Teentalk

Author Topic: Pseudo Baby. - Chapter 19- Late XD  (Read 4174 times)

jjazz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2654
  • Karma: +112/-14
  • He's the MAN OF MY DREAMS.
Re: Pseudo Baby. - Chapter 18 - Evil plan XD
« Reply #180 on: December 28, 2011, 01:07:30 pm »
MAREEEEEEEEEEEEE!!!! Anyare sayo tagal mong di nagparamdam! Kaloka ka! HAhahaha...  ;D ;D ;D

Alam mo nakakaloka yung friend ni Adey. Yung totoo?! sobrang daldal eh. Nagmana siguro sa atin yun! LOLS! Di man lang niya napansin yung bata eh ang tagal na nila magkasama ni Adey! Kakalurkay!  ;D ;D ;D

Syempre naman mare! Hangga't pwede pang lumandi, lumandi na! LOLS! Wala namang magagalit sa akin eh. Ay...meron pala. Ay...ewan!  :-[ :D ;D

LOOOOLS!!! Oo nga no? Swak na swak si Adey bilang KC. Yuckness talaga yun! Di kinaya nung powers ko nung nalaman ko yung break up nila. Nasabi ko na nga lang, "SHT! Sabi na nga ba eh!" Hahahahah....eh kasi naman, amoy na amoy ko na si Piolo matagal na. Ayaw pang umamin! Tsk tsk...  ;D

Yiiiieeee...mare!!!!!! Akala mo. ikaw lang!? AKO RIN SIS!  :D :D :D Di ko nga alam kung crush lang to o naffall na ako sa kanya. Kasi naman sis...hayyy...problema sa amin, ayaw namin umamin sa isa't isa. Alam mo ba yung feeling na gusto ko ng isampal sa pagmumukha niya yung feelings ko!? I've been dropping hints for him, pero waley! Ayaw niya umamin. Syempre gusto ko siya unang aamin sa amin. Hayyy!!! Nakakafrustrate mare! Uber!!!

Waley pa mare. I've decided na tatapusin ko muna tong dalawa bago magstart ulit ng two stories.

Eh ansabeh naman kasi di ba? Di na kinaya ng CC kaya pati Twitter at FB nadamay na!  ;D ;D ;D

I miss you mare! Sagad sa buto! Hahahaha...
MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR PALA.  ;) :-*

ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 836
  • Karma: +38/-2
Re: Pseudo Baby. - Chapter 18 - Evil plan XD
« Reply #181 on: December 29, 2011, 10:32:08 am »
KAAAAAAYYYYEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Finally! Hahaha....
Sobrang namiss ko mga stories mo...kala ko namamalik mata lang ako nung nakita kong may UP na eh. hahaha...
I miss you sis!!!

Infairness ah? Ang tagal tagal na bitbit ni Adey si Twyla di man lang napansin ni Kassidy? IMBA! Hahahaha....
Kabaliw lang eh....ang hirap palang manligaw sa kanya noh? Nabasted ka na nga...tapos tuwing madadawit pa yung pangalan mo sa usapan nila ng bestfriend niya ganyan pa maririnig mo. hahahhaha....

Akala ko kanina yung taong di mo maiwasang sumagi sa utak mo si Sean si Tim pala....haha...

May nafefeel ako sa gagawin ni Kass...ipapaalaga mo sa iba? Sa mas murang payment? Hmmm???!!!  :-X :-X :-X

Sis next na dali!!!!!
Sabi mo martahon....
UP ka na din sa iba. hihihihi....
Sorry excited much lang. hahahha..... :D :D :D

swelling eyes

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 960
  • Karma: +119/-14
  • Twinkle Twinkle little star! 。◕‿◕。
Re: Pseudo Baby. - Chapter 18 - Evil plan XD
« Reply #182 on: December 29, 2011, 03:04:22 pm »
@Jjazz: Hindi ko rin alam nangyare saakin mare! HAHAHA. Nawawala lang talaga ko bigla sa katinuan ngayon  lang bumalik. Nyahaha. Ikaw? Musta naman?!!?! XD

HAHAHA! Pinagsanib-pwersang Kaye at Jazz si Kassidy mare! Haha. Full force ang bunganga.

