I dedelete ko na sana ito pero naisipan kong wag nalang [Ang labo ko talaga]. Ewan ko ba, ayokong idelete eh. Pero itutuloy ko pa rin and BL2 kaya no worries. HEHEHE.
Labing Isa
IT HURTS TO BE ALONE
Sobrang giniginaw na talaga ako. Pinupukpok pukpok ko na yung phone ko, umaasang gumana kahit 60 seconds lang. Pero mukhang ayaw talaga akong pagbigyan eh. Baka bukas na akong makalabas nito.. Madilim na. Sa totoo lang umiiyak na ako, ganito pala ang feeling ng mag-isa, yung wala talagang tao na pwedeng tumulong.
Sumilip ulit ako sa baba nagbabakasakaling may dumaan. Hmp. Wal--- OHEMGEE. May mga grupo ng lalaking naglalakad, Track and Field yata. Salamat naman at may practice sila ngayon.
Pano ko ba sila tatawagin?!?
"TULONGGG!" Sana marinig nila! Pero.. nasa 4th floor ako eh. Nilabas ko yung ulo at kamay ko, kung kaya ko lang talagang tumalon ng hindi namamatay dun eh talagang tatalon ako!
Hindi pa rin nila kao napapansin, Ano ba tumingin naman kayo sa itaas! Pano nga naman nila ako mapapansin eh ang dilim.
"HEEEEEELP!" Wala pa din eh, tumigil sila sandali tapos mukhang naguusap,patay paano na yan, parang nagb-bye na sila sa isa't isa eh.
AHA! Kinuha ko yung balde at pinuno ko ng tubig. HIYAAA. Kaya mo `tong buhatin, TAM. Kaya mo yan.
SPLASH!
Napatingin sila sa taas.
"DITO POOOO!" Hindi yata nila ako naririnig eh. Leche.

Umalis na sila. Wala na talaga.
Umupo ako sa side, sobrang takot na takot na ako. Shet.

Mga ilang saglit eh may narinig akong footsteps. OHEMGEE. Wag naman po sana akong multuhin.

Tanga, baka tao na yan! 
Onga noh? Sa bilis ng pagkatakbo ko papuntang pintuan eh halos madulas na ako , basa kasi yung sahig.
"Tulong pooo!" Biglang tumigil yung footsteps. Narinig niya kaya ako?
"Nasan ka?" OHDIYOSKOPOMARAMINGSALAMAT!
"Nandito! Dito sa loob!"
"Nak ng! Saan nga eh!" ABA`Y Galit pa siya eh noh?! Wag ka ng umangal Tam, sia lang naman ang tutulong sa`yo.
"Sa loob ng Banyo! Staff's Bathroom!" Ang bantot naman pakinggan nun. 'Nasa loob ako ng banyo, tulungan mo ako' Nyahaha.

Ilang saglit eh narinig kong parang may kumalikot sa door knob. Lumayo naman ako kaagad at baka malay natin, sipain niya, mapisat pa ako.
BOOGSHK!
Sabi ko na eh! Sinipa niya! Ang galing ko talaga.

Sa sobrang tuwa ko eh napayakap ako sa kanya, forgetting the fact that Im wet.
"Linti. Ang basa mo! Lumayo ka nga!" Napatingin naman ako nun sa mukha niya.

OHMYGOLLYGOSH.
"N-nick?" Pano niya nalamang nandito ako!?
"Bakit ka ba nandito?!" Sasabihin ko ba?
Wag nalang siguro, baka isipin niyang sinisiraan ko lang si Dee at lalo pa siyang magalit sakin.
"Nalock kasi ako eh.." Nice one. Grabe, Tanga lang ag maniniwala na nalock ka sa STAFF'S WASHROOM. Napagaling mo talaga. *ClapClap*
"Pano ka nalock dito ng BASA?
" Ayan na, Ano ka ngayon Tam ha? Ngayon mo patunayang magalng ka.

"Er.. Kasi.." KASI? Bnisita ko ang Janitor ng school at bigla akong natae at hindi ko na talaga mapigilan kaya pinagpawisan ako ng todo kaya nagmukha akong naligo tapos dito n----
"Forget it, Im not Interested." Kahit nakakapikon yung sinabi niya eh mas mabuti na siguro yun.
Umalis na siya ng walang sabi sabi. Wait lang Parekoy!
"Nick!" Tumigil siya pero hindi siya lumingon.
"Sobrang Thank You." 2 DAYS na ang nakaraan simula nung nalock ako at sa dalwang araw na yun eh absent ulit ako. Si Dee naman eh parang wala siyang ginawa sakin, PLASTIC is the word!
"Bakit ka ba asent? Namiss kita eh.. 
Ayos rin Cas eh noh.
"Ano ba kasing nangyari seo?" Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko si Casper eh, sasabihin ko sa kanya yung totoo, hindi ko na rin matiis e.
"Hinarang kami ni Maggi nila Dee at nung mga galamay niya, pagkaalis ni Maggi eh kinaladkad nila ako papuntang 4th Floor, sa Staff's floor tapos nilock sa loob ng CR dun, binasa pa nila ako gamit yung Hose.."
"P^T^N^ I^A NILA. HUMA-" " Tumayo siya nun pero pinigilan ko. Ayokong malaman ni Nick yung nangyari..

"WAG. Please, baka isipin ni Nick sinisiraan ko lang si Dee
... Madilim dun Cas. Sobrang dilim, dun ko naramdaman ang sakit pala ng mag-isa ka lang, mga isang oras din siguro bago ako naligtas. Dahil sa pagkabasa nila Dee sakin eh nagkasakit ako, ang sama tal----" Naputol yung sasabihin ko nung may nagsalita sa may door.
"Akala ko ba NAlock ka?! Bakit di mo sinabing NIlock ka pala?!
"