CHAPTER 27—[[“THIRD PARTY”]]
Just like that, ok na ulit kami ni Aaron. Weird no, parang di siya nang-snob in the first place. Magkasama na ulit kami pag nagllunch. Umaattend na rin siya ng klase. Hinahatid na ulit niya ako pag-uwi. Turns out na excuse niya lang talaga yung prom para di ako makita. Pero, di naman sa nagsisinungaling siya entirely. Minsan, sumasama talaga siya sa paghahanda. Well, minsan.
As for samin ni Drew...ayun.

Medyo nag-uusap pa naman kami. Nasabi ko na bang wala siyang FB? Kung hindi, ayan. Wala siyang FB. Kaya text at tawag lang talaga ang communication naming dalawa. Yun na nga lang e, pinagkakait pa. Alam ko namang darating ulit to kasi sa Pilipinas, ngayon na yung mga panahon ng pag-aasikaso ng thesis and stuff. Basta, maraming echos talaga pag senior ka na.
Para di ko siya namimiss masyado, nagkkwentuhan kami ni Mico tungkol sa kanya. Yung moments na magkasama sila at yung mga magkasama kami. Di rin masyadong nakapagkwento si Mico kasi maaga pa lang, umalis na sila ni Aaron at Kuya Kyle papunta ng New York.
At yun nga ang mga pangyayari so far. Ang medyo nagbago lang, napapansin kong madalas nang magkasama si Aaron at si Elizabeth.
Tanda niyo pa si Elizabeth? Nasa library ako nung una ko siyang nakita. Pinag-uusapan nila si Aaron na ‘heartthrob’ daw. Nung tinanong ko si Aaron nun, sabi niya lang tinulungan niya si Elizabeth noon. Pero sa nakikita ko, mukhang hindi na siya ‘tinulungan lang’.
Freshman si Elizabeth. Unang pumasok sa isip ko nung pinakilala siya sakin ni Aaron, ‘parang ako yan noon a’. E pano, nung freshman ako sa dati kong school, malaki rin yung mga salamin ko, black yung frame. Di naman sa marami akong hawak na libro gaya niya, pero malaki kasi yung dala kong backpack noon. HAHAHA. Ako na geek noon.
Ewan ko, nung pinakilala kami ni Elizabeth sa isa’t isa, may iba akong naramdaman. Yung tingin niya kasi, parang...imba? Wala talaga akong salitang maapply e. Kasi, ayokong ifeel na ganun yung dapat kong ifeel. Hahahaha, kaloko tuloy nung sinabi ko.
Going back, ayun nga. Magulat kayo, close na sila ngayon. Paliwanag naman nitong Aaron,
“Yung pinsan niya, kasama ko sa pagoorganize ng prom. E kailangan daw ni Liz ng tutor sa Physics. Nagkataon lang naman kasi ako yung kilala ng pinsan niya na magaling sa Physics.” “HAHAHAHA! Ikaw? Magaling sa Physics?” “Close, kasi almost lahat ng sciences na natake niya, walang mababa sa B. Ayos di ba.” Paliwanag ni Mico nung nagllunch na kami.
“Favorite ko rin ang Physics. Just so you know, nag-aadvanced study ako no. Di lang halata. Masyado kasi akong magiging perfect kapag matalino pa ako ngayong gwapo na ako.
”Letse. Ang yabang!
“Aaron!” Napatingin kaming lima sa direksyon ng boses.
“Aaron! Are you—oh...” Napa-‘oh’ siya nung makita kaming apat na nagllunch. Well, technically, ako lang yung tinitignan niya. Ewan ko ba, nakangiti naman siya pero alam niyo yung may kakaibang feeling? Yung nakakatakot siyang ngumiti? HAHAHA.
“You need something with me, Liz?” Ngiti naman tong si Aaron. Sus, if I know, nilalandi na niyan si ‘Liz’.
“Just...never mind. Maybe later.”“Oh, it’s okay. I’m finished eating anyway.” Di kaya. May binili pa siyang burger. Parehas kami ni Mico na nakatingin sa burger. Si Danni at JC naman, inaanalyze pa si ‘Liz’.
Nakita kami ni Aaron na nakatingin sa burger niya.
“Inyo na yan. Lalo na ikaw, Taba. Baka pati sina Danni kainin mo.
” Aba nama’t—
“Let’s go?” Kinuha ni Aaron yung bag niya saka umalis kasama si ‘Liz’. Itong tatlo naman, kung makatingin sakin para akong nasa The Buzz.
“Makatingin kayo a.” Nagsmirk si Tito Boy, este si Mico.
“Iyo na raw yung burger niya o.” “Ayoko nyan.” “Bakit, ganto din naman yung kinain mo kanina a?” “May germs na niya yan. Mahawa pa ako sa kalandian nun.” “Jealous, aren’t you sweetheart?” “No,” I said curtly. Tinawanan na ako ni Mico.
“Alam mo, Riababe, pwede mo namang sabihan si Aaron na iwasan si Liz. Ikaw pa, patay na patay sayo yun e. Besides, believe me. Di ganun ang type ni Aaron. Geeks? No way.” Hinampas ni Danni si Mico.
