@ elaine143oh!me, thank you. (: Elaine right? i'm Erin. thanks at nagustuhan mo, hehe. _________________________________________________________
HER FIRST SMILE.
Part Two of Three.
ALL PARENTS DAMAGE THEIR CHILDREN. It cannot be helped. Youth, like pristine glass, absorbs the print of his handlers. Some parents smudge, others crack, a few shatter childhood completely into jagged little pieces, beyond repair.
-- Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven.
Nagsmile lang sa ‘kin si Makki. His smile reminds me of someone else’s smile, para bang kilala ko ‘yung ngiting ‘yon. It was genuine, hindi ata nauubusan ng ngiti ‘tong -- teka, tao ba ‘to o anghel? Tama,
anghel siya. Siya siguro ‘yung angel na pinadala sa ‘kin para makasama ko bago ako umakyat sa langit.
Pinakita sa ‘kin ni Makki ang childhood ko. Mostly, si Lola pala lagi ang kasama ko noon, busy kasi ang parents ko lagi. Subsob silang dalawa sa trabaho.
Daddyyyy! Tumatakbo ang bata papunta sa Daddy niya na pababa naman sa kotse. Sinalubong naman ng lalaki ang bata ngunit sinabihan lang na pumasok na at mag-aral na lang sa loob ng bahay.
Pinuntahan na lang ng bata ang kanyang lola na nasa garden.
Lola, bakit po laging busy sila Daddy at Mommy? Tanong ng bata sa kanyang lola.
Tinignan ko si Makki habang pinapanuod namin ang mga nangyari noong bata pa ‘ko.
Hindi ako pinapansin nila Mommy’t Daddy noon? Pero hindi ko naman ‘yan matandaan eh.Tumingin din siya sa ‘kin,
Hindi naman lahat tinatandaan mo eh. Manuod ka na lang, marami pang mangyayari. Nasa simula pa lang tayo oh.Pinagpatuloy ko ang panunuod, napansin ko ngang lagi na lang wala ang mga parents ko noon. Hindi ko alam pero ngayon ko narerealize na mag-isa lang pala ako nung kabataan ko pero hindi ko naman ‘yon matandaan. Kahit noong nabubuhay ako, hindi ko napapansin.
Lola, ano ano po ‘yung colors na kasama sa rainbow? Assignment po kasi namin ‘yon eh. Tanong ng bata sa kanyang lola. Tinuruan naman ako ni Lola noon kung ano anong colors ang mayroon sa rainbow.
Alam mo ba apo, na kapag natatapos ang ulan laging merong rainbow?
Talaga po Lola?
Oo, ibig sabihin kahit na ga’no kalakas ang ulan ‘pag natapos ‘yon, lalabas ulit ang araw. Ipapakita niya sa atin na tapos na ang ulan sa pamamagitan ng rainbow. Paliwanag ng lola sa bata.
Wow! Sana lagi na lang may rainbow Lola. Para malaman ng mga tao na tapos na ang ulan at may araw na ulit. Masayang sabi ng bata sa kanyang lola na nginitian naman ang kanyang apo.
Napansin ko naman na nakangiti si Makki habang pinapanuod namin ang kabataan ko.
Ba’t ka nakangiti dyan?Ang positive mo pala noon noh, bestfriend? Ngumiti na lang ako bilang tugon sa kanya, pero tinitigan lang ako ng mukhang anghel na ‘to.
Ano? Ba’t ganyan ka makatingin? Wala naman, ‘yung ngiti mo kasi noong bata ka pa, pareho pa rin sa ngiti mo ngayon eh. Natatawang sagot ni Makki.
Mommy!! Daddyyyy! Bumalik ang atensyon namin sa pinapanuod naming dalawa. Tumatakbo ang bata papunta sa kaniyang mga magulang na paalis naman at papasok sa trabaho.
Meron po kaming play sa school mommy, ako daw po ‘yung angel. Daddy, nuod po kayo ah? Malambing na request ng bata sa kanyang mga magulang.
Sorry baby, may work pa kasi si mommy at daddy. Si lola na lang ang isama mo, ipapavideo naming kay yaya para mapanuod din naming, ok? O sige, alis na kami ni Daddy, may pupuntahan pa kami eh. ‘yun lang at umalis na ang mag-asawa. Ang bata naman ay tumango lang kahit na mukhang nalungkot.
Ngayon ako naaawa sa sarili ko. Hindi ko akalaing gano’n pala noon, hindi ko naman kasi pinapansin masyado. Lahat naman kasi ng sinasabi nila, pinaniwalaan ko eh. Pero sa tingin ko, may dahilan naman kung bakit gano’n. Busy lang talaga ang parents ko noon kaya siguro wala silang panahon sa ‘kin. Saka marami pang mangyayari, marami pa akong makikita.
Garrie?
HMM?
Huwag ka munang masyadong mag-isip dyan. Kung ako sayo, i-eenjoy ko ‘tong pinapanood natin na para bang nasa sinehan lang tayo, ang pagkakaiba, ikaw naman ang bida. Sabi sa ‘kin ni Makki na hindi nabubura ang mga ngiti sa kanyang labi.
Kapag bida, laging kinakawawa noh? Haha. Natatawa kong sambit habang patuloy na pinanunuod ang kabataan ko.
Hindi ka naman kinakawawa no’n. Ganu’n talaga ‘pag mababait, nagmumukha sila kawawa dahil hinahayaan lang silang saktan ng mga taong mahal nila.
Sabagay, tingin ko naman hindi ako kawawa no’n. Ayan oh, alagang-alaga ako ni Lola. Sabay turo sa pinapanuod namin.
Tama. Madaming nagmamahal sa’yo, hindi mo lang alam.
Talaga? Ilan? Sino-sino? Excited kong tanong kay Makki.
Maghintay ka lang. hindi mabibilang sa numero kung ilan sila, pero sigurado ako, mahal na mahal ka nila. Sabay ngiti ulit ng pagkatamis-tamis. Ang gwapo talaga oh.

________________
Note: Lines in italicized form are lines from the past.