Teentalk

Poll

what is love for you?

illusion
0 (0%)
happiness
1 (33.3%)
sacrifice
1 (33.3%)
just a word
1 (33.3%)

Total Members Voted: 3

Author Topic: withered love♥  (Read 329 times)

NotTheRealMe

  • Guest
withered love♥
« on: July 25, 2011, 03:15:36 pm »
love is a fairyale
 
love is magical
 
love is happiness
 
love is smiling without reason
 
love is seeing imperfect person PERFECTLY...
 
 
BUT THEN!!!
 

LOVE IS HARD

LOVE IS DIGGING YOUR OWN GRAVE

LOVE IS SCRIFICE


AND FOR ME... LOVE IS FOR LOSERS!

kaya nga ayokong magmahal eh, kasi pag-nagmahal ka ibig sabihin nun sinuko mo na ang puso mo... and for the worst lolokohin ka pa nila, o kaya iiwan ka nila pag sawa na sila sayo...
 
oh diba ang sakit non, tagos hanggang likod...
 
pero what if one day bigla na lang naglaro si cupido at aksidenteng tinamaan ako ng pana nya.
 
ok na sana eh, ayos lang sana sakin na tamaan ako... kaso bakit ganon, masyado yatang nasiyahan si cupido... at ang ginawang partner ko ay yung taong pinaka - AYOKO!!!
 
SINONG HINDI MAASAR DUN??!!  >:( >:( >:(


I'm sorry for never being good enough
I'm sorry for my mistakes
I'm sorry for hurting you
I'M SORRY FOR BEING ALIVE

hi!!! withered love is back (sus parang maraming nagbabasa nito eh, wala naman) meron akong pinaltan at idinagdag i hope that you'll support this just like the old one... pati na rin po pala ang phantom kisser pa-support na rin... ;D :D ;D :D
« Last Edit: July 27, 2011, 05:08:12 pm by NotTheRealMe »

NotTheRealMe

  • Guest
Re: withered love♥ [color coding]
« Reply #1 on: July 25, 2011, 03:31:37 pm »
Alexis Diane Cortez

Christopher Lee Sandoval

Tim Kristian Fernandez

Syniel Denine Guevara

Dylan Kyle Villamor

Kristine Grace Fernandez

pinaltan ko yung ibang names, kasi wala lang... saka tinanggal ko na muna si Jake nahihirapan kasi ako pagmarami masyado ang characters... TY!!! ;D :D
« Last Edit: August 06, 2011, 09:14:59 pm by NotTheRealMe »

NotTheRealMe

  • Guest
Re: withered love♥
« Reply #2 on: July 26, 2011, 10:08:13 pm »
attention!!!

eto na, kakapalan ko na ang pagmumukha ko... hahaha (ok lang naman, di nyo naman ako nakikita pa) kung meron mang nagbabasa nito, sana comment kayo... at least tatlo bago ako mag-update... demanding ba? ganyan talaga ako... so please, comment naman dyan... kahit yung poll lang :-[

ang kapal ko noh? sorry naman, ganito lang talaga ako... THANKS!!! :D ;D

♥alecks

NotTheRealMe

  • Guest
Re: withered love♥ [note]
« Reply #3 on: July 27, 2011, 09:30:27 pm »
attention...

nuhbayan, puro na alng attention wala man lang update ::)

ok let's get to the point... i'll be using my another account on updating this [KLEM] is the user name, actually i deleted it but then i got bored so i retrieve it... echos ko!!

so yun lang, sana may readers na toh... ay anothey note pa nga pala... i will post the chapter 1 on friday.... NEXT WEEK!! may exam pa kasi kami, kailangang humabol dami ko kasing absents... so that's all, hope you'll support this pati na rin yung Phantom Kisser saka sana comment kayo or be active on the poll [demanding much!!!]

so thank you!!!
♥lots, Alecks [author,NotTheRealMe,Klem] yan lahat ang pangalan ko dito sa CC... ;D :D
« Last Edit: July 27, 2011, 09:34:31 pm by NotTheRealMe »

Riri

  • taffy
  • ***
  • Posts: 471
  • Karma: +30/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Random Stories
Re: withered love♥ [note]
« Reply #4 on: July 27, 2011, 09:36:01 pm »
di ko maintindihan..


