ooh. may bago..? 
hahaha. nice uppie, sis!
Yep. hehe. Thanks! ^^
omg~~~
gosh, rambulan na ata to!!! nyahah, kay casper ka na lang!!!
Hahaha. Kung pwede lang.

IV. IKAAPAT na PAHINA
I got Dazzled
"Uy Tam! Okay ka lang? Kanina ka pa tulala ah? Narinig mo lang yung 'D.' n sinasabi nung babae, parang ka ng zombie na naglalakad."Grabe. Dumating na talaga si D. Nauna na kaming umalis ni Maggi sa school at sa back gate na kami dumaan dahil ayoko makita yung babaeng mahal ni Nick. Ugh.
"Kanina pa ako nagsasalita dito tapos wala palang nakikinig.." Tapos gaganda na yung future na kababaihan? Mukha niyo! Ano siya, si Darna? Bwisit naman. Bakit ba ang malas malas ko ngay----
*BOOOG*
"Ay sorry!! Di ko sinasadya!" May nabunggo pa tuloy ako. Masyado kasing occupied yung pagiisip ko e. Nagsimula na ulit kaming maglakad ni Maggi.
"Tammi?" Nung may tumawag sa name ko na galing sa likuran. Lumingon ako, si Casper pala.
"Oh Casper? Andito ka pala?"Casper and Maggi :
"Bakit ganyan itsuro niyo? Anong ginawa ko?""SiyaAko yung nabundol mo." Ha?

Ano daw?!
"Huh? Ay sorry ha.." Nagayon baka iniisip niya talagang tanga nga ako. Tam naman kasi eh!?
"Okay ka lang ba?"Okay nga lang ba ako? Kasi naman e. Nabubulabog na yung pagiisip ko ng D. na yun eh.
"Kanina pa nga yan e.. Narinig lang yung 'D.' naging zombie na. Hindi ng akao pinapansin eh!" Hindi ko sila pinapansin habang naglalakad kami, nag-aya kasi si Casper na magMcdo, syempre bawal tanggihan ang grasya.
"Ahh okay. Gets ko na.""Oh? bakit ba? Sino ba yung D?""Si D. as in Dishen Colonel. Siya yung so called leader ng mga girls sa Doofas [school nila ito], lahat nga gusto yun eh. Perpektong perpekto kasi e." Perpekto nga siya. Hinugot nga yata yun sa kahulihulihang parte ng katawan ni Adan e! O kaya naman balde ang dala nun nung nagpasabog si Lord ng biyaya. Hmp.
"O tapos? don't tell me insecure si Tammi kay D.?
""Hindi ako insecure noh!" Hindi nga ba?
"Mahal kasi ni Nick si D. tapos naging sila pa bago lumipat ng school si Dish." Ano ba talaga nickname nun? D. o Dish? pwede Dish nalang?
"Ahhh okay! Kaya naman pala eh. Inggit yung iba jan!
" *PLOK
Binatukan ko nga si Maggi. Inggit daw ako? bakit naman ako maiingit? Truck yata dala ko nung nagpasabog si Lord na biyaya, kaya lang naubusan ako ng wisdom.

Nakarating na rin kami sa Mcdo, walking distance lang naman `to from the school eh. Habang kumakain kami may tumawag kay Casper.
"Hello? ... Yeah.. Okay.. Basta wag gagabihin ha? Sige, I will. Kaw din Ingat. Love you too." Akala ko kaibigan niya lang yung tumawag pero dahil sa last niyang sinabi, malamang GF niya yun.
"GF mo?"
Siniko ko si Maggi, Chsimosa `to!
"Hahahaha!" Oh problem nito? Tatawa tawa siya?
"Kapatid ko lang yun!" AHHH. Yun naman pala e.
"Ahh. Heheh." napakamot lang kami sa batok ni Maggi.
"Wala naman akong girlfriend eh. May inaantay ako." Nagkatinginan kami ni Casper, titigan pala. EEEEEK. Para akong nakuryenteng ewan. Naramdaman ko yung tingin ni Maggi samin, yung sulyap sulyap. Una akong umiwas tapos kumagat na ako sa burger ko.
Afetr namin magMcdo, uwian na. Syempre naglakad nalang ako, malapit lang naman bahay ko eh.
"Kumain ka ng mabuti Tammi ah. Baka ako mapagalitan ni Dad paguwi niya kapag pumayat ka." Oo nga pala, 1 week nalang at uuwi na si Dad, YAAAAY. Business Trip kasi siya e. Si Mom naman, wala na, sumakanilang BAHAY e. Ewan ko ba dun, gwapo gwapo ng tatay ko e iniwan niya. Amp.
*Ring Ring*
Tumayo ako para sagutin yung phone.
"Hello pwede kay Tam?" Babae yung tumawag pero di ko kilala kung sino.
"Sinong Tam? Tammi o Tamara?" Pareho kasi kaming Tam ni Kuya e.
"Ah, si Tamara, pakisabi si Kristy to." Ah okay para pala kay Kuya.
"Kuuuuya! Phone para seo! Kristy daw!" Sigaw ko sa kanya, mejo malayo kasi sa dining yung phone eh. Pagkasagot niya sumenyas naman ako ng una na akong pumasok sa school baka malate pa ako e.
At hindi lang pala BAKA dahil late ako--na naman.
"Ano ba naman Miss Gomez! Late ka na nga kahapon late ka pa ulit ngayon? Ilang taon ba ang byahe galing sa inyo ha?" PATAY. Si Ma'am Sanya na naman. Bakit ba magkasunod na araw na siya yung first subject teacher ko? Hmp.
"Eh kasi po.. ano.. ano.." Anong ano? Bakit nga ba ako late? Grrr.
"Save it for next time. Tsk, tsk." Next Time daw oh?
"So pwede ulit ako malate?
""ABA. Tammi Gomez, umupo ka na kung ayaw mong makakain ng chalk at eraser!" Agad naman akong umupo bago niya pa nga totohaning pakainin ako nun, busog pa naman ako sa breakfast ko.
"Okay, Sige Paalam class. Btw, Miss Gomez, dahil late ka for 2 consecutive days kelangan mong magprepare ng short presentation next meeting, bahala ka kung gusto mong solo o may kasama." ANG LAKAS MANTRIP.

