Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Avatars larger than 75x75 pixels will be deleted. Check out the Avatar&Signature. Rules.



Poll

sino sa tingin mo ang pinaka may face value sa 4 na Characters ng Friskie Frost? please look at the new avatar for references. :D

si RAVE! siya ang true meaning ng GWAPO!!!
GWAPO ba? siyempre si  KALVERT na yun, obvious ba?!?
H-E-L-L-O!!! tignan niyo nga si VOLTAIRE! Buhok at Mata pa lang.. parang si Edward Cullen na! XD Gwapo ba talaga yang mga binoto niyo? XD peace!
Si CALUPS! Kita naman sa pic, 'di ba? Yan ang totoong GWAPO! Hmmmm... Yummy!!!! :D

Author Topic: Friskie Frost  (Read 2768 times)

itsmehana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 593
  • Karma: +18/-2
  • YOU were meant for ME and I was meant for YOU
    • its me hana
Friskie Frost
« on: October 20, 2009, 10:16:22 pm »
Chapter One.

College life. Isang phase after High School life. 2 months na ang nakakalipas after ng bonggang graduation namin sa St. Mary High School pero feeling ko pa din isa lang itong ordinaryong summer katulad ng mga nakaraang taon.

Naramdaman ko na lang na, “Hindi! Seryoso na talaga ‘to!” Nung palapit na ang first day ng College. Dito ko na din kasi nararamdaman na tinutulak na ako ng parents ko sa freedom and independence na kahit kelan naman eh hindi ko hiningi.

Sa totoo lang, never pa kami nagkahiwalay nila mommy. Ngayon lang. Kung kelan recession at mas madami pang mga calamities na nanyayari dahil sa global warming, e mas minabuti nila na magkanya kanya muna kami. Hindi ba sa mga ganitong instances dapat nga, mas magkakasama pa kami? Pero hindi. Iba kasi ang pananaw ni mommy. Hindi katulad ng pag-aalaga ng mga magulang na madalas kong nakikita sa mga kabarkada ko.

Nitong hapon lang, e…


“Ma, can you please stay a little longer?” tanong ko sa mommy kong kakaligo lang at matapos mag-bihis ay nag-eempake na ng damit.

Ngayon ko lang naramdaman ito. Hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap. Hindi naman ako problem child para i-dispose na lang ng basta basta sa isang maliit na kwarto na dapat ko daw ituring na dorm. Isang maliit na bahay. Isang apartment na AKO na lang mag-isa ang titira matapos ang labing-pitong (17) taon kong paninirahan sa original na bahay namin sa Laguna.

“No anak, we have our Annual Medical Mission this week and I still haven’t packed my things for tonight’s flight. Alam mo naman na mas madaming tao ngayon ang nangangailangan sa’ming mga Doctors.”

Hindi ito ang unang beses kong narinig sa mommy ko ang heroism matapos ang maka-ilang medical missions niya. Pero this time feeling ko iba ito. I feel so deprived. Wala na nga sila kuya at daddy tapos pati siya na mommy ko, na dapat ay nag-aalala sa safety ko ay ang promotor pa sa pagiging independent ko.

Para sa’ken ang tinuturing niyang medical mission ay suicide mission para sa’ken. Ni wala pa nga akong friends dito sa lugar na ‘to tapos iiwan na lang niya ko mag-isa. Ni wala akong lakas ng loob lumabas sa apartment mag-isa dahil sa dami ng mga lokong nag-lipana sa daan, e wala ka nang mapagkakatiwalan sa ngayon, mapa-lalake o babae man kapit sa patalim na ang mga drama nila. Bwisit na recession yan.

Naiintindihan ko tuloy yung mga nasalanta ng bagyo. Naiinis ako sa mommy ko dahil mas pipiliin pa niyang makapiling ang mga taong hindi niya kilala kesa sa ako na anak niya. Parang yung mga bayani sa news na nakasagip ng other people pero sarili nilang families na in danger eh iba pa ang nakapag-save. Yung masaklap pa dun yung namatay pa yung soldier dahil sinave niya yung mga victims ng bagyo tapos di niya nasave yung sarili niya.

Pero ako? Ako na wala na ngang friends sa bago kong papasukang university, wala pang mommy na sasama sa’ken sa pamimili ng mga stuff na pang-college.

Para tuloy akong bulag na hindi alam kung san magsisimula. Mangangapa sa kung ano ba ang dapat o hindi dapat na meron kapag nasa college ka na. Yung tipong baka mamaya it’s so high school, nakakahiya naman sa mga magiging kaklase ko, di ba? 

Pero kahit ganun, aaminin ko nag-paka-Gabriela Silang pa din ako sa mommy ko..


“Pero ma, life will never be the same. You know naman that Caroline is not here anymore…” pag-mamaka-awa ko sa mommy ko. Trying to reason out na dahil wala na nga si Caroline sa tabi ko, eh wala na talaga akong kasama.

Pero ang pag-rereason out ko ay nagmistulang parang si “Angelica ng Rugrats.” Nakakainis. Sometimes, I feel like she takes me for granted. Like hindi talaga ako yung gusto niyang anak. Kulang na lang sabihin niya sa’ken na.. “Napulot lang kita sa basurahan.”

Sa halip na sabihin niya yun, eto ang sinabi niya:

“Yes anak, I know you miss your bestfriend so much but you must move on. Try to live life on your own. Let yourself discover new things. Don’t lock yourself in your own world.”

Siyempre yan ang sagot niya. Mas ok pa kung sinabi na lang niya na sana napulot niya na lang ako sa basurahan kasi kung ituring naman niya ko para akong basahan e.

Minsan lang nakakainis talaga si mommy. Simula nung mag-decide siya na mag college ako sa university na pag-ka-layo-layo sa bahay namin at malayo din sa mga bahay ng mga barkada ko at sa mga universities na napagkasunduan namin, eh hindi na’ko tinantanan ni mommy na mag-explore sa bagong mundo.

Ano ba akala niya sa’ken? Autistic? Na nangangarap pumasok sa big brother house at isiping isa ako sa mga iboboto ng mga tao dahil kakaiba ako sa lahat ng mga housemates? Grabe ha. Una deniprive na niya ako na mag-stay sa bahay namin at sa chosen school ko. Tapos ngayon ang trip naman niya maging independent ako at maging open sa madaming bagay. As if namang my whole life eh ako’t ako lang ang nag-eexist sa
“mundo ko.”

Kahit sa loob loob ko ay gusto ko nang mag-burst in to flames ay triny ko pa din siyang intindihin. Like any other daughter should do. Kahit na deep in side gusto mo nang isigaw sa nanay mo na pakinggan ka niya, e mag-papatalo ka na lang.

“Ma, I know. But it’s easy said than done. I think I really must do what you told me to do.. otherwise ako din ang masasaktan.”

Siyempre kunwari naiintindihan ko siya. Pero eto talaga ang nararamdaman ko.

Matapos ang pag-uusap namin na ‘yon ay pinagpatuloy pa din niya ang pag-eempake ng mga damit at mga gagamitin niya for the medical mission. Alam ko masayang pupunta ng remote area si mommy dahil tulad ng ibang mga pag-uusap namin e nag-wagi nanaman siya.

