AYRA: 20 na sis.

Kaw?
Supportahan mo din to ha?
VAL:Hi val!

Thanks for reading.

Supportahan mo to ha?
PAM:naks.

course mo sis?
A/N: Para kay
PAM,
AYRA, at
VAL here's the prologue.

I hope you guys will like this. Support niyo to ha?

PROLOGUE:
"Halos tatlong bwan na tayong wala France, that's like 90 days or so. That's long enough to tell you na wala na talaga. Wala na."Isa sa mga pinakamahirap gawin ay ang bumitaw sa isang bagay na nakasanayan mo na.
Ang iwanan ang mga bagay na ginusto mo ng matagal-tagal na panahon.
Ang kalimutan ang mga taong mahalaga sa buhay mo.
Ang marinig mula sa taong pinakamamahal mo na, 'tapos na tayo.'
"Ang hinihingi ko lang naman sa'yo eh chance. Isang chance lang, mahirap ba yun?"Kung alam mong siya lang ang taong makakapagpasaya sa'yo..
Kung alam mong siya lang ang magbibigay ng kulay sa mundo mo..
Kung alam mong kahit ayaw na niya, gusto mo pa rin..
Kung alam mong siya lang talaga at wala ng iba..
Papayag ka bang mawala na lang siya sayo ng
dahil sa isang pagkakamaling paulit-ulit mong pinagsisisihan?
"France, tama na naman. Nahihirapan ako. Kung akala mo madali sa'kin lahat to, nagkakamali ka. Mahirap, pero ito ang dapat."Kung ito ang dapat..
bakit mahirap?
bakit masakit?
bakit malungkot?
"Mia naman, bigyan mo ko ng chance. Please. Sampung araw, sampung araw lang. Itatama ko lahat ng mali, bubuoin natin ang lahat ng nasira, aayusin natin ang lahat ng gumulo.."Hanggang kayang lumaban, ilalaban.
Hanggang kayang ituloy, itutuloy.
Para sa isang taong kagaya ni Mia?
Wala akong hindi gagawin.
Wala akong hindi ibibigay.
"Fine. Sampung araw France. Sampung araw lang."Kung sampung araw lang ang mayroon ka para bawiin ang taong mahal mo..
Anong gagawin mo?
COMMENTS!
