Thirteen Wishes at the Love Well
Chapter 1
Almost everyone knows my name. I'm a star right? Literally not. Not a celebrity star either. But one thing's for sure, people are acting like they knew the real definition of my name. It is only I, only Iwho knows the secrets, stories behind it. All my life I've never been a bad girl. I am a spoiled but a good brat. I always get what I want, because that's what brat gets, right? -- Everything. But THIS brat, is definitely different.
I have almost all the latest gadgets, fashionable designer clothes, and any other lastest stuff any teenager would ever dreamed of. Even friends. I have a huge circle of friends, though I consider just two of them my real best friends. But hear this, don't even bother asking about my love life. It did not went well, or so at least I think it didn't.
Hindi ako maarte, maayos naman akong manamit. Hindi ako yung tipo ng babae na nagsusuot ng maiikling skirts and shorts with matching racy tops just to attract or more like, seduce guys. Kasi hindi naman ako talaga ganun. Sadyang nagsusuot lang talaga ako ng branded clothes. Gusto ko, yung taong magmamahal sa akin ay tanggap ako kung ano man talaga ako. Hindi yung minamahal ako ng isang tao dahil lang sa pinapakita kong fake na pag-galaw at pag-uugali. Anyways, my parents own two different companies. Clothing company yung sa mom ko, then gadgets naman yung kay dad. With parent's like these, who wouldn't be spoiled? I am not their only child, I have my younger brother, Kurt. I'm one year ahead.
I go to some prestigious school somewhere in Manila. I stay at my condo unit near my school, at ganun din naman si Kurt, my brother. Pero magkaiba kami ng unit, since medyo lagi kaming nagaaway, kulitan.
Back to my major problem. It's not about studies, friends, family or what. But it's about things that a normal teenager would be bother about. Ano pa? Edi L-O-V-E. Hindi ko rin alam kung bakit ako nahulog sa isang taong hindi naman ganung kabait, hindi ganung ka-gentle man, at hindi friendly. Pero I know, there's something about him that gives me butterflies in my stomach.
Paano ba kami nagkakilala? Ikukwento ko na, since the best way to let go of things, as for me, is by letting it all out by the means of writing.
***
Papunta ako noon sa MOA para bumili sa Fully Booked. Nung araw na yun wala talaga akong magawa, kaya naisipan kong bumili ng bagong book. Wala pa akong sariling sasakyan nun. Di pa daw ako allowed, kasi di ko pa napapasa ang driving lessons ko. Pero okay lang naman, di naman ako ganung kaarte para hindi mag-commute. Medyo napaaga pa yata ang pag-alis ko nun kaya pagdating ko sa train station eh kokonti pa lang ang tao. Pumasok na ako at umupo. I untangled the wires of my earphones then wore it. Leap of Faith is playing. One of my favorite songs. Pang senti people right? Pero that time, wala pang meaning sa akin yung song, hindi pa ako naaapektuhan ng song nun.
Maya maya, dumami na rin ang mga taong sumasakay sa MRT. Buti nalang napaagap ako. Ayoko kasing nakatayo at nakakapit lang. Mamaya magfull stop pa, tapus masubsob ako kung saan man, or worst, kung kanino man. Cause that would be so so NAKAKAHIYA.
Tuloy pa rin ang pag dami ng tao hanggang sa mapuno na ito at sumikip na. Napatigil naman ako sa pagkanta ko mentally, ng may tumapat sa aking lalaki. As in tapat talaga. Humawak sya sa bar or whatever you call it. He's wearing an Elmo T-shirt. Gah! I like his shirt. I want to rip them off. I looked away instead. Nagsimula ng umandar ang MRT. Naiilang ako. Sobrang nakaharap kasi sya sa akin. Yung bang para kaming magkasama, or magka-close. And he's like drunk or something. Para syang nahihilo, kasi parang any minute eh mahuhulog sya sa harapan ko. Now, isn't that rude? Psh.
Nag-stop ang ride sa third station. Wala na masyadong nakatayo. Masyado? Kasi yung weird guy na lang yung nakatayo. I don't know if he's sleeping, I really can't tell. He's wearing a Rayban, so how would I know?