Kahit ganun naman ang mommy ko at kahit anong badtrip ko sa kanya ay iniintindi ko pa din siya. Kahit minsan ang plastik ko nang tignan. Kahit minsan feeling ko niloloko lang namin ang isa’t isa dahil pinapaniwala ko siyang ok lang kahit hindi. Pero alam mo, kahit ganun.. love ko pa din siya at lagi kong pinapahalagahan yung kaunting oras niya sa’ken. Kasi kahit papano swerte pa din ako na may nag-mamahal sa’ken. Na kahit ganun lang niya ipakita yung pag-aaruga niya sa’ken ay naappreciate ko yun.
« Last Edit: January 01, 2010, 03:54:15 pm by itsmehana »

Lonely Procrastinator

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 6151
  • Karma: +204/-11
  • It's all part of life, so get over it and live. :)
    • The Mask
Re: Friskie Frost
« Reply #1 on: October 20, 2009, 10:22:17 pm »
Winner nga sa iba, sa anak naman loser. L-) Like the start ate. :))

itsmehana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 593
  • Karma: +18/-2
  • YOU were meant for ME and I was meant for YOU
    • its me hana
Re: Friskie Frost
« Reply #2 on: October 20, 2009, 10:35:17 pm »
Winner nga sa iba, sa anak naman loser. L-) Like the start ate. :))


salamat danni.. :D

itsmehana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 593
  • Karma: +18/-2
  • YOU were meant for ME and I was meant for YOU
    • its me hana
Chapter Two
« Reply #3 on: October 20, 2009, 11:10:08 pm »
Chapter Two.
   
Nalagpasan ko na ang isang linggo na wala si mommy. Andun na siya sa Davao, nag-aalaga ng mga batang kahit kelan eh hindi ko makikilala pero patuloy kung maririnig dahil sa mga kwento niya.

Eto ang unang Friday na wala man lang ka-event-event sa buhay ko. Walang lakad sa club house. Walang swimming sa bakuran nila Cherry. Walang movie trip kasama sila Brittanie, Caroline, Cherry at Polyn.

Kanya kanya na kasi ng pag-hahanda para sa college. Two weeks na lang kasi at aariba na ang klase na kahit kelan eh hindi ako ma-eexcite na pagdaanan.

Hindi ako bitter. Pero hindi lang talaga ako excited. Ewan ko ba kung bakit, dati naman May pa lang hinihila ko na ang araw para sa 1st day ng pasukan. Pero ngayon parang walang ka-energy energy.

1 week na kong di lumalabas ng apartment. Parang walang balak. Eh, sino ba naman kasing ma-eexcite na lumabas kung wala ka namang kasama?

Buti na lang tumawag si Caroline.


“Hay naku! I’m fine. But not as great as you were here. Alam mo naman kung anong kina-iinisan ko, di ba?” Excited akong kausap si Caroline. Ngayon ko lang din kasi siya nakausap matapos ang 3 weeks na walang communication sa kanya at sa iba pa naming friends.

Ewan ko ba, hindi naman mistulang cave or ibang planeta ang lugar na ‘to pero hindi ko maramdaman na makakapag-exist ako dito.

“Girl, be happy for us. Miski ako naman, can’t do with these changes. Even if we are in college already, still we cannot hold our finances. Alam mo yan.” Sagot sa’ken ni Caroline.

“Alam ko yun. Kaso lang ang hirap, e. Pero maiba tayo… How’s life there?” muli kong pag-bubusisi. Nag-hahanap pa din ng mga chika na matagal kong hindi narinig dahil sa pag-lipat ko.

“Eto, trying to live with it. As mom said eh wala pa naman talaga ako magagawa. Tulad pa din ng dati tag-hirap pa din kami. Mas humirap pa ng konti dahil sa recession. Buti ka pa nga, …” medyo malungkot niyang sinagot sa enthusiastic kong tanong. Pero sanay na, ganyan na talaga si Caroline nung una pa lang. Medyo sensitive siya pag status na nila ang pinag-uusapan. Yun ang sinagot niya kahit na hindi naman talaga yung ang gusto kong malaman. Pero ok na din, atleast nakapag-kwento siya.

“Oh, ano nanaman yan? Please best friend, wag mo ngang iisipin na mas mabuti pa ang buhay ko kesa sa’yo. Hindi kaya masaya ang ganitong buhay.. kung alam mo lang.” Ganito ko na lang sinagot ang pag-ka-balisang response niya sa pangangamusta ko.

“You could say that again.. Ikaw kasi….” Tuloy pa niyang sagot.

“Pwede ba?!? Caroline! Stop pitying over yourself! Buti ka nga nakakasama mo ang family mo now kahit may crisis kayong kinakaharap, e. E, ako? Palaging palipat-lipat si mommy.” Eto yung mga times na minsan gusto ko na lang siyang sagutin ng mas nakaka-inis pang mga sagot.

Eto naman kasi parati ang iniisip nila sa’ken. Akala nila napaka-swerte ko dahil napag-hihirapan ng mga magulang ko ang mga nakikita nila na meron kami. Pero sa totoo lang, hindi din maswerte kung ako ang tatanungin.

Minsan nga nagugulat na lang ako at nakakasama ko pa si mommy, e. Para kasing nananaginip na lang ako pag kasama siya. Tipong pag gising ko wala na, nasa ibang medical mission nanaman.


“Yeah. Sorry Friskie, ha. Hayy… Why do we have to reminisce and think about our desperate lives? Nakaka-frustrate tuloy.” Eto ang sagot na madalas mong maririnig sa barkada kong nararamdaman na na nanalo ako sa debate ng kung sinong pamilya ang mas nakakaawa.

Friskie. Ako nga pala yun. Yun nga pala ang tawag ng mga nakaka-kilala sa’ken. Kung mapapansin kasi sa barkada, halos lahat ay may “ie / y / yn” sa pangalan. Tulad ni Caroline, Brittannie, Cherry, at Polyn. So since wala namang ganun sa pangalan kong Franchesca. Ayun, napagtripan nila yung pangalan ko at paikliin na parang isang dog-man sport na Frisbee.

Dahil panalo nanaman ako, siyempre ako naman ang nag-pasimuno ng drama namin.


“I wish I could experience life as most people find it.” Sabi ko.

“Happy! Yeah, sana nga. Teka, maiba tayo.. so you mean to say, wala ka pang kasama diyan sa new apartment mo? As in wala pang pumapalit sa’ken diyan? As in alone ka lang diyan?” hindi makapaniwala si Caroline na wala akong kasama.

Asar talo nanaman ako pag nalaman nilang mag-iisang linggo na ‘kong panis laway dito. Ewan ko ba, pero mukhang ganito na ata talaga ang magiging routine ko. Online at through cellphone ko na lang sila makakausap. Bibihira na lang kami magkikita dahil kanya kanya na kami ng campus at universities na titigilan.

Hindi madali at hindi na rin possible na makukumpleto kami kung gusto namin magkita kita. Malamang, sa sembreak at Christmas break at summer break na lang kami magkakasama kung walang aberya sa school. Tae naman kasi, sana pwede na lang maging katulad ng high school ang college. Yung mag-iiba ka lang ng classroom pag kailangan mo nang seryosohin talaga yung subject, tapos pag masaya yung manyayari sa school kayo kayo pa din ang magkakasama. Yung tipong sabay sabay kayong mag-ggrow nang hindi kayo nag hihiwalay.  haysss.. Ang sad.


“Promise mo muna hindi mo ko pag tatawanan, ok?” sagot ko.

“Susubukan ko, pero sige na din.. promise!” sagot niya.

“Wala pa. That means na mag-iisang linggo na ‘kong panis
laway sa kwartong ‘to. Wala pa akong nakakausap na ibang tao, ikaw pa lang. I mean, hindi ibang iba ha, I mean yung bukod sa mommy ko.”


