.
FIRSTkiss
Ano nga ba talaga ang first kiss? Yun ba eh yung kiss ng parents mo? Nang kapatid mo? Nang mga pinsan mo? O nang girl friends mo? O nang isang lalaki kahit sino dyan sa tabi-tabi? Naku wag naman sana ang panghuli dahil magmumukha akong cheapangga!
Siguro nga, tama rin yung sinabi ko, yung panghuli. Syempre sa lalaki! Ano ka ba! Hahaha. Hindi ka naman siguro lesbian or bisexual para humalik ng kauri mo diba? At syempre, hindi rin sa cheeks, noo, leeg, baba o kung anu-anong parte ng katawan ang tinutukoy kong hahalikan. Syempre, ang ever luscious lips natin!
Eh paano naman kung hindi sinasadyang matuka ka? Considered ba yun? Hindi naman siguro diba? Eh paano mo naman masisiguradong romantic ang first kiss mo kung hindi ka pa nakakahalik ng iba? Considered din ba if you’re ‘practicing’ it with another person?
Hay nako! So many questions so little time! Gagraduate na ako ng high school at wala pa akong first kiss! Marami ngang gwapo sa paligid ko pero kung hindi sila taken, mga bading sila, kung hindi naman sila bading, mga suplado sila!
Oo, mga hinayupak na suplado! Lalo na si Ezekiel Bautista na ubod ng epal sa buhay ko! Naturingang pogi eh nagmamasungit! Pero wag ka, siya lang talaga ang pinangarap kong maging first kiss!
Kahit sungit-sungitan niya ang beauty ni Maria Marciana Ochoco, also known as ‘Mars’, which is si ako, eh hinding hindi siya tatantanan hanggat hindi siya nahahalikan! Oo na, cheep na kung cheap. Eh sa araw-araw ba namang ginawa ng Diyos na magkapartner kami sa Physics at siya rin ang Escort at ako ang Muse ng section, ano bang pag iwas ang gagawin ko? At sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh ang lagi kong nakikita ay ang mga labi niyang kumikintab against the light! Nako, nagmumukha na akong manyak sa mga pinagsasabi ko.
“Ayoko na! WAH!” Bigla kong sinabi nang Makita ko siyang kayakap si Jillian na hinayupak niyang girlfriend na bali-balitang nahalikan na niya. Bakit ko nalaman? Abay ipinagkalat lang naman ni Jilian yung halikan nila na torrid daw! UGH! Mapapatay ko siya.
Pero napukaw ang ang atensyon ko ng biglang umiyak si Jillian at nag walk-out si Ezekiel. Papunta siya dito sa classroom, dire-diretso siya sa upuan niya at umupo. Nagbuntong hininga. Napansin niya atang nakatitig ako sa kanya kaya nakipag eye-to-eye siya sakin.
OMG. Eto na ba ang katuparan ng aking pangarap na magkahiwalay na sila ni Jillian the –flirt –ever. Nagulat ako ng tumayo siya at tumabi sakin. Nakatingin pa rin siya sa mga mata ko. Magki-kiss na ba kami? Kung panaginip ito, LORD! Wag niyo na akong gisingin!
“Mag-usap tayo mamayang uwian. Antayin mo ako dito sa classroom.” Tumayo siya tapos lumabas ulit, sinundan ko siya ng tingin. Nasa labas pa rin si Jillian na umiiyak pa rin, dinaan lang ni Ezekiel si Jillian. Lalo namang ikinaiyak ni Jillian yung hindi pag pansin sa kanya.
“WEEE! Hooray! Hooray! Ang saya-saya! Uwian na!” Napatingin sakin ang mga kaklase ko. Mabuti na lang at wala si Ezekiel, kundi iirapan ako nun.
Bigla namang may bumatok sa akin.
“Ano naman yang pa-hooray-hooray mo dyan?” Ang epal ko namang kapatid na si Maria Florencia Ochoco, also known as ‘Renz’ Actually kakambal ko to pero hindi kami talaga mag kamukha. Parehas lang kaming loka-loka.
“Kasi naman, sister. Mag-uusap kami ni Papa Ezekiel after school dito sa classroom! Baka maisakatuparan na ang pangarap ko sa buhay!!” Napatingin ako sa paligid at napansin kong kami na lang ang natira.