SHET NA MALAGKITS YAN. DALIII KWENTO NAAA. May pinalit ka na kay Ashton!!!! Magdiwang!!! :> Teka teka, nevermind. Kinwento mo na pala dun sa baba. Pero gusto ko ng detailed mare. Pano mo siya nakilala? Saan? Kelan? Ano itsura niya? Buti nga kayo nagpapansinan pa. Ako nahihiya talagang magapproach. Lakas kasi ng dating nangingiti nalang akong parang ulol pag ggusto kong kausapin XD :)))

Ang issue pa nga raw, nakita ata ni KC si Piolo at Sam nagshoshower together! Mas Ewwybabes diba! Haha. Kawawang KC todo iyak talaga siya sa interview ni Tito boy.

Ahh. Aabangan ko nalang yang stpries mo tapos bukas magbabasa na ulit ako s aupdates mo. Parang may nakita kasi akong hindi kaayaya dun sa isang update

Happy holidays din mare!!! :) I miss you more. Kaya eto na ko andito na ulit! Ang super twins nating bibig kakadaldal! Hahah.


@ SIS AYANNE: EEEEEEH >3< Kahiya naman sis! Hahaha. Eto na nga yung update e diba! :D lols.  May kasalanan ako sis... Nagbura ako ng dalawang on-going XD lols. Sorry talaga. sorry sorry sorry sorry YTT___TTY

Echusera yang si Kass e! Kawalangyan ng ugali, saan pa ba magmamana si Adey diba?  Syempre, SI TIM ANG EX. SI TIME AT SI SEAN ANG PRESENT WHILE SI JOHNNY ANG FUTURE. TRALALALALLA. JOKES LANGS. HAHAHA.

BUKAS MAY UPDATE ULIT SIS. I promise naeexcite na nga ako ipost kaso tinatamad pa ko magtype. Nyahahaha. ero bukas talaga (:
BABALIK AKO MAMAYA PARA MAKACOPE UP ULIT! MISS YOU GUYS! ツ

ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 836
  • Karma: +38/-2
Re: Pseudo Baby. - Chapter 18 - Evil plan XD
« Reply #183 on: December 29, 2011, 03:16:30 pm »
Hala!!! Bakit ka nagbura??? :'( :'( :'(
Sayang naman yun sis...huhuhuhu...
Pero ok lang...i understand...basta ito wag na wag mong buburahin ah?Maghuhuramentado na ako. hahahahaha....

Hahaha...ganun?!
Makulay ang buhay ni Adey!  ;D ;D ;D

Sige sis abangan ko yan bukas ah????

Basa muna ko ng UP sa KMH.  ;)

swelling eyes

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 960
  • Karma: +119/-14
  • Twinkle Twinkle little star! 。◕‿◕。
Re: Pseudo Baby. - Chapter 18 - Evil plan XD
« Reply #184 on: December 29, 2011, 03:30:29 pm »
^ Thanks for understanding, sis. Pero kaya ko binura kasi nawala na sa isip ko kungbakit ko siya ginagawa hindi ko na alam kung ano yung storya. lol drama ko. Pero eto promise hindi ko buburahin. Haha! Baby ko na tong kwentong to e. >:D
Actually, feel ko magupdate ngayon sis. Hahaha. Give me time to update and ill post it tonight :D Iniisip ko pa kung ano yung KMH sis! Hahaha. yung isa nga palang story yun. lol. Thankyou! :)
BABALIK AKO MAMAYA PARA MAKACOPE UP ULIT! MISS YOU GUYS! ツ

swelling eyes

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 960
  • Karma: +119/-14
  • Twinkle Twinkle little star! 。◕‿◕。
Re: Pseudo Baby. - Chapter 18 - Evil plan XD
« Reply #185 on: December 29, 2011, 04:10:49 pm »
^Sorry double posting. Ginaganahan lang.

