Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!



Poll

Wala namang sumasagot eh. D: JOKE XD

...
 0 (0%)
...
 0 (0%)
...
 0 (0%)

Total Members Voted: 0

Voting closed: November 06, 2009, 10:25:18 pm

Author Topic: Papercut -FINISHED-  (Read 11265 times)

it_must_be_me

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4074
  • Karma: +110/-128
  • I choose you
    • Are you a FREAK?
Re: Papercut
« Reply #450 on: December 26, 2009, 08:57:53 pm »
^ lol saang part? XD
Thanks for reading!
Happy Bubble

elaine143oh!me

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1018
  • Karma: +24/-4
  • home is where the heart is.
Re: Papercut
« Reply #451 on: December 26, 2009, 09:05:10 pm »
^^hi Ana, lyn to.. hehe.. nbsa ko na ung update.. wooh. ang galing! haha.. nice job sis..

it_must_be_me

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4074
  • Karma: +110/-128
  • I choose you
    • Are you a FREAK?
Re: Papercut
« Reply #452 on: December 26, 2009, 09:26:21 pm »
^ Hi Lyn! <3 Thank you very much!
Happy Bubble

sanburn

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1086
  • Karma: +75/-4
  • "I want something different.something exotic."
Re: Papercut
« Reply #453 on: December 27, 2009, 12:48:07 am »
aay syete.nakakakilig.ahahahha.kainis ka vic.pinapaselos mo ako.tsk.natutuwa ako pag nagseselos si vic..more of enzo and pia's moments please.LOL.
We definitely have a connection. Even if we cannot express it in words, we both know that the spark is growing into something warm. A forest fire? Maybe not. But we could be in for some smoldering embers.

it_must_be_me

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4074
  • Karma: +110/-128
  • I choose you
    • Are you a FREAK?
Re: Papercut
« Reply #454 on: December 27, 2009, 10:57:42 am »
^ HAHA. Talagang love mo na si Vic? XD
Thanks for reading!
Happy Bubble

music_lover06

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 662
  • Karma: +156/-4
  • TeenTalker
Re: Papercut
« Reply #455 on: December 27, 2009, 11:18:42 am »
Yey!

Yeey!

yeeey!

Nakahabol ako!

hihihi..

abi nga po pala..

ang ganda po ng story mo!

Super!

hihihi!

Next na po...

 ;D

it_must_be_me

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4074
  • Karma: +110/-128
  • I choose you
    • Are you a FREAK?
Re: Papercut
« Reply #456 on: December 27, 2009, 01:04:24 pm »
^ Wow. Thank you sa paghabol! And salamat rin sa pagbabasa.
Happy Bubble

susette_sassy

  • taffy
  • ***
  • Posts: 397
  • Karma: +7/-15
    • <a href="http://www.friendster.com/photos/52035245/1/949604828"><img src="http://photos-245.friendster.com/e1/photos/54/25/52035245/1_949604828m.jpg" border="0"/></a>
Re: Papercut
« Reply #457 on: December 27, 2009, 01:43:53 pm »

Hehe. Ganun ba? <3
Thanks for reading!


opo hehe


bket kaya ganun si victor super sweet
kakainggit haha!

it_must_be_me

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4074
  • Karma: +110/-128
  • I choose you
    • Are you a FREAK?
Re: Papercut
« Reply #458 on: December 27, 2009, 02:19:39 pm »
^ OH WELL. XD


Darn. Maikli lang pala yung update noh. D:
Happy Bubble

sanburn

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1086
  • Karma: +75/-4
  • "I want something different.something exotic."
Re: Papercut
« Reply #459 on: December 27, 2009, 03:56:28 pm »
^ HAHA. Talagang love mo na si Vic? XD
Thanks for reading!


syempre naman.sino ba namang di maiinlove dyan sa makulit na seloso na seryoso na misteryoso na HOT na nilalang na yan.ahahahhahahahha ;) ;D
We definitely have a connection. Even if we cannot express it in words, we both know that the spark is growing into something warm. A forest fire? Maybe not. But we could be in for some smoldering embers.

