Teentalk

Author Topic: My Eleventh Girlfriend- UPDATED!!! Chapter 7- Early Age Andropause New CHAP!!!  (Read 7657 times)

ph0en

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 28
  • Karma: +1/-1
  • TeenTalker
Re: My Eleventh Girlfriend-chapter 2-It is a Deal
« Reply #105 on: August 30, 2009, 03:47:12 pm »
Kenneth I. M.!!!!!

Cute ng story mo... haha! Ei, kailan ka nga pala mag-a-update? UPDATE na Mr. "I-love-reading-SAT-books"... ooppss...  ;D

Sige na, mag-a-update na iyan... Kasi kapag hindi, lagot ka kay EIC Jhing-jhing... :D

herbiepaige

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 618
  • Karma: +50/-9
  • I`ll walk with you even on a fire. ;)
Re: My Eleventh Girlfriend-chapter 2-It is a Deal
« Reply #106 on: August 30, 2009, 04:32:44 pm »
New Reader here.
Sis, ang galing ng storyyy!  ;D
Next na po.
:> Paige
Bad Love! 2
If you need space, Join NASA baby. ;)
ASK ME!

burn_eya

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4374
  • Karma: +176/-20
  • burn_eya is also andrea53
Re: My Eleventh Girlfriend-chapter 2-It is a Deal
« Reply #107 on: August 30, 2009, 04:49:07 pm »
KEEEEEEEEN.
oyy.
adik. haha.
update na.
LOL
avaah.
dami namin naghihintay oh
wahaha
:))

qwertyslu

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 621
  • Karma: +64/-23
  • Tentenenen!
Re: My Eleventh Girlfriend-chapter 2-It is a Deal
« Reply #108 on: August 30, 2009, 06:11:51 pm »
Oy! ph0en aka Angelique.... hahahha! uupdate ako mamaya... hahah... kakagaling ko sa prov... im soooo tired....

qwertyslu

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 621
  • Karma: +64/-23
  • Tentenenen!
 
Chapter Three- “Hey! Hey! You! You! Baklush ang Yong Boyfriend! “

Cindy’s POV

   Here I am, wondering what kind of curse was cast upon me. I have been getting all the negative energies around me. Isang buwan na akong minamalas ah! Just last Monday, napunit yung palda ko. Buti na lang sa office na napunit yun at hindi sa gitna ng daan. Kung nangyari yun, tinalo ko pa yung mga models sa FHM. Nung Tuesday naman pinaliguan ako ng isang kotse ng tubig. Tubig nga lang na kasing itim ng tar. Wednesday, ayaw ko nang i-explain kasi nag-iinit ang ulo ko! BullCr*P!

   Nasa work ako ngayon at kasalukuyang tinitiis ang ubod taas na pitch ng accounts executive naming bakla. Pinapagalitan yung workmate ko kasi mali-mali  yung data na nailagay niya sa feasibility study. Isa pang badtrip. Ako yung naatasang magrevise! Tapos na sana lahat ng gawain ko, bigla-biglang nagkaroon na naman. Kung di lang kasi tatanga-tanga itong workmate ko na ito. Malas na buhay ito oh!

*Kring! *Kring!

   Nuisances! Sino naman kaya tong singerguensang to?

“Hello? Sino to?” Sigaw ko sa tumawag.

“Babe, it’s me.” Oops. Boyfriend ko, si Warren. Sa totoo lang, my family doesn’t know him yet. Kasi it would be suicide kung malalaman nila na itong ugok na to ang boyfriend ko. Tatakutin siya ng Ate ko. Hahabulin siya ng scalpels pag dumalaw siya sa bahay.

”Babe? Yuck! Stop calling me babe! I’m not a lost pig!”

“Okay. Cindy.”

”Why did you call?”

“I need to cancel our date tomorrow.”

”Why?”

“Biglaan eh. Nasa Cebu ako ngayon kasi may nangyari sa construction ng bagong condo na tinatayo ng firm namin.”

”Its, okay. Really. Uhm, I need to hang up, I have work to do. See you when you get back.” Then I hang up. He cancelled our date again. Magma-
McDo na nga lang ako.

After office hours, I decided to go to MOA. Kailangan kong mag-unwind. My life is so stressful. Papunta na sana ako ng McDo, pero may nakita akong hindi kaaya-aya. Lumapit ako until I confirmed it.