CHAPTER NINETEEN –Late.

VANDERSEAN’S POV.

“Asan na ba kasi yang Yaya mo, Twyla!” Naiirita kong tanong habang kalong-kalong ni Allen si Twyla.

Andito na kami ngayon sa simbahan. Siya yung gustong-gustong pabinyagan tong batang to tapos siya yung wala dito! Kainis talaga. Kahapon pa, kulang nalang ibato saakin kakamadali nung kaibigan niyang si Kassidy saakin si Twyla at ‘Au-aura’ daw sila. Take note sa term: aura. Alien na alien lang. Bakit kaya naging kaibigan ni Adey yun.

“Bro, hindi ka naman sasagutin nung bata.” Sagot ni Allen na parang ang tanga-tanga ko. Tumingin ako sakanya ng nakataas ang kilay. Anong alam niya sa koneksyon namin ni Twyla! Isa pa tong si Twyla, kung makatawa sa pag lalaro sakanya ni Allen akala mo magtatay sila! Nakakaurat talaga tong araw na to!

“Oh oh oh oh. Ang nguso umaabot hanggang rotonda.” Inakbayan ako ni Cesar., na kararating lang. Nakakainis ang malaki niyang ngiti kaya iniwan ko sila sa loob ng simbahan kasama ng ibang mga excited na ninang at ninong ng ibang bibinyagan ngayong sabado. Hinanap ko yung mukhang gradeschool na gurang sa paligid. Thirty minutes na siyang late!

“Brod,” bati ulit ni Cesar, sinundan pala ko. “Bat ngayon mo lang sinabi na may anak ka na pala..” Mukhang malalim ang iniisip niyang tanong sakin. Hindi ko na nintindi ang pangungulit niya at naglibot nalang ulit ng mata.

“Inexplain ko nanaman sainyo kaninang umaga diba? Hindi ko anak yan. Napulot ko yan sa lawn ko. Hindi ko naman mai-submit sa autoridad dahil malamang malalaman ni Mama. Patay nanaman ako sa step dad ko.” Alam naman nilang dalawa na hindi kami in-good terms nila Mama at sa asawa-asawahan niya. Gusto ko lang ng tahimik na buhay para wala na silang masabi pero mukhang hindi valid yun.

He patted my back thrice, giving me sympathy. “I get it. Pero bat sila magagalit, diba nga matutuwa pa sila kasi hindi mo pinabayaan yung bata?” May point naman siya. Naisip ko narin yan. Kung prim and proper ako, why not. Eh kaso, matalino lang ako pero sa edad ko, mas masayang magbulakbol parin.

“Sa tingin mo maniniwala silang pulot ko lang yan kung sa bawat kita nila saakin, ibang babae ang kasama ko?” He smirked with the thought. Parehas kaming womanizer. Yun lang, mas poisonous siya.

“Edi mag pa-DNA.” He said, as-a-matter-of-factly. Bakit nga ba hindi umabot dun ang knowledge ko maybe I should what he said. Edi hindi na ko gagastos ng libo-libo para lang sa walang katuturan na gamit ng batang yan. Edi sana hindi naiistorbo ang tulog ko sa madaling araw. Edi sana walang binyagang magaganap ngayon. Edi sana hindi ako gagastos ng eighty-two thousand pesos para sa sweldo ni—As if on cue biglang dumating si Aiden na tumatakbo kasama yung Kass. Napakunot noo ako at tumigil ng pagiisip.

“Bakit ngayon ka lang! Kanina pa sana tayo natapos!” Pagalit ko. Nakayuko siya, hawak ang mga tuhod at humigingal. Ayoko talaga ng mga taong hindi punctual. Mga walang isang salita. Mga paasa. Hay! Ano ba tong pinagsasabi ko.

“Pasensiya na, Van. May nangyare kasing hindi sinasadya..” Sagot naman ni Kass, kahit hindi siya yung kinakausap.