Lonely Procrastinator

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 6194
  • Karma: +204/-12
  • It's all part of life, so get over it and live. :)
    • The Mask
Re: Papercut
« Reply #460 on: December 27, 2009, 05:47:52 pm »
NAkakatawa si Victor oh. :"> :)) Ano nga ba ang choice ni Pia, eh?

it_must_be_me

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4074
  • Karma: +110/-128
  • I choose you
    • Are you a FREAK?
Re: Papercut
« Reply #461 on: December 27, 2009, 08:17:30 pm »
“Victor?” Eleven na siguro nung nagising ako. Haay. Sarap sa pakiramdam ng mahaba ang tulog. Lumabas kaagad ako ng kwarto pagkagising ko kaya nagtatanggal ako ng muta habang hinahanap siya. Mabuti na lang merong katulong malapit sa kwarto na tinulugan ko kaya naituro niya sa akin kung nasaan yung amo niya. Umupo kaagad ako sa garden table kung nasaan siya dahil wala pa ako sa wisyo magfunction.

“Morning” Nagbabasa siya ng dyaryo. Ano ba yan. Magtatanghali na ngayon lang magbabasa nyan. Paano kung guguho na pala mundo mamayang tanghali? Edi na-late na siya? HAISH. “How’s your sleep?”

“May pasok ka pa diba?”

Binaba niya na yung dyaryo para tignan ako. “Just got home from office para tapusin na yung gagawin ko. I canceled all my meetings for today since you’re here” Gusto ko siyang batukan sa sinabi niya. Sobra sobra siya kung mamilit na mag-aral ako ng mabuti tapos siya naman yung magpapacancel ng meeting niya para lang sa akin. That is so NOT sweet at all. Kaya kung ano na lang ang nasasabi sa kanya ng tatay niya eh.

“Ay nako. Kung alam kong gagawin mo yan sana pumasok na lang ako”

“Why? You don’t like to spend time with me?” Don’t tell me mag-eemo ka na naman dyan. Babatukan na talaga kita eh.

“Gusto. Pero ayoko lang na nagpapacancel ka ng meeting dahil lang sa akin”
Kinuha ko yung juice niya at uminom dahil baka matuyuan ako ng dugo dito sa lalaking toh.

“Okay. I’m sorry. Last time na toh” Ewan ko sayo.

Pinakain niya na lang ako hanggang sa pakiramdam ko sasabog na yung tiyan ko sa dami ng laman. Tae. Feeling niya daw kasi hindi ko pinapakain yung sarili ko simula ng umalis si Papa. Tae magda-dalawang buwan na yun edi tepok na sana ako diba? Parang tanga lang eh. Pagkatapos kong kumain naligo na ako at ng nagbihis na dahil aalis daw kami.

“No Dad, you can’t do this. I already made plans with her” Huh?

Kahit na dahan dahan akong bumababa sa hagdanan nakita ko kaagad yung tatay niya na as usual pormal na naman ang itsura. Tong tatay niya parang laging pupunta sa United Nations conference sa get up eh. “Well, hello there, lady”

“Good morning po” Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako hinawakan sa kamay ni Victor. Close na kasi kami eh kaya lumevel up na kami sa beso.

“You don’t really mind—“

“Victor? Tito Arty?” Lahat kami napatingin sa pintuan at grabe parang galing yata siya sa langit. Nako nasaan na ba yung hagdan at makapunta nga. Baka may unique parlor doon at ang gaganda ng mga tao. Tae. Hindi pwedeng maganda lang siya eh. Parang magandang magandang magandang hanggang sa umabot na ako ng one hundred years old ganun pa rin sasabihin ko. Para siyang totoong anghel na naglalakad. Hala baka nananaginip lang ako ah.

“Andrea? What…what are you doing here?” Hinalikan niya rin si Tito Arty (hehe ganun talaga tawag kapag close na) tapos maikling yakap. Tinignan niya si Victor. Hindi pa rin ako makaget over sa ganda niya. Wala man lang ka marka marka ng pimples pati nga blackheads wala eh.

“I just arrived the other night. How are you, baby?”
Baby? Hah.

Tinignan ko si Victor, aba hindi ako nagtaka kung bakit nakanganga siya na parang hindi mapaniwala na nasa harapan niya ulit yung ex niyang si Andrea Martinez. Wala akong ibang alam sa kanya kundi ex siya nitong lalaking toh. Aba babatukan ko talaga toh mamaya. Tama bang pakawalan pa ang isang katulad nito? Grabe.

“I’m fine, how about you?”

“Good as well. Oh is this your girlfriend, Pia?” WOW. Grabe. Flattered naman ako at kilala niya ako. “She’s really beautiful. Hi there. I’m Andrea Martinez, well, a family friend I guess?” Lord, salamat at gumawa ka ng ganitong nilalang. Mukhang mabait eh.

