Teentalk

Poll

what team? :))

TEAM Nate. O0
TEAM Art. ^-^
TEAM Cloud. 8)

Author Topic: afgitmolfm: Want a soft copy? See page 195.  (Read 154761 times)

charmii1109

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 4
  • Karma: +1/-0
  • charmii!
    • http://profiles.friendster.com/carmelaguilalas11
Re: afgitmolfm: Chapter 24
« Reply #480 on: November 29, 2009, 07:08:47 pm »
anung meaning ng title? ;D

.L.

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1822
  • Karma: +296/-38
  • wattpad mode.
Chapter 25
« Reply #481 on: November 29, 2009, 07:32:29 pm »
Chapter 25:
Saturday.

Pahinga sa pag aaral. Pahinga sa school. Pahinga sa pag iisip kung sino ba talaga si Art.

Oo nga pala, di ba nag tatrabaho si Art sa greenwhich. Tinanong ko sa kanya `yun. at ang tanging sagot lang niya sa akin ay:

“pakielam mo?”

Oh di ba. napaka friendly na sagot. napaka close namin. ang galing ano?

Ang weird talaga ng lalakeng `yun. minsan parang ang bait, minsan ang sama ng aura pero laging wala sa mood. May problema ata `yun sa utak e, pero ang talino niya. super. Hindi na nga siya nag aaral, alam pa din niya `yung mga lessons.

So anyways…

Pauwi na kami ni Nate galing sm. Date kasi kami e. HAHA. Echos. Bumili kasi kami ng mga regalo for the Christmas party. So ayun…

Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Nakaramdam ako ng may tumulo. Tinignan ko si Nate baka tumatalsik lang `yung laway niya pero hindi e.

Nashock naman ako ng tanggalin ni Nate `yung t-shirt niya [may sando naman siya] tapos nilagay sa ulo ko.

“baka mabasa ka” sabay hatak sa akin papuntang waiting shed.

Napatingin ako kay Nate. Hano ba `yan. Ang payat talaga nitong lokong `to. Ang sexy. Grabe~ haha.

“nabasa ka na” kinuha ko `yung panyo ko tapos ginamit ko pang tuyo sa kanya. Basa na kasi `yung buhok niya tapos `yung braso pati sando niya habang ako tuyo dahil sa t-shirt niya.

“ok lang buti hindi ka nabasa” ngumiti lang ako nun. Tumingin ako sa harap, ang lakas na nung ulan. Walang mga tao sa paligid, siguro bumalik sa sm.

Habang nag hihintay ng oras. napatingin kami ni Nate sa isang lalaki na naka all black and all fitted. Fitted black t-shirt, super duper skinny jeans, black chucks, naka geeky glasses pa tapos eyeliner na tumutulo sa pisngi niya.

Umupo siya sa may side namin. Sabay sabing:

“I love the rain, because no one notices when I cry”

Emo.

Napatingin naman ako dun sa isang lalaki na palapit dun sa emo. Fitted clothes din siya, `yun nga lang. nakamohok `yung buhok niya tapos color red. As in… kitang kita ang pagkared. Then naka black din siya with many accessories na bungo. Nakalipstick pa na black. Ang err, then nakasando at glossy pants. Nakatsinelas din. Tapos `yung tenga niya, no space for new earrings kasi punong puno na then tumayo siya sa harap ng emo with a rock and roll sign at sinabi:

“ako din! Hindi halatang umiihi ako sa pantalon! Yeah, rock and roll!”

Punk.

Lumapit naman sa dalawa `yung lalaking napaka laki `yung t-shirt na parang hirap na hirap siyang dalhin. Nakacap tapos ang laki ng bling bling na nakasabit sa leeg niya. baston pants tapos naka tsinelas. Haggard look.

“uhm, guys. `wag niyo akong iwan. Help me naman, ang bigat ng damit ko e!”

Hiphop.

TAWA TAYO. Hahaha. Ang kulit nila e. magkakaibigan, magkakaiba `yung styles nila. astig. Hindi ko nga napigilang tumawa sa kanila. Ang cute nila tignan, antae.

Naglakad sila palayo sa amin. Nauuna `yung hiphop tapos hawak hawak nung dalawa `yung damit niya. tulong tulong e. haha

“ang kulit nila ah” tumawa din si Nate. Pagnakita niyo talaga `yung itsura. Nakakatawa. HAHA.

“Ianne, may tanong ako” tinignan ko siya tapos seryoso mukha.

“ano?”

“kaya mo bang bilangin lahat ng tao sa isang kwarto ng mabilisan? `yung kunwari, papasok ka sa isang room tapos alam mo na kaagad kung ilan `yung tao. Kaya mo `yun?” tumawa naman ako. watta question.

“hindi. Bakit? Kaya mo ba `yun?”

“oo naman!” yabang nito ah.

“o sige nga, ilan tao dito?”

“isa” tinaasan ko siya ng kilay.

“ako ba pinag lololoko mo?” ngumiti siya sa akin.

“hindi ah, tanong mo sa akin bakit isa”

“o bakit?”

