Teentalk

Author Topic: Freely Falling | CHAPTER 10 - Pasok pasok diiiin!  (Read 569 times)

LinGuin

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 78
  • Karma: +3/-0
  • LinlovesGuin ∞
    • [font=arial]Stranger In A Strange Land[/font]
Re: Freely Falling | CHAPTER 7~~ Readers? Come in!!!
« Reply #45 on: February 02, 2012, 12:16:08 am »
Haha :"> Hindi na ako ang bunsooo!
(dati kasi nung unang sali ko dito nung 2007 eh ako ang laging bata...hahaha)
Sa June pa naman :D Kasalukuyang magtatapos ng first year. Lalala.
San ka nag-aaral?

SPUQC. Ikaw ate?
guinislove.webs.com

euki13

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1420
  • Karma: +103/-5
  • 우리는 슈퍼 주니어예요~
Re: Freely Falling | CHAPTER 7~~ Readers? Come in!!!
« Reply #46 on: February 02, 2012, 12:47:25 am »
SPUQC. Ikaw ate?

Taga-QC ka pala! FEU ako :)
I am...
FREELY FALLING

*click click click! New story on the run~ Please do support, ok?

LinGuin

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 78
  • Karma: +3/-0
  • LinlovesGuin ∞
    • [font=arial]Stranger In A Strange Land[/font]
Re: Freely Falling | CHAPTER 7~~ Readers? Come in!!!
« Reply #47 on: February 02, 2012, 01:08:32 pm »
Taga-QC ka pala! FEU ako :)

:) Anong course mo po?
guinislove.webs.com

euki13

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1420
  • Karma: +103/-5
  • 우리는 슈퍼 주니어예요~
Re: Freely Falling | CHAPTER 7~~ Readers? Come in!!!
« Reply #48 on: February 03, 2012, 04:14:30 pm »
@LinGuin : BS Medical Technology :) Anong balak mong kuning course? Here's the update nga pala sisteretteeee:D

Chapter 8

Paglabas ko nang room, bigla namang may humawak sa braso ko at hinila ako papuntang canteen. “Huy, teka sandali! Sino ka ba?” Di ko kaya nakita ang mukha. “Kevin.”

“Bakit mo naman ako hinihilaaaaa.” Eh palit na kaya ng shift ngayon kaya maraming estudyante sa hallway. Nagbibigay naman ng daan sa kanya. Sino ba siya? Ahhhh...kapatid ni Kuya Yosef na isang sikat na model. Kilala. Blah Blah Blah...

Halos lahat naman ng babae eh natulala sa kanya. Seriously guys? What’s with  him?
“Pwede mo na akong bitawan.” Dahil nakarating na kami sa barkada. Sows, pwede namang sabihing pupunta kami dito di`ba? Hindi tuloy ako nakapagpaalam dun sa tatlo.

“Pinag-uusapan kayo ah.” Sabi ni Mark sabay akbay kay Kevin. Sinong pinag-uusapan? Kami? Feeler ka, Pia. Feeler. Kumain ka na lang.

“Hayaan mo sila. Tss. Kaya ayaw kong nakikilalang kapatid nung isang yun eh.” Patuloy naman akong nakikinig sa kanila. Talk about OP-ness?

“Eh kasi naman no! Pano ba namang hindi ka makikilala?! DUH. Kamukha mo. Para nga kayong kambal eh.” Which is true naman.

“Eh kasi naman. Sino ba namang may sabing i-expose kami sa public? Pwede namang manatiling nasa likod lang kami?” Oo nga naman.

“Pare naman! Nakalimutan mo na bang once nang ini-offer sa`yo yung kung anong meron kuya mo ngayon?” Ows?

“Saka na-feature pa kayo sa magazine nung time na nag-boom sa modelling/slight acting ang kuya mong si Yosef?” Sabi ni Hannah NAG-ACTING DIN SI KUYA YOSEF?

“Bakit hindi ko alam yun?” Ay bakit ko nasabi nang malakas yun?

“Eh hindi ka naman nanonood ng TV o mahilig sa showbiz sa `Pinas eh.” Sabi ni Jessica na natatawa-tawa pa.

“Oy! Grabe kayo ah! May ilan din naman akong kilala! Grabe talaga.” Eh meron naman talaga ah! Hindi ko lang siguro natyempuhan si Kuya Yosef.

