A/N: Guys, commments!!!

Sana magustuhan niyo to

"So anong nangyari sa unang date niyo?"
"Unang-una, hindi siya date, at madaming nangyari, madaming hindi inaasahan."
"Wow! Surprise!"
Tres: Sa Pangalawang Pagkakataon
At alam niyo na ang kasunod, siyempre, nag-lunch kami ni Mia sa Mcdo. Nakaka-ilang. Talagang,
NAKAKA-ILANG. Kung hindi nga lang niya ko pinilit baka, kahit sinabi niyang treat niya, ako pa rin ang magbabayad. Nahihiya ako sa kanya, hindi naman kami close. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alangang sabihin ko na
Salamat din sa'yo, nawalan ng scholarship kapatid ko. Ang pangit naman ata nun di ba?
Ang in-order ko, spaghetti at regular fries. Siya? Hulaan niyo?
NUGGETS RICE with EXTRA RICE, QUARTER POUNDER, LARGE FRIES, HOTFUDGE SUNDAE at ICED TEA. Alam ko, alam ko, madami masyado. Eh nung makita ko nga ang order niya, nalula ako,
babae ba talaga to?Habang kumakaen kami, walang nagsasalita. Ako? Wala kasi akong masabi. Alangang magkwento ako agad ng tungkol sa buhay ko,
feeling close. Siya? Sa tingin ko,
mahirap kasi mag-salita kung ganon karami ang order mo di ba? Matatahimik ka talaga sa pag-ubos non.
Mga ilang minuto pa tapos na ko kumaen, siya, tapos na din! Imagine? Sa dami ng kinaen niya, kumpara sa kinaen ko? Halos sabay lang kami natapos. Grabe lang,
halimaw sa kainan tong babaeng to. Siguro, pagkalipas ng sampung taon, kasing laki na to nung nakita ko sa youtube na babae. Yung di na makatayo sa kabigatan.
"Ang sarap!" sabi niya sabay *
DIGHAY* Wala rin atang kahit konting poise tong babaeng to eh. Iilan lang kasi ang babaeng kilala ko na makakadighay sa harapan ko, nanay ko, kapatid ko, si Iya, at siya.
"Excuse me.
Pasensya ka na, nabusog kasi ako talaga.
""Okay lang."
"So, Back to the reason we're here, thank you. Well, not that you did it for me or anything, its just, you saved my a.s.s technicially. I almost lost my scholarship.""You're welcome, but now that you've mentioned, hindi ko naman talaga gusto sabihin ang totoo, because you see, I have other concerns. Nagkataon lang na I was put into a place I couldn't say no. So lucky for you, you still have your scholarship. Unlucky for me, my sister just lost hers, because of the incident.""What? Wait, how was it related to what happened? Your sister wasn't even there, unless, Dianne is your sister?""It's a long story, but never mind. I am just letting you know, that I am not really happy with all that had happened. And next time, please, just let Dianne have her way. Unless, you still want other people's lives messed up.""I'm sorry, uh, I, uhm, I didn't know.""No worries, besides, nangyari naman na."
"If there's any way I could help-""No thank you. Kami na ng nanay ang bahala. Just stay away from trouble, and Dianne."Hindi ko naman na sana intensyon na sabihin pa ang naging resulta ng pangyayari. Kaso, hindi ko napigilan, nung nabanggit niya yung tungkol sa sarili niyang scholarship. How ironic, na-save ko ang ibang tao from losing their education, and yet I made my sister lose hers. Ang sama sa pakiramdam. Pero wala naman na kasing magagawa. Ano pa bang magagawa ngayon? Maliban sa iwasang makabangga si Dianne, tanggapin na lang ang lahat ng nangyare.
Mga ilang minuto pa kaming nanatiling nakaupo, at pagktapos ay napagdesisyunan na naming tumayo at umalis na. Wala na ulit nagsasalita. Ako? Naiilang pa rin. Siya? Siguro nahihiya, at nalulungkot sa mga nalaman niya.
At sino nga naman ba ang magaakala, sa eksaktong oras na paglabas namin, ay sakto namang, papasok si Dianne.
"Well, well, well, look who's here. My a.sshole ex, and the loser jerk. What a small world"Walang nagsalita sa aming dalawa. Si Mia? Kaiba sa reaksyon niya noon, ay tumahimik, yumuko, at dumirecho na lang sa paglakad. Kagaya ko.
"Don't you dare turn your back on me jackass!" sigaw ni Dianne sabay hatak sa kamay ni Mia. Si Dianne ay laging si Dianne. Hindi magpapaawat kahit hindi na nilalabanan.
"Dianne, please. Ayoko na ng gulo." sabi ni Mia, sa mababang boses. Ako naman, tinitignan ko lang sila.
"Oh, what happened to you jerk? Scared?" Sabi ni Dianne, nang-aasar pa.
"Dianne, please..""Sana, nung umpisa pa lang, naisip mo ng wag ng lumaban, but it's too late now, right?" At tinulak niya si Mia. Natumba si Mia,at napasubsob sa may paso na nasa gilid ng pintuan ng Mcdo. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. At ako?
"Dianne ano ba? Hindi ka na nga pinapatulan eh!"Hindi ko na napigilang sagutin si Dianne. Hindi na nga siya pinapatulan, hala sige pa rin siya sa pagtalak. Akala mo hindi edukadang babae. Pag ganitong mainit ang ulo ko, nako!
"At ano? Kakampi ka na talaga ng loser na to?""Hindi ko siya kinakampihan, at wala akong kakampihan. Pero Dianne naman, hindi ka na nga pinapatulan eh. Pwede? Tama na?""Pagsisihan mo to France, pagsisisihan mo."
"Pinagsisihan mo nga ba?
"Hindi, in fact, blessing in disguise nga yun eh.."
COMMENTS!!!