“syempre, ikaw lang naman nakikita ng mga mata ko e”

Sabay ng pagngiti niya ang pagtila ng ulan. Grabe. He really brightens my world. :]
« Last Edit: June 04, 2010, 12:03:24 am by .L. »
Active user of: wattpad | tumblr

Lonely Procrastinator

  • Guest
Re: afgitmolfm: Chapter 25
« Reply #482 on: November 29, 2009, 07:34:52 pm »
“ako din! Hindi halatang umiihi ako sa pantalon! Yeah, rock and roll!” HAHAHA. =)) Favorite ko dun sa tatlo. \m/ Napanis na naman si Ianne. Rock on!

-xiArA-

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3327
  • Karma: +225/-118
  • The one that got a way. <3
Re: afgitmolfm: Chapter 25
« Reply #483 on: November 29, 2009, 07:43:53 pm »
Hahaha! KOWTS! ;D Hanep talaga kapag si Nate ang bumabanat!


AMP! Ano to?! Bumabalimbing na ako! NOOOO! TEAM ART pa rin ako! ;D :D
.
Sometimes the right thing
is the hardest thing to do.

just_being_mae

  • Guest
Re: afgitmolfm: Chapter 25
« Reply #484 on: November 29, 2009, 08:23:16 pm »
waaa~ langyang banat yan nate. benta ka talagaaaa~

sanburn

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 730
  • Karma: +76/-4
  • "I want something different.something exotic."
Re: afgitmolfm: Chapter 25
« Reply #485 on: November 29, 2009, 08:39:17 pm »
ang loko nung three musketeers.ahahahahah. :D at in fairness kung bumanat talaga tong si nate.tsk. ;D
We definitely have a connection. Even if we cannot express it in words, we both know that the spark is growing into something warm. A forest fire? Maybe not. But we could be in for some smoldering embers.

eriinLabbs28

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1990
  • Karma: +132/-39
  • CookieMonster. ♥
    • HNNNNNG, RAWR.
Re: afgitmolfm: Chapter 25
« Reply #486 on: November 29, 2009, 09:19:24 pm »
ang korni ni Naaaate. :D
at si Art, ang shunget. ano ba yan!

.L.

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1822
  • Karma: +296/-38
  • wattpad mode.
Re: afgitmolfm: Chapter 25
« Reply #487 on: November 29, 2009, 09:23:33 pm »
mharianne.
lahat ng tao interested kay art. haha


lyn.
gusto ko din `yung mga detective chu chu. `yung mga mysteries. napanood mo na ba `yun live action ng ddq? :]


charmii1109.
basta. sa ending mo malalaman :]


danni.
ako peborit ko dun sa hiphop e. natawa talaga ako dun, mabigat kasi `yung damit. HAHAHA. astig e :D


labs co.
si Nate kasi si kowt guy e. HAHAHA
nako! sumbong kita kay art!!!! hahahaha


ate mae.
galing sa kaklase ko `yung banat na `yun e :D


mharianne.
galing sa kaklase ko. ang korni pero nakakakilig e. hahaha


pot.
korni kasi kaklase ko e. sakanya ko lang nakuha. wahahaha.
period ata ni art ngayon kaya masungit. wahaha
Active user of: wattpad | tumblr

Lonely Procrastinator

  • Guest
Re: afgitmolfm: Chapter 25
« Reply #488 on: November 29, 2009, 09:31:08 pm »
HAHAHA. :)) OA kasi magdamit. Kala mo may pera panlaba. :))

euki13

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1428
  • Karma: +103/-5
  • 우리는 슈퍼 주니어예요~
Re: afgitmolfm: Chapter 25
« Reply #489 on: November 29, 2009, 09:34:55 pm »


makabanat ka pa Nate.
isa pa...
isa pa talaga...



wala lang.
umaarte lang ako.
sakit ng ulo ko!!!!!
haha.
the reason why i was away is that..




tinamad ako..
tinamad ako un lang..
hahhaha.
nyways,
HMPF. mysterious talaga to si Art.
sapatusin ko ito ee..
haha.. XD

I am...
FREELY FALLING

*click click click! New story on the run~ Please do support, ok?

-xiArA-

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3327
  • Karma: +225/-118
  • The one that got a way. <3
Re: afgitmolfm: Chapter 25
« Reply #490 on: November 29, 2009, 10:29:01 pm »
Paanong si kowt guy si Nate? ???

Parang kinabahan ako bigla. ;D
.
Sometimes the right thing
is the hardest thing to do.

.L.

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1822
  • Karma: +296/-38
  • wattpad mode.
Chapter 26
« Reply #491 on: November 29, 2009, 10:47:57 pm »
Chapter 26:
Tik tik tik

Tanging ang ballpen ko lang na nilalaro ko ang maririnig sa library. 1 hour na din ako na nakaganito. Bakit? Hanggang ngayon kasi, wala pa din si Art. E si Nate pinauwi kaagad ng nanay niya pero babalikan din ako mamaya. Ang boring!

