Nabigla naman ako dun kaya naspeechless ako.
“Tara, dun tayo kay Juno.”Umupo kami sa tabi ni Juno nun, yung tipong nasa gitna namin siya.
‘TITA Jai !’ Sabi ko Ate tawag niya sakin diba ? Pero dahil cute siya, okay lang.
‘Yes ?’‘Do you know how to bake ?’ “Yup. Why?” Englishero ba talaga `tong batang `to? Heheh.
“Can you bake Madeleine cookies for me?” Tinignan naman niya ako straight in the eyes yakap yakap ang kanyang bear. Sino namang makakatanggi sa ganitong look ni Juno? ==>
Click ME.‘Um. Ya.. Sure.
’ Tumingin naman ako nun kay Stephen na mukhang seryosong nanunuod ng…
*drumrolls*
SPONGEBOB.
“Huy. Bake daw.” Tumayo ako tapos hinila si Stephen.
‘Teka lang. Pagkatapos.’ Sabay tingin ulit sa TV.
‘TITO go na, pleeeease ?’ Ayan. Imposibleng maresist niya pa ang cuteness ni Juno.
“Olriiight.” Sabay pisil sa ilong ni Juno. Teka, ako din gusto makipisil!
“YAAAAY! Thank You soo much! I love you Titaa.” Uh eh. Heheh?
“Hehehe..No problem.. I love you too..” LOL. Nakakapagtaka talaga at ayaw ni Ralph kay Juno na ubod ng cute at tadtad ng sweetness.
Nung nasa kitchen na kami eh nilabas lahat ni Stephen ang ingredients. Marunong din pala siya? Alam kasi niya yung ingredients eh.
“Tunawin mo yung butter for 20 mins.” Sabi niya sakin. Alam ko yun noh !
‘Okay, sige. Magbeat ka na ng egg habang tinutunaw ko.” Pagkatingin ko sa kanya eh nagbabasag na pala siya ng itlog, pahiya ka na naman Jai.
“Paabot nung Vanilla.” Inabot ko naman sa kanya yung kailangan niya.
Nung natapos ko nang imelt yung butter eh inabot ko sa kanya yung flour para naman makatulong.
“Ay sh-t, sorry.” Nadulas kasi sa kamay ko yung lagayan kaya natapunan yung damit niya ng flour. UH OH.
“What the..” Nashock ako nung dinampot niya yung natitirang flour sa lagayan tapos binato sa may damit ko, dapat pal nagapron ako.

.
“ANO KA BA!” Pinulot ko naman yung nasa sahig tapos binato ko rin siya, ano kala niya? Papaapi ako? DI NOH!

At ayun nagbatuhan na nga kami ng flour at may bigla ako naisip.
“Aray..!” Nagkuyari akong napuwing sa flour na kakabato niya lang.
“Hey. I won’t fall for that.” Hindi ko pa rin tinatanggal yung kamay ko sa mata ko kahit tawang tawa na ako.
“Hey.. Totoo ba yan?”Hindi pa rin ako sumasagot, tumatalab na, nararamdaman ko na siyang lumapit sakin.
“Uy.. Are you faking it?” Umiling iling ako tapos nung hinawakan niya na yung shoulders ko..
“Im so- ”“HAHAHAH! Gotch…a.” Natigilan naman ako nung nkita ko kung gano kalapit yung mukha niya sakin. Fck.
Nagtinginan lang kami nun at take note, hawak pa rin niya yung shoulders ko.
Sh-t. Mas lalong lumalapit yung mukha niya. Malapit na talaga. Pwede ka pang tumakbo JAI. Ayan nakapikit na siya. AAAH!
Nakadikit na yung labi niya sa labi ko and my eyes are wide open. This isn’t the first time he kissed me pero parang feeling ko eh eto ang first kiss ko.

Nararamdaman ko na ang mga paru parung nagwawala sa tyan ko. SHET. Wht does this mean ?! Linayo niya na yung mukha niya pero malapit pa rin. Napalunok naman ako nung nakita kong nakapikit pa rin siya at feeling ko tinubuan ako ng adam’s apple nung dumilat na siya.
Nagkatinginan ulit kami nun TAPOS..
TAPOS..
Hinalikan niya ulit ako pero this time.. may move. Halos kagatin niya yung lips ko kaya kahit di ako marunong eh ginalaw ko nalang yung labi ko.
GRABE. Ngiging aggressive na `tong kiss na `to. Yung kamay niya eh nasa may buhok ko na while yung isa eh nasa waist ko bale parang iniipit niya ako tapos kung kanina nasa may stove kami ngayon eh nasa may sink na tapos natulak niya ako dun sa may sink kaya naman ako ay napa..
“Aray.” Naputol tuloy yung kiss.
“Tita? Tito? Do you want baby too like my Yaya?
”