“Oo na. Sige na. Kumain ka na lang dyan.” Si Rhian na katulad kong kumakain, nakiki-chismis din `to eh.

“Saka dude, kilala ka sa dati mong school. Sikat ka kaya dun...eh itong new school mo ang rival ng dati mong school di`ba?”, sabi ni Vince San ba galing na university `tong unggoy na `to? Sana nag-stay na lang siya dun. Bad Pia, bad.

“Ano ba siya dun?” Tanong ni Rhian na puno ang bibig.

“Ewww, Rhian! Don’t talk if your mouth is full.”

“Siya lang naman ang President ng Student Council ng university pati Captain ng basketball team.” Sabi ni Mark. Ahhh, kaya pala ganun yung built ng katawan niya. Pinagsasasabi mo Pia? ERASE!

“Grabe ah, pag-usapan ako eh parang wala ako dito.”

“Nice nice nice. Eh syempre getting to know you. Teka, bakit hindi ka sumali sa BBall team dito sa East University? May try-outs next week eh.”, sabi ni Kuya Sean na isa sa mga magagaling na player ng team. Oo, bigatin mga kaibigan ko. Ako lang hindi. Hahaha.

“Ha? Hindi na. Ayaw ko. Hindi naman ako magaling. Makakasira lang ako.”

“Sus, wag ka na magpaka-humble. Mag-try out ka sa ayaw at sa gusto mo!”

“Bahala na. Ayaw ko pa din.” Ang tagal na rin pala naming nag-uusap at hindi ko namalayan ang oras.

~What makes you beautiful~

“Ay wait lang.” Kinuha ko naman CP ko at sinagot “Yes yo? Bakit?”

“DUDE! Anong oras na? Dalian mo pumunta ka na dito! Yung report pa natin!” Oh shooot, 11:45 na. 12 next class ko, Filipino.

“Ay! Oo sige, bye bye! Thanks Lynn Lynn~” nagmadali naman akong nag-ayos ng gamit. “Oy oy oy! San ka pupunta?”

“Bhest naman eh! 12 class ko, anong oras na. May report pa ako. Sige na bye bye guys! Sabay-sabay tayo umuwi ah.” Sinsabi ko yun habang nagmamadaling umalis sa cafeteria. Ang layo pa nito sa building namin.

Buti na lang pagdating ko sa room, lumabas si Mam. Actually, napakabait naman nito ni Mam. Kaya lang talaga eh yung report ko kelangan kong ipolish at unang group kami. Waheks.
Bigla namang may dumating na familiar na tao pero! Pero hindi ko naman blockmate.  Well, kasi..nakatalikod na siya. Nasa  harap na siya ng Prof.

“Good Afternoon Mam.” Nagulat naman ako dun. Yung mga babae naman sa room eh nagbulung-bulungan naman. Yung iba pinipigil yun sigaw. Really guys, really.

“Ikaw siguro si Kevin Joshua Ferrera?”

“Yes mam, sorry kung this week pa lang ako nakapasok. Former university issues.”

“Sige, sige okay lang. Pwede ka nang umupo kahit saan dyan.” And yea, hindi naman kami alphabetically arranged. Yea, yea, yea.

“Thank you mam.” Umupo naman siya dito sa likuran ko. Nasa second row ako kaya nasa third siya. Kdot Bakit ba big deal sa’yo, Pia?

“Okay sige, class. Maupo na kayo, magsisimula na yung unang grupo.” Umayos naman sila at nagpunta na kami sa harap. Whooo, ako na! kaya ko `to! Bakit parang bigla akong kinabahan? Tss.

Nagreport naman ako nang dapat ireport pero may isang taong grabe kung makatingin. Kala mo walang bukas. Walang iba kundi si Kevin na magulo ang utak. Unggoy. Lahat na. After ko magreport, pabalik na ako sa upuan ko nang makita ko siyang ngumisi. What’s with you? Sabi na may tama sa utak `to eh.

Matapos magreport yung kagroup ko, lumipat si Kevin sa pinakalikod, pumalit si Mico sa kinauupuan niya. Eh lakas trip din nitong Mico na `to. Hilig mantrip xD Hila-halain daw ba buhok ko?
“Hoy Mico! Tigilan mo ngaaaaa.” 2nd week pa lang pero close close na sa`kin `to. Nakilala ko kasi sa NSTP xD Ah basta, sila kasi yung section sa likod namin nun eh hindi ko naman alam na magiging blockmate ko.

