A/N: CUATRO of SAMPUNG ARAW now up

Sana, sana magustuhan niyo to, kahit feeling ko walang kasense-sense ang update na ito. hahahaha.

COMMENTS!!

"Blessing in disguise ba kamo? Bakit?"
"Kung hindi dumating si Dianne, walang away, hindi niya itutulak si Mia, hindi ko ipagtatanggol si Mia, at hindi kami magiging close ni Mia.."
"Aba! Eh dapat siguro, hatakin mo ulit si Dianne para sugurin si Mia, para mabawi mo siya. Blessing in disguise ulit ano?"
Cuatro: Unang Pahina ng Aming Kwento
"Tumayo ka na diyan.." Inabot ko ang kamay ko sa kanya, at tinulungan siyang makatayo. Hindi maka-salita si Mia, kahit ramdam kong ang dami-dami niyang gustong sabihin.
"Bakit hindi mo pinatulan si Mia? Tinulak ka niya oh." Pa-asar na tanong ko sa kanya. Alam ko ang sagot, gusto ko lang malaman kung pa'no siya magpapalusot.
"Kasi busog ako. Nakita mo naman yung kinain ko kanina no! Ang hirap kaya kumilos!" Natawa ako sa sinagot niya, naalala ko kasi yung dami ng order niya kanina.
"Oo nga pala, halimaw ka nga pala kumain. Ganon ba talaga kalakas ang appetite mo? Pinapakain ka ba sa inyo?
" Pabiro kong tanong.
"Actually, nagda-diet kasi ako."
"DIET?!
Nag da-diet ka pa ng lagay na yun?
Grabe ka naman pala mag-diet. Pano na lang kung normal na yung kain mo?" Hinampas niya ko sa balikat. Napatingin ako sa hataw niya. Hindi naman sa nagagalilt ako. Pero, kasi,
masakit. Halimaw na nga kumain, mabigat pa ang kamay.
Hindi nga kaya, lalake talaga to? Nagpa-s.e.x change lang?
"Sorry." Sabay ngiti niya sa'kin nung makita niyang medyo nasaktan ako sa palo niya.
"Eh kasi naman, ang ibig kong sabihin, sa bahay pinagda-diet nila ko.""Talaga? Bakit? Palagay ko naman di mo na kailangang mag-diet. Anorexic ka ba?""Uy, hindi ah." Buong pusong tanggi niya.
"Ikakasal kasi yung tita ko, eh, medyo sexy yung gown ko, kaya ayun.""Wow! Sexy. Parang gusto ko ng mag-escort sa'yo." Sabay ngiting aso, at pa-cute.
"Actually, wala pa kong escort so, pwede, kung gusto mo." Nginitian lang niya ko, at nginitian ko lang din siya.
"Sa isang kundisyon..""Ano?"

"Papayag kang maging date ko sa turnover ball.
Wala na kami ni Dianne di ba? Eh kawawa naman ako kung wala akong date.
" at kinindatan ko lang siya, sabay ngiti.
"O sige, pero sa isang kundisyon ulit..
""Ang daya mo! Dapat ako lang may kundisyon!"
"Eh di wag, di wala kang date. Pwede naman akong kumuha ng ibang escort diyan." At tinalikuran lang niya ko at naglakad.
"Oh sige na, sige na. Ano ba yun?" Kadayaan! Where is justice in this world?
"Nuod tayong sine.."
"Sus yun lang pala.." Kala ko naman kung ano.
Naglakad na siya papunta sa may sakayan, at sinabi niya
"Pero treat mo..
"Tignan mo talaga tong kadayaan nitong babaeng to!
"Fine!" UNFAIR!

Yun ang kauna-unahang beses na lumabas kami ni Mia, bilang isang magkaibigan. Hindi naman pala siya mahirap pakisamahan. Sa totoo lang, masarap siyang kasama. Habang papunta kami sa Mall, at nagkukwento siya, namamangha ako sa kanya. Hindi siya maarte, cow girl kumbaga. Simpleng babae lang. Madali siyang matawa, pero madali rin siyang malungkot. Love story yung pinanood namin kasi, at maniwala man kayo o hinde, naiiyak siya nung namatay yung bidang babae. Hindi ko nagustuhan ang palabas, sa totoo lang, hindi ko nga alam yung kwento, pero natutuwa ako habang nakikita si Mia na seryosong nanonood. Kasabay na tatawa sa masasayang eksena, iiyak sa malungkot.
Hinatid ko sa Mia sa kanila, inabot na kami ng dis-oras ng gabi. At, hindi naman pala galing sa basta-bastang pamilya ang babaeng to. Anlaki kaya ng bahay nila. Pero, pag nakita mo siya, iisipin mong, isa lang siyang typical na babae, normal lang, galing sa average na pamilya. Napaka-simple kasi niya.
Habang pauwi ako, nagulat na lang ako at nakikita ko ang sarili kong ngumingiti ng walang dahilan. Maliban lang dahil sa naaalala kong ngumingiti si Mia. Nararamdaman kong nalulungkot ako nung nakita ko siyang umiiyak dahil sa ending ng pelikula. At bigla kong naisip, gusto ko pa siyang makilala.
"Alam mo na ba agad na gusto mo siya nung mga oras na yun?
"Hindi pa, pero alam ko na gusto ko ulit siyang makasama.."
COMMENTS PLEASE.

Okay pa ba?