“Pffff… hi! hi! hi! hi!” sa puntong ito e nag-pipigil na ng tawa si Caroline. Hindi niya mapigilang hindi matawa na sa wakas e inamin kong wala pa kong nakakausap bukod kay mommy. Mukhang may connivance ang mga bakla sa 3 weeks na hindi pag-keep-in-touch sa’ken. At mukhang sa puntong ito ay silang 4 naman ngayon ang nanalo.

“Oh, tama na. Baka mamaya e, kabagin ka diyan kakapigil ng tawa. Oo na, wala pa kong naipalit sa’yo. Wala atang balak talaga si mommy na mag-stay dito kahit umiyak pa ko ng pang Guinness Book of Records. As in super triny ko nang mag-makaawa sa kanya and everything, pero wala. Wala. Wala. Badtrip! Puro siya ‘I understand, I understand…’ pero ang ending naman niya sa’ken parati I must live my life with open doors. Para daw hindi ako malungkot sa mundo ko.”

“Hay naku girl, no comment ako diyan. Wait wait wait.. it’s time for me to go na pala. May aasikasuhin pa kasi akong forms e. Sorry Friskie ha. Bye bye, mwuah! TC! Love yah!” at dun na natapos ang usapan namin ni Caroline.

Si Caroline ang unang una kong naging friend/bestfriend simula nung lumipat kami ng bahay sa Laguna. Super bait ni Caroline at twice pa lang kami nag-aaway kahit na halos 5 years ko na siyang kilala. Hindi siya pala-away, pero kapag alam niyang asa tama siya eh pinaglalaban niya ito. Mas matalino siya sa’ken at mas kikay. Siya yung ala-Bratz girl na kahit kelan e, hindi ko pinangarap.

« Last Edit: November 11, 2009, 01:54:09 pm by itsmehana »

itsmehana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 593
  • Karma: +18/-2
  • YOU were meant for ME and I was meant for YOU
    • its me hana
Chapter Three
« Reply #4 on: October 20, 2009, 11:14:14 pm »
Chapter Three.

Nagising ako ng Saturday ng umaga sa isang doorbell na hindi ko akalaing nag eexist sa tabi ng pintuan ng apartment ko.

Bago ko pa buksan ang pinto ay nag ayos muna ako ng sarili. Well, wala naman akong care kung sino yung nasa labas ng pinto ko pero ‘yun talaga ang nakasanayan ko kahit nung bata pa ko.

Mejo matagal tagal ding nag-antay yung nag-doorbell sa pinto. Nakakusot pa yung kamay ko sa kaliwang mata ko nung binuksan ko yung pinto.


“Yes? May I help you?” tanong ko sa isang teenager na hindi ko kilala. Sa tantiya ko siya yung nag-doorbell.

“Good morning, ahm.. I’m Kalvert dela Cruz. I’m looking for Ms. Franchesca Qietana.” Oops! Ako yun, ah. Ano kayang sadya nitong teenager na’to. Diyos ko, ah. Kung magtitinda siya ng pandesal sa ganitong oras aba, makakatikim ‘to sa’ken ng taas ng kilay.

“Why? What can I do for you? I’m Franchesca Qietana.” Ni-rephrase ko nga ang tanong ko, mukhang di niya na-catch ang tanong na anong ginagawa mo dito?

“Hi! I’m Kalvert. I’m your new roommate.” Muntik ko nang i-bang ang pinto sa mukha niya ng sabihin niya ang salitang roommate. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig sa ulo ng marealize ko ang mga sinabi niya.

“Ha? Excuse me???” Clueless kong tanong. Deep inside gusto ko ng i-lock ang pinto at magtago sa CR. Baka kasi rapist eto.

“Ako yung pinadala ng mommy mo.” Sagot niya na parang alam na alam niya ang sinasabi niya.

“Teka ha, are you sure? Do you have any IDs? Or any proof na totoo yung mga sinasabi mo sa’ken?” Yes. I am not a trusting person. Masyado akong aware sa mga manloloko at sa mga current events. Madali akong matakot at hindi ako mabilis magtiwala. Kaya naman ang pag-tatanong kong iyon ay nagmistulang investigation ng Scene of the Crime Operatives or SOCO.

“Yes, eto…” Inabot niya ang letter na kine-claim niyang sulat ng mommy ko.

Kinuha ko at binasa ang letter. Hindi ako makapaniwala pero wala akong magawa. I know my mom’s handwriting. Since doctor siya alam kong eto talaga ang handwriting niya dahil madalas niya din akong sulatan from her medical missions. Hindi pa kasi siya marunong mag YM at mag-Facebook nung mga panahong ‘yon.

Hindi niya ako agad na-convince. It took me a while para matanggap ang mga sinasabi niya dahil kinonfirm ko pa sa mommy ko ang kalokohan nitong lalakeng mukhang nagtitinda lang ng pandesal.

Nung sinagot ni mommy ang tanong ko at kinonfirm niya medyo nakahinga ako. Pero kabado pa din at takang taka.


“Naku, pasensiya ka na. I didn’t know. Wala kasing nabanggit si mommy last week. Hmmm.. as you can see I’m still fixing some things here. Bagong lipat lang din kasi ako. How did you know her nga pala?” I’m trying to be friendly. Medyo nahiya din ako sa treatment ko sa kanya and besides mukha naman siyang ok.

“Doctor siya, right?” Oo nga naman. Pero loko to ah. Anong gusto niyang i-prove, ah?

“Yeah. Naku! I’m sorry! Tuloy ka. Naku, pasensiya ka na.. kagigising ko lang kasi kaya wala pa ‘ko sa hulog, e.” I tried. Pero sa totoo lang wala pa talaga akong balak na papasukin siya.

Pumasok siya at umupo sa chair sa may dining table.

Naiilang ako at kaming dalawa lang ang nasa loob ng apartment. Pero no choice ako. Hindi ko naman pwedeng i-pangalandakan sa mga mas strangers kong kapit-bahay sa building na kaming dalawa lang ang tao sa apartment ko. Mas delikado sa tsismiss at akyat-apartment gang.


“Ok lang yun, Hmm.. nakakaistorbo ba ‘ko? I mean… wrong timing ata yung pag-punta ko.” Gusto ko siyang sagutin ng ‘oo, wrong timing ka. Buti naramdaman mo, nakuha mo pang mang-gising ng tulog.’ Pero siyempre may breeding naman ako kaya triny ko talagang mag-paka-nice.

“No. Ok lang, ako nga nahihiya sa’yo e. Mukha kasing pagod ka sa biyahe.” I tried to smile. Morning smile. Sows. Hindi naman sa masamang tao ako or brat or something. Stuck-up lang siguro ako ngayon kaya ako ganito. Moody moody na din dahil hindi ko nakukuha lahat ng gusto ko. Pero may inner-kindness din naman ako.

“Hindi, ok lang. I will help you. Anyways, I will be your roommate naman. So, ok lang ba if we can be friends?” Well, malapit na kong maging allergic sa paulit ulit niyang pag-eemphasize na magiging roommate ko siya. Pero hindi naman siguro masama kung pagbibigyan ko siya.

“Sure. I’m Friskie by the way.” sagot ko.

“I’m Kalvert. 20 years old. Taga-Quezon province ako. Anak ako ng driver ng mommy niyo. I was applying for a job para makaipon ng pamasahe papuntang Maynila kasi nakuha ko yung scholarship sa isang university duon. Fortunately, tinulungan ako ng mommy mo.”

“Talaga? I can’t believe my mom trusted someone like you. Well, I don’t mean to offend you by that. I mean, my mom is a very old fashioned woman. I guess your dad knows it. Honestly, hindi ako sanay na guy yung roommate ko, nakaka-ilang. Eto din kasi yung first time kong mawawalay sa home.”