“Hahahaha, hindi naman ako yun ah?!” Aba nagkaila pa.

“Mico naman eh~ ><” hinampas-hampas ko nga.

“Oo na, sige na hindi na!”

“Tsupi! Magrereport na kayo.” ginulo naman ni Mico yung buhok ko. Padabog na bumalik si Kevin sa upuan niya. Mahilig magdabog `to eh. Wagas.

May two subjects pa kaya bored na bored na ako. Nakakapagod pang umakyat sa hagdanan. Puno kais lagi elevator. Nakakabwisit lang. At na naman! Kaklase ko na naman si Kevin sa dalawang yun. Pagkawagas-wagas naman. Ano ba talaga kinukuha nito? MedTech o Archi? Tsk.

At sa 3 hours na natitira eh pamatay makatitig `tong Kevin na `to. Anong meron? Sapakin ko kaya? Eh ngayon, nasa tabi ko na. Well, may isa pang tao sa pagitan namin pero sa direksyon ko nakatingin? Hindi sa feeler `teh. Nakakailang lang. Tss.

“Anong meron?” Nagulat naman siya nung nagtanong ako.

“Wala. Ang pangit mo pala?” What the fish.

“Aba! Ang pogi mo ah! Grabe.” Grabe, napakayabang nito. Edi ikaw na pogi. Peste.

“Eh talaga namang pogi ako eh.”

“Oo nga PIA! Gwapo naman talaga yan.” Sabay-sabay na sigaw nung limang baliw namely Denise, Lina,  at Arla. Wagas. Wagaaaas.

“Whatever. Yabang mo.” Nakabusangot na naman ako. Napepeste ako. T__T Oh Lord, why do this to me?!

At last, dismissal na. Nagkasabay naman kaming maglakad papunta sa barkada.
“Hey yo Bhest, what’s with the face?” Eh naiirita pa rin ako.

“Wala. Ang asungot lang kasi ng isang tao dyan. Ang yabang pa. Pfft.” Sabi ko.

“Sino? Ako?”

“Guilty? May sinabi ba akong ikaw?”

“Masama ba magtanong?” Oh c’mon.

“Ewan ko sayo.” Ay oo nga pala, yung sobre.

“Hoy, para san yung envelope na pinabibigay ni Ate Faye?”

“Ang ganda-ganda ng pangalan ko, HOY lang itatawag mo sa`kin?”

“Eh ewan, dali na! Para san ba kasi yun?”

“Sabihin mo muna pangalan ko.” Asar `tong taong `to ah! Wagas-wagasan to the max.

“Kevin. Oh ayan na. Dali.”

“Hindi ko din alam eh. Basta pinabibigay niya. Buksan mo na lang.” Nakangisi niyang sagot.

“AHHHH!” Mababaliw ako sa taong `to. Nakita ko naman silang nagtataka sa`ming dalawa. Bahala kayo dyan. Nabibwisit ako sa kaibigan niyo. “Una na ako ah. Bye.”, sabi ko sa kanila. Inirapan ko naman si asungot.

“Bye Bhest!” “Bye Pia~ Ingat!” “BYEEE BYEEE!” “Ingat ka!” natatawa nilang paalam.

“PIA! Sandali! Sabay na tayo!” Ewan ko sa kanya. Nagpatuloy pa rin ako palabas ng campus.

-

Sabaw eh no? ENJOY!
I am...
FREELY FALLING

*click click click! New story on the run~ Please do support, ok?

LinGuin

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 78
  • Karma: +3/-0
  • LinlovesGuin ∞
    • [font=arial]Stranger In A Strange Land[/font]
Re: Freely Falling | CHAPTER 8~~ READERSSS! Pasok kayooo.
« Reply #49 on: February 05, 2012, 11:10:03 pm »
Naks, sikat pala si Kevin  ;D Yiiee~ Sabay sila :D
guinislove.webs.com

euki13

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1420
  • Karma: +103/-5
  • 우리는 슈퍼 주니어예요~
Re: Freely Falling | CHAPTER 8~~ READERSSS! Pasok kayooo.
« Reply #50 on: February 06, 2012, 11:28:10 am »
Naks, sikat pala si Kevin  ;D Yiiee~ Sabay sila :D

Sikat si author eh. sa panaginip. hahaha
Abangan ang mangyayari sa kanilang pagsasabay! AHUUU!
Thanks muuuch.
I am...
FREELY FALLING

*click click click! New story on the run~ Please do support, ok?