“Nangyare nangyare! Mga rason niyong babae, kahit kelan!” Tumataas na yung boses ko at alam kong nakakakuha na ko ng konting attensyon sa ibang taong andon. Paki ba nila!?

“Hindi naman niya kasalanang bisitahin siya ni Tim ha!” Nagulat ako sa pagtaas rin ng boses ni Kass pero kaagad kong tinago. Ano naman kung basitahin siya nung taong yun? May sakit ba si Aiden? O baka naman nakipagusap nanaman tong si Aiden para makipagayos. Nakakdismaya nga naman ang mga babaeng ganito.

“TIM? TIMOTHY RAMOS NANAMAN? ANO BA YAN AIDEN!” Hindi ko mapigilang mapikon. Banaman! Siya na nga yung sinaktan nung tao tapos malalate pa siya dahil lang binisita siya nung lalake niya? Sinaktan na nga siya nun gusto parin niyang makipagkaibigan. Kalokohan talaga!

“Wag ka ngang sumigaw! Pinalalaki mo yung issue ng pagiging late ko! Asan na ba sila Twyla!!” Nakatayo na siya ng maayos sa harap ko at nagdedemand ng matinong sagot mula saakin. Pero napatulala nalanng ako ng paraanan ko ng tingin ang buong bagong Aiden.

Her long layered hair was curled lazily, and falls perfectly at the back of her body. There was a shade of light pink blushes of her cheeks. She’s also wearing a lip gloss- just right to make her full red-ish lips, vivid and kissable. Pinilig ko ang tingin ko. ANong kissable pinagsasabi mo diyan Van. Pilit ong ibinalik ang inis ko sa pagkalate niya at--- PAGKALATE niya yun na yun.

“Out of topic pero, in fairness, ang ganda mo today, Adey.” Nagulat ako sa komento ni Cesar. Nakita kong mas lalong namula yung cheeks ni Aiden na kinairita ko. Anong meron sa sinabi ni Cesar para magblush siya. Is she flirting with him? God!

“Bwist!” Bulong ko sa sarili ko, natatakot magmura sa harap ng simbahan. “Tara na nga!!”
BABALIK AKO MAMAYA PARA MAKACOPE UP ULIT! MISS YOU GUYS! ツ

ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 836
  • Karma: +38/-2
Re: Pseudo Baby. - Chapter 19- Late XD
« Reply #186 on: December 30, 2011, 07:48:50 am »
Waizzz!!!! May UP na ulit sis!!!  :D :D :D
Thank you!!!  ;D ;D ;D

Time perz basa muna... :D

jjazz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2654
  • Karma: +112/-14
  • He's the MAN OF MY DREAMS.
Re: Pseudo Baby. - Chapter 19- Late XD
« Reply #187 on: January 02, 2012, 12:02:08 pm »
Nakakaloka tong si Sean! Masyado ka naman! Late lang naman eh. Dapat alamin mo muna ang rason bakit siya nalate, bago ka sumigaw sigaw diyan. Puso mo baka atakihin ka ha! Hahahaha...tapos ngayon nung nakita mo si Adey? Natulala ka no?! Ano?! Sobrang ganda ni Adey no? Pero mas maganda ako diyan, right mare?! Hahahaha...kaps ko na naman!  ;D ;D ;D

Eh di ba matagal ka ng nawala sa katinuan? Nawala ulit? Ilang beses ba yan mawawala? Hahahah!!! Peace mare!  ;) ;D

Eh kaya naman pala ganyan si Kass! Nagmana naman pala sa pinagmanahan!  ;D Sige pagpatuloy mo lang yan Kass! Sirain ang buhay ni Adey! True friend pag ganyan eh.  ;D ;D