Hindi man lang nagpaalam sakin yung buong tropa! Hmmmp!
“Sister, kailan mo ba titigilan yang pangarap mong maging first kiss si Ezekiel? Eh parang ngayon niya lang ata nalaman na nag-exist ka eh!” Napangiti naman ako.
“At least alam na niyang nag e-exist ako!” 
Napakamot naman sa batok si Renz.
“Nako, kapag ikaw, napaiyak dyan dahil sa pesteng pangarap mo, tatawanan talaga kita.” Nginitian ko lang siya.
“Aantayin pa ba kita?” Dinampot na niya yung mga gamit niya at handa ng umalis.
“Hindi na siguro, sister. Umuwi ka na. Mag papasundo na lang ako kay Kuya kung sakaling late na talaga.” Tumango-tango naman siya.
“Sige, ingat, sister.” Bumeso muna siya bago umalis.
Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. Pumunta ako dun sa teacher’s table at nilapag sa sahig yung gamit ko. Umupo ako dun sa lamesang nakaharap sa pintuan paa malaman ko kung paparating na si Papa Ezekiel.
And after 30 minutes of waiting. Dumating din siya. Saan ba siya nanggaling? Bakit ang tagal niya?
“Sorry, na-late ako.” Humihingal pa siya.
“Ayos lang, saan ka ba nanggaling?” Tanong ko naman sa kanya na umupo sa armchair, medyo malayo sa akin.
“Hinatid ko pa kasi si Jillian eh. Hindi niya kayang makauwi ng umiiyak.” Oh. Teka… diba…?
“Hindi ba’t b—” Pinutol niya yung itatanong ko at sinabing…
“Break na kami? Oo, at ikaw lang ang nakakaalam.” Napatingin ako sa kanya.
“A-Anong ibig mong sabihin, Ezekiel?” Napataas naman ang kilay ko.
“Ikaw lang naman ang nakapansin sa break up namin kanina.” Katahimikan. Silence. Binalot kami ng awkward silence. I think I should break the silence.
“Ano nga pa lang gusto mong sabihin sakin?” Tumingin ako sa kanya, napatingin naman siya sa akin na parang may naalala tapos tumayo siya, lumapit pero hindi gaanong kalapit.
“Nag break kami ni Jillian dahil sa’yo.” WHAT?! Dahil sa akin?! Bakit naman?!
“Dahil sakin? Papanong dahil sakin?!” Grabe. M—May gusto rin ba siya sa akin?
“Oo, dahil sa’yo. Alam kasi sa buong school na may gusto ka sakin.” HUWAT?! Eh ano naman diba?! Tsaka, heler, swerte niya nga dahil girlfriend siya ako, nagpapangarap lang!
“Dahil lang dun? Baka naman may—” Pinutol niya ang sasabihin ko.
“May gusto ako sa’yo? Asa. Hinding hindi kita magugustuhan.” He smirked. Ouch.
“Ginamit ko lang ang pangalan mo sa pakikipag break k okay Jillian. Sakal na sakal na kasi ako sa kanya.” W—Why? Bakit ako pa? Bakit sinasabi niya sakin to ngayon?
“Bakit mo sinasabi sakin to ngayon?” My cheeks were wet. Umiiyak na pala ako. SHET! Dyahe!
“Parang hindi mo naman kilala si Jillian.” Tumalikod siya. I think he’s ready to leave me now.
“Panigurado, bukas kakalat na yan, ayoko lang na mag assume ka sakin dahil wala ka naman talagang dapat i-assume.” Then off he went.
Natulala naman si ako. Akala ko ngayon matutupad ang wish kong magkaroon ng first kiss! Pero first major heart break pala! AMP! Kung alam ko lang, sana sumabay na lang ako kay Renz. Kawawang Mars! Busted!
Hindi ko namalayang alas sais na pala, nakaupo pa rin ako dito sa teacher’s table. Umiiyak pa rin ako. Ang sakit kaya! Akala ko talaga, nako. Mukhang mamamaga ang mata ko nito! Tatanungin ako ni Mama`t Papa pati na rin si Kuya at si Renz!
Nagulat ako ng biglang may pumasok sa pintuan. Akala ko si Ezekiel! Teka—kaklase ko rin to eh! If I’m not mistaken, best friend to ni Ezekiel! Baka pinabalikan niya ako!