”I thought you are in Cebu.”

“Cindy!?!” Nabigla siya at yung kasama niya. Biglang umalis yung kasama niya pero wala na akong pakialam dun.

We went silent for awhile and then, he broke the silence.

“I think I should be the one asking that! Why aren’t you at home yet?”

”Wow, how thicked face can you get? Sino yung kasama mo?”

“Uhm, pinsan ko bakit? Anong problema mo?”

”Pinsan mong lalaki kahalikan mo? Ang galing naman? Sa Cebu ka ba talaga nagpunta o sa parlor?” Then sinampal ko siya.

”By the way Warren, you shouldn’t go wandering in the Men’s comfort room. Wala ka namang balls eh, mahilig ka lang.”

End Of Cindy’s POV

Seth’s POV




   It is my first day today, and I admit that I am nervous. I know how to ride a bike but I cannot help but worry if I can do it with a sidecar! Makakatikim talaga ng malupit na ganti tong si Ron sakin. Isinama na ako ni coach sa “parking lot” ng mga pedicab. Mukha naman silang harmless.

“Boy! Anong pangalan mo?” nagulat ako sa tanong. I cannot tell them that I am Ion Seth Garibaldi. Brilliant mind suggest! Bilis.

“Baldo po?”

“Baldo? Ambaho naman ng pangalan mo.” Then nagtawanan silang lahat. Sus! Bangasin ko mukha mo!

“Ako pala si John. Siya si Andrew. Si Charles...” John? Di ba it means toilet? LOL! Pero mas sosyal eh. Marami pang pinakilala sakin pero napansin ko na sakin nga talaga yung may pinakamabahong pangalan. Baldo. Yuck.

“Ilang taon ka na tol?” Tanong ni John.

“Beinte otso.” Nagsitaasan kilay nila. Aba. Malay ko ba kung bakit mukha akong 24.

“Ah, ikaw pala bunso dito eh. Hehe. Bale, ilang taon ka nang nagpepedikab?”

“Wala pa. I’m—Ngayon lang ako magsta- Ibig kong sabihin ngayon pa lang ako magsisimula.”

“Ok lang yan tol. Madali lang naman. Sanayan lang. Medyo masakit sa paa pero parang exercise na rin yan. Tignan mo pa tong maskels ko. Tong Abs ko. Meron ka ba niyan?”

Tapos pinakita ko yung abs ko. Langya, nanlaki mata niya. LOL!

“Langya! Nag-gi-gym ka no tol? Pormang porma ang abs!” Walanjo! Bakla ba tong si toilet?

Tinignan ko siya nang nakataas yung isa kong kilay. Gets na niya siguro yung ibig kong sabihin.

“Di ako bakla ah.” Asus! Amin na! LOL!

Tapos biglang may nagsalita. Sabi may passenger daw ako.

“To where?” Sabi ko. Tapos Nagsitaasan kilay nila. Uso ba talaga ang magtaas ng kilay?

“Saan pupunta?” Tanong ko sa kanila.

“164.” Sabi nila. Wait, babae ba talaga tong pasahero ko?

Wala talaga akong alam sa pinupuntahan ko. At least naman sana tinuro sakin ni coach yung pasikot sikot ng mga daan. Di ko napansin, nalagpasan ko na yung bahay niya tapos sumigaw siya ng ...

“AY PAPA! I CHORVA MO!” WTF! Ano ba yan! Akala ko girl! Yun pala pagirl!

After 2 hours, I went to the office. Two hours lang kasi ang biyahe ko sa umaga at two hours din sa gabi. Medyo maraming problema. Isa na yung isang investor namin na namatay kaya nagkakagulo sa company nila. Wala kasi siyang successor or anything, kaya di nila alam kung sino ang papalit.

Kumatok na naman yung secretary ko. Sigurado ako kikindatan na naman ako niyan.

“Sir, nagpupumilit po siyang—“ Andito na naman stalker ko.

*Toogsh!

 Nadapa naman siya ngayon. LOL! The last time I remembered, I never hired a stunt woman. Ano kaya susunod na mangyayari sa secretary ko? Ha-ha! Baka next time lumabas na to through the window! LOL!

Sinasabi ko na nga ba. Amoy na amoy yung pabango eh. Masangsang. Siguro gumamit ng Arabic perfume tong babaeng to. LOL!