“I’m sorry ma’am. Sasabihin ko na lang sa mommy mo na…”

“Na what? Hehe.. Ok lang yan. You’re here to study right?”

“Yes ma’am.”

“You can drop the ma’am. I am also here for the same reason. But I’m on my Freshman year pa lang.” sabi ko.

“Ok, Ms. Friskie.” Makulit na sagot ni Kalvert.

“San ka nga pala mag-s-study? Madami kasing universities dito sa Manila.”

“Sa St. James College of Liberal Arts.” Sa gulat ko napa-nganga na lang ako at natigilan.

“What? Are you speaking of St. James Manila? As in St. James diyan lang?” reply ko nung marealize kong iisa lang pala kami ng papasukan na university.

“Yes. I am going to take Political Science as pre-law at St. James University Manila.”

“Oh no. I think kasing college kita. I’m going to take AB Journalism, e. Wait wait wait… kumain ka na ba? Hindi pa kasi ako nag-b-breakfast, e.”

Parang alam ko na kung bakit andun ako sa parehong university ni Kalvin. I think si mommy nanaman ang may kinalaman dito. This is not my type of university but my parents insisted. So wala akong nagawa. My gawd! Si mommy talaga! Aaarrrgh!!!

“Yeah nag-breakfast na’ko. But if you want I can cook for you. Ako din kasi ang nagluluto sa’men, e. That is.. if you want me to. …”

“Marunong ka mag-luto? Wow. Galing mo naman, buti ka pa. Hehe. Well, marunong din naman ako pero hindi ako masyadong magaling. Pero, hindi ko pa kasi masyado naayos yung kitchen and ‘di pa ata kumpleto yung mga recipes ko. Pwede bili ka na lang ng bread sa bakery sa baba?”

« Last Edit: November 11, 2009, 02:15:37 pm by itsmehana »

itsmehana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 593
  • Karma: +18/-2
  • YOU were meant for ME and I was meant for YOU
    • its me hana
Chapter Four
« Reply #5 on: October 20, 2009, 11:16:33 pm »
Chapter Four.

Kinagabihan ng Sabado ay nag-usap kami ng mommy ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na ang mommy ko na super old fashioned ay nag-padala ng lalake sa apartment ko. Hindi lang basta lalake. Hindi ko pa kilalang lalake! Na nag-pipilit na tumira sa apartment kong dapat ay solong solo ko lang na pagmumukmukan.

“Mommy talaga bang pinadala mo si Kalvin dito?” pag uusisa ko sa Instant messenger.

“Kalvert anak, Kalvert.” Sagot naman saken ng mommy ko na talagang pinapatunayang kilala nga niya yung lalaking nang-gising sa’ken kaninang umaga.

“Ok, ok. Kalvert na kung Kalvert. Ok? E, bakit ba kasi pinapunta mo siya dito?” lalo ko pang pangungulit sa mommy ko.

“Pinapunta ko si Kalvert diyan para may kasama ka. Hindi ba yun ang gusto mo? Sabi mo gusto mo ng makakasama, so ayan. Ayan si Kalvert”

“Yeah, gusto ko nga ng kasama. Pero ma, bakit naman lalake pa pinadala mo? Akala ko ba old-fashioned ka? Bakit sa isang lalaking never ko pa nakilala ninyo ako ipinagkatiwala?”

“Bakit parang ayaw mo sa kanya? May nagawa ba siya sa’yo? Do you find him very unbecoming, ha?” worried akong sinagot ni mommy sa pag-sstress ko ng point.

“Hindi naman sa ayaw ma, wala naman siyang nagawang hindi maganda or unbecoming. Ok naman siya kaso lang medyo feeling close. So, sa tingin niya medyo close na kami. Which is ginagawa ko lang dahil ayaw kong mapahiya ka sa kanila. Ayaw kong sabihin nilang hindi mo ko pinalaki ng maayos. Actually masipag naman siya e. Base na din sa mga kwento niya about sa scholarship niya, mukha namang he deserves to land in the same school that I am going to be in. Pero teka ma, may alam ka ba dito? Medyo kasi parang may hindi ka ata nasabi about this one?”

“Pasensiya ka na anak kung nakalimutan kong sabihin sa’yo. Ayoko kasing iwanan ka diyan mag-isa.”

“So instead of leaving me alone in this small space, eh mas inakala mong mas safe kung magkasama kami nitong somebody na hindi ko naman kilala? Na kaya pinaghiwa-hiwalay mo kami nila Caroline ay dahil gusto mo ko maging new found friend nitong scholar na’to? Mommy minsan talaga hindi kita maintindihan.”

“Hindi naman sa ganun, anak. Hindi naman kita hiniwalay sa mga friends mo, alam mo yan. Alam mo din na kahit mag stay ka sa bahay natin, hindi rin kayo magiging magkasama ng mga friends mo dahil sa iba’t iba kayo ng plano sa buhay. Wag mo sana sisihin ang decision ko. Besides, mabait naman at mapagkakatiwalaan ang pamilya nila Kalvert. It’s nice na nag-uusap na kayo at hindi ka naman aloof na kasama siya. Pasasaan pa at mag-kakasundo din kayo. Medyo matatagalan nga pala ang stay ko dito sa Davao. Marami kasing mga kababayan natin na kailangan ng check-up at temporary doctor dito sa barrio na ‘to. Don’t worry nasa bank account mo na yung extra na panggastos mo if ever you need it. So bye muna anak, kailangan ko pang mag-check ng mga kailangan dito. Good night! I love you.”

« Last Edit: November 11, 2009, 02:20:23 pm by itsmehana »

itsmehana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 593
  • Karma: +18/-2
  • YOU were meant for ME and I was meant for YOU
    • its me hana
Chapter Five
« Reply #6 on: October 20, 2009, 11:18:18 pm »
Chapter Five.

Hindi naman ako galit kay Kalvert e. Hindi rin ako inis na inis sa kanya. Medyo napag-bubuntungan ko lang siya kasi feeling ko dahil sa kanya kaya hindi kami mag-kakasama ng mga barkada ko sa iisang university ngayon.

Pero after ko makipag-usap kay mommy, narealize kong wala naman pala siyang kinalaman dito. Na si mommy talaga ang nag-decide para sa’ken at malamang na kahit pa hindi kami nag-kakilala nitong gunggong na’to ay sa tingin ko makakarating pa din siya sa pareho kong university dahil sa scholarship niya.
Nayayamot lang ako pag-naiisip kong kaya kami magkasama ngayon ni Kalvert ay dahil nag-co-cost cutting ang mommy ko. Cost cutting sa pamamaraan kung pa’no niya masisiguro na wala na akong kalokohang ginagawa. Na wala na siyang balitang hindi malalaman. First hand information pa!

Sorry na lang kay Kalvert kung bakit ganito ako mag-isip. Hindi rin naman ako galit kay mommy pero minsan nakakainis lang talaga kung pa’no niya pagalawin ang mundo ko. Ang labo din niya kasi minsan. Sabi pa niya gusto niyang maging independent ako. E, anong use nung sinabi niyang yun kung bigla naman darating sa buhay ko ang isang roommate na hindi ko ineexpect na ibibigay niya.

Siguro yun din ang inakala ni mommy na kailangan ko. Akala niya siguro matutuwa ako kung may kasama ako sa apartment. Since matagal ko nang hinihiling na mag-join-force kami ni Caroline o di kaya naman ay mag-stay siya kahit pansamantala lang. Pero I know din naman na neither of those can come true. Kaya siguro naisip ni mommy na bigyan ako ng chance na ipakita sa kanyang she can trust me.