“Dad, I won’t be going to the office until tomorrow so if ever you want to send some files or whatever, my secretary is there”

“Have you finished working with Mr. Ko’s financial problems? I need that as soon as possible”

“I’m done with it. I have finished everything and it is all on my secretary’s desk”

“So you really planned everything for you to slack off?”
Hindi ko mapigilang iikot yung mata ko. Kahit okay na kami nitong tatay niya hindi niya talaga mapigilang hindi mag-comment ng mga walang kakwenta kwentang bagay. “Andrea hija, what’s your agenda of going here?”

“Oh I was thinking of inviting you guys for lunch or something”

“I can’t, darling. But I’m sure Victor and Pia can go with you” Yeah right. Para naman matitigan kita habang nagka-catch up kayong mag-ex diba. I’m sure naman hindi ko mapapansin na namiss niyo yung isa’t-isa dahil ang ganda ganda mo diba. Tsaka anong malay ko baka may feelings pa kayong dalawa.

“Is it alright?”

“Sure” sagot ko dahil alam kong mahihiyang sumagot si Victor dahil baka isipin niya na meron akong maiisip kapag pumayag siya. WALA NOH.

Sinabayan na naming lumabas si Tito Arty tapos sinabi lang ni Andrea na same restaurant bago sumakay sa sasakyan niyang sosyalin. Tahimik muna kaming dalawa nung pumasok kami sa sasakyan niya. Basta ako wala lang sa akin ito at busy ako sa pag-iisip sa mukha nung babaeng yun. “Hey, you know I love you right?” Inikot ko yung mata ko bago ko tumingin sa kanya. Ano na namang iniisip nito?

“Victor, ang ganda niya. Halika na”
Baka hindi kita matantya at masuntok kita.

Sinundan namin siya habang naghahanap ng table sa sosyal na restaurant na toh. Hanggang sa umupo kami nakatingin pa rin ako sa kanya. Pasensya ah. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganito kagandang babae eh. Nako siya lang ang sasabihin ko na mas maganda talaga sa akin. Grabe.

“You know what, Pia. I’m friends with Rodrigo” Ahh yung editor nung Lifestyle magazine. “Sa kanya ko nakuha yung information about you. And you know what, Vic, she’s really really beautiful. My friends sent me the magazines she posed for these past few months and she’s more gorgeous in real life” Woah. And this is coming from somewhat as beautiful as her! Haha. Pasimple kong pinahiran yung ilong ko dahil baka may lumabas ng dugo nakakahiya naman kapag makita niya pa.

“Hehe. Thanks” Epal ko sa kanila.

“She is. And once you’ll get to know her…she’s a lot more beautiful”
Hindi ko alam kung binobola lang ako nitong lalaking toh o nangiinggit siya. Excuse me naman, Biktor, ang ganda ganda niyang babaeng yan paano yan maiinggit sa akin noh?

“I bet she is. How are you, Vic? I missed you”

“I got over you after a year and besides those moments everything’s been fine” Hanep talaga tong lalaking toh eh. Ang galing magshortcut ng mga ganitong usapin. Kung ako yan baka nagkwento na ako. Hindi ko kaya magshortcut shortcut. “How about you?”

“Been fine. I’m staying with Erica this time. Do you remember her? I think you were classmates in one of your minor subject—

“Yes, I do remember her. She ‘accidentally’ kissed me when she was drunk—“

“Hahaha—“
Tae. Pati tawa niya ang sarap pakinggan eh. “That girl…she said hi nga pala. Do you know she still likes you?”

“Tell her, I miss her” Tapos nag-usap na sila tungkol sa mga nangyari sa kanila sa Europe. Mukhang doon sila nagkakilala eh. Akala ko makokontento ako sa pagtitig kay Andrea habang nagkukwentuhan sila ng kung ano anong ang hirap i-pronounce na lugar. Tae. Ano toh? Way back into memories?! Nagpapaliksahan ba sila kung sino pinakamaraming maaalala? Haish. Sana pumasok na lang ako kung puro ganito lang maririnig ko. Mas maganda pa History namin sa inyo noh!

“Oh I’m so sorry Pia. Nadala lang siguro ako. That’s how I am kapag nakakamiss ng kaibigan. So let’s talk about you” Ito nakakailang kain na ng lamok dahil ang tagal niyo mag-usap. “I heard you’re just…what? 17? Gosh, Vic naman” Inikot ko yung mata ko. Ay pasensya. Kailangan ko bang iparamdam sa kanyang hindi ako naiinis at go lang? Tapos ayan na naman…age na naman. Haish.

DALAWANG TAON LANG NAMAN ANG TANDA NITONG MOKONG NA TOH SA AKIN EH. Kairita.