“What are you doing here?”

“Please Seth, take me back!” She said desperately.

“Why would I take you back?”

“Because we love each other!” Ano daw?

“Weh? Are you sure? I never said that I love you.” Maging Sino Ka Man mode! ;D

“Pero pano yung mga moment na pinagsamahan natin? Can’t you remember?”

“Listen. We just went clubbing with my friends but that is just it. We never even had a formal date. We have no concrete relationship. It was only our friends who insisted that were go together because they think that we look good together but, I don’t feel love towards you. Kaibigan lang ang tingin ko sayo. Look, I think that you should go now.”

“Look, old man! Wag kang pakipot! Alam kong gusto mo ako!” Hala! Old man daw ako! LOL! Maasar nga.

“Look, slut. I think you need to go back to the club you’re working at. Or baka naman tinatapon ka na nila kasi wala ka ng customer?”

Nanggagalaiti na siya. LOL!

“Gaganti ako sa’yo Ion Seth Garibaldi! Makikita mo, magiging miserable ang buhay mo!” Wooh! Nakakatakot! Parang Hotel 626! LOL!

Yeah, right. Mga desperada nga naman. How did that desperation virus affected so much people? Ano ba yan.

End of Seth’s POV

Cindy’s POV




   Malapit na ako ng village namin pero umiiyak pa rin ako. Bwisit talagang baklang yun! Maghahanap na nga lang ng panakip butas ako pa ang napili. Pumunta agad ako sa paradahan ng pedicab para sumakay. Yumuko na lang ako para hindi nila makita umiiyak ako. Mga chismoso pa naman tong mga lalaking to.

   Five minutes nang nagdra-drive tong pedicab driver pero hindi pa rin kami nakakarating sa bahay namin.

   ”Kuya, pwede pong pakibilisan?” Reklamo ko sa mamang pedicab driver.

   “Opo. Pwedeng pakituro na lang po yung direction papunta sa bahay niyo.”

   ”Pagdating mo doon sa may kanto kumaliwa ka tapos pagdaan sa tatlong bahay may makikita kang bahay na may kulay maroon na gate.”

   “Doon po?”

   ”Hindi. Yung katapat nun. Yun yung bahay naming.”

    “Ahhh. Haha.”

   Ambagal talaga ng ugok na to! Maglalakad na nga lang ako!

   ”Kuya, bababa na ako.”

   “Maam bakit po?”

   ”Kuya, masyado kang mabagal. Baka mas mauna pa akong makarating doon kung maglalakad lang ako.”

   “Bibilisan ko na lang po maam.”

   ”Sabi mo yan ah.” Gusto kong makita kung ano yung itsura ng pedicab driver pero matangkad yata ito. Sigurado siyang maputi ito at may built ang katawan nito. Yung mukha na lang ang kulang.


   Nabigla na lang ako nang binilisan nga niya. Hell Cindy. You asked for it. Sumusunod lang sayo yung driver.

   “Maam, umiiyak po ba kayo?”

   ”Manong, di ko kayo binabayaran  para usisain kung umiiyak ba ako o hindi.”

    “Sorry, curious lang naman ako. Siguro nagbreak kayo ng boyfriend mo.”

   ”Oo.”

    “May ibang babae?”

   ”Hindi. Ibang lalake.”

    “That’s horrible. Andami na palang homosexual na nagkalat ngayon. Kunsabagay uso yan dati sa mga Greeks. Nabasa ko nga na Greeks are homosexual by nature. For example si Alexander the Great.” Did he just said that? Kung di ko lang alam na pedicab dirver to, iisipin ko AB English ang kinuha nito sa College. He knows the proper pronunciation and the proper production of phonetic sounds. And the information he is telling me, I didn’t know that!

   Tapos biglang natumba sa sidewalk yung pedicab at napasigaw ako.

”Putek! Sh*t!”

Tumayo siya tapos para alalayan ako. Tinaas ko yung ulo ko para Makita yung mukha niya pero nasilaw ako dahil katapat lang ng poste ng ilaw yung kinabagsakan ng pedicab niya.

Pagkatayo ko ng maayos, nakita ko na siya, finally. Kailan pa nagkaroon ng Greek God na pedicab driver? Can someone tell me?


