Part 3
So yun nga, pumunta kaming arcade.
Natuwa kaming kakalaro kaya ayun, di ko namalayang 7 na pala. Agad ko namang sinabi sa kanya na kelangan na naming umuwi kundi malalagot ako kina mommy, ayaw pa naman nung ginagabi ako.
"Okay, sige tara."Lumabas na kami at nagpasundo nalang siya sa driver niya para maihatid na rin daw ako.
Mabilis naman kaming nakarating sa bahay, buti nalang wala pa sila mommy, wala pa kasi yung kotse e kundi mangiintriga yung mga yun.
"Thanks.." Thanks? Ako ng adapit magsabi nun eh.
"Ako dapat niyan e. Naconsume ko time mo, napagastos pa kita. Tsk. Nakakahiya naman.""Di, parang thanks na rin yun pag tinulungan mo na ako kay Ana." "Sige ba, bukas, tungkol kay Ana naman.." "Haha. Astig! Sige, pasok ka na. Maabutan ka pa ng parents mo."Ayun, pumasok na nga ako dahil baka magdilang anghel pa siya at maabutan nga akong may kasamang lalaki. Nako po.
Maaga na naman akong pumasok today, di ko kasi nagawa assignments ko kagabi, pagkatapos kumain natulog nako kagad kaya ngayon ko nalang gagawin.
Sabay kami ni Ana sa pag-awa nung naisipan ko na magtanong tanong tungkol sa kanya.
"Uy Ana, ang tagal na pala nating magkasama, wala pa ako masyadong alam seo.." Totoo yun, di pa talaga kami nakakapagshare tungkol sa isa't isa.
"Aba, yun yun eh! Matagal tagal na tayong magkasama ngayon mo lang natanong??""Ngayon ko lang naisip e!" nagtawanan naman kami nun tapos yun, nagkwento na siya.
"Only child din ako parang ikaw.""Ehh. Alam ko naman na yan e. Yung mga di ko alam.""Yung lovelife ko?
" Ayan, maganda yan, lovelife.
"Sige, game.""Ganito, nagkarun ako ng boyfriend nung 1st year na ubod ng kabulastugan, ginawa akong tanga at lahat lahat kamuntikan niya pa akong ipasok sa frat frat na yun kahit na napakabata ko pa."FRAT? Ano ba yung boypren mo??" "Excuse me, EX-boyfriend. Pero siya yung minahal ko ng todo. Napakacaring kasi, parang nakikita ko si Superman sa kanya e.
Hehe. Lagi niya akong pinagtatanggol pero nung 3rd year which is last year, nalaman kong Superman-loloko pala siya.""Shet. Did he cheat on you?""Hindi lang yun! Muntik pa nila akong pagpyestahan ng mga kaibigan niya! Tang@ tang@ ko kasi e. Pinakaworst year ko talaga yung last year kaya panay absent ako nun." Kaya pala.. anong klaseng kaibigan ako? Hindi ko man lang yung napansin.
"Sino siya, Ana?""Si Dino Sandoval." 
Shet!
"Yung Vocalist ng school band?!""Nakakgulat no?.." Ngumiti siya tapos may pumatak na luha. Niyakap ko siya at dun ko nalang napansin na nakatitig pala samin si Stephen na parang nagtataka, malayo kasi siya kaya di niya narinig.
"Comfort sis. Dito lang ako lage. Tanong ko lang... nakapagmove-on ka na ba?""Sa totoo lang? Hindi pa. Pra akong nahulugan ng hallow block sa ulo. Ang sama ko, tinutulay ko siya kay Stephen samanta lang di pa pala siya nakakapagmove-on, masasaktan ko si Stephen nito.
"Pero.. may crush nako... si Stephen. Wag kang maingay ah." and with that, nawala yung hallow block.
"Asahan mo." Ngumiti lang ako nun tapos balik na sa assignments na ginagawa namin.
4:30pm, Rainbow Benches."Naisipan ko lang dumaan dito kahit 5:00 pa talaga yung usapan namin, maaga kasi kaming nadismiss e. Nagulat nalang ako nung nandun na si Stephen nakaupo lang at nakikinig sa Ipod niya.
"Bakit parang ang aga mo?" Di siya nagsasalita tapos nakatingin sa malayo.