Holy Cow! May stage fright akoooo! AYOKO. Tae.
para naman akong may choice. Huuuuwaaa.
"MAGGI! Ayoko!!" Humarap ako kagad kay Maggi at hinawakan ko yung braso niya na parang nagmamakaawa.
"Ano naman magagawa ko? Late ka kasi ng late eh, yan tuloy na pala mo!""Teka! You're supposed to say It's going to be fine!" Hindi man lang ako cinomfort? >
"Good Morning!!" Lahat kami napalingon sa may door. Sino yun? Tumahimik lahat parang pino process ang nakita.
"DEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!" Si Nick na kanina nagtetext napatigil tapos napatayo, talagang slow motion pa ah.

Tama. Si D. nga.
Late daw siya kasi di pa siya sanay sa time zone ng pinas. ASUS. Nagibang bansa lang ang yabang na e. Hmp. Pero.. pero..
bakit lalo siyang gumanda? akala ko wala na siyang igaganda pa, nyeta! meron pa pala! Yung dating black long hair naging brown layered hair na mas nagpaganda sa deep brown eyes niya. Tapos yung skin niya lalong pumuti-- ganun nalang ba talaga ang tubig sa England at nagpapaputi ng tao?-- nagglow pa! Mas lalo pa siyang sumexy.. parang di na siya totoo sa kagandahan niya eee!
"Oh okay ka lang? kumukunot na yang noo mo." bulong ni Maggi sakin habang ang lahat ay busy kay D. maging si Nick natulala sa kanya habang pinaglalaruan ang ballpen niya. Pasulyap sulyap naman si D. kay Nick, flirt!
"Kasi naman eh, patweetums pa `tong dalawang `to." Wala akong pakielam kung nalakasan ko boses ko, gusto ko naman talaga marinig ni Nick yun eh pero di niya ata narinig.
Grabe D.! Ano bang sekreto mo? lalo kang gumaganda! Gr. 6 pa lang tayo pamatay ka na e!" Tumawa lang si D. ng pacute tapos sulyap ulit kay Nick.
"Not Really. I wasn't that beautiful back in England. Hehe." Ang yabang! Marunong naman magtagalog tapos nageenglish pa siya! Palibhasa yung accent niya malaharry potter na e. Amp.
Natapos na rin ang class namin. Buti nalang. Hindi ko na rin kakayanin na kaklase ko pa talaga si D. Ugh.
"Maggi bilisan mo tara!" Atat na ako masyadong lumabas ng room, break time na kasi.
"Teka lang naman. Kukunin ko lang wallet ko." Kinuha niya yung wallet niya at hinatak ko na siya palabas ng room papuntang cafeteria.
"Ikaw! umiiral na naman yang jealousy mo!" Muntik ko ng maibuga yung ice tea ko kay Maggi, ang lakas ng boses eh! Kahit naman alam na nilang lahat na crush ko si Nick nahihiya pa rin ako noh!
"Huwag ka namang maingay.." tapos nilagay ko yung index finger ko sa lips ko then she gave me an apologetic smile.
Dumating sa cafeteria si Nick at talagang kasama niya na si D. ha?! ANG BILIS NAMAN YATA. Ganun nalang ba yun? Hmp! Kainis. Kagigil. Grrr.
"Tignan mo nga yang dalawang yan! Halatang di na makapagpigil eh!" Habang ang mga tao sa paligid eh kilig na kilig parang si Edward at Bella kamo ang pinapanuod. Amfufu. :|
"Chill ka lang jan. Hehe." Hindi na ako umimik sa sobrang inis na sa table pa sa harap namin sila umupo. Syete ha?
Nagulat nalang ako nung napatingin sakin si Nick. Kyaa. Nahuli tuloy ako. Binaling ko yung tingin ko kay Maggi na nasa harap ko.
Ganito kasi yan, nasa harap ko si Maggi tapos nasa likod niya si D. na katapat ni Nick. Get's niyo ba? Kaya kita ko talaga yung mukha ni Nick. Sweeeet.
Ngumiti si NICK. NGUMIT SIYA NG NAKAKALOKO. Ano kaya yun? Nangaasar?! OO NA. SELOS NA AKO. Leche. Pinagsalubong ko lang yung kilay ko.
Pero every minute chinecheck ko siya at putek bakit siya nakatingin?! Tapos yung tingin niya nakakatunaw! Sinasadya niya ba `to! Naiinis na kasi ako e!
"Maggi. Tara na please." Mahina ko na sinabi dahil naaasar na talaga ako. May pasubo subo pang nalalaman, Hmp. Bahala kayo sa buhay niyo.
Eh ano naman kung may D. ka? Marami namang iba jan, anjan naman si Casper e, mas crush material pa!