Tumingin ako sideways, naghahanap ng iba pang bakanteng seat. May nakita naman ako, kaso lang malayo. At feeling ko hindi rin ako makakatayo gawa nitong weird guy na nasa harapan ko.
"Hija, boypren mo ba yang nakatayo?" Tanong sakin ng matandang katabi ko.
"No, ma'am." I answered in a formal way. "Hindi ko po sya kilala."
"Akala ko'y magkasama kayo." Yes, grandma. Akala ko din po magkasama kami. Psh.
Umiling ako. And the next thing I knew, nangyari na ang ayaw kong mangyari. The MRT came into a full stop. At nadaganan ako ni weird guy. Tinulak ko naman sya, kaso ang bigat nya talaga.
"Hey!" Sigaw ko sa kanya. Ang bigat mo, promise! "Hey! Get up!"
Mukang nagising naman yung lalaki kaya naging maagan yung weight nya. Pero hindi pa din sya tumatayo sa pagkadag-an sakin.
"Please tumayo ka naman. Ang bigat mo po." See what I did there? Naging magalang pa din ako. Hmp!
Nahulog yung Rayban na suot nya, at tumayo na sya. Ang gwapo ng itsura nya. Pero muka syang maangas. Di ko alam, hindi ko maexplain.
"What have you done?! Are you harassing me?!" He accused me. Gawd! Muka ba akong mangha-harass? Excuse me. No!
"Uhm... No." I answered in my low voice.
"Ugh! Girls!" He muttered. At umalis na ng tuluyan.
Peace at last! Nakinig na lang ulit ako sa music hanggang sa makababa na ako. Nang makalabas na ako ng train station, biglang umulan. Pero it's a good thing na may dala akong payong. I never leave without it. Kahit hindi maulan, lagi akong may dala. Para na din sa mainit na panahon.
Thank God at nakarating ako sa may entrance ng MOA ng hindi nadudulas. Sinara ko na yung payong ko at winisik-wisik, pero dun naman sa part na walang tao. May tumakbong lalaki sa way na pinapagpagan ko ng payong ko.
"Hey, watch it! Hindi mo ba nakikitang may--" Natigilan sya nang makita nya ako. "You again?!"
Si weird guy na naman?! Grabe nga naman itong coincidence na to. Hindi nakakatuwa.
"Oh, eh ano naman?" Hindi ko na napigilang mag-taray. Nakakainis kasi sya. Bakit ba kaylangan pa nyang maging harsh, eh wala naman akong ginagawang kung ano sa kanya. As a matter of fact, hindi ba dapat ako yung nagagalit? Dahil ako yung nadaganan nya kanina sa MRT? And knowing na babae ako! Hindi ba halata sa paningin nya? Tch!
"Tch! What a snob-looking brat!" Snob? Sa kanya lang. Like duh. Sino ba namang hindi magiging snob pagkatapos ng inasta nya?
"Excuse me, Mr! I may be a brat, but I am not snob!" Sigaw ko sabay alis sa harapan nya.
"You owe me!" He shouted back. At napatigil ako sa paglalakad.
Humarap ako sa kanya, with one raised eyebrow. "Owe you? I never owe anyone." I smirked at tumuloy na sa paglalakad paalis.
Pumunta akong Fully Booked ng naiinis. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero as soon as I saw the books, gah! Napa-good mood na ulit ako. I browsed and browsed. Ang dami kong gustong bilin, almost ten books yata yung napili ko. Pero naging five na lang, kasi alam kong ako lang ang maguuwi nun. Walang maghahatid sa akin. Meron ngang sasakyan si Kurt, kaso alam kong hindi sya papayag na sunduin ako. What a brother he is!
Nang turn ko na para magbayad sa counter, may sumingit na lalaki.
"Bayaran mo din ito." The guy commanded.
My forehead creased. It was the weird guy, AGAIN. Sinusundan nya ba ako? Sobra na ah.
"No! Bakit ko babayadan yan? Akin ba yan? So no way! And please, there's the line. Please don't be unfair kid." I teased him. Nakita kong uminit yung muka nya. Buti nga!