I know how trust can break people. Nakita ko na rin yun sa dalas ng pag-aaway ng parents ko. Kung pa’no sa isang pag-kakamali ay pwedeng hindi na mabalik sa dati ang mga bagay na dapat pala dati ay nakuntento ka na nung naandiyan pa, bago masira ang lahat.

Hay. Would you think na normal lang sa mommy ko ang iwan kami para sa trabaho niya? Thinking na she’s doing her job for charity? Love? World peace? Na kinakaya niya kaming sanayin at tiisin dahil masaya siya sa pakikipag-sapalaran sa iba’t ibang nangangailangan ng atensiyon?

Hindi. Kasi katulad ng ibang families, larawan din kami ng hindi perfect na pamilya. My mom used to love dad so much, and dad used to feel the same way. Pareho nilang sinabi na hindi enough ang love para maging happy sa relationship. Alam ko at alam din ni kuya yun. Nakita ko ang love sa kanilang mga mata pero I know, wala na ang friendship nila.

Hindi na sila nag-uusap ng tungkol sa mga sarili nila and how they want to continue the days with each other. All they care about is their job and how to make more money. Hindi naman masama si dad, e. Hindi siya womanizer. Hindi rin naman siya bi or silahis or anything like that. Hindi lang talaga siya nagmahal ng iba kahit na nararamdaman niyang mas mahal ng mommy ko ang trabaho niya.

Wala ngang bisyo si dad, e. Pero si mommy lang talaga ang lumayo. Ewan ko, they never talked about their problems kapag magkakasama kami. Para bang siguro pag mag-kasama na lang sila saka sila nag-uusap o nag-tatalo.

Hindi rin naman sila brutal kung mag-away. Kahit gaano nila itago, nararamdaman din namin ni kuya that there is something wrong. Hindi nila pwedeng i-deny yun. Alam nila kung gaano kami ka-aware sa mga hindi nila pag-kikibuan or pag hindi sila sabay kumain. Hanggang sa umabot na nga sa point na si mommy na yung tumanggap ng offer.

Hindi malaki ang sweldo sa medical missions. Sometimes nga wala pa siyang nauuwi after that mission. Para talagang suicide mission yun, pero sa kanya malaking bagay na ‘yun. Hindi lang dahil nakakatulong siya sa iba kundi mas nagagawa niyang maging siya kapag siya na lang mag-isa.

Minsan nga feeling ko hindi ko na kilala ang mommy ko. Mas dalaga pa siya sa’ken. Hindi naman siya flirt pero hindi rin naman siya passive. Charming lang siya sa mga taong pinakikibagayan niya. Hindi rin naman siya selfish. Pero madalas lang talaga hindi namin maramdaman na may mommy pa kami pag kailangan namin ng tulong.

Halos pareho lang sila ni daddy. Subsob sa trabaho, wala nang inatupag kundi work. Tapos kami we’re destined to study our whole lives. Kung wala nga lang siguro akong mga barkada, baka geek na ko ngayon.

Kaya naiintindihan ko nanaman siya. Kung bakit nag-decide siyang mag-stay si Kalvert sa apartment. I know na he trust Kalvert to protect me. Alam kong hindi siya madaling mag-tiwala kaya malaking responsibility ang naka-taya kay Kalvert. So siguro, pababayaan ko muna si Kalvert. I’ll give him a chance na ipakilala at i-prove ang sarili niya na he is trust worthy. So, sige hindi ko muna siya i-jujudge.

« Last Edit: November 11, 2009, 02:24:19 pm by itsmehana »

itsmehana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 593
  • Karma: +18/-2
  • YOU were meant for ME and I was meant for YOU
    • its me hana
Chapter Six
« Reply #7 on: October 20, 2009, 11:20:22 pm »
Chapter Six.
   

One week ko ding binigyan ng chance na kilalanin si Kalvert. He’s nice naman. Although he’s nowhere closer to my brother’s personality. He doesn’t talk much pero kapag nag-start na siya mag-joke matatawa ka na ng husto.

Madali niya lang na-break ang barrier na ginawa ko for him. He knows when is the good time for talking. He knows where he stands. Napaka-down to earth niya and he is so family oriented.

Just last night, after namin ayusin yung apartment, nag-paalam pa siya kung pwedeng siya na ang maunang maligo. Yes, since the apartment is small, we share almost everything there is that unavoidably can be shared. Like yung dining table, yung shower room, and yung kitchen.

Maliit lang ang apartment ko. Hindi siya penthouse type or anything. Pero medyo malaki siya sa studio type. Parang dalawang studio type in one room. Ayun…

So after quite a while, natapos na siyang maligo.


“O. ok na? Ako naman ang maliligo. Ikaw, magpahinga ka na.” sabi ko sa kanya ng lumabas siya ng shower room ng naka-pantulog na.

Matapos kong maligo, naabutan ko pa siyang gising at nanunuod ng TV.

“O, ba’t gising ka pa? May problema ba?” tanong ko sa kanya nung napatingin siya sa’ken.

“Wala. He! He! He! Di ka talaga sanay sa lalaki no?” tanong niya sa’ken.

“Sanay? Hmm.. hindi naman sa hindi sanay. Actually mas comfortable pa kong kasama sina kuya at daddy nung nasa Laguna pa kami. Ngayon lang siguro ako ganito kasi hindi naman talaga tayo magkakilala tapos nasa isang apartment tayo. Na-aawkward-an lang ako.” Sagot ko naman ng usisain niya ang pagiging uncomfortable ko.

“So, hindi naman ba nahirapan pumorma yung mga manliligaw mo dahil lagi kang ka-bonding ng kuya at daddy mo?” tanong naman niya out of the blue.

“Oh, san naman nanggaling yan? Naku, matulog ka na nga.” Binara ko na lang siya para hindi na niya usisain pa ang part na yun. Hindi niya na dapat malaman ang mga detalye dahil sabi ko nga, hindi naman kami close. At kung gusto niyang maging close kami, tatantanan niya ako.

“Oh, ano naming masama sa sinabi ko? Maganda ka naman, masipag, malinis, matalino, maalaga, mabait…” muli pa niyang inopen ang topic.

“Tapos ka na mambola? Ano ka ba? 1 week mo pa lang akong nakakasama manghang-mangha ka na sa’ken? Pa’no na lang kung 1 buwan na tayong magkasama? Baka gawan mo na ko ng rebulto niyan?” dinaan ko na lang sa joke ang mga kakulitan niya. Alam ko, hindi uubra ang mga sinasabi niya.

“Uy, hindi bola yun, ah. Atsaka ba’t napipikon ka agad?” feeling close niyang pang-aasar sa’ken.

“Ako? Pikon? Says who? Hindi ako pikon noh, hindi lang ako sanay na kinukulit sa mga bagay na yan.” sagot ko sa kanya. At mukhang wala talaga siyang planong tumahimik.. patulugin ko na kaya ng pang habang buhay to?

“Ok. Pero sinasabi ko na sa’yo. Masanay ka na. ‘Cause I will always remind you of who you are.” At eto na ang huling sinabi niya bago siya matulog.

« Last Edit: November 11, 2009, 02:30:23 pm by itsmehana »

itsmehana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 593
  • Karma: +18/-2
  • YOU were meant for ME and I was meant for YOU
    • its me hana
Chapter Seven
« Reply #8 on: October 21, 2009, 03:48:55 pm »
Chapter Seven.