    “Pasensya na po maam. Ngayon lang po ako napadaan sa street na to eh.” Street? Naku ah. Super sosyal nitong driver na to. Kung ibang pedicab dirver kalye ang tawag, itong si manong pedicab driver “street.”

   ”Manong okay lang. Eto na ang bayad.” Iniabot ko sa kanya yung 50 pesos na pamasahe. Alam kong sobra pero kailangan niya yan. Anliit ng kinikita nila eh.

   “Maam, sobra sobra po to.”

   ”Hindi, ok lang.” Tapos umalis na ako. Sinusundan pa rin ako pero mabilis kong naisara yung gate. Pumasok na ako ng bahay para magpahinga.

   ”Hi ate!”

   ”Hi.”

   ”Bat mukhang bad mood ka ata? Nagbreak ba kayo nung boyfriend mo?”

   ”Shh! Ano ka  ba! Marinig ka ni ate!”

   ”Wala si ate. Nasa Baguio siya ngayon para sa isang one week conference.”

That’s good. Di niya makikita tong namamaga kong mga mata.

« Last Edit: August 31, 2009, 06:13:46 pm by qwertyslu »

ph0en

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 28
  • Karma: +1/-1
  • TeenTalker
nyahaha... nag-update na rin siya sa wakas... YEY!!!

mhmm, don't tell me you use the word "john" whenever you feel like going to the restroom..
I doubt that... haha :D
« Last Edit: August 31, 2009, 06:00:00 pm by ph0en »

qwertyslu

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 621
  • Karma: +64/-23
  • Tentenenen!
nyahaha... nag-update na rin siya sa wakas... YEY!!!

mhmm, don't tell me you use the word "john" whenever you feel like going to the restroom..
I doubt that... haha :D


hahah! syempre... andaming toilet dito sa pilipinas.. i mean john.. hahahha! baka bugbugin ako! ahahahah!

herbiepaige

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 618
  • Karma: +50/-9
  • I`ll walk with you even on a fire. ;)
nice up!

benta naman ni Ion, bonggang pedicab driver.  :D

next po  ;D
Bad Love! 2
If you need space, Join NASA baby. ;)
ASK ME!

dianne518

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 3964
  • Karma: +139/-24
  • >>ILY<<
Homosexual si Alexander the Great? ??? Di ko alam un ah! :D

woooo!! bonggang pedicab driver!! nagkita na rin sila sa wakas! :D

qwertyslu

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 621
  • Karma: +64/-23
  • Tentenenen!
Homosexual si Alexander the Great? ??? Di ko alam un ah! :D

woooo!! bonggang pedicab driver!! nagkita na rin sila sa wakas! :D


yes he was... hahah... nalaman ko lang yun from our teacher.. haha...

bammybam

  • Guest
ako ako, alam ko na homosexual siya. inlove siya dun sa bestfriend niya.
anyways, hi po! new reader here. Bams.
*waves*  :)

qwertyslu

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 621
  • Karma: +64/-23
  • Tentenenen!
ako ako, alam ko na homosexual siya. inlove siya dun sa bestfriend niya.
anyways, hi po! new reader here. Bams.
*waves*  :)

hi bams :) *waves din* :) oo homo si alexander... dapat alexander the greta eh.. hahaha!

deynyel08

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 770
  • Karma: +131/-28
  • `.Twenty.Treis.CLOUD~!.
wooott!!!
pedicap driver HIRAP nun!!...
kasalanan mo seth seth kung bakit ka pedicap driver ngayon,...
hahhahaha :D
.MINE.YOURS.

im_numb10

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 7383
  • Karma: +621/-68
  • You+Me=Cannot Be </3
    • Blog-a-Blog
  ang sakit naman nun =)) good luck cindy :D

burn_eya

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4374
  • Karma: +176/-20
  • burn_eya is also andrea53
wahaha.
kawawang cindy.
haha
parang pinagsukluban ng langit at lupa.
wahaha
:))

 

Candy Blog

What We Did: A Week-Long Internship!
by: guest, 2012-02-10
Hi, :hi: we're Estelle and Tanitha, we're 15 and 14 year old French girls and we're in...

Council of Cool Blog

La Paella in Greenhills
by: Rebecca, 2012-02-10
With our limited allowance and time, us teenagers enjoy finding new spots to enjoy our time...
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website