LinGuin

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 78
  • Karma: +3/-0
  • LinlovesGuin ∞
    • [font=arial]Stranger In A Strange Land[/font]
Re: Freely Falling | CHAPTER 8~~ READERSSS! Pasok kayooo.
« Reply #51 on: February 07, 2012, 12:42:38 pm »
Sikat si author eh. sa panaginip. hahaha
Abangan ang mangyayari sa kanilang pagsasabay! AHUUU!
Thanks muuuch.

Update na po ;D
guinislove.webs.com

euki13

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1420
  • Karma: +103/-5
  • 우리는 슈퍼 주니어예요~
Re: Freely Falling | CHAPTER 9~~ READERSSS! Pasok kayooo.
« Reply #52 on: February 07, 2012, 01:40:32 pm »

Chapter 9

Kevin’s POV

“PIA! Sandali! Sabay na tayo!” Nakakatuwa rin asarin `to eh. Hahaha.

“PIA!” Tawag ko sa kanya. “Ano?” Sabi niyang naka-straight face.

“Sabay tayo.”

“Andyan ka na nga eh. May magagawa pa ba ako?” Ang sungit nito. Aish. Hilahin ko nga patawid.

“Kevin ano ba!” Eh kasi hinila ko siya malapit na mag-GO. Malakas trip ko, sorry.

“Wala namang nangyari ah?”

“Ewan ko sa`yo. Shut up.” Hahaha. Kung nako!
Sumakay na rin naman kami sa jeep and guess what, puro taga East University ang loob kaya ang daming nakakakilala sa`kin. What the hell? Hello naman sila ng hello sa`kin, ito namang si Pia...tahimik lang.

“Ang pogi niya no? Parang kuya lang niya. Ihhh” Narinig kong sabi nung ibang estudyanteng babae.

“Girlfriend niya kaya yang si ate?” uyy! Narinig niyo yun?!  :D

“Pia! Huy, pansinin mo nga ako.” Nakita ko naman siyang nagulat O__O Ang lakas kasi ng boses ko.

“Ano bang ginagawa mo?” pabulong niyang sagot. Ang sama ng tingin sa`kin.  ;D

“Pansinin mo na kasi ako. Sorry dun sa kanina.” Well, sorry naman talaga. Hahaha, nasabihan kong pangit eh. Nagulat kaya ako.

“Huy! Ang aso ng taong `to. Tigilan mo, baka kung anong isipin ng mga `to.” Ayaw ko nga.

“Dali na, bati na tayo? Yieee. Sige na.”
“Ay ang aso mo talaga, close tayo?” Bulong niya sa`kin?

“Oy, pogi ako. Hindi aso!”

“Kaya nga!” Ayan ah! Pogi daw ako. “Pareho kayo ng aso ko.” Ay taena.

“Eh? Mas pogi naman ako sa aso mo di`ba?” Hindi naman ako sinagot ni sungit. Tanawin daw ba ang dinadaanan ng jeep? Pero hindi talaga ako nagji-jeep. Mayaman kaya kami. Oo na, mayabang na. But I’m just stating a natural fact.

Ipatong ko nga yung ulo ko sa braso niya. “Kevin! Anong ginagawa mo?”
“Ayaw mo akong pansinin eh.”

“Ewan ko sa`yo tinitingnan ka ng mga tao. Schoolmate natin yang mga yan.” Bulong niya. Walang akong pakialam.

“Ate, pansinin mo na si Kuya Kevin! Ang pogi naman niya eh.”

“Hindi naman pogi yan eh. Aso yan eh.” Sabi niya dun sa babae.

“Aso na kung aso, pansinin mo na ako. Sorry na.”

“Kapag hindi ka pa umayos dyan masasapak na talaga kita Kevin!” Oooh, I’m so scared. Nakita ko namang malapit na kaming bumaba kaya kiniss ko siya sa cheeks sabay sabi ng “Manong, sa tabi lang po!” Nang nakangisi ng napakalaki. Mabilis akong nakababa kasi malapit lang kami dun sa bungad. Halata mo namang nagulat siya at alam ko, lagot ako.