Kinabukasan, tumawag nanaman si Caroline para i-check ako. Mukhang natauhan na nga sila at tinapos na ang connivance sa’ken kaya natripan na tawagan ako. Siyempre, dahil excited akong makausap sila, e nakipag-kulitan at nakipag-chickahan naman ako sa kaniya.

“Hay naku girl,  abnoy nga yata yung lalaking yun, e. Imagine, sinabi niya yun!” patay malisya kong tinuloy ang pakikipag-kwentuhan sa kanya ng tanungin niya ko sa kung anong bago sa apartment.

“But you’re really like that girl! You know, kahit na abnoy siya or feeling close… tingin ko naman sweet siya. And for the record ha, siya lang ang nag-ka-courage na sabihin sa’yo yun. He! He! ‘Di niya kasi alam yung bitter past mo. Pero teka.. nadiscover na ba niya ‘yun?” eto na ang counterpart ni Lolit Solis sa pang-iintriga.

“Hindi pa. Wala pa kong plano, atsaka ayaw ko naman na sa isang bagsakan lang, e kilala na niya ako agad. Pero aminado akong naging bitter nga ako nung i-open niya yung nanliligaw thing…” siyempre, sinagot ko na din si Lolit, kahit pa hindi ako dapat nasa-hotseat ngayon.

“Hay naku, Friskie! Wala ka pa ring pinag-bago. 40,000 years na eh hindi ka pa din nakakamove on!” exaggerated niya kong kinomentan ng sagutin ko ang mga intrigang binabato niya sa’ken.

“Ayoko lang biglain noh! Atsaka bakit ba natin binabalikan pa ang topic na yan? E, alam naman nating pareho na matagal ng naka-lock ang chapter na ‘yan!” sagot ko.

“Don’t you think, this is the right time?” tanong niya.

“Right time ka naman diyan! Nyeeee.. Atsaka with whom naman ngayon? Kay Chuck Bass o kay Nate Archibald?” deadma effect.

“Sus, ha. E kanino pa ba? May pa Chuck Chuck ka pa diyan and Nate Archibald chuchu.. E, alam mo naman kung sino tinutukoy ko…” nakashield removal si ate.

“Hay naku, so… sino nanaman yan?” Hindi na bago ‘to. Deny-an part ng conversation namin.

“E, di si Kalvert!” sinagot niya ang sarili niyang tanong.

“Si Kalvert? Seryoso ka ba? Caroline, sa tingin mo ba naka-ready na yung funeral song mo kapag inabutan kita diyan sa kinauupuan mo? Naku ha, mag-tigil ka. Hindi si Kalvert ang mag-bubukas ng another chapter sa buhay ko. Hinding hindi siya qualified, okay? Atsaka it’s not the right time for me. As in walang time! NO!” naiinis ako sa sinabi niya.

“E, ayan ka nanaman eh. Napaka-nega mo. Are you blind? Or stupid ka lang talaga at this moment? Mommy mo na ang nag-padala ng boylet sa’yo tatanggihan mo pa ba? E, teka.. boylet material nga ba?” eto nanaman si Lolit, nag-mimistulang fairy god mother pa at magic mirror ng evil mom ni sleeping beauty.

“In fairness naman sa kanya… He’s tall, fair complexion, medyo malaki ang katawan at bagay naman sa height niya, mapungay ang mata, maganda ang mga ngipin… kaso ayoko e.” matino ko namang nagampanan ang pagiging mirror who doesn’t lie sa sagot kong ito.

“Baliw! Baliw ka na talaga! Mukha naman siyang ok at good looking base sa pag-kaka-describe mo sa kanya.. pero ano bang hindi mo magustuhan sa kanya?” eto na ang turning point.

“Stop it Caroline! This is not the right time to talk about this stuff! Atsaka wala akong plano sa ganyan! Sa ngayon, wag muna nating pag-usapan ito, okay? Hindi kasi nakakatuwa.” Naiinis ako nung ipag-pilitan niya na ok naman si Kalvert, so bakit hindi na lang siya. Hindi siya dahil ayoko at sana talaga tigilan na niya ang pag-oopen ng tungkol dito.

“See! You also have plans! Pero not now..” that’s it. Pinipikon pala talaga niya ako.

“Basta. Let’s stop talkin about him, okay? Mamaya marinig ka pa nun, e. Baka kung ano pa isipin niya.” Marinig, as if namang maririnig talaga siya ni Kalvert. Pero siyempre hangga’t sinasagot ko ang mga kakulitang mga tanong niya. Malamang makakahalata din yun kahit papano.

“Uyyy, nahihiya si ma’am..” lalo pa niyang pang-iinis.

“Huy! Anu ka ba?! ‘di ako nag-papatawag ng ma’am, noh! Baka kasi madegrade siya.” Honest to goodness naman ang sagot ko dito. Kahit naman masungit ako ay sensitive ako sa mga pananaw at iniisip ng tao. Lalo na’t kasama ko siya kaya feeling ko hindi ok na masaktan ko ang feelings niya.

“Hindi kaya! Respect yun. Parang pinapaalala mo lang na may border line kayo. Baka kasi makalimutan niyang…” sagot sa’ken ni Caroline stressing her point.

“Stop it, please. I got your point. But it’s different. …” sagot ko.

“Different in what way naman?” tanong niya.

“Siyempre, I got to thinking kasi within two weeks magiging schoolmate na kami. I don’t want to be called ma’am sa school by my fellow student. Una, dahil hindi naman ako teacher. Pangalawa, dahil pareho lang kaming studyante dun. Pangatlo, nakakailang! Isipin mo tatawagin kang ma’am ng higher batch sa’yo? Di ba awkward yun?” pangangatwiran ko.

“Sabagay, may point ka naman dun. Pero, teka.. ‘san namang part ng apartment nagpapahinga si Kalvert? Nagdagdag ka ba o sa sahig siya nakahiga?” nang maalala ni Caroline ito, alam kong mag-cacause ng commotion ang issue ng pag-tulog ng stranger sa isang room. Tama, mas conservative pa ang barkada ko sa mommy ko.

“Yun? Ah, yeah. Nagpagawa ako ng divider sa room. Yung dating tinutulugan natin na bed nandun pa din at yun pa din ang ginagamit ko. So, siya nasa kabilang side siya nung room, nag-padala si dad at si kuya ng sofa bed para dun siya matulog.”

Alam ko na ito lang ang makakapag-patahimik sa kanya. Totoo din naman na nagpadala si kuya at si dad ng sofa bed, pero.. since maliit lang ang kwarto ang sikip pa din. Kaya kung nasan yung bed ko andun din yung tinutulugan ni Kalvert. Isipin mo na lang yung set-up sa private hospital na may sofa. Parang ganun.

“What??? Are you CRAZY?” expected na unexpected niyang sagot.

“Wait. Bago ka mag-histerical diyan at mag-over react, listen to me… You know how small my apartment is, napakita ko na ‘to sa’yo sa webcam. Wala naman akong choice di ba? Alanganamang sa may dining table or sa kitchen ko siya patulugin, mas nakaka-awa naman yun. Besides, nag-aaral din naman yung tao. I’m sure, kung sabog tayo sa dami ng activities sa school, e di lalo na sa part niya. Kaya ok lang yun. Wag ka na mag-alala.” Malinaw at maayos kong inexplain kay Caroline ang detalye. Ayoko kasing dumating sa barkada na nag-chachange image na’ko.

