Hello po mga readers ni Kenneth...

Pasensya na raw kayo kasi 'di nakakapag-update si Kenny boy. Actually meron na siyang ginawa at pinapa-upload na lang niya sa akin. Medyo busy kasi "raw" siya at wala siyang i-net sa bahay nila. 'Di naman makapunta ng comp shop ('di ko rin alam kung bakit) well anyhow, ito na po 'yung chapter 4. - Angel
Chapter 4 – Ikaw Na Naman?
Cindy’s POV
“Ate! Gising na! Alas singko na! May work ka pa!” Etong kapatid ko nga namang pakialamero oh.
“Hoy lalake. Pwede ba? Ke-aga-aga anlakas lakas ng boses mo. Saka isa pa Ken, Ten pa ang pasok ko.” Nakapikit pa rin ako. Ayokong dumilat. Gusto ko pang matulog.
“Okay. Bahala ka. Andyan na si ate. Kakarating lang mula Baguio kasi kinailangan niyang bumalik dito dahil may nangyari sa ospital. Sige ka, bibitbitin ka nun palabas ng kwarto mo.” Ay leche! Namamaga pa mata ko!
“Hoy lecheng batang pinaglihi kay Einstein! Bakit ba napakaatribido mo?” “Asus. Matanda ka na kasi, batugan ka pa rin. Di mo ko tularan, staight 1 ang nakukuha ko sa mga subjects ko. Sign ng mababait at masisisipag na bata.” Bata bata. Bata batuta sabihin mo. Tanda mo nang kumag ka! Ang yabang talaga nitong kumag na to. Buti na lang kapatid ko ito kundi matagal ko nang tinapon sa kanal.
“Oo na matalino ka na. Loveless ka naman.” “Ate, tingin mo ba ako loveless? Sus! Ako pa! Syempre oo! Saka isa pa ate, I really don’t like distractions and isa pa, hindi ko rin maaasikaso yun kasi, I am very busy with my inventions.” Oo nga naman. Nerd pala tong taong to. Nerd as in Capital NERD. I think he was in grade four when we realized that this kumag is kinda really smart. He already knows Calculus and he is smarter than his teacher. When he was 13, he was also able to invent a simple machine that is used to make bricks. Medyo madami pa siyang naimbento kaso hindi ko alam title. Nakakanosebleed eh.
“Oo na. Baka lecturan mo na naman ako with your specialty.” “You want? O sige eto ang lesson natin ngayon Pleasure Calculus or kung gusto mo yung Categorical Imperatives or yung Kay W.D. Ross?” “Hep! Babangon na ako!” “Good. Ipagluto mo na ako.
” “Asan si ate Maritess?” Si ate Maritess, siya ang ate naming nag specialize sa Domestic jobs

. Joke lang. Si ate Maritess kasi ang pinakamabait samin. Yun nga lang, pareho sila ni Ate Criselda na walang lovelife. Mga matatandang dalaga. Oh Mahabaging langit! Sana di ako matulad sa kanila!
“Wala. May kadate.” Woah!
“Hindi nga?” “Syempre hindi totoo. Pangarap nung maging old maid eh. Nasa palengke yun. Sige na ate. Magluto ka na ng Adobo. Pangit yung lasa pag si ate Maritess nagluluto ng adobo. Lasang paksiw.” “Gusto mo isumbong kita?” “Isusumbong din kita kay Ate Criselda na nagbo-boyfriend ka.” “Leche! Sige na nga!” Itong batang to oh. Kung lagyan ko kaya ng lason tong pagkain niya?
“Ate, wag mo lalagyan ng lason. Isipin mo na lang kung nadeadball ka na. Makukulong ka. Kakasuhan ka ng parricide. Matindi pa naman parusa doon. Tapos, may mga tomboy doon sa kulungan. Pagtritripan ka nila. Alam mo na ibig sabihin nun. At ang pinakamalala, mawawalan ka ng gwapong kapatid.” Natatakot na sana ako kaso natawa ako dun sa huling sinabi niya.