“Alas sais na ah? Anong ginagawa mo dito?” Nandun lang siya sa may bandang pintuan.
“W-Wala lang. Ikaw? Bakit nandito ka pa?” Sabihin mong pinabalikan ako ni Ezekiel! Sabihin mo! Sabihin mo!
“Tatambay lang, kakagaling ko lang ng practice eh.” Varsity nga pala to. Ano nga palang pangalan nito?
“Ano nga palang pangalan mo?” Napakamot naman siya ng batok ng marinig ang tanong ko.
“Mark Villareal ang pangalan ko, Marciana..” ARGH. Ayoko sa lahat eh yung tinatawag ako sa totoo kong pangalan eh!
“Mars na lang itawag mo sakin!” Napansin ko namang nakatitig siya sakin.
“Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko sa kanya. Ayos ah. Parang close kami ah.
“Umiyak ka ba?” Napahawak naman ako sa pisnge ko, hindi pa pala ako nakakapag punas ng luha at uhog! Mabuti na lang at medyo madilim na!
“Bakit ka umiiyak?” Di rin siya feeling close no?
“Yung kaibigan mo kasi eh. Pinaiyak ako.” Napataas yung kilay niya.
“Sinong kaibigan? As far as I know, walang nagpapaiyak ng babae sa tropa ko.” Nagtataka niyang sinabi.
“Si Ezekiel. So, ayan. Meron ka ng kilala sa tropa mo na nagpapaiyak.” Sabi ko nanaiiyak ulit.
“Anong ginawa niya sa’yo?” Unti-unti siyang lumapit. Pero hindi gaano kalapit.
“Ginamit niya akong dahilan para maghiwalay sila ni Jillian tapos binusted niya naman ako. Ang sama niya diba? Nag paiyak siya ng dalawang babae within one day? Paano ako nito bukas? Baka awayin ako ni Jillian! Daragista pa naman yun!” Natawa naman siya dun sa sinabi ko. Pero ako naman etong si sawi, iyak pa rin ng iyak.
“Tumahan ka na nga! Di bagay sa’yo umiiyak!” Nang insult pa ata to eh!
“Oo na! Hindi na bagay kung hindi bagay! Panget na kung panget! Nang iinsulto ka pa eh! Umiiyak na nga ako eh!” Natawa siya tapos lumapit.
Pero inatake ata siya ng pagkaclumsy at natalisod sa bag kong isa pang tanga na nakaharang sa sahig kaya ayun, na-out of balance sa harapan kaya. Bonggang bongga! Natrap ako at natrap ang lips ko sa lips niya!
Ang first kiss ko!Hindi kami nakagalaw, but our eyes were wide! Super wide! Hindi pa rin kami gumagalaw, nakadikit lang talaga yung lips namin. But he suddenly closed his eyes then moved his lips! I don’t know why or how but my lips didn’t seem to realize that they’re moving too and my eyes closed!
I just found myself embracing Mark while kissing him. He suddenly stopped but didn’t move. Ako naman, na-realize ang ka-cheap-ang pinaggagawa ko kaya naitulak ko siya. Tumalsik naman siya. Hawak ko lang yung lips ko, nakatulala ako sa kanya.
WHAT THE HELL HAPPENED?!
“Wow.” Napatingin ako sa kanya. Anong sinabi niya?!
“Anong sabi mo?!” Sigaw ko sa kanya.
“Ang sabi ko, ‘wow’.” Napatayo ako.
“First time mo no?” He said while smiling.
“P-Paano mo nalaman?!” Napakagat ako sa lower lip ko. OMG! Nakakaasar tong lalaking to!
“Di ka marunong humalik eh.” Sabi niya sabay tawa, as if natural na bagay lang yung tinutukoy niya! First kiss ko yun! Sacred para sakin yun no!
“Ang yabang mo! Hindi ka nga nagpapaiyak ng babae, naghahalik ka naman!” Grabe, feeling ko puputok na ang butsi ko!
Pinulot niya yung bag niyang nalaglag dahil sa ka-clumsy-han niya. Tapos naglakad palabas, pero bago siya umalis, may pahabol pa siya.
“Pero, infairness, ang sarap mong halikan.” Kumindat siya tapos umalis na.