“EXCUSE ME??? Is Franchesca Qietana on the line? Mukhang nasaniban ka na ata diyan sa kina-uupuan mo! What happened to my manhater bestfriend? Akala ko ba feeling close at mukhang nag-titinda lang ng tinapay yung roommate mo, ha? E, ba’t ata biglang bumait ka diyan? Di ba last week lang ang init ng ulo mo sa kanya? Tapos ngayon? Ano? Hindi ka na one of us?” Eto na, nag-histerical na nga ang bestfriend ko. Lumabas na ang comment na kanina pa niya pinipilit itago.

“Yes. Ako pa din, to. Hindi naman ako nakiki-isa sa kanya as in join altogether. Pero, I just tried to give him a break. Nakaka-sawa din namang mainis araw-araw noh. Atsaka nakakapanis ng laway ang walang kausap. Besides, mabait naman siya and maasahan. At oo nga pala, nitong nakaraang araw e, nagiging habit na niya ang bumili ng tinapay tuwing umaga. So, keep your cool, ok?” Ang kulit ng bestfriend ko.

“Ok fine. But honestly, yung sa totoo lang ha, do you find him OKAY? As in… Do YOU like HIM?” full blast tough ten chicka of the minute ito coming from Caroline a.k.a Lolit Solis.

Nanlaki na lang ang mata ko at napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko nanaman ang tanong niya, pero this time nangiti na lang ako dahil napagod na din ako sa Denial Game namin.

“Caroline Sandoval!!! Super too much ka na, ah. Pero honestly, yung sa totoo lang? As in total truth? OKAY siya. And … LIKEable.” Para akong nahypnotize nung sinagot ko ito.

“Kaya pala!” sabi niya.

“Kaya pala ano?” sabi ko.

“Kaya pala naging concerned ka all of a sudden diyan sa boylet mo!” sabi niya.

“Caroline! Boylet ka diyan! Hindi ko boylet yun noh! Sus. Ano ka ba? Hindi siya boylet, ok? Hindi ko siya boylet.” Paulit-ulit kong kinokontra ang statements na yun. Never again.

“Ok, denial queen.” Pang-aasar niya.

“Denial queen ka diyan? Ikaw talaga. Tsk, tsk, tsk.. Ibababa ko muna ang phone, okay? At baka biglang dumating si KV, marinig pa yung mga sinasabi ko sa’yo.” Pang-babara ko sa kanya.

“Ok, Kv. Haha, sosyal. Close na sila within a week. Grabe talaga si Denial queen. Buti pa siya may boylet na KV!” at talagang tinuloy pa niya ang pang-aasar bago ibaba ang phone.

“Hoy! Ano ka ba? ‘di noh! I mean si Kalvert! Di ko siya boylet okay? Stop it, please..” sabi ko, medyo napipikon na.

“Ok fine. Bye KV! Ha! Ha! Ha!” last na hirit niya.

“Kalvert! Stop it!” pikon na pikon na ko pero composed pa din.

“Okay, bye bye. Take care! I love you! Mwuah!” at last nag-paalam na din si Caroline.

« Last Edit: November 10, 2009, 10:05:17 pm by itsmehana »

itsmehana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 593
  • Karma: +18/-2
  • YOU were meant for ME and I was meant for YOU
    • its me hana
Chapter Eight
« Reply #9 on: October 21, 2009, 03:56:22 pm »
Chapter Eight.


Matapos ang walang humpay na asaran ay hindi ko namalayang dumating na pala si Kalvert. Narinig pala niya yung name niya.

“Bakit Frisk? Nagulat ba kita? Or may nagawa ba kong di mo nagustuhan?” tanong niya nang di ko namamalayang papalapit pala siya.

Nagulat ako nung nag-salita siya. Hindi ko ineexpect na agad din siyang darating matapos niyang mag-pagupit.    

“Hindi. Okay sige na nga. Take care too. I love you more! Mwuah!” sagot ko kay Caroline.

“Ano?” tanong ni Kalvert.

“Wala, nag good bye lang ako sa bestfriend ko. Kausap ko siya kanina. Sorry hindi ko namalayang dumating ka na pala.” Nahihiya ko siyang hinarap pero cool ko siyang sinagot.

“Ah, ganun ba? Narinig ko kasi yung pangalan ko, tapos sabi mo.. ‘Stop it!’ na parang inis na inis ka. Pinag-uusapan niyo ba ako ng bestfriend mo?” nag-tataka siyang nag-tanong sa’ken.

“Ah.. yun ba? Wala yun. Si Caroline kasi, nangangamusta lang.” nakatingin ako sa sahig nung sinabi ko yun. Nahihiya kasi ako ng mapansin niyang siya ang pinagtatalunan namin ni Caroline.

“Nice. Ang ganda ng name ng bestfriend mo. Siguro maganda din siya. So.. ano nga ba ma’am? Pinag-uusapan niyo ho ba ako? Dahil hindi maganda ang performance ko?” nakakaloko niya akong sinagot.

“Ha? Hindi, naku.. nagkukulitan lang kami. Medyo nabobored na kasi ako kaya napakwento ako ng konti kay Caroline. Tapos nung tumagal tagal na e, nagka-asaran na kami. Wag kang mag-alala, hindi namin pinag-uusapan ang performance mo. Ok lang ‘yun.” Bakit nga ba ako nag-eexplain sa kanya. E, kung sinagot ko na lang siya ng.. ‘wala ka na dun.’ E, di sana tapos na ang usapan?

“Ah, namili nga pala ako ng groceries. Medyo kulang na kulang na kasi ang mga ingredients and cooking aids natin.” Inaayos na niya ang mga nasa grocery bag habang sinasabi ito.

“Naku! Napagastos ka pa! Pasensiya ka na, nakalimutan ko nanaman! Pero thank you na rin.” Ayos na din, kasi wala pa kong balak gumastos ngayon.

In fairness naman sa kanya, marunong siya mag-grocery at hindi siya bumibili ng kung ano ano lang. Lahat ng binili niya ay reasonable naman. Kaso nagtataka lang ako, san kaya niya kinuha ang pang-grocery niya?

“Ok lang yun, pinadala ni doktora yung pambili dun. He! He! He! Nakalimutan ko rin sabihin na ibinilin ka niya talaga sa’ken. Sabi niya alagaan daw kita, kasi matatagalan pa bago ka niya mapupuntahan uli dito dahil madami siyang pasyente duon.” Natutuwa siyang sumagot sa’ken.
Ayun naman pala, e. Si mommy nanaman pala ang may pakana.


“Ganun? Well, nasabi niya na sa’ken na mag-tatagal siya dun. Pero bakit naman niya ako pinapaalaga sa’yo? Ginawa ka pa tuloy niyang baby sitter. Kung humiling siya sa’yo akala niya Genie ka, e noh? Teka.. close ba kayo ng mommy ko? Para kasing ang dami niyang favor na hinhingi sa’yo.” Nag-tataka pa din akong nag-tanong. Ano nga bang hawak ng mommy ko sa kanya bukod sa scholarship at kung utusan niya si Kalvert na alagaan ako, e parang hawak niya ang buhay at kabuhayan nung tao?

“Hindi naman ho, e di ba kayo rin naman ang nag-sabi na old fashioned ang mommy niyo? Talagang kasama yun sa binabayaran niyo sa’ken, ma’am.” sagot niya sa’ken.

Bigla ata siyang gumalang at nakalimutan na wag na kong tawaging ma’am. Ang dali namang makalimot nitong taong ‘to, pa’no pa siya tatagal sa pol sci niyan? Tsk. Tsk.
Mantakin mo ha, ang mommy ko hindi ako masyadong inaalagaan. Tapos one day may bigla na lang dumating sa apartment ko na nag-claim na siya ang new roommate ko. Siya din ang naging friend ko since that week and ang source ng kulitan namin ni Caroline. Tapos ngayon, siya pa pala ang magigig Guardian Angel ko, aba naman. Tignan mo ‘to.


