.
EPILOGUE
AFTER SIX YEARS.
Maraming nangyari sa anim na taong lumipas. Nakapag-college ako, nakapagfocus ako sa pag-aaral. Nakapagtapos ako, ni isang subject wala akong naibagsak. Nag advance ako ng ibang subjects, nagkaklase pa rin ako kahit summer vacation. Nakapagtapos ako ng Nursing, at nagtake ng board exam. May ibang sumubok manligaw, may ilang sinagot ko. Meron ding nagustuhan ko pero meron din namang laro lang. In-enjoy ko ang pag-aaral ko ng college. Pero lahat ng napagdaanan ko ng College ako, walang bakas ng Mark duon. Ni isang sulat, ni isang tawag, text, e-mail o kahit anong nanggaling kay Mark... wala.
Eto na siguro yun na nga ang sign na...
Nakahanap na siya ng iba. "Papa, are you sure about this?" Narinig kong sabihin ni Ate Krista kay Papa.
Si Papa naman, inaalalayan akong umupo sa wheelchair.
"We don't have a choice, anak." Sinabi ni Papa na mangiyak-ngiyak.
"Pero Papa, hindi tayo maaalala ni Mars after nito!" Pasigaw niyang sagot.
"Pero ito lang ang paraan, Krista! Ikaw na mismong nagsabi, ito lang ang therapy para sa kondisyon niya." After sabihin ni Papa yun, pinaandar na niya ang wheelchair at inisakay na ako sa luob ng ambulansya.
"Kahit doctor na ako, Papa. Hindi ko kayang makitang nagkakaganyan si Mars. Kung alam ko lang na ang pagbagsak niya sa board exam ang magtitrigger ng matinding depression na to, sana hindi ko na muna siya pina-take!" Umiiyak si Ate Krista habang nasa loob kami ng ambulansya.
Ano bang nangyayari? Bakit wala akong alam? "Be strong, Anak. We don't have a choice. Kung hindi natin to gagawin, anong mangyayari sa kanya? Maaari siyang mabaliw! O mamatay! Tignan mo siya ngayon, nakatulala lang siya! Ilang buwan na siyang nagkakaganyan! Halos limang buwan na!" Sumabog na ang emosyon na itinatago ni Papa.
"Kapag ba gumaling na siya, ipapaalam natin ang nakaraan niya?" "No. Ilalay na natin siya sa mga nakasakit sa kanya! Hindi natin alam na baka may iba pang nagtrigger ng severe depression niya." Nagpunas ng luha si Papa.
"Her friends?" Tumango si Papa.
"Even us." Mukhang nagulat si Ate Krista.
"Especially, Mark Villareal." Mark... 
Napatingin sila bigla sakin.
"Nabanggit lang ang pangalan ni Mark, bigla na lang siyang umiyak. Baka isa nga siya sa dahilan ng severe depression ng kapatid mo."Yan ang huli kong naalala bago ako makatulog dahil sa itinurok nilang pampatulog sa akin.
Pagkagising ko, may itinurok na naman sila sa aking gamot na parang nakapagpa-high sa akin. Bago ako nakatulog ulit... Inalala ko ang huling pagsasama namin ni Mark.
"Are you sure? Sakin mo ipapaubaya ang una mo?" I nodded.
"Make love with me, Mark." Bigla niya na akong hinalikan na may matinding intensity.
Sa bawat halik na ibinibigay niya sa akin, binibigkas niya ang salitang "Mahal kita, Mars." Na sinusuklian ko rin naman ng mga halik at ng mga katagang "Mahal na mahal din kita."
Nagising na lang ako ng marinig ko ang mga kalampag ng maleta. Aalis na siya. Hindi na siguro ako sasama sa airport. Hindi ko makakayanang makita siyang umalis! Hindi ko kaya.
Naramdaman kong amy umupo sa pumikit ako. Nagpanggap akong natutulog. Ayokong makitang umiiyak ako, baka ang pagbuhos nang luha ko ko pa ang maging dahilan ng pag-stay niya. Naramdaman kong may lumapat na labi sa noo ko. At isang bulong na dumurog sa puso ko...
"I love you, MyEight. Sana hintayin mo ako."Sinabi mong hintayin kita... Ginawa ko. Pero asan ka?
May hinihintay pa ba ako?Nakatulog akong iniisip kung babalik pa ba siya... At kung magiging kami pa rin ba sa huli...

AFTER AN HOUR.
Napadilat ako... May mga mukhang tumambad sa akin. Ni isa, wala akong maalala! Sino ba sila?! Sino ba kayo--- Bakit wala akong maalala?!
"Sino ka?!" Sabi ko sa babaeng nakaputi sa harapan mo.
"Ako nga pala si Dr. Krista Ochoco, ang psychiatrist mo." Ngiti sa akin ng babae.
"Bakit wala akong maalala?" Sino ba talaga ako?

End of Season 1
July 29, 2009 - October 14, 2010
(C) -xiArA-