Tae, ang tagal ni Art! Asan na ba `yun!?

Nagdecide ako na pumunta ng locker area. Tutal, lagi ko namang nakikita `yun dun. Baka andun siya di ba?

So ayun, lakad papuntang locker area. Grabe, grabeng exercise `to ah. infairness. Ang layo kasi e. amp. Kabilang building pa ulit. Amp!

Habang papalapit ako ng papalapit sa locker area. Lalong lumalakas `yung naririnig kong paghampas ng mga pintuan ng lockers. Parang may nang gugulo sa mga lockers e. pagdating ko sa area, sumilip muna ako.

O.o <--`yan ang tanging reaksyon ko sa nakita ko.

Kilala niyo pa ba `yung nagtapat kay Art? `yung nakita ko sa panaginip ko? isa siya sa dahilan sa pag ingay ng mga lockers. At sino kasama niya? si Art!

What are they doing? `yan ba tanong niyo? well...

They are torridly kissing each other.

Nakasandal `yung babae sa lockers habang hawak hawak `yung buhok ni Art. Then si Art naman, `yung isang kamay nakasandal sa mga lockers.

Hindi ko alam kung ano ba ang irereact ko. kailangan ko bang manatili dito at manood o umalis na lang at kunwaring walang nakita?

Hindi ko naimagine na maghahalikan silang dalawa. `yung mata ko, hanggang ngayon nanlalaki pa din. Ano ba `yan….

Tumalikod na ako. parang hindi ko na matake na panoorin sila na kulang na lang e maghubad na sila ng uniform. Tumigil `yung pagkalampag ng mga lockers. Gusto ko sanang tumingin pero baka Makita ako ni Art.

Nakakarinig ako ng mga footsteps na papalapit sa kinaroroonan ko. shet. Tatakbo na sana ako nang…

“Ianne” napatayo ako sa gulat. Kinakabahan ako ng sobra sobra. As in `yung puso ko parang gusto ng tumakbo para iligtas ang buhay.

So ayun, nagpakita na ako. pagtingin ko, malapit na sa akin si Art tapos `yung babae andun sa pwestong huling nakita ko. inaayos niya `yung uniform niya. si Art naman, `yung dalawang butones ng polo niya nakabukas. Nakaexpose ang skin, err.

“Napadaan lang ako, `di ko naman sinasadya na maki—” Napatigil ako ng bigla siyang magsalita.

“Irene” nakita ko `yung babae na napatayo ng tuwid. Si Art nakatingin lang sa akin, nakatalikod siya dun sa babae. “umalis ka na” naglakad papuntang kabilang direksyon `yung Irene.

Lumapit sa akin si Art. Hinawakan niya `yung mukha ko. nilalapit niya `yung labi ko sa labi niya. kinakabahan ako. nanghihina tapos pinagpapawisan. he was about to kiss me pero tinulak ko siya kaagad.

“a-ano bang p-problema mo?” garalgal kong sinabi. Kinakabahan ako, sobra.

Tinignan lang niya ako with a blank look. `yung kamay niya nakabaon lang sa magkabilang bulsa ng pants niya. “lagi kang istorbo” nanigas ako sa sinabi niya. oo nga nu. nung nag confess `yung Irene na `yun pati ngayon. tae, bakit ba kasi lagi na lang ee.

Naglakad na siya tapos nilagpasan ako. nakatayo lang ako habang tinitignan siya palayo sa akin.

“oi. mag aaral ka pa” sabi niya habang patuloy sa paglalakad.

parang wala lang e. weird talaga. :/
« Last Edit: November 30, 2009, 05:58:22 pm by .L. »
Active user of: wattpad | tumblr

-xiArA-

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3327
  • Karma: +225/-118
  • The one that got a way. <3
Re: afgitmolfm: Chapter 26
« Reply #492 on: November 29, 2009, 11:19:05 pm »
Bakit yung Irene? Xiara naman ilagay mong name! ;D

Wag mo kong sumbong kay Art! Kay kowt guy naman ang puso ko eh. :D ;D



SHET! ANG CHEESSSYYYY! :D ;D
.
Sometimes the right thing
is the hardest thing to do.

patrickstar_05

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1466
  • Karma: +98/-6
  • .i'm in your ♥ tonight. :]]
    • LITTLE MISS MOONLIGHT.
Re: afgitmolfm: Chapter 26
« Reply #493 on: November 29, 2009, 11:28:53 pm »
asawa mo pala si ART. IRENE?. haha. joke.

hmmm. team ART ako. kasi.. wala lang. haha. next na..  ::)

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Re: afgitmolfm: Chapter 26
« Reply #494 on: November 29, 2009, 11:29:52 pm »
Dalawang chapters agad namiss ko. Haha.

25: Kakatuwa yung mga kuyang emo, punk at hiphop. astig. Haha. Answeet talaga ni Nate. At ang cheesy pa. :)

26: Woah, Art? Torridly kissing? Haha. Lagi na lang nakakawitness si Ianne ng moments ni Art ah. :)

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website