“O, ano nanaman ang nakain mo at ma’am nanaman ang tawag mo sa’ken?” tanong ko sa kanya.

“Baka po kasi masanay ako at makalimutan kong estado ko dito. Nakakahiya naman sa inyo…” Sagot niya. Umalis ba talaga siya? Eto kasi yung naalala kong unang pinag-talunan namin sa phone ni Caroline kanina. Pero convincing ha.

“Huy! Ano ka ba? Friends na tayo, di ba? Tigilan mo naman yung kasasabi mo ng ganyan! Sige ka, naiinis na ko. Ayoko ng ganyan…” sabi ko, nacoconsyensya na.

“Ok, teka.. Kumain ka na ba? Teka.. magluluto na ako. Siya nga pala, binilhan kita ng rice cracker.” Sagot niya.

Nagulat naman ako. Pa’no niya naman nalaman yun? Nanlaki nanaman ang mata ko at nashock nung narinig ko na binilhan niya ko ng rice cracker..

“Ha? Rice CRACKER? Salamat, salamat, salamat!!! Ang tagal tagal tagal tagal tagal tagal tagaaaaaaaalllll ko nang hindi nakakatikim ng rice cracker! Grabe, teka.. sinabi ba ni mommy na bilhan mo ko ng Rice Cracker???” gulat na gulat ako. Last last week lang  ako nakakain ng rice cracker pero parang feeling ko two years na kong di nakakakain nito. Ha! Ha! Ha! Hinuhuli lang kita, ma-ja-jackpot ka din sa’ken.

“Hindi. Pero masarap raw kasi yan sabi nung intsik na nag-bebenta ng mga asian foods sa grocery kanina.” Walang alinlangan niya kong sinagot. Pa-asian asian pa ‘to. Sus, pa-effect.

“Ah, ganun ba? Salamat ha. Favorite ko kasi to, e. Mag-luluto ka na ba? ‘di pa kasi ako kumakain, e. Ikaw? Kuman ka na ba dun?” umariba nanaman ang sama ng ugali ko at todo nanaman ako sa utos. Wala na kong care kung pagod pa siya, basta may rice crackers ako. :P

“Ay naku, hindi pa din. Pero kanina bago ako umalis kumain na’ko. Kaso kanina pa din yun, sige pag-luluto na kita pag katapos kong mag-bihis.” Naawa naman ako. Siguro iniisip din niya ko, kaya tiniis niya ang gutom. :( consensiya nanaman.

Napapadalas na ata ang pagiging bi-polar ko, ah. Pero, bored lang talaga ako. Kaya matapos niyang mag-bihis, inabangan ko siya sa labas ng pinto.. at kahit mas malaki siya sa’ken ay tumayo ako sa pag-kaka-upo sa dining chair, nag-bukas ako ng rice cracker at lumapit sa kanya. Sinubuan ko siya kahit ang tangkad niya. Ngumanga naman siya at nag-bend ng knees para mashoot ang rice cracker na sinubo ko sa kanya. Para lang akong nag-dunk sa mataas na net ng basketball.

Uyy. Wag kang kiligin, wala lang ‘to.


“Ganyan ka ba ka-sweet talaga?” tanong niya sa’ken.

“Sweet? Nye! Wala lang to, wag mo na masyado pansinin. Bihira ako maging mabait kaya tanggapin mo na lang.” pa-cool kong sagot sa kanya.

“Wow! Lam mo, napaka-swerte ng mga mahal mo sa buhay. Alam mo kung bakit?” ala trivia ba ito?

“Bakit?” bakit? Kasi magaling ako mag-dunk?

“Kasi… parte sila ng buhay mo. Parte ka ng buhay nila, … namin.” Pasimpleng pa-cute niyang sagot.

“E, ano naman? Bakit naging swerte sila? At bakit pati ikaw naging swerte?” please lang wag kang mag-pi-pick-up line diyan, kundi sa labas ka matutulog.

“Kasi, nawiwitness nila yung katarayan mo, yung kasipagan mo, kabaitan mo, kagandahan mo, kasweetan mo, katalinuhan mo, yung pagiging maalaga mo. Atsaka, yung pagiging malinis mo.” Sagot niya. Sabi ko na nga ba e, bolerong feeler to. Kailangan mo na ba agad ng increase?

“Ahhh.. So ganun? Ikaw din naman e, swerte sila sa’yo. Kasi… bolero ka, masipag, makulit, matalino, laging handa, masunurin…” dinamayan ko na ang pagka-korni niya.

“O, ba’t ka tumigil sa pag-pupuri sa’ken?” tanong niya.

“Wala.” Nag-enjoy ka naman?

“May problema ba sa’ken?” oo, madami.

“Wala naman, it’s just that.. I realize na there are some things that you should or should not know.” Natatauhan na ata ako.

“Bakit naman?” tanong niya. Nacurious.

“Because I don’t want to.Sagot ko ng maayos.

“You don’t want to let me know what?” curious siyang nag-tanong.

“Wala, sige. Labas muna ako. May kailangan pala ako kunin sa…” hindi ko na tinapos ang statement ko, lumabas na ako ng apartment at tinawagan si Caroline.

« Last Edit: November 10, 2009, 09:48:33 pm by itsmehana »

Lonely Procrastinator

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 6151
  • Karma: +204/-11
  • It's all part of life, so get over it and live. :)
    • The Mask
Re: Friskie Frost
« Reply #10 on: October 21, 2009, 07:53:14 pm »
Quote
“Ok. Pero sinasabi ko na sa’yo. Masanay ka na. ‘Cause I will always remind you of who you are.”


Fave line so far. :)) Ang bilis mo naman mag-update, elibs ako. XD Ang sweet nila ah.

itsmehana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 593
  • Karma: +18/-2
  • YOU were meant for ME and I was meant for YOU
    • its me hana
Re: Friskie Frost
« Reply #11 on: October 21, 2009, 09:30:36 pm »
Fave line so far. :)) Ang bilis mo naman mag-update, elibs ako. XD Ang sweet nila ah.


haha. Ang bipolar ni Friskie noh? May draft na kasi ako niyan. MAg susulat pa ko mamaya para bukas maiupdate ko ulit. Naks may fave line na siya. May twist yung story.. hehehe.. :D pero sa chapter 30 pa ata malalaman.

Lonely Procrastinator

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 6151
  • Karma: +204/-11
  • It's all part of life, so get over it and live. :)
    • The Mask
Re: Friskie Frost
« Reply #12 on: October 21, 2009, 09:49:43 pm »
Ohh, medyo matagal pa yun, pero ayos lang. :))

itsmehana

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 593
  • Karma: +18/-2
  • YOU were meant for ME and I was meant for YOU
    • its me hana
Re: Friskie Frost
« Reply #13 on: October 21, 2009, 09:52:29 pm »
Ohh, medyo matagal pa yun, pero ayos lang. :))


depende kasi sa mood yung haba ng chapter e. :D madami pang manyayari.. :D

Lonely Procrastinator

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 6151
  • Karma: +204/-11
  • It's all part of life, so get over it and live. :)
    • The Mask
Re: Friskie Frost
« Reply #14 on: October 21, 2009, 10:03:17 pm »
Wait. Saan mo ba binase yung story na 'to? Any inspiration?

 

Advertisement