“No, hun. You won’t talk about that” Tapos biglang nagring yung cellphone ni Victor kaya nag-excuse muna siya.

Natakot naman ako dahil baka magtransform ito bilang evil ex-girlfriend na parang napapanood ko sa TV. Kasi usually ganun eh…goody good kapag kasama si boyfriend tapos aalis sandali sa scene tapos biglang ‘Hoy babae nandito na ako kaya umalis alis ka na’. Ganun yun diba? Kaya nagready na ako para tumakbo kung sakaling mag turn into life yung napapanood ko. Ahh..ayan na…binuksan niya na yung bibig niya.

Hala—“Gosh that guy is so weird. Anyway, so you’re in college already?”

“Ahhh…high school pa lang” Umpisa lang yan Pia. Huwag kang kakagat.

“Really? So what course are you planning to take?” Ay. Speaking of that, ano nga ba? Si Tisha nasabi niya na kukuha siya ng Culinary tapos yung mga parekoy ko may relasyon sa computer at engineering. Oo nga noh. Nako nasaan ba utak ko nun habang nag-uusap sila tungkol sa college? Tae naman o. “Oops. Looks like you still haven’t decided? Nako Pia. Ilang months na lang graduation na and malapit na deadline nung mga good universities dito” Woah. Concerned talaga siya sa akin o chika lang? “Start thinking na about it. Ano bang mga gusto mong gawin?” Nakakawindang naman toh.

Aba’t parang nagsisinungaling yung mga pinapanood ko sa TV ah. Mukhang walang bahid ng kasinungalingan itong babaeng toh. Parang sincere nga.

“Hindi ko rin alam eh” Ngumiti siya sa akin habang umiinom siya ng orange juice. “Andrea”

“Hmm?”

“Sana hindi mo masamain ah. Bakit kayo naghiwalay ni Victor?” Kasi alam mo sobrang bagay kayong dalawa eh. Para bang meant to be yung dating eh. Nakilala din kaya niya sila Sofia?

Tumingin siya sa akin at ngumiti ulit. Sige lang. Ngumiti ka lang…para tomboy na ako kapag kalabas ko ng restaurant. “I fell out of love” HUWOAH. Bago yun ah. Tsaka…bakit naman niya mararamdaman iyon? Masama ba si Victor sa kanya dati? Nako. Susuntukin ko yun mamaya. Tama bang pakawalan ang isang babaeng katulad niya? “I guess Vic never talked about it—“

“Napag-usapan namin. Kaso ang alam ko lang yung pangalan mo tsaka first love ka niya. Yun lang” Oo, mga parekoy. First love nga siya ni Victor. Aba dito masusubukan kung first love never dies. Hah.

“Oh. We’re childhood friends, the usual friends yung parents namin kind of thing. We were together for almost the rest of our childhood and teenage lives. Our parents decided to send us to Europe para doon magcollege. I knew he liked me back then pero I only see him as my brother. So nung nasa abroad kami, siya lang yung inaasahan ko since everything was new…wala pa kaming kilala. Then I began loving him as soon as he confessed everything. Two years passed…I began to see him as a brother again. I was cruel to him but he believed in the love that he had for me so nagtiis siya. I couldn’t let myself hurt him more so I asked him to leave…then I knew, he was doing everything para mapabilis yung pag-graduate niya. Hell, if I knew that he was going to do that. I’d rather pretend for him. He was miserable, Pia. I saw him being miserable and I caused it” Sumakit yung dibdib ko sa kinukwento niya. Hindi ko alam kung sa sakit na naramdaman ni Victor o dahil pwedeng mangyari ulit sa kanya yung sakit na naramdaman niya two years ago. “Then he left with a message that I’m always going to be his honey. I don’t really know why I can’t love him as that

Hindi ko alam kung anong maiisip ko sa nalaman ko. Hindi ko kayang magalit sa kanya dahil naging totoo lang siya sa sarili niya. Siguro magagalit pa ako kung nagkunyari siyang meron pa rin siyang feelings para sa kanya. Parehas sila ng kwento ni Sofia sa akin pero alam ko na ang dahilan kung bakit ganun siya kabilis nag-graduate. It was all because of Andrea.

“Talking about me?” Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago siya umupo ulit.

“Yes. Pia asked how we broke up” Wow. Sana sinikret mo na lang diba. Nakakahiya eh. Baka magfeeling toh eh.

Hindi naman sumagot si Victor. Ayun finally kumain na rin kami. Aba nagutom ako sa kakakinig sa kanila noh. Tsaka kailangan kong lagyan itong tiyan ko ng maraming reserba dahil may bago na naman akong nalaman dito sa lalaking bugok na toh.