"Miss, are you going to pay for these or not? Marami pa pong naghihintay." Tanung sa akin ng cashier.
"Ah, eh. Sige na miss. Isama mo na yung binigay nung mokong." Bulong ko sa cashier. Tss!
"Salamat, ha?! Sobrang salamat!" Sabi sakin ni Weird Guy. Siguro narinig nya sinabi ko. Parang yun lang naman eh, tinawag lang syang mokong tapus nagalit na? Tss! "Miss, pakibilisan nalang!" Utos naman ni Weird Guy dun sa cashier. Ang bossy naman nito. Tsk!
Binigay na sakin yung plastic bags nung cashier. Tapus binigay ko naman sa mokong yung librong pinabili nya sakin. Pagkabigay ko naman kay mokong, bigla nalang syang umalis. Walang salita, walang thank you at walang imik, basta umalis na lang sya. Hey, mokong -- YOU'RE WELCOME HA? YOU'RE REALLY REALLY WELCOME! Ugh.
Inis akong lumabas ng Fully Booked. Mukang nasosobrahan na yata ang pagkainis ko ngayon ha? I'm a jolly person, I usually don't get irritated by little things. That's too naive, I thought. Pero this? Nakakainis kasi eh! Habang naglalakad ako palabas, kumulo yung tyan ko. Hindi ako masyadong nakakain ng breakfast kanina, kaya siguro ganito. Instead na umuwi na sa condo, pumunta muna akong KFC. Mashed Potato lang naman ang habol ko dun. I know hindi nakakabusog yun, pero sige pa din ako. Favorite ko eh. Nang makabili na ako, diretso na akong lumabas ng mall. Umuulan pa din kaya binuksan ko ulit si payong ko. Err, I definitely need to ace that driving test. I seriously need a car! Not to brag, pero sa kinayaman yaman namin, bakit wala akong sariling sasakyan? Bakit yung nakababatang kapatid ko meron? Tss.
My parents once insisted to hire body guards, or a driver since di pa talaga ako maayos magdrive. But I said no. Ayoko ng may sumusunod-sunod sa akin, lalo na kapag kasama ko friends ko. Kung magkakaron nalang ako ng body guards, siguro hindi na ako ito. Siguro nasapian na ako nun if ever pumayag akong magkabody guard.
Sana nalang hindi ako madulas. Nagkalakad na ako nun pabalik sa train station, nang magtext sa akin si Kurt.
From: Kurt Kulit
"Ate! Umuwi ka! May emergency sa condo mo! Dali!"
Nataranta naman ako agad sa nabasa ko. Nagmabilis na akong lumakad, not minding kung mabasa man ang doll shoes ko ng sobra o hindi. He's my brother right? He may be annoying sometimes, who am I kidding? No. He's annoying as always. Anyway, magkapatid pa din kami. Lumakad ako ng mabilis pa na parang tumatakbo na din.
Nang pataas na ako sa overpass... nadulas na ako sa sobrang pagmamadali ko. Err, kaylangang magbait sa akin ni Kurt ngayon! Tss. Dahan dahan akong tumayo, pero nadulas na naman ako.
"Ano ba yan, ang panget naman ng view dito. Tch! Panget na nga ng weather, pangit din ang nakikita kong nasa harap ko." Sabi ng boses sa likod ko.
Tumayo na lang ulit ako. I ignored the voice from behind. Siguro naman hindi ako yung pinaparinggan ng kung sino man yun, kaya nagtuloy tuloy nalang ako sa paglakad. Tumakbo na ulit ako. Pero nahulog naman yung isang book sa pagkakahawak ko. Buti nalang may plastic yung pinakang book. Sayang naman yung ganda ng cover kung mababasa lang agad nang hindi pa nababasa.
Bumalik ako para kunin yun. Nilagay ko muna yung iPhone ko sa bag ko, tapus pagkatingin ko sa place na kung nasaan kanina lang yung book na nahulog, wala na. Saan naman kaya napunta yun? I eyed the ground, looking for the book. I was astounded to see someone holding MY book.
TCH!
___________________________________________________________
[ A/N: Please tell me what you think po. =) ]