anong account ba ang gagamitin mo para makapag-update??  ??? ??? ???
[More Readers]

NotTheRealMe

  • Guest
Re: withered love♥
« Reply #5 on: July 27, 2011, 10:42:36 pm »
di ko maintindihan..


anong account ba ang gagamitin mo para makapag-update??  ??? ??? ???

sorry kung magulo... Klem ang user name na gagamitin ko to update this story... :)

Riri

  • taffy
  • ***
  • Posts: 471
  • Karma: +30/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Random Stories
Re: withered love♥
« Reply #6 on: July 28, 2011, 06:40:39 pm »
sorry kung magulo... Klem ang user name na gagamitin ko to update this story... :)

ahw... naliwanagan na ako  :D :D
[More Readers]

YamkU

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +4/-3
  • para kang toilet mahilig mambara! :)
    • http://www.candymag.com/teentalk/index.php/board,23.0.html
Re: withered love♥
« Reply #7 on: July 31, 2011, 09:52:32 am »
UPDATE NA! kakaloka yung intro eh wahahha pasuspense pa tong si alecks eh wahahah :DDD PEACE tayo  ;D

akosidaph

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1053
  • Karma: +60/-6
  • SPONGEBOB <3
    • FB Page
Re: withered love♥
« Reply #8 on: July 31, 2011, 10:49:48 am »
Hello :) uhmm, new reader nga pala :P

Ayos yung intro, nakarelate ako, medyo lang :)) hahaha :)
Go for it :D I'll be waiting for Chapter 1 :D

NotTheRealMe

  • Guest
Re: withered love♥
« Reply #9 on: August 04, 2011, 08:10:09 pm »

***1***

[AD’s POV]

KRING!!!

*yawn* hay new day, new school year… and starting today I’m certified senior high school student, bago na namang pasakit sa buhay!!

Bumangon na ako ng kama, konting stretching… pumasok sa banyo at ginawa na ang aking morning routines, pagkatapos nagbihis na ako… pwede pang ordinary ang suotin kasi first day of school pa lang naman daw, pero after this week uniform na dapat.

Nung ok na ang lahat, bumaba na ako at as usual nakita ko ang nanay ko, naghahanda ng agahan habang ang tatay ko nagbabasa ng news paper…

“good morning mom, dad” my morning greetings to them…

“good morning sweetie” my mom greeted to me, kumuha ako ng isang tasty tapos inayos na yung sapatos ko.. “not going to take breakfast?” I just nodded…

“ok mom, dad… BYE!!” tapos hinatid na ako ni manong sa school…

Nasa may gate pa lang kami ng school parinig ko na agad ang boses ipis ng kaibigan kong si Tine…

“wah!!! I’m so excited na, balita ko meron daw new student, eh diba karaniwan hindi na natanggap ang school ng mga graduating transferee”

“hoy bunganga mo, para kang yung barker sa may kanto eh (napatingin sakin) morning AD” ngumiti na lang ako…

“AD my friend nandyan ka na pala, alam mo b-“ bago pa nya matapos yung sasabihin nya tinakpan ko na agad ang bibig nya…

“oo alam ko na, eh nasa gate pa lang kami ni manong parinig  ko ng yang bibig mo… hoy Tim sure ka bang nung baby pa kayo hindi toh na kalunok ng megaphone or something?” nag-taas balikat na lang si Tim, tapos tong si Tine naman nag-pout na lang…

“AMP!! Naman kayo eh!!”

Ok pakilala ko muna sila sa inyo, ito pong dalawa ay kaibigan ko since nung mga bata pa kami as in childhood friends ko sila… kambal po sila mas matanda lang si Tine ng ilang minuto kay Tim…

Si Kristine Grace Fernandez o mas kilala sa tawag na Tine, ay isang madaldal, chismosa, full of energy all the time in short luka-luka… pero kahit ganyan yan meron naman yan maipapagmalaki, maganda, matalino ang problema lang naman talaga dyan ay medyo maluwag yung turnilo nyan sa utak…

Si Kristian Tim Fernandez naman, kung sa pagkafull of energy ni Tine sya naman pagkatamlayin ni Tim… antukin, tahimik yun nga tamlayin pero kagaya din ni Tine matalino yan at may itsura…

Nakakabano nga yang dalawa eh, kasi kahit kambal magkiiba pa rin yung birthday nila, yung isa October 30 tapos yung isa 31… kasi si Tine ipinanganak 2 minutes before October 31 ang poof! Magkaiba sila ng birthday, astig noh? O sadyang bano lang ako?

