Teentalk

Author Topic: Isa Dalawa Tatlo, Ilan Ang Puso Mo? [Preface] pasok na. :)  (Read 227 times)

thesweetwitch

  • Guest
Isa Dalawa Tatlo, Ilan Ang Puso Mo? [Preface] pasok na. :)
« on: November 04, 2011, 01:24:09 am »



PREFACE




Ding dong! Ding dong!




Parang doorbell and kabog sa dibdib ko, eh kasi naman dumaan nanaman si Mr. Campus-Hottie.

Para siyang hangin na kayang hawiin lahat ng tao sa paligid niya, parang kidlat na halos lahat gusto siyang iwasan pero patuloy pa ring tinititigan.

Hala! Nakatingin siya! Hindi na ako titingin. Kunwari nagtetext na lang ako.

Sino katext mo? naku, eto nanaman si Eliza, naghahanap ng chismis.

Wala, inayos ko lang yung settings ko. sabay palit ng wallpaper sa cellphone.

Tumingin ako sa direksyon ng pinakagwapo at matalinong studyante sa university namin. Pangarap lang ng mga babaeng katulad ko si Matt Daemon Ortiz. Pero sino kaya yung kausap niyang babae, parang nag-aaway sila.

Hindi ko na lang sila pinansin, magkukunwari akong may ginagawa hangga't 'di umaalis sa harap naming bench si Matt.



Chelsy, papunta dito yung crush mo oh pabulong na sinabi ni Eliza


Aba! Oo nga, papunta sa direksyon ko si Mr.Campus-Hottie, bakit nakangiti pa siya? Parang tumalon yung puso ko, nakakasuka yung kaba na bumalot sakin. Nakatingin na din sa akin lahat ng tao sa paligid, may nagawa ba akong masama? Anong gagawin niya?

Lumapit si Matt sa akin at bumulong Just go with the flow

Hindi pa nakakarecover yung utak ko ng biglang

BOOM!

Isang halik. Nawindang ang mundo ko.



Hindi ako makagalaw, parang naparalysa ang buong katawan ko. So yun pala ang plano niya.
 Nagulat yung babaeng kausap niya kanina, galit na galit ang itsura nito, parang gusto niya akong patayin.


Tiningnan ko lahat ng tao sa paligid, bakas din ang gulat sa mga mata nila.

Siya ba ang pinagpalit mo sa akin? sabay turo sakin nung babaeng galit, nanginginig pa siya onti.

Oo, kaya Kathy please, leave me alone. bigla akong inakbayan ni Matt. Parang mahihimatay ako sa sobrang bango niya

Nananaginip kaya ako?

Isang sampal ang binitawan nung babae kay Matt sabay alis. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya pumiglas ako sa pagkakaakbay niya.

Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinila palayo sa mga tao.

Ano ba Matt, bitawan mo nga ako!

Saglit lang, may plano ako.


Kung ano man yang plano mo, wag ako, please nam---

Too late, nahalikan na kita, ikaw lang kasi nakita ko dun na matino eh. Panindigan na natin

Ang alin? huminto kami sa isang isolated place sa campus, halos walang tao.

Tinitigan niya ako sa mata ng matagal sabay sabing Ang pagpapanggap. Magpapanggap tayo na mag boyfriend girlfriend hanggang makagraduate ako, 2 sem lang tapos wala na, ayoko kasing may naghahabol sa akin at sinisiraan ako katulad na lang kanina, thank you talaga

Napalunok ako g-girlfriend? Ako? 2 sem?

Yup, just for 2 sems lang naman eh. I promise wala akong gagawing nakakaloko. bigla siyang ngumiti, muntik na ako mamatay

Ok sige, basta wag mo na akong hahalikan ng ganun, nakakahiya.


Sorry. tapos tumawa siya.

Nabuo ang kasunduan namin na halos walang kahirap hirap. Ang saya sa pakiramdam ko. Kahit kunwari lang ang gagawin namin, nakakaexcite.

Hindi ko alam na sa sandaling iyon, sinisumalan nang ukitin ng tadhana ang pangyayaring magbabago sa buhay ko. Isang pagkakamaling ginusto ko.


Malamang.


Panigurado.



Mismo.



Isa dalawa tatlo, ilan ang puso mo?












Hello po! This is my first story and written in Filipino po siya para mas feel niyo yung mga emotion na lalabas sa story na ito. I'll update as soon as possible! Please support my story! Thanks a lot!  ;) Muaaaah!
« Last Edit: November 04, 2011, 03:17:46 am by thesweetwitch »

jamane123

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 5
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: Isa Dalawa Tatlo, Ilan Ang Puso Mo? [Preface] pasok na. :)
« Reply #1 on: December 20, 2011, 07:19:11 pm »
ate gaLingan mo :3 updaaaate ! :P :-* :D :D :D

Chas

  • jellybean
  • **
  • Posts: 267
  • Karma: +4/-2
  • FIERCE.
    • [center][color=pink][size=10pt][b] [color=purple]♦[/color] Thread[color=purple] ♦[/color][/b][/size][/color][/center]
Re: Isa Dalawa Tatlo, Ilan Ang Puso Mo? [Preface] pasok na. :)
« Reply #2 on: December 20, 2011, 11:17:36 pm »
Nice one, sis. :)
Will support this. :*

TwilightZone817

  • jellybean
  • **
  • Posts: 240
  • Karma: +18/-4
  • ...*Deafening Silence*...
    • Soshified
Re: Isa Dalawa Tatlo, Ilan Ang Puso Mo? [Preface] pasok na. :)
« Reply #3 on: February 05, 2012, 01:52:17 pm »
Sayang 'to~ :(

 

Candy Blog

What We Did: A Week-Long Internship!
by: guest, 2012-02-10
Hi, :hi: we're Estelle and Tanitha, we're 15 and 14 year old French girls and we're in...

Council of Cool Blog

La Paella in Greenhills
by: Rebecca, 2012-02-10
With our limited allowance and time, us teenagers enjoy finding new spots to enjoy our time...
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website