“KEVIN! I HATE YOU! AHHHHH!” Sinigaw niya pagbaba niya ng jeep. Hinabol naman niya ako papunta ng bahay. At sa kamalas-malasan, nakalimutan kong wala akong susi. Wala si Manang, wala rin sila Kuya Siege. Busy sila lahat.

“AHHH! KEVIN HINAYUPAK KA! ANO KA BA! ALIEN KA BA?!” Pinaghahampas naman ako ng amazonang `to.

“ARAY! Sandali, ang sakit! Tama na. Hindi na. Ayoko na.”

“Ewan ko sa`yo. Bahala ka dyan, mag-stay ka sa labas. Hintayin mo sila manang. Dyan ka na.” Nako naman! Nanggagalaiting naglakad papunta sa kanila si Pia. Natatawa pa rin ako, pero pano na akoooo!

“PIAAAAA, DIYAN MUNA AKO!” *blag* Pagsarhan daw ba ako ng pintuan.
“MA! WAG MONG BUBUKSAN YANG TAONG NASA LABAS NA YAN!” Harsh kamo nito.

“Sino ba yun `nak?” Narinig ko namang nagbukas yung pinto.

“Hello po ^____^”

“Oh Kevin! Ikaw ba yung sinisigawan ni Pia? Pagpasensiyahan mo na yun ah. Halika tuloy ka na muna dito, wala pang tao sa kabila eh.” Kung alam mo lang tita. Wahahahaha.

“Ah, okay lang po yun. :) Salamat.”

“Make yourself at home, Kevin.” Ang bait naman ng pamilya nitong nila Pia. No wonder gustung-gusto sila ng family nila Kuya Siege.

“YO BRO!” Sigaw ni Sean. “Ginagawa mo dito?”

“Ah, wala kasi akong susi sa bahay. Eh walang tao. Dito muna ako.”

“Ahhh, sige akyat muna ako. Pagod sa basketball practice eh.”

“Sige lang. Pahinga ka na. Ikaw na star player.”
“Lul!” Hindi naman sa pagmamayabang, pero star player kasi ako dati sa West Minster University. Ang isa sa pinakamatinding rival ng East University. Yeah, galing ako dun. At oo, ako ang kapatid ni Yosef Ferrera. Sikat na model/actor (kahit joketime lang `to). At ayaw ko ng atensyon. Seryoso, ayaw ko. Kaya nga laking inis ko kuya nang malaman kong ifeature kami sa isang magazine. Ni ayaw ko ngang sumabak siya sa ganyan tapos...Eh ewan ko sa unggoy kong kuya.

My whole name is Kevin Joshua Ferrera. Our family owns a big textile company known all over Asia. And I have an older brother known all over the Philippines named Yosef Ferrera.

I have known Kuya Siege’s family for a long time. I grew up with them. When I was still little, I am often at the Cruz’ house because my mom and Tita Lenny are bestfriends; Tito and Dad are business partners. But a time came when we needed to reside somewhere else to continue the company.

I used to play with this girl. I really can’t remember how often we used to play, though. She barely walks out of their house. Minsan ko lang siyang natyempuhan nun sa....uhh, ayun! Sa playground. Nag-swing mag-isa. I tried to talk to her and surprisingly, we clicked. Hindi ko na lang maalala yung pangalan niya. Hmmm. Palagi na kaming naglalaro nun nang ayun nga, kailangan na naming lumipat. Nang malaman niya yun...hindi na niya ako kinausap. We were at least 8years old back then. Hanggang sa umalis kami...wala na. Hindi ko na siya nakita bigla.

After that, naging snob ako. Ha, oo. Snob talaga ako. Lagi akong walang expression sa mukha. I really don’t know why ganun ko na lang pagtripan `tong si Pia. Eh sa ang nakakatawa siyang pagtripan eh.

Kuya Siege calling...

“Yo kuya?”

“Sabi ni Pia nandyan ka daw sa kanila? Punta ka na sa bahay, nandun na si manang.”

“Sige kuya, thanks.”

“Tita, Sam, Sean...una na ako. Nandun na daw po si Manang.”

“Kain ka muna dito.”

“Ah wag na po. Salamat na lang po :)”

“Oh sige sige sabihin na lang namin kay Pia na umalis ka na. ;D” Sabi ni Sean. Yeah right. Wala naman pakialam sa kin yun eh. Galit yun. HAHAHA.
Tumuloy na rin naman ako sa kabila at nagpahinga.