“Kala ko ba gwapo ka? Bakit hindi ka pa nagkakagirlfriend?” “Ate, kung hindi mo lang alam. Araw-araw, may nare-receive akong tatlong daang text sa cellphone ko kaya naman lagi din akong nagpapalit ng sim card. Singkwenta ang stalker ko sa school dati pero i-multiply mo ng sampu. Tapos pati mga teachers ko infatuated sakin.” Kayabangan.
“Eh bakit nga di ka pa nagkakagirlfriend?” “Ate, ang ayoko sa babae, yung siya yung naghahabol sa lalaki. Gusto ko kapag nagkagirlfriend ako, mahal ko rin. Saka hindi ko rin gusto yung mga malalandi. Ayaw ko rin ng puro beauty lang pero walang brains. Ayaw ko rin ng puro brains pero walang beauty. At mas lalong ayaw ko ng walang brains at walang beauty.” Ano daw? Wait, kinakalampag ng alikabok ang Intel processor ko. Palitan, palitan.
“In short, perfect.” “No. Im not referring to physical beauty ate. Pero pwede rin.” Wait. Ambigat ah. Yun pala nakadagan na ang kumag pero not in the position you are thinking.
“Alis ka nga diyan. Kung gusto mong kumain ng adobo alis na.” Umalis naman siya. Buti wala pa yung isa pang makulit dito. Si Blanche. Isa pang atribido yun. Nonstop sa kadaldalan. Sa side kasi siya ng mommy niya nag-stay. Di niyo lang alam, madami kaming magkakapatid. Ang dad namin is nothing but a perpetual adolescent and a notorious playboy. Siguro mas mature pa sa kanya si ate Maritess. Buti nga nasa Budapest (pronounced as Budapesh) siya ngayon. Pero panigurado ko sa sarili ko, naghahasik lang ng lagim yung ugok na yun. I was never proud of him sa totoo lang. Kung pwede nga sana iba na lang tatay ko. Hindi ko nga alam kung kami lang ba talaga mga anak niya. Kami yung mga anak niya na ibinigay sa kanya ng mga nanay namin. Paano ba naman, nakukunsumi ata sila. Gusto ata nilang matauhan tong tarantado naming tatay. He was just in his teenage years nung una siyang nakabuntis and ang bunga is ate Criselda but my father was too childish so he didn’t marry ate Criselda’s mom. I would like to pity her but it is just better that he didn’t marry ate Criselda’s mom because from the looks of it, their arrangement would be a disaster.
Natapos din ako sa pagluluto. Sana naman tirahan ako nitong baboy na ito. Don’t get me wrong. Hindi mataba itong kapatid ko at maganda ang pangangatawan niya. Mabilis talaga sobra ang metabolism namin. Siguro mabilis din metabolism ng tatay namin pagdating sa babae. Kung i-dedescribe ko kasi ang tatay namin, siya yung K_____ kalimot. Ayoko nang isipin yung mga kalokohan ng walang hiya naming tatay, Basta kakanta na lang ako.
“I want Nobody nobody but you (clap clap point)
I want nobody nobody but you! (clap clap point)
How can I be with another
I dont want any other
I want nobody nobody
Nobody nobody!” “Ate! Panira ka naman! Sinira mo yung kanta!” “Hoy! Ang ganda ganda ng boses ko ah! Mahihiya lahat ng singers pag narinig nila.” “Syempre. Mahihiya silang may kumakantang abnormal ng kanta nila. Mas malala ka pa dun sa Ken lee ba yun? Yung kay Mariah Carey? Yung ‘Ken Lee!!! Tulibudibudatyuuuuu!’” Ano daw? Weird. Di ko alam yun ah. Mapanood nga. Haha!
Iniwan ko na lang yung hambog na yun sa dining area. It’s already seven pero buti na lang at ten pa ang pasok ko. So Naghanda na lang ako ng gamit para naman hindi ako magmadali mamaya. Pagkatapos kumain na ako at naligo. At buti wala na yung kapatid kong kumag. Pumasok na. Ewan ko ba kung bakit dito pa nag-aral yang ugok na yan, nakakuha naman siya ng scholarship sa Harvard and member din siya ng MENSA. Siguro mamimiss lang niya kami ng bonggang bongga. LOL! I decided to go to work early. Matraffic pa ako.