Kinilabutan ako sa mga sinabi niya at sa pagkindat niya! Napatingin ako sa paligid. Saksi ang classroom ko sa aking hindi inaasahang first kiss! Teka, madilim na! Makaalis na nga, baka may iba pang nakawitness nun, ayoko ng banggitin at baka magpakita pa sakin!
Napatakbo naman ako dahil sa kaduwagan ko at nakita ko na naman siya sa may gate. Nagyoyosi. EEEWWW. Di ko na lang siya pinansin, di naman kami close para pagsabihan siya na masama manigarilyo no.
“Hoy.” Di ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.
“Huy!” Still no response pa rin ang lola niyang napakahaba ng buhok.
“Kapag hindi mo ako pinansin, ipagkakalat kong naghalikan tayo sa classroom.” 
WHAT?! Napahinto ako agad at tumingin sa kanya! Ano bang klaseng term yung ginamit niya! Nakakakilabot!
He smirked at me tapos inakbayan niya ako sabay hithit ng yosi.
“Papansinin mo rin naman pala ako eh.” Tinignan ko siya ng masama.
“Wag ka ngang magyosi sa harapan ko! Ang baho-baho!” Tinapon niya yung yosi niya tapos ngumiti sakin. Kung hindi lang to manyak, nagustuhan ko na to eh!
“May io-offer ako sa’yo.” Napaisip naman ako. Ano kaya yun? Hindi naman kami close no!
“Ano naman yun aside sa paghahatid mo sakin sa bahay ngayon?” Tanong ko sa kanya. Nagulat naman ata siya sa sinabi ko.
“Kapal nito. Papahatid ka sa bahay mo?” Tanong niya sakin.
“Sino kayang ams makapal ang mukha sa atin? Eh ikaw nga tong hindi ko namanka-close eh hinalikan ako sa lips! Tapos aakbay-akbay pa sakin ngayon?” Taas kilay kong tanong sa kanya.
“Oo na, ako na makapal mukha. Pero gusto mo ngang malaman yung offer ko sa’yo?” Pinisil pisil niya yung balikat ko.
“Ano ba yun?” Actually, naku-curious na ako dyan sa offer na yan ah.
“Tuturuan kitang humalik. Lahat ng klase ng halik. Tapos ilalakad kita kay Zeke para sioya ang maging first REAL kiss mo.” Ngiti niya sakin.
“Nababaliw ka na ba? Ako? Tuturuan mong humalik?! Eh hindi nga tayo close eh!” Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko, nakakaramdam na ako ng pagkamanyak ng taong to eh.
“Hindi ako nababaliw, okay? Kung yung pagiging hindi close natin ang pinoproblema mo eh madali lang yan! Edi maging close tayo! Ganun kasimple!” “Pero hinding hindi ko na magiging first kiss si Ezekiel!” Sigaw ko sa kanya.
“Dahil sa’yo! Dahil sa kamanyakan mo!” “Bingi ka rin no? Kaya ng first REAL kiss diba? Siya ang kinonsider mong first! Utak naman!” Binatukan ko siya. Hoy! Malaking effort yun! Specially sa taong katulad niyang higante!
“Pasensya lang! Wala akong alam sa mga ganyang bagay eh!” Sumimangot ako habang nag-iisp ako kung papaya ako o hindi.
“Halata naman eh. Wala ka ngang alam sa halik eh. Maski smack. Hahaha.” tawa siya ng tawa. Hindi ko na lang pinansin. Titigil din yan.
Nagconcentrate ako habang naglalakad kami, napansin ko na lang nasa harapan na kami ng bahay. Napansin ko ring nakaakbay na ulit siya sakin. Napakagaling na manyak talaga nito!
“Ano? Nakapag isip ka na ba?” Tinanggal na niya yung pagkakaakbay niya tapos nakatingin lang sakin, nag aabang.
“Okay. Papayag na ako.” Hay. Sana naman hindi ko ito pagsisihan!
“Okay! Wala ng bawian yan ah!” Tumango-tango ako.
“Pero may condition! Magiging girlfriend kita habang tinuturuan pa kita! BYE!” Hinila niya ako then hinalikan sa lips pero mabilis lang sabay takbo!
“UGH! Perv!” I stomped my feet then went inside the house.
Lahat ng klase ng halik? Ilan ba ang mga yun?!