-
Huuu! Comment naman kayo dyan!!
@LinGuin: ito naaa! :D
I am...
FREELY FALLING

*click click click! New story on the run~ Please do support, ok?

iamnhicauy

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 10
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
Re: Freely Falling | CHAPTER 9 - READEEERS? :D
« Reply #53 on: February 07, 2012, 10:51:50 pm »
KIIIIIIIIIIIIIIIM! Ikaw na magaling. HAHAHAHHAHA


UPDATE! UPDATE ! UPDATE!

euki13

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1420
  • Karma: +103/-5
  • 우리는 슈퍼 주니어예요~
Re: Freely Falling | CHAPTER 9 - READEEERS? :D
« Reply #54 on: February 08, 2012, 06:58:11 am »
KIIIIIIIIIIIIIIIM! Ikaw na magaling. HAHAHAHHAHA


UPDATE! UPDATE ! UPDATE!

Huuu, mang-uto daw ba? HAHAHA.
Leeels, kfine! Thanks na nga rin. napilitan mag thank you? AHAHHAA
Mamaya, mamaya ako mag-update. Para sayo!
I am...
FREELY FALLING

*click click click! New story on the run~ Please do support, ok?

LinGuin

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 78
  • Karma: +3/-0
  • LinlovesGuin ∞
    • [font=arial]Stranger In A Strange Land[/font]
Re: Freely Falling | CHAPTER 9 - READEEERS? :D
« Reply #55 on: February 08, 2012, 08:28:28 pm »
Hahahaha. Ambilis ni Kevin, kiss na agad? :D
Galing mo po ate Kim! :)
Update na po ulit ;D
guinislove.webs.com

euki13

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1420
  • Karma: +103/-5
  • 우리는 슈퍼 주니어예요~
Re: Freely Falling | CHAPTER 9 - READEEERS? :D
« Reply #56 on: February 08, 2012, 11:39:47 pm »

@LinGuin: Ehh. Thank you :"> Grabe, hindi naman ako ganun kagaling. HAHAHA. Thank you, Lin :D Thanks at naapreciate mo yung story ko. :)


Chapter 10

One week na din after nung ginawa nung lalaking yun -__-‘
At anong nangyari sa nakalipas ng isang linggo? Walang katapusan asaran at bangayan sa mga maliliit na bagay. Natatawa na nga lang mga kaibigan ko pati sila Ninong Siege. Anong nakakatuwa dun?! Kasi naman....Ahuuuu! Sarap banatan.

“Lalim ng iniisip ah?” Jess suddenly popped out of nowhere.

“Uy bhest! Anong ginagawa mo dito?”

“Ako nga dapat nagtatanong niyan sayo. May problema?” Kanina pa kasing 4pm uwian  ko at 5pm na ngayon.

“Uhh..wala, nag-eemo lang.”

“Father issues?”

“Uhh, no?”

“Oh c’mon bhest, kilala kita.”

“Wala naman talaga eh. Kaya lang alam mo na, yung mga close kong blockmates todo kwento sila about their dads.” She nodded. “Though alam nila yung issue about my dad, kahit na dinadaan ko sa biro...Naalala ko lang naman si Papa e. As much as I don’t want to envy them, I really am envious. Nacurious tuloy ako bigla kung anong feeling ng kasama ang tatay.” Napabuntong-hininga naman siya.

“Well, kilala mo naman siya eh.”

“That’s not the point bhest. Sabihin na nating na-meet ko na nga siya, iba pa din yung nandyan siya sa tabi mo. Yung alam mong solo mo siya.”

“Bhest, atleast you met him. I know I really can’t give you any good advice regarding this kind of issue but...you should really feel happy. Not all teens with the same situation as yours  can meet their fathers. Consider yourself fortunate.”

“I am thankful as it is pero....”I sighed. Nanahimik na lang ako.
Yup, you heard it right. Hindi ko kasama Dad ko dahil bago pa man ako ipininganak sa mundo, tinakbuhan na niya yung responsibilidad niya. Ang saya no?