End Of Cindy’s POV
Seth’s POV
My foot! My legs! My thighs! A big crap! Tinalo ko pa ang nagthreadmill ng isang buong linggo ng walang tigil! I need a damn salon pass! Or a Pau de Arco can do. Grabe. Maswerte pa pala ako sa mga kasama ko dun. Sila buong araw, eh ako apat na oras lang. Hindi ko maimagine kung anong klaseng sakit iniinda nila. It’s six in the morning so I have to wake up. Nandito ako ngayon sa condo ko para malapit lang. Kinukulit na nga ako ng mga bulilit dun para umuwi. Don’t get me wrong. I am not referrring that they are really small but they are really childish. I have five siblings. My older brother Seamus who is 32, Rayne who is 24, Aaliyah and Krishna who are 18 and West who is 16. I am referring to Aaliyah and Krishna as the bulilits. West is kinda emo, introvert, masungit at kung anu-ano pa. Hindi naman siya ganun dati pero naging ganyan siya after that incident. Yeah, may history ang pagiging ganun ng kapatid kong sira ulo. I am not going to disclose it. Masyadong madrama. Talo pa ang “Maalaala mo Kaya”. Pero kung mapilit kayo, eto. Kasi si blank blank blank. Kaya ang nangblank ay blank blank. Blank blank blank blank blank. Basta blank. Blank blank blank blank blank blank. Ayun. Blank.
Kumain lang ako at naligo tapos syempre nagbihis. Alangan naman kasing magpedicab akong nakahubad, tatalunin ko pa yung UP Oblation nun. Pwede din, Ion Oblation. LOL. Corny.
Maya maya, eh lumabas na ako para pumunta kina coach. Nagkotse na lang ako since I really don’t know how to commute. Ang pedicab lang alam ko. Ni-taxi nga hindi eh, lagi kasi akong nakakotse. Nakahahiya talaga ako. They say na marunong ako sa buhay pero ni sumakay ng jeep or taxi or public bus di ako marunong. Sus, ginoong Ion.
Aftert ilang minuto andun na ako. Syempre sa bahay ni coach nakapark kasi hindi ko naman pwedeng iparada sa may mga pedicab. Malaman pa nila kung sino ako. Nag-usap muna kami ni coach bago ako pumasada. Sinubukan din pala niya dati yung pagpepedicab pero nanakit yung buong katawan niya. Pumasada na ako pagkatapos. Lilibutin ko yung village para maghanap ng pasahero. Sakto, yung babae kahapon ang first passenger ko.
“Hi Miss!
” Bati ko sa kanya with my smile reaching my ears.
“Kuya please, ayokong maaksidente.” “Miss, I am sorry about what happened yesterday. I know it was all my fault. Saka I wasn’t able to see that there is a hump in that corner that’s why we fell down.” Sa di malamang kadahilanan, napataas ang kilay niya. Why is it that when I speak English, people in this village always raise their eyebrows? Are they underestimating the capabilities of a pedicab driver? Prejudice! Why are people always being like that? It is kinda disappointing.
“Kuya, pwede ba? Umalis ka na lang. Mag-aabang na lang ako ng ibang pedicab.” Ay ganun?
“Sure?” “Oo.” Tapos bumulong siya ng ‘antipatiko.’ Hindi naman ako antipatiko ah.
“Okay. See you later.” Ganun ah. Tignan lang natin kung hindi ka maglakad. GM mode.
From : Baldo
To: Pedicab Boys
Message: <GM> Mga tol, wag niyong isasakay yung babaeng naisakay ko kahapon ah. Yung maganda. Bastah wag niyong isasakay. Ililibre ko kayo ng merienda. Hehe.
