by the way sis, paano ba i pronounce yung name mo?? ganito ba: [pai-jee] or [peije] di ko kasi alam kung paano eh
lolsss...
Page lang yan sis.

Ewan ko ba kung bakit nilagyan ng nanay ko ng I.

Heheh.
Salamat sa comments! Sana may magbasa pa!

I. Unang Pahina
Senior Na si Tanga
PLAK!
Aray ko naman! Sino ba ang walang magawa sa buhay na nambabato ng unan?!
"Ano ba! Kitang natutulog yung tao eh!" Istorbo!
"Aba sige lang matulog ka lang jan! Sino ba ang malalate sa unang araw ng pasukan, ako ba?!" Teka. Loading...
"OMG! Late na ako! Kuya naman! Anong oras na ba??" Tinignan ko yung alarm clock na hindi naman nagalarm para gisingin ako.
"Patay! Magse-7 na! Oh No!" Tumayo ako kagad kinuha ang towel at naligo. Si Kuya naman sinigawan ako ng
Tanga kasi eh bago pa ako nakapasok sa CR. First day ngayon tapos malalate ako?! Nakakahiyaaaaa. Yung alarm clock kasi eh! Hindi tumunog! KAINIS. Buamaba na ako, nagbreakfast at saka pumunta na ng school.
Usually naglalakad ako pero ngayon, tinakbo ko na. Late na nga ako! Malapit lang naan yung school eh. Pagkarating ko isasarado na ni Manong Guard yung gate buti nalang nakapasok pa ako.
Late na talaga ako. Waa. Umakyat ako kagad sa 3rd floor, dun kasi yung classroom ng mga Seniors e. Section ko.. Ano nga ba yun..
Inikot ko yung knapsack ko papuntang harapan pero nakasabit pa rin sa likuran ko habang nagalalakad.. Nasan na ba yung paper na sinulatan ko, dito ko lang nilagay kagabi yun eh! Ah Eto! Lo---
BOOG!
Aaaah. Sino ba `to?! Hindi tumitingin sa dinadaanan! Yung paper ko lumipad tuloy!
"Ano ba naman! Yung papel ko nawala!" Nakatingin ako sa fllor at baka sakaling lumabas bigla. :|
"Tatanga tanga kasi e!"Abaaaaa. Ang kapal ng mukha niya, siya na nga tong namunggo e!
"Ho-- pagkatingala ko.. si Nick pala! :"> OMG. Baka maghyperventilate ako nito! Naglakad siya at nilampasan lang ang beauty ko. Naman.
Naglakad nalang ulit ako. Ano nga uli section ko? Di ko nabasa ng maayos eh! Basta may Lo.. aha, eto na, Love! Ang galing ko talaga.
"GoodMorning Sir, Im sorry Im late." Tumingin yung teacher na lalaki pati na ang buong class. Nakakahiya talaga malate.
"Dito ka ba? Ikaw ba si Angelica?" Angelica? Di noh. Sarili niyang student di niya kilala.
"Tam Gomez po." Tinignan niya yung paper na nasa desk niya.
"Hmm.. Ahh okay. Ms. Tam twin sister mo ba si Jam Gomez?" Si Jam?! Yuuuuuck. No way!
"Nako Hindi po! Pareho lang talaga kami ng last name!" at nung tunog ng nick name. Tam--Jam. Nice.
"Ew! Sir wala sa lahi namin ang engot!" Isaksak ko kaya sa bunganga niya `tong sapatos ko?
"Hindi ka naman dito Miss Tam eh. Si Jam lang dito." ANO? Pero sigurado akong Love yun!
"Po? Pero sigurado po akong Lo yung nagsisimula sa section ko!" Kahit naman late ako wag naman sana akong ipagtabuyan!
"Love at Loyalty ang sections ng senior na may LO sa unahan." Ganun ba?
"So san po ako? sa Loyalty?" Masama bang magtanong? Bakit ganyan ang expression niya.
"Ay Tanga. Edi sa Loyalty." Pati ba naman ang teacher?! Namaaaan. Nagwalk out nalang ako habang ang teacher na yun ay pailing iling pang nalalaman.
Eto na, Loyalty. Eto na talaga.
"GoodMorning Ma'am, Im sorry Im late." Lahat din sila napalingon sakin.
"Miss Gomez?" sweet naman ng teacher ko nakangiti pa talaga late na nga ako. hehe.
"Tammi Gomez po" Baka si Jam nanaman.
"Ay nako hija, hindi ka late." Ganun? Di nga?
"Talaga po? Napaaga lang lahat ng tao dito sa school?" Tuwang tuwa pa ako nung sinabi ko yun, pati nga kaklase ko natuwa eh, nagsitawanan kasi sila.
"TAMMI HOW OLD ARE YOU??" Lumakas yung boses niya. Bakit niya gustong malaman?
"16 na po." 16 na kaming lahat dito kasi dumaan pa kami ng Grade 7.
"Masyado kang maaga sa katunayan." Ganun? akala ko kasi late na ako eh.
"MASYADO KANG MAAGA PARA SA NEXT CLASS MO!" Nagatawanan ang mga kaklase ko. Ang sama naman nila! Edi mabuti nga yun eh! Wait, ibig sabihin late nga ako! Bakit kelangan niya pa akong ipahiya sa harap ng class?! first day naman eh!
"Sorry po Ma'am." Yumuko nalang ako kahit na mejo naiiyak na ako. Ang sama naman kasi eh.
"Umupo ka dun. Samahan mo yang isa mo pang kaklase na late. Sa tabi ni Mr. Royce." Omg. ROYCE? AS IN NICHOLAS ROYCE? waaaaaa.
Sobrang natuwa ako! Katabi ko ang crush ko! BUTI NALANG LATE AKO.
"Hi." binati ko siya pagkaupo ko. Hindi man lang nagabalang lumingon sakin. Ang sama.
"Sorry pala nabunggo kita kanina." hindi pa rin siya lumilingon. Kung ayaw niya akong kausapin edi wag! Hmp.
Ang boring naman ng class. Isang subject pa at recess na. Yehes. Ang boring naman ng English Teacher. Grrrrr. Makakuha nga ng scratch at magddrawing nalang ako..
"Miss Gomez, what did I say just now?" Ako yun ah. Agad akong tumayo. Ano nga ba ang sabi niya?
"Um.." lumingon lingon ako sa mga kaklase ko pero nakatingin lang sila. Oh no.
"English Teacher's uniform will be black leather tights." Bumulong si Nick. Ngumiti ako ng pagakalaki laki sa teacher namin.
"English Teacher's Uniform will be black leather tights.
" Salamat nalang kay Nick. Hehe.
"Huh? What are you saying?! How dare you! Reamin standing for the rest of the period! Nagtawanan silang lahat. Diba.. sabi ni Nick yun?... Pati siya tumatawa.. Hindi kasi ako nagiisip eh.
Tanga ka talaga Tam 