Actually nalaman ko lang siya nung sinabi nila sakin nungn 5 years old ako. Oo, matalino ako eh kaya alam ko. Leeels. JK. Dun ko narealize na “ohnoooooes, di ko pala kadugo `tong mga `to” Ang tanging related lang sa akin that time was my mom. Maagang namulat ang pag-iisp ko sa isang broken but complete family. Oo na, magulo na. Pero ikwento ko next time. Nyahahahaha. 6pm na at kailangan na nating magsiuwi!

“Let’s go home na bhest, thank you ah!”

“No worries :)” magkaakbay kaming lumakad palabas.

“Ingat!” “Yeah, ikaw din!” Naghiwalay na kami ng sasakyan pauwi.

Pagkadating ko sa bahay – “Bakit ngayon ka lang? 6:30 na.”

“May pinag-usapan lang po kami ni Jess.”

“Okay okay, punta ka kila Lola lenny mo. Nandun na sila Sean at Sam pati malamang si Kevin. May ipapagawa yata senyo.” Hmmm. Ano kaya yun?
Nagpunta na rin naman ako sa kabila at naabutan ko silang parang nagmi-meeting.

“Hello Lola! :D Ano po gagawin namin?” sabay kiss sa cheeks.

“Ah, 3 weeks kasi at birthday na nila Prince at Princess. Eh hindi naman namin maasikaso. Pare-pareho kasi kaming may mga dapat tapusin sa mga susunod na linggo. That’s why we need your help.”

“Ooohh. Masaya yan, Tita Lenny!!” Tuwang-tuwang sabi ni Sam.

“Basta kayo na bahala sa preparations. Tell us na lang yung expenses, aright?”

“Yes po!” Sabay-sabay naming sabi.

Bakit nga ba kailangan bongga? Mag-5 years old na kasi sila. Aba...mga may-isip na yang mga batang yan. Eh bakit ba, ganun sila Lola Lenny eh 8) Yun lagi ang dahilan, taun-taon. xD

Nung bata din kasi ako ganyan din, nakita ko lang sa pictures saka natatandaan ko. Pero after my 8th birthday, sabi ko ayaw ko na. Sayang sa gastos. Ampuu, pangkain ko na lang, diba!?

“so Pia, apo...ikaw bahala dun sa gusto ng kambal. Yung mga susuotin nila and stuff and if pwede, dun sa organizers na kayo pumunta sometime with Sam and Sean. Sila Sean at Sam kasi pagaasikasuhin ko nung sa food and decors.”

“Ah yes Lola~ I will”

“And si Kevin ang kasama mo, aright?” sabi ni Ninang Seiy. What?! Huuuuh?! Uh-oh. Magkasundo kaya kami nito? Ampuuu. “Samahan mo siya Kevin ah? Minsan kasi may pagkawindang yan, baka kung anong mangyari. Kailangan ng taga-bantay. Saka yung kambal kasi...malamang dalawa sila xD”, sabi ni Ninong Charles. Nandito na rin pala `tong isang `to. HAHAHA.

“Of course Kuya Charles. Willing akong samahan si Pia.” Nakangiting sabi ni Kevin. Eh eh ehhhh, nakakaloko ngiti nito eh. Kala mo laging may iniisip na kung ano.

“If you want, isama mo na rin sa pagplan yung iba niyo pang friends para mas maganda.” Sabi ni Ate Faye. “Oo tama, apo. Isama mo na rin sila. Sabihan niyo na lang sila ah?”

“Ay Lola, Ate Faye, Ninong Charlesss ipapasyal na lang muna namin yung twins! Tutal eh hindi pa naman kami nakakapg-isip, bonding muna kami kasama yung twins, pleaseeee?” Ay oo nga pala, kaming magkakabarkda, as much as possible kumukuha kami ng sched na halos parehas. Parehas ng freeday, uwian, lunch break. Mga ganung bagay sa this sem, lahat kami walang pasok ng Tuesday at Friday except na lang kung may mga dapat silang gawin like NSTP, gathering, group work, etc.

“Oh siya sige na. Hindi naman kami makakahindi sa’yo eh.”

“Hahaha, thanks! Sige po, balik na kami sa kabila. Good Night po!” Nagpaalam na rin naman kami and ito namang si Kuya Sean, natuwa yata masyado kay Kevin. Ayun, dinala sa bahay at magpupuyat sila! Maglalaro ng PS3 sa sala. Mga walang magawa.