End Of Seth’s POV
Cindy’s POV
Bwisit. Sampung pedicab na ang dumadaan dito ayaw akong isakay. Hmpf! Maglalakad na lang ako! Nakakainis! Grrr! Sana sumabay na lang ako kay Ken. Nagkotse ata yung ugok na yun. Saka pwedeng-pwede rin akong bumili ng kotse ko kaso wala akong pag-paparkan. Marami naman akong pera galing sa mana ko kaso nakakatamad mag-ayos ng papers. Genius din itong tatay namin eh. Lahat ng naging girlfriends niya puro mayayaman. Kaya naman kaming lahat eh hindi nagkukulang sa financial matters. Pero si ate Criselda ang responsible para sa aming lahat because she is the oldest and most vintage minded. Medyo naiwan pa ata siya sa Spanish era. Nakakainis nga eh. Buhay namin kinokontrol niya. We are already old pero ipinipilit niya yung mga gusto niya. Napipilitan na lang kami na sumunod kasi siya nag-alaga sa amin at hindi yung walanghiya naming tatay. Ano nga ba maaasahan mo dun eh kung saan saan nagsususuot. Isang beses lang ata namin makita kada isang taon yun eh.
Siguro mga sampung minuto na akong naglalakad pero di ko pa rin nararating yung entrance ng village. Leche! Masakit na paa ko ah. Antaas pa naman nitong takong ko. Pero wait lang ah. Familiar itong place na to. Naaalala ko dito ako hinabol ni...
*Grrr... Rawr! Rawr! Rawr! Grrr... Rawr! Rawr! Rawr!
“Bruno... You’re so cute... Stay ka lang jan at ako, ay... tatakbo na! Aaaah!” Lecheng aso! Pagod na ako pero tumatakbo pa rin ako. Nakakainis na ah! Aaaah!
“Sit!” Ay sino yun. Saka biglang tumigil si Bruno sa pagtahol. Nakita ko umupo nga siya. Buti naman. Magpapassalamat sana ako dun sa nagpatigi—
“Ikaw na naman?” Oo. Yung pedicab driver kaninang makulit.
“Ganun ka ba magpasalamat? Sana pala hinayaan na lang kitang lapain ng bulldog na yun.” Ganun? Hmpf!
Magwo-walkout na nga lang ako!
*Rawr!
Oh no.
“Di ka ba sasakay?” “Sasakay na! Sa may terminal.” Bwisit na asong to! Pasalamat ka manong pedicab driver ah! Pasalamat ka sa asong ulol na to!
End of Cindy’s POV
Seth’s POV
Nakita kong hinahabol ng bulldog yung babae kanina. Tulungan ko na nga.
“Sit!” Umupo agad yung aso. Buti hindi pasaway. Itong babae naman kasing ito, inuna yung pagiging matatakutin. Doesn’t she know that dogs sense fear? Buti hindi dementors ang humahabol sa kanya kundi patay siya. Ang ganda pa naman niya. Masungit nga lang. Pero sabi nga nila, ang babaeng masungit sa pag-ibig malupet. LOL!
“Ikaw na naman?” Wow. Ganyan siya magpasalamat. Welcome!
“Ganun ka ba magpasalamat? Sana pala hinayaan na lang kitang lapaiin ng bulldog na yun.” Bigla siya napasimangot.
Magwo-walkout ata siya pero biglang tuahol yung bulldog.
*Rawr!
Namutla agad ah.
“Di ka ba sasakay?” “Sasakay na! Sa may terminal.” Buti naman. Ang sungit kasi. Aso lang pala katapat ng PMS niya eh.
“Hi.” Ay, ang sungit naman talaga oh. Haha. Hindi man lang sumagot ng hello.
“Miss, magsalita ka naman. Baka mapanis yang laway mo.” Hindi pa rin siya nagsalita. Hayaan ko na nga lang. Siguro buong biyahe para siyang pipe. Di man lang nagsalita.
Finally nakarating din kami sa terminal at maririnig ko na yung boses niya.
“Kuya, bayad ko.” “Miss, di ko matatanggap yan. Sobra sobra pa yung bayad mo kagabi.” “Fine.” She rolled her eyes.
Maganda sana, kaso masyado yatang mailap sa mga lalaki. Pero di ka uubra sakin. LOL!

End Of Seth’s POV