O yes mare! FINALLY! Eh ang sarap pala ng ganitong feeling! HAhahaha...nagkakilala kasi kami dahil sa pinsan ko. Sabi ko kasi nung una sa kanya, parang ang sarap magka-bf! Tapos nanghingi ako sa kanya ng katext. Tapos ayun binigyan niya ako. Friend niya yun. Taga-kumbento. Pero di siya magpapari, dun lang siya nakatira kasi Ninong niya yung Pari tapos nagseserve siya sa simbahan. Ayun hanggang sa naging close na kami tapos eto na kami ngayon. Alam mo bang, this Christmas break na ata ang the best na Christmas break ko! As in...nakakakilig! Tapos ganado pa akong magsimbang gabi dahil syempre nakikita ko siya. Sabi niya nga sa akin, mamimiss daw niya ang simbang gabi eh!  :D :D :D Kaso ang layo niya sa akin eh. Nasa province kasi siya. Hayyyy.... pero okay lang. Alam mo ba mare, sabi niya sa akin nung 31, gusto daw niya ako. Grabeeeness lang ang kilig ko! Syempre sinabi ko na gusto ko rin siya. Hayyy....tapos sabi niya gusto niya akong pakilala sa mommy at daddy niya. Eh syempre kilig kilig naman ako!  :D :D :D Ano ka ba mare! Dapat grab the opportunity! Lande na kung landi!  ;) ;D

Weh?! For real sis? Nakakaloka naman pala sila! Kahit naman ak0 maiiyak no! Ipagpalit mo na ako sa babae, wag lang sa lalaki!

Hahahha...oo nga mare! Ang daming nagreact dun ng bongga! Hahaha...enjoy reading na lang mare!

Grabeee...namiss ko tong daldalan natin! Wag ka na kasing bigla-biglang nawawala!  ;D I miss you mare! Happy holidays din!


ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 836
  • Karma: +38/-2
Re: Pseudo Baby. - Chapter 19- Late XD
« Reply #188 on: February 07, 2012, 09:02:34 pm »
Hala!!! Bakit ganun sis???
Di pala napost yung comment ko noon?
Ano ba naman yan!!!
Ngayon ko lang nakita...
Sorry much sis...
Sorry talaga...ano ba yan!!!
Sorry sis...

I miss you sis!!!
Super duper!!!!
I miss your story na!!!

Natuwa ako nung binasa ko ulit 'tong 19....bumabalik ang dating feelings...haha...naeexcite tuloy ako ulit!!!!


Katawa lang si Sean eh!

Quote
“Bakit ngayon ka lang! Kanina pa sana tayo natapos!” Pagalit ko. Nakayuko siya, hawak ang mga tuhod at humigingal. Ayoko talaga ng mga taong hindi punctual. Mga walang isang salita. Mga paasa. Hay! Ano ba tong pinagsasabi ko.

May pinaghuhugutan Sean?  ;D ;D ;D

At bakit ka naman binisita ni Tim, Ady? May sakit ka nga ba? siguro nga may sakit ka...iba daw itsura mo..nabighani na naman tuloy si Sean!!!  :D :D :D

Sis!!! I miss you so much!!!
Balik ka na please!!!!

I miss your story!!!!  :'( :'( :'(

cupiD_Love469

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 905
  • Karma: +93/-3
  • ~eros469~
Re: Pseudo Baby. - Chapter 19- Late XD
« Reply #189 on: February 08, 2012, 10:41:42 pm »
MARE!!!!
asan ka na?
nasa-WATTPAD ka na siguro noh?
AIMISHOU MARE!!!
balik ka na.
hahabol ako dito pag nakabalik ka na.
promise. hanapin ko lang kung saang banda na ako.  :-\ :-\ :-\

IMISSYOU MARE!!!
PAGE for MY STORIES
NB
KARMA
Wherever You Are
Dead Stars

~goddess of LOVE~
[OFFICIALLY BACK!]
<3 <3 <3

 

Candy Blog

What We Did: A Week-Long Internship!
by: guest, 2012-02-10
Hi, :hi: we're Estelle and Tanitha, we're 15 and 14 year old French girls and we're in...

Council of Cool Blog

La Paella in Greenhills
by: Rebecca, 2012-02-10
With our limited allowance and time, us teenagers enjoy finding new spots to enjoy our time...
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website