Nagkwentuhan na lang kami dun nang mapansin kong may nakatitig saming grupo ng babae…

“you know, It’s rude to stare” kala nyo inosente ang pagsasabi ko, hmp! kala nyo lang yun syempre hindi…

Inalis na nila yung tingin nila at tuluyan ng umalis…

“oi, chillax ka lang dyan… kala ko pa naman gusto mong mabago yung image mo dito sa school?” suway sakin ni Tim

“korek!!!” with check hand gestures pa yang si Tine “pano mo na lang yun matatanggal eh kung laging mainit ang ulo mo” tsk… pagtulungan ba naman daw ako….

Siguro nagtataka kayo kung ano bang image yung pinagsasabi ng dalawang toh, well kasi dito sa school ako yung tipong bossy… hot tempered ako, parang bully pero hindi ako yung klaseng nanghaharang every break time noh…

Pero kung sa unang pagkikita natin iisipin mong maamo ako, na mahinhin tipong Maria Clara dahil dito sa salamin ko, pero sorry na lang ikaw kasi behind this eyeglasses there’s a tiger na handa kang kagatin anytime…

“anong magagawa ko, isa pa talaga namang masamang tumitig lalo na kung ang pagkakatitig nila is para akong tinubuan  ng isang pang ulo sa leeg”

“ok ok, ikaw na ang panalo… tayo na nga sa may lobby para matingnan natin kung anong section natin”

So ayun pumunta na kami sa may lobby para makita kung anong section namin…

“yes!! Sa wakas Tim, hindi tayo magkaklase!! Sawang sawa na ako sa pagmumukha mo eh” kagulat naman tong si Tine bigla bigla na lang sisigaw…

“edi parang sinabi mo ding sawang sawa ka na sa pagmumukha mo?” tunay naman eh diba magkamukha sila…

“alam mo AD masama yata ang simula ng school year ko… lagi mo na lang kasi akong binababara eh…” ngumiti na lang ako sa kanya ng nakakaloko.

Quote
SECTION A.a
1.
2.
3. Kristine Grace Fernandez
4.
5. Alexis Diane Cortez
6.
7.
8. Christopher Lee Sandoval
9.
10.

Quote
SECTION A.b
1.
2. Kristian Tim Fernandez
3.
4.
5. Syniel Denine Guevera
6. Dylan Kyle Villamor
7.
8.
9.
10.

“mabuti naman talaga at hindi tayo magkaklase, lagi ka na lang kasi nangongopya ng assignments” kailangan ba talagang ibroadcast?

“hoy, eh sino naman kayang basta basta na lang nangunguha ng notebook kapag walang lecture syang na kopya?” ano toh bulgaran?

“ASA, kapal mo ah…” ewan ko ba dito kay Tim, kapag tinopak ayaw ng patinag…

Tiningnan ko na lang ulit yung list of students kaysa naman mag-ala referee ako dun sa dalawa…

“hmm- Christopher Lee Sandoval?” sabi ko ng mabagal, parang naparinig ko na yun kung saan… saan nga ba?

“HA? SAAN!?” napa-stand straight ako dun, ikaw kaya try mo… yung bigla bigla nalang may susulpot na ulo sa may tabi mo tapos kung makasigaw pa kala mo nanalo sa lotto…


PAK!


“hindi ka ba marunong magbasa? Tsk pano ka na lang nakapasa bilang 4th year high school… ayan oh #8. Christopher Lee Sandoval” with turo effect pa tong si
Tim, pagpasensyahan nyo na lang at talagang tinopak lang…

“masakit yun ah..” sabay himas dun sa part kung saan sya binatukan ni Tim… tiningnan naman nya yung list of students…

“OMF!!! AD classmate natin sya!!” sinong sya?

Nagkatinginan kami ni Tim, inakbayan nya ako, inakbayan ko sya at lumakad kami papalayo kay Tine… oist laking effort yun ah, may lahi ata tong kapre eh sobrang tangkad!!