"Yuhooo?" Kinalabit ko siya at dun na siya lumingon at mejo nagulat pa. Tinanggal niya yung earphones niya.
"Sorry, nadala ako sa kanta e. Heheh." Umupo ako sa tabi niya.
"Ganun? Haha..""Bakit pala umiyak si Ana kaninang umaga?"Kinwento ko sa kanya yung tungkol sa boyfriend ni Ana na si Dino. Feeling ko lang kasi dapat niya malaman yun eh kung balak niyang ligawan si Ana diba? Na hindi pa si Ana nakakapagmove-on..
"G*g*ng p**ang i**ng lalaki yun ah! Panong muntik pinagpyestahan? As in.. ano.." Natigilan siya dun sa susunod at nung narealize ko yun, napatayo ako bigla. Yun ba yung ibaig sabihin ni Ano, muntik siyang marape ng madami!? SHET. Ang tanga ko!!
Susugurin ko yung Dino na yun e! Kahit wala sa personality ko wala akong pakielam!
Nagulat nalang ako nung nawala na si Stephen sa tabi ko. San nagpunta yun? Maya maya ko nalang susgurin yung Dino na yun, baka kasi pagbalik ni Stephen hanapin ako e.
Mga 1 hour na wala pa rin siya. Nasan na kaya yun? Nababagot na ako e. Nauubos na ng ayung mga tao sa school.
Biglang may nagtext sakin.
[From: Stephen Roxas]
[Uy. D2 aq g8 4. Kung di k pa nkakauwi, punta ka nman d2 pls.]
Tae. Kanina pa ako dito nasa gate 4 lang pala siya, dun dumadaan yung mga buses ng school pero pwede din naman dun tumambay, wala masyadong tao dun e.
"OMG. Anong nagyari seo!?" Nagulat nalang ako nung putok yung labi ni Stephen tapos may hiwa yung kilay niya!
"Napaaway. Sorry, naghintay ka ba kanina?" "Teka. Mamaya na kwento. San kita gagamutin syet!""Wag ka nga masyadong mag-alal, para kang in love sakin e." Naramdaman kong nagblush ako nun. Nakiya ako eh. haha.
"Ugok!"Hinila ko siya sa may field, wala na talagang tao this time kasi 6pm na at staybacks nalang ang mga natira which is nasa kabilang building, sa Gym.
"Dito ka lang, bibili lang ako."Tumakbo ako sa may canteen, buti nalang bukas pa! Bumili ako ng yelo, ayaw pa nga ako bigyan e kaya sabi ko 5 pesos isa, kaya pumayag na si Manang. Tapos humingi nalang ako sa clinic ng panggamot.
Nung bumalik ako nakahiga na si Stephen sa grass tapos nakatingala. Tumayo ako sa side niya tapos tinignan ko yung mukha niya nung hinawakan niy abigla yung paa ko na kinagulat ko naman kaya ayun nasubsub ako sa may tiyan niya, buti nalang naurong ko kundi sa mukha niya sana yun.
"Ano ka ba! Nangugulat ka naman eh!""Hhahaha. Sorry na, ano ba yan?" Umupo na siya tapos kinuha yung plastic ng yelo.
"Humarap ka, gagamutin ko yan." Sumunod naman siya tapos yun, ginawa ko na yung mga dapat gawin. Ang lakas ng hangin kay amejo nahahangin yung buhok ko.
Habang nilalagyan ko ng band aid yung kilay niya may sinabi siya..
"Bagay sayo kung masmaikling bangs." Napatingin ako sa mata niya at dun k nalang napansin kanina pa pala siya nakatitig.
"Eeh.." Umupo na ako ng maayos sa tabi niya.
"Tinatago mo yang ganda mo eh! Kung dati ko pa siguro nalaman na maganda ka pala baka sayo pa ako nagkagusto eh!"

Speechless ako sa sinabi niya.
"Bukas na bukas, physical look mo naman yung babaguhin ko para magustuhan ka na talaga ni Ralph. Step 2 na tayo."End of Chapter 1.Reply ako sa comments niyo later. ^^ Comment keo ah? Pls. Pls. Pls.

hehe. Thanks! -Paige