“Good Night sa inyooo!” Sigaw ko paakyat. Ganyan naman kasi talaga ako. Diretso na ako sa kwarto at pagod ako. Kaka`stress mag-emo sa damuhan sa school. Ang sarap matulog. Ang sarap sarap sarap sarap sarap sarap....

“Ate Piwaaaaa, wake up na!!!”

“5minutes!!!” someone – no, two little persons are trying to kill me. Teka, 2 little persons...DUWENDE?!

“Ate Piwa, come! ON!” Hinihila na nila akong patayo.

“Kuya Pwince, I thsink we need to pull harder.” “Okay, Princess.” Hinawakan na nila yung dalawang braso ko at “AHHHHHH!” Natauhan naman daw ako bigla!

“Hala siyaaaa! Prince at Princess! What are you doing here my babies?”

“Eaaaaat!” Sigaw ni Princess. Hahahaha, Takte! Kala ko may dwende na sa bahay namin, yung dalawa lang pala xD

“Ahh! Okay, okay. You should go down first, I’ll follow na lang.” Ganyan kasi sila. `Pag alam nilang wala akong pasok, nagpupumilit silang dito dalhin nila Ate Faye at Ninong Charles. Ganun nila ako kamahal :D At boom, 8:30 na pala. Nag-ayos na rin naman ako para kumain sa baba dahil ginutom na ako. Aalis pa pala kami ngayon.

“Ate Piwa!!” takbo naman si Princess sa`kin. Hinila ako papunta sa table at pinaupo.

“You seat here, hihi :’3” Owkay.

“Oh! Gising ka na pala. Good Morning.”

“Good Morning Mommy! Sila Sam?”

“Ah, umalis ng maaga yung magkapatid. May pupuntahan daw muna sila bago tumuloy dun sa organizers ng birthday nung twins.” Aga naman -___-‘

After namin kumain, nanonood ako kasama sila Prince at Princess. Nick Jr. pinapanood. Bata eh. Dora the Explorer kasama si Diego. Hahaha, ang cute lang nila. Nakikisabay. Mag 10am pinaliguan ko na yung dalawa, hindi naman sila sabay no! Saka, gustung-gusto ko ako nag-aasikaso sa kanila kapag wala akong pasok. Love ko eh :”>

“Ate Piwa, you clean up now! Kuya Kevin’s coming!” Kevin? Bakit pupunta dito si Kevin?! AY OO NGA PALA!, kasama pala namin siya ngayon. Aiyoooo.

“Okay Prince. Stay with Princess, alright? Wait for me. I’ll go get ready.” Tinabihan naman niya si Princess at sabay na nanood na The Backyardigans.
Nung ready na ako, bumaba na rin naman ako. Naka-jeans at simple white shirt lang suot ko. Alang namang artehan ko pa. Hahaha.

“Ang tagal mo naman.”

“Sinabi kong maghintay ka? Edi kami na lang sana nung twins.” Eh, ang aga-aga mang-iinis.

“Oh edi hindi na. Tara na nga.”

“Yeheeey where we going ate Piwa?” tanong ni Prince.

“We’ll check out some nice stuff for your birthday!” Papunta na rin naman kami ng kotse at si Kevin mag-drive. Tss. Walang driver eh, malamang kay Kevin yung kotse.

“And we’ll go to the mall!” sabi ni Kevin kay Princess.

“Really Kuya Kevin?” Bakit ganun? Nabubuo nila name ni Kevin, sakin Piwa? Favoritism.

“Yep, that’s why you should get in the car now.” I will stay on the back seat with the twins, bahala ka magmukhang driver dyan.

“Hoy, bakit dyan ka uupo? Ano ako, driver?”

“Bagay naman eh :P”

“Joketime ka eh, dito ka sa harap.” Hilahin daw ba ako papunta sa harap.

“Oo na, kailangan hilahin? Aso ka talaga!” Ampuuu.

-

Ito na poooo!
@iamnhicauy and @LinGuin, hope you like it! :D
I am...
FREELY FALLING

*click click click! New story on the run~ Please do support, ok?

 

Candy Blog

What We Did: A Week-Long Internship!
by: guest, 2012-02-10
Hi, :hi: we're Estelle and Tanitha, we're 15 and 14 year old French girls and we're in...

Council of Cool Blog

La Paella in Greenhills
by: Rebecca, 2012-02-10
With our limited allowance and time, us teenagers enjoy finding new spots to enjoy our time...
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website