.
FIRST Chapter
August 7, 2007. Wednesday. Around 12 NN. Ang araw na sinagot ni Elizabeth si Kim. Isa sa mga araw na gumuho ang mundo ko.
Nagulat ako ng may naramdaman akong nag-tap sa balikat ko. Nilingon ko kung sino, si Kate pala. Ang girl best friend ko.
“Hay… Diba tama ako? Kahapon ko pa sinabi sa’yong ngayon na niya sasagutin si Kim. Sayang wala ka kanina, di mo nakita reaksyon ni Kim nung sinagot siya dun sa isang street sa Dimasalang Subdivision.” Grrr. Ang sakit na nga eh! Ginagatungan pa ako ni Kate.
“Anong reaksyon niya?” Tumingin siya sa akin na naawa.
“Ayoko nang masaktan ka. Sobra na ang nalaman mo ngayon no. Wala ka pang nasagot kanina sa Math. Patay ka na naman kay Ma’am Andaya.” AMP. Pinaalala pa. Last day kasi ngayon ng First Periodical Examination namin.
“Hay naku. Hanggang tingin na lang talaga ako kay Kim Daves Sabater. Kailan ko kaya siya maaabot?” Binatukan niya naman ako. Andito nga pala sa 7eleven dito sa proper town ng Imus, Cavite.
“Alam mo friend, meron ding para sa’yo no. Hindi lang namang yang si Kim ang lalaki sa mundo.” She rolled her eyes.
“Easy for you to say! Pinagkakaguluhan ka kasi sa school.” 
Yup, maraming nagkakagusto sa kanya and I don’t know why! Siguro kasi transferee siya, fresh face kumbaga. May magpapatayan na nga dahil sa kanya eh. I’m serious, meron nga. Dead serious.
“Kasalanan ko bang maganda ako?” It’s my time para batukan siya.
“Gaga, maputi ka lang. Tara na nga, uwi na tayo!” Kinaladkad ko siya palabas, nagbeso kami then went our separate ways.
Hayyy… What an exhausting day! Sobrang drained ang utak ko sa exams, umuulan pa and umuulan din ng luha sa puso ko dahil mag-on na sila. T____________T Why does life is soooooo unfair?! Ako naman ang unang nagmahal sa kanya. Bakit hindi niya makita yun?
Yeah, right. As if he knows I exist. Dapat ko na siyang kalimutan. Dahil never siyang naging akin. Never siyang magiging akin. Ngayon pang sila na ng
perfect girl niya.
August 25, 2007. Saturday. Around 6-7PM. Katext ko si Kim. Si Kim Daves Sabater. Yup, siya nga. Hindi ba’t sinabi ko nung nakaraang kakalimutan ko na siya? Well, hindi ko nagawa. Because weeks later nung sinabi ko yun, tinext niya ako. And chenen! Instant friends! >_<
From: ii_kimkong
Lam mu pra n ktang bespren, s lhat kc ng kkilala q,
sau lng aq nkkpagsabi ng gn2.Oh. Totoo ba ito?! I-grab ko na ba ang opportunity na mas mapalapit pa sa kanya?! Mapalapit lang naman diba? It’s harmless, right?
To: ii_kimkong
Gs2 mo besprends tau?Sinend ko at inantay ko ang kanyang reply.
From: ii_kimkong
Sige ba. Bhes na kta ah?Eeew. Masyado nang gasgas yang tawagan na yan. Gusto ko unique, tunog mag syota! LOL. May naisip ako, tunog magbest friend naman siya pero tunog mag syota din. HAHAHA.
To: ii_kimkong
Auq nian. Gus2 q unique, ok?From: ii_kimkong
Gue, nu ba gus2 mo?To: ii_kimkong
Beshy. Un n lng, ok ba?From: ii_kimkong
Cge, I lyk it. Cge na beshy. 2log na tau.
Nyt. Labyu. Hahaha. Muah. 
Okay. Kinilig ako dun kahit alam kong ganyan talaga siya magtext kahit kaninong babae. He’s sooo friendly kasi. Hindi tuloy ako makatulog sa kilig!