“E di pinalala mo yung loob nung tao! E geek nga yan, tapos sasabihin mong di type ni Aaron yung geeks?” It was my turn to hit Danni.
“ADIK! Por que nakasalamin ako, geek na? Yabang ha.” “Pero, kidding aside, wala ka talagang dapat ipag-alala dun. Kahit naman geek ka, e wala pa ring binatbat yung beauty nung Liz na yun sayo no. That is, kung may beauty nga siya.” Tumawa kaming lahat, tapos hinampas ni Danni si Mico. Ulit.
“You’re so gay. And totally mean. Di mo naman kailangang sabihin na walang say si Liz kay Ria no.” “Tigilan niyo na nga akong dalawa. ‘tong dalawang to...” Napangiti ako. Buti pa talaga sila, ang saya saya nila just talking to and smiling at each other. Habang ako...
DISMISSAL.
Jusme, the snooooow!
Oo, kanina pa umuulan ng snow dito, at ngayon, grabe makaaccumulate. Pero syet, ito ako, gandang ganda pa rin. Ang dala ko ay payong, pero di ba. Paano naman ako makakauwi nang payong lang ang gamit ko?
“Taba!”Di ako tumingin. Alam ko naman kung sino yung tumatawag sakin nun e. Taba siya dyan. Mag-isa siya!
“Taba, ano ba?! Ihahatid na kita!” he shouted as a heard him running towards me.
“TABA!” Aba naman talaga o.
“Ano ba?! Taba ka nang Taba dyan. Palibhasa kasi, poste ka, POSTE! Ano bang kailangan mo!? Kaya kong umuwi mag-isa no! Tsaka, wag mo nga akong sigawan! Umuulan lang ng snow, hindi kumukulog, kaya pwede ba, wag mo kong sigawan!?” “Ayaw mong sinisigawan ka, pero kung makasigaw ka, dinig sa buong school. Ihahatid na kita, may meeting pa si Danni, di ba? Si JC naman, umalis na. So, ako na lang maghahatid sayo.” “Hatid ka dyan? Service kita? Mauna ka na, hihintayin ko na lang si Danni—““Sinabi nang ihahatid ka na e!” “Aba ikaw pa ang galit ngayon!? E bakit kasi di na lang yang si ‘Liz’ ang ihatid mo?!” 
Napasmirk siya. I haaaaaate that smirk!
“E di lumabas din ang katotohanan. O tara na, Taba. Magalit pa sakin si Papa dahil late ka umuwi.” Aba, si kuya, makaPapa sa papa ko. Si Drew nga, hanggang Tito lang e.
Kahit anong pagpupumiglas ko, nagawa pa rin niya akong itulak papasok ng sasakyan niya. At take note, in-auto lock pa pagkasara. Ano yun, para masiguradong di ako lalabas habang papasok siya sa kotse? TAKTE.
“Alam mo, Aaron,” I started nung nakapag-seatbelt na siya.
“Kahit kelan ka talag—“He handed me a rose.
“Sorry na.
” Kinuha ko naman.
“Wag kang mag-alala, kahit lapit nang lapit si Liz, ikaw pa rin ang labidabs ko. Kaya wag ka nang magselos.”“Hoy, Aaron Joshua, FYI, di ako nagsese—"“Alam mo, Thursday Ria, wag ka na kasing magdefend. Mas lalo mo lang pinapahalata na nagseselos ka e.”“Kulit mo, sinabi nang—"“Defensive.”Hinampas ko nga ng notebook.
“Ow ha! Grabe ka, amasona. Wag ka nang mag-alala, tutor lang naman talaga ako ni Liz. Uy o, ngingiti na yan.”“In your dreams, boy.”“Pati sa panaginip ko, ikaw pa rin? Grabe, sige ka. Mabilis akong magsasawa sayo nyan.” Aba, so anong gusto nitong kumag na ‘to na gawin ko kung magsawa siya?
“To naman. Makareact agad. Sabi ko na e, labidabidabs mo talaga ako. Joke lang yun, Taba. Never akong magsasawa sayo .
” “Wow ha. So dapat na akong maging thankful nyan?”“If I know, kinikilig ka na. Pademure ka pa.” Honestly, as in HONESTLY, yea. PERO! Slight lang, at syempre, magpapakamatay na lang ako kaysa sa malaman niya galing sakin.
“Whatever. Good night, Modern Jerk.” Nakapark na yung sasakyan niya sa tapat ng bahay. Naalala ko lang bigla yung una naming encounter, sa loob ng taxi. Nakakatawa lang na iba na kami ngayon.
Pero...
“Good night, Feudal FAT Princess. Labyuuuuuu.” May pasmooch face pa.
Nakakag@go lang.
Oh, look. Bumalik ang smileys. Ano, which one's better, yung walang smileys or yung meron? HAHAHAHA.Riaaaaaaaaa. new active reader here! dati ko pa binabasa to. haha silent reader nga lang pero ola! andito na ako. hahahhaa. masyado na akong na carried away sa story! wohooo~ team Aaron ako. <3
Aaaaaaaw. Hi! Ano nga ulit name mo? Sorry a, UN kasi yung familiar e. Yay, go team Aaron! \mmm/ Salamat sa pag-appear finally. Wala nang dumarating e. <3