Pero weird din eh. Diba dapat mga childhood friends madali lang ma-inlab? Oh well. Baka iba si Andrea at hindi lang lab ang nasa utak. Nagyaya si Andrea na sumama ulit kami sa kanya at may pupuntahan siya. Naeksayt naman ako dahil mukhang excited yung mukha niya.

Nakikinig lang kaming dalawa ni Victor sa radyo habang sumusunod sa sasakyan ni Andrea. “You asked about how we broke up?”

Nag-glance ako sa kanya bago sumagot. “Oo. Wala na kasi akong maisip eh. Sayang naman kung hindi ako makikipag-usap sa kanya. Mukha naman siyang mabait eh”

“Yeah, she is. Until now the only flaw that I know she has is that she doesn’t know how to cook” Woah. Talaga? Biro mo halos since birth na sila magkakilala pero yun lang yung alam niyang hindi kaya ni Andrea? Ayos ka Bro ah. Ano yun. Kinuha na ni Andrea lahat?

Sa Bulacan kami pumunta…sa isang orphanage. Tae. Anong ginagawa namin dito? Dito ba talaga pupunta si Andrea? Hmmm. Pero NR naman yung mukha ni Victor nung bumaba na kami. “Andrea!” At kilala din siya nung mga madre? “Mabuti naman at nadalaw ka dito. Kailan ka pa dumating?” Hinawakan lang ni Victor yung kamay ko habang naglalakad kami pasunod kay Andrea.

“The other night. I missed you, Ate Rely” Ate? “And you do remember—“

“Victor!” Of course magkakilala sila. “O kamusta ka na? Ang tagal mo ng hindi dumadalaw ah”

“Been busy lately. This is Pia, my girlfriend” Ahehe. Akala ko extra lang ako eh.

Nakipagshake hands naman sa akin yung madre tapos inaya kami sa garden dahil nandoon daw yung mga bata. Bata? Wow. Excited akong sumunod sa kanila. At ayun para akong nasa heaven dahil ang rami ngang batang naghahabulan doon. At ito naeeksayt talaga ako at hindi ko na mapigil. Naiinggit ako sa kanila. “Go ahead” Nagulat ako nung hinila niya ako palapit sa kanya para halikan ako sa you-know-where. Pero katulad ng ginawa niya nung ginulat ko din siya kahapon I managed to give a good reply.

Nakalimutan ko na gusto ko palang makipaglaro doon sa mga bata at pinagpatuloy tong sinimulan niya. “Ehem” Narinig kong epal nung madre. Napahinga na lang ako ng malalim bago lumapit doon sa mga batang nakatingin na pala sa direksyon namin. Ayun nagpakilala muna ako sa kanila nung una medyo nagkakailangan pa pero nung naipakita ko na gusto ko talaga makipaglaro sa kanila, okay na.

Ako yung taya nun nung nakita kong nakaupo na pala silang tatlo sa garden table medyo malayo sa amin dahil nga malaki yung garden. Silang tatlo nakangiti tapos mukhang si Victor yung nagkukwento dahil siya lang yung kumukumpas yung kamay. Kung iba siguro ang nakakakita talagang mapagkakamalan silang mag-girlfriend tsaka mag-boyfriend. Bagay na bagay silang dalawa eh.



WITH PART 2. CURRENTLY DOING IT.
« Last Edit: December 28, 2009, 01:41:30 pm by it_must_be_me »
Happy Bubble

shawty24

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 802
  • Karma: +44/-9
  • are we just memories to each other?
Re: Papercut
« Reply #462 on: December 27, 2009, 08:28:38 pm »
awww broken hearted...
Andrea can get out of the picture na...

elaine143oh!me

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1018
  • Karma: +24/-4
  • home is where the heart is.
Re: Papercut
« Reply #463 on: December 27, 2009, 08:41:35 pm »
Awts.. astig si andrea.. tsk3.. i like her naeexcite kc ako sa mga susunod n mangyayare eh..

it_must_be_me

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4074
  • Karma: +110/-128
  • I choose you
    • Are you a FREAK?
Re: Papercut
« Reply #464 on: December 27, 2009, 09:13:55 pm »
awww broken hearted...
Andrea can get out of the picture na...


You don't like her? XD
Thanks for reading!

Awts.. astig si andrea.. tsk3.. i like her naeexcite kc ako sa mga susunod n mangyayare eh..


Really?
Thanks for reading!
Happy Bubble

 

Advertisement