August 31, 2007. Friday. Around 3-4 PM. Imus Institute, Main Building.Sobrang bored akong nakaupo sa may sahig sa likuran ng Prinicipla’s Office. Buong section kaming nandito. Kanina naglilikutan kami dito at naghaharutan. Eh napagod na kami, kaya ito, nakatunganga na lang. Kanina pa kasi namin uwian dapat eh itong pamahalaan ng school namin eh napaka-corny at pinagstay pa kami hanggang 5 PM dahil required dawn a manuod lahat ng estudyante. Come on! Ang boring po manuod ng Hiyas Ng Wika! Mas pipiliin kong magbasa sa CC, baka may update na ng She’s Dating The Gangster or nung iba pang stories na inaabangan ko. Amp naman. Makapakinig na nga lang sa iPod.
Ansaya-saya ng mga tugtog sa iPod ko ng biglang mag play ang theme song ng aking buhay!
CLICK HERE!Sakto namang pagplay ng intro ng kanta, may tumabi sa akin. Tinanggal yung kabilang earphone sa tenga k at sinuksok sa kanyang tenga. Si beshy. Ngumiti siya sa akin at tahimik na pinakikinggan ang kanta.
Feel na feel ko yung kanta, lalo na at katabi ko siya. Minsan nga nagnanakaw ako ng tingin sa kanya, habang siya ay nakatitig at nakangiti sa girlfriend niya. Kitang kita ang love triangle angle sa amin. Bigla niyang tinanggal yung earphone sa tenga niya at binalik sa tenga ko tapos tumabi na sa girlfriend niya.
Ouch. Ang sakit.
Ang saklap. Ayoko na talaga. Pero magagawa ko bang pigilan ang nararamdaman ko?
***
Wala akong magawa. May ginagawa pa sila Kate, Mae, Marielle at Jazmine. Kaya ito pakalat-kalat ako sa school, uwian na kasi namin pero may iappasa pa sila kaya ito, inaantay ko sila. Palibot-libot lang ako dito sa school.
“Ciara!” Napatingin ako sa tumawag sa akin. Sa may harapan ng Gym. May kumakaway sakin, sino pa ba? Edi si Kim. Ngumiti ako sa kanya at lumapit.
“Bakit?” Humili siya ng dalawang monoblock chair tapos pinaupo ako tapos tumabi siya sakin.
“Wala lang… Wala akong kasama eh. Tsaka ang lungkot ko kaya ngayon! Absent kasi si Elizabeth eh.” Hayyy… Elizabeth na naman.
“Oo nga eh. So anong gagawin mo ngayon? Teka nga! Di ba may klase ka pa ngayon?!” Sigaw ko sa kanya.
“Meron nga. Tinatamad akong pumasok eh! Dinudugo ako sa Math!” he chuckled. Ano pa bang magagawa ko? Magalit man ako sa kanya, mapaptawad ko rin naman siya.
“Eh anong gagawin natin ngayon?” Nilabas ko yung iPod ko. Sinuksok ko sa tenga ko, siya naman eh inagaw yung isang earphone at sinuksok sa tenga niya.
Hindi ko na maalala yung tugtog niyan eh. Siya lang kasi yung iniintindi ko niyan.
Tahimik lang kaming nakikinig ng umistorbo si Harry, isa sa mga tropa ni Kim, isa rin sa mga kilalang loko sa school namin.
“Boy, laro tayo basketball.” Sabi niya habang dinidrible yung bola.
“Mamaya na. Sasamahan ko pa bestfriend ko.” Harry just nodded tapos tumakbo na siya sa court at nagshoot na. Mukha naman naiinggit si Kim.
“kating-kati na akong maglaro.” Umirap ako, natawa lang siya.
“Umuwi ka na agad ah?” I just nodded.
“Pero bago ka umuwi, panoorin mo muna akong magshoot ng three-points, para sa’yo yun.” he smiled then ran towards the court.
Pinasa sa kanya ni Harry yung bola, pumwesto siya sa may three-points sabay nag shoot. TAE. Ringless. Saklap. Tumingin siya sa akin, he flashed his most powerful killer smile. Yung halos nawawala na yung mata niya. Singkit kasi eh. Amp.
With just one smile, I was again swept off my feet.