Nung medyo nakakalayo na kami ni Tim biglag sumigaw si Tine “HOY ANG SAMA NYO!!”

“oi chupi, wag kang lalapit hindi ka namin kilala” with hand gestures pa kami ni Tim na tinataboy si Tine. Gets nyo ga? Kung hindi, edi wag na..

“hindi daw… ui diga kamukha ko sya” hala mangharang ba daw ng first year ata yun…

......

.....

....

...

“WHAHAHHAHA!!!” halos mapaupo na kami ni Tim sa kakatawa kasi naman yung dalawang babaeng tinanong ni Tine biglang tumakbo.. as in karipas na sila ng takbo...

“hala ka Tine, baka magsumbong yun” sabi ko, nagpipigil ng tawa...

“ala tara na nga sa taas... badtrip yung dalawang yun...” mas nauna syang maglakad samin ni Tim... kami naman ni Tim hindi kumibo dun sa pwesto namin... wala lang trip lang namin...

Naramdaman ata ni Tine na walang sumusunod sa kanya kaya ayung lumingon... “naman eh”

Teka, as in wait.. a big BIG wait!!! Hindi pa nga pa pala ako nagpapakilala sa inyo.. neberyen!!! Ehem, ako nga pala si Alexis Diane Cortez, AD ang tawag sakin ng mga kaibigan ko tapos Alex naman sa family ko... hmm- 15 years na akong humihinga dito sa mundo, tumatanda ako tuwing sasapit ang November 1, hoy hindi yun araw ng mga patay ah... remember all saints day po ang cinecelebrate natin every November 1... ngayon ko lang na realize magkakasunod pala birthday naming tatlo noh...

Naghiwalaw na kami ni Tim kasi diba ibang section sya... kami naman ni Tine pumasok na sa loob.

--FASTFORWARD—

Naku, nakakainis naman talaga yung kalbo naming adviser, seating arrangement first day of school? San ka? Mabuti na lang at maganda tong pwesto ko, nasa may likuran tapos tabi pa sa bintana... merong isang bakanteng upuan sa tabi ko tapos isa pang upuan bago ang upuan ni Tine...

Nasan na ba yung kalbong yun? Kanina pa yung lumabas ah sabi nya susunduin lang nya yung new student sa principal’s office, eh gano ba kalayo ang principal’s office at ang tagal naman nun...

Tiningnan ko si Tine, wala kasi akong makausap pero ayun busying busy sa pagpupulbo... nagmistuang espasol na nga ang mukha nya dahil sa pulbo...

“sorry class, medyo natagalan” anong medyo, sobrang tagal mo kaya!!

“ohmygosh!!!” napatingin ako kay Tine, saka napailing...

“any problem ms Fernandez?” yan kasi, hindi mapigilan

“nothing sir”

“good to hear, ok please welcome your new classmate Mr. Sandoval” nuhbayan, pasuspence pa tong newbieng toh, ang tagal pumasok...

“sorry, I had a phone call” may ganon? Hindi ko naman makita yung mukha nya kasi nakahood sya nung pumasok sya ng room..

“it’s ok, so please” humarap sya samin, tapos dahan dahan nyang tinanggal yung hood nya...

......

.....

....

...

..

.

 "IKAW!?"

klem

  • jellybean
  • **
  • Posts: 187
  • Karma: +3/-2
  • I destroy my enemies when I make them my friends.
Re: withered love♥
« Reply #10 on: September 09, 2011, 07:55:02 pm »
awww, ala na pang update :'( :'( :'(
maybe this time...

please visit my wattpad (eyelisikeyes)



#best friend or childhood friend?

yourdazzlingsuperstar

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 30
  • Karma: +6/-0
  • TeenTalker
Re: withered love♥
« Reply #11 on: September 10, 2011, 06:58:56 pm »
Hello! New reader again XD. Ahmm. Tuloy pa din po ba to? Kasi i really love it. SUPERB. XD.

 

Candy Blog

What We Did: A Week-Long Internship!
by: guest, 2012-02-10
Hi, :hi: we're Estelle and Tanitha, we're 15 and 14 year old French girls and we're in...

Council of Cool Blog

La Paella in Greenhills
by: Rebecca, 2012-02-10
With our limited allowance and time, us teenagers enjoy finding new spots to enjoy our time...
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website