Hay naku
Jem, hindi kea nakakatakot yung mga tao sa college. Kung mapapansin mo karamihan dun obvious pa din na isip-bata pa. Naalala ko nung 2nd year ko sa college, ang daming freshmen na girls na nag-eestablish ng kolehiyala look. Yung iba makikita mo sa shoes na uber heels, yung iba naman sa make-up and sa long nails.
Well, oks lang naman un. Sa ugali lang talaga, I think depende yun sa University na papasukan mo. Sabi nga nila lahat naman naghahanap ng sarili pag dating sa college. Mag ttry mag fit in sa mga groups or minsan makakaestablish ng groups. Pero dun mo din mapapansin na hindi lahat ng tao parepareho ugali. Sometimes, you cannot trust people easily. Sometimes naman you instantly click, tapos magiging buddies na kayo. But it depends. Depende talaga sa pananaw mo, ako that's how I find first experiences sa college.
Naalala ko tuloy yung season 3 ng gossip girl. Hehe.. Si Serena hindi natuloy sa Brown kasi hinahanap pa niya sarili niya. Tapos sabi ni Lily (yung mom niya) na lahat daw ng nasa college hinahanap ang sarili.

Tapos si Blair din, nahirapan siya nung grumaduate siya sa Constance tapos nasa NYU na siya.. nahirapan siya dahil sa dami ng klase ng mga students sa NYU wala na yung hierarchy and royalty na nakasanayan niya. Ayun, share lang.

Ang kinatakutan ko lang naman sa college yung mga profs na monsters na power trippers pa. Dati ang term nila dun ay TERROR prof pero ngayon, ewan ko lang ah. naglipana kasi ang mga name calling sa prof depende sa ugali at pamamalakad nila.
Ok lang yan! Galingan mo sa chem kung may line of 7 ka, kahit patutor ka or patulong ka sa mga friends mo, mag-group study kayo or sleep over/ group study. O kea pag di mo maintindihan mag-tanong ka.

kaya mo yan, mahirap talaga ang chem pero nasa'yo yun kung pano mo ihahandle. Basta you can do it! Think positive! Go! Go! Go!