Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Avatars larger than 75x75 pixels will be deleted. Check out the Avatar&Signature. Rules.



Author Topic: AGENT: DARK ORCHID [you think being an agent is easy? think again.]-[END]  (Read 9358 times)

p!nk

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3076
  • Karma: +170/-49
  • taeminnie <3
    • twitter
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 1!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #15 on: June 16, 2009, 08:56:20 pm »
wow.. ma-aksyon ang chapter.. ;D
astig si Xyna..
nice job sis.. :)

siyempre. feminist ata 'to. hindi ako mahilig sa mga damsels in distress. ;D

thanks. :)
i and love and you

dyek

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1782
  • Karma: +221/-48
  • Do You Even Know
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 1!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #16 on: June 16, 2009, 09:05:42 pm »
wow ganda ng story sis ahh,,
next chapter n agad hehe  :D

btw, im dyek:) new reader  ;)
my thread♥

friends???

bLuCk58

  • taffy
  • ***
  • Posts: 436
  • Karma: +62/-4
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 1!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #17 on: June 17, 2009, 11:53:22 am »
nice story!  ;D ;D ;D

yan ang gusto kong story action kung action

go agents!!

p!nk

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3076
  • Karma: +170/-49
  • taeminnie <3
    • twitter
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 2!](Crazy Beautiful)*NEW*
« Reply #18 on: June 17, 2009, 09:39:48 pm »
note: hear ye! hear ye! écoute! (frenchword for listen). ;D la lang gusto lang sabihin na eto na yung update. ;D sana magustuhan ninyo kasi i have fun writing this story. sa friday may update ulit donut (corny ko! ;D) worry. naky i'm so hyper and parang ewan today. ;D eto na nga. ENJOY!


CHAPTER 2
Crazy Beautiful


"Phoenix! Griffin!"

Zeon: Huy Toby! Bilisan mo diyan. Tinatawag na tayo ni Agent Falcon.
Toby: Sandali lang.

Pumasok na kami ni Toby sa loob ng office ng Senior Agent na si Agent Falcon.
 
Zeon: Yes Sir Falcon?
Sir Falcon: May bago akong misyon para sa inyo. Pero bago iyon anong nangyari doon sa misyon mo kagabi?
Zeon: Ah.. Eh..
Sir Falcon: Ano nagtagumpay ka ba?
Zeon: Naunahan po kasi ako nung isang babae. Sa tingin galing po siya sa Cassiopeia.
Sir Falcon: Ano?! Naunahan tayo ng Cassiopeia at babae ang pa ang nakapauna sayo. May tattoo ba yung babae sa may gilid ng leeg niya?
Zeon: Oho. Paano ninyo nalaman?
Sir Falcon: Agent Dark Orchid. Yoon ang nakauna sayo kay Martinez. Top agent siya ng Cassiopeia. Sa susunod kailangan maunahan mo na siya. Nawawala ang mga cliente natin dahil sa kanya.
Zeon: Pasensya na po hindi na mauulit.
Sir Falcon: Dapat lang. Bumalik tayo sa doon sa misyon ninyo. Narinig ninyo na siguro na nakatakas si Martin Guevarra at si Angelo Recto and it's your job to hunt them down. I'll be giving you a week para gawin ang misyon ninyo. Nandito na folder lahat ng kailangan ninyo. Pati na rin ang location nila ngayon. Maliwanag ba?
Toby: Maliwanag po.

Lumabas na kami ng office.

Toby: May bahay kami dito sa probinsya na 'to ah.
Zeon: Eh di maganda mas mapapadali ang paghahanap natin sa kanila.
Toby: Oo nga. Kakilala ko rin halos lahat ng mga tao dun. Para rin mas madali may bahay kami doon. Tamang-tama katatawag lang ng ate nandoon siya ngayon at nagbabakasyon. Kararating nga lang niya kanina eh.
Zeon: Hindi mo sinasabi na may ate ka pala.
Toby: Eh hindi ka nagtatanong eh.
Zeon: Loko ka talaga. Halika na nga. Uuwi muna ako kukuha lang akong damit.

=======================================================================

Pagkadating ko doon sa lakehouse namin doon pinauwi ko na yung caretaker. Ang sabi ko tatawagin ko na lang siya kapag aalis na ako. Mahilig kasi si Mama at ako sa lakehouses. Ako nga kapag tumanda na ako at nagretire sa pagiging agent titira na lang ako dito o kaya maghahanap ako ng sarili kong lakehouse. Ulila na kami ng kapatid ko sa magulang. Namatay sila noong bata pa kami. Kaya ako pinadala ako sa isa naming tita at yung kapatid ko naman ay pinadala sa isa naming tito. Nagkakasama pa rin kami kasi parehas kami ng eskwelahan pero ng grumaduate ako ng college hanggang sa telephone na lang ang communication namin. Hindi niya nga alam na agent ako eh.

Eto ako ngayon nagiisa dito pero ok lang. Para rin walang maiingay. Hindi naman kasi ibig sabihin na agent ka puro astig na bagay lang ang ginagawa mo. Nakakapagod din. Kapag may misyon eh nasa hukay ang isang paa ko. Palagi rin kaming busy. Kaya eto walang panahon sa lovelife. Haha.

Nagaayos na ako ng gamit at nahiga sa may rocking chair sa may veranda. Medyo malayo kasi ang bahay namin mga puno lang ang nasa paligid at may katabing man made lake. Naisip ko tuloy ang nakaraan. Kung paano ako naging agent.

18 ako noon ng nakilala ko si Clark or si Flax. Magclassmate kami. Isang araw tinanong niya ako kung marunong daw akong magmartial arts. Sabi ko oo dahil nagenroll ako noon sa isang Taekwondo class para self-defense. Naging black belter nga ako noon. Tapos sabi niya sumama daw ako sa kanya. Pumunta kami sa isang building at pinakilala niya sa akin ang Papa niya. Tinanong ako ng Papa niya kung gusto ko daw maging isang agent. Sinabi niya lahat ng mga kailangang pagdaan, mga ginagawa ng agent at mga rules nito. Naalala ko tuloy yung fifth rule. Ang rule na muntik ko ng mabreak dahil sa isang tao. Erase! Bakit ko ba naisip yun? Anyways, sabi ko oo. Hindi ko alam kung bakit ako nagoo pero sa tingin ko nakatadhana talaga sa akin maging isang agent. Nagtraining ako at pagkatapos ng college nagtrabaho na ako bilang isang agent ng Cassiopeia. Ngayon 3 years na akong agent ng Cassiopeia. Kung ano man ang katauyan ko ngayon sa Cassiopeia dahil yoon sa aking pagsisikap.

=======================================================================

Toby: Patigil nga diyan sa may tabi diyan sa may tindahan.
Zeon: Ok. Sandali lang.

Pagkabili sa tindahan tinuloy na namin ang biyahe.

Zeon: Ano ba yang binili mo?

Toby: Ah. Eto ba? Putopao.
Zeon: Putopao?
Toby: Putopao. Puto na may laman na parang siopao at may keso sa ibabaw. Paborito kasi itong ate ko kaya ayun uuwian ko siya.
Zeon: Sweet mo naman sa ate mo.
Toby: Nagkakausap kami sa telepono pero 3 taon na din kami hindi nagkikita. 1 taon lang ang tanda niya sa akin pero ate pa rin kung ituring ko siya.
Zeon: Naks naman.
Toby: Bakit ikaw wala ka bang kapatid?
Zeon: Wala eh.
Toby: Ganun ba? O, yan pala yung bahay namin.
Zeon: Ang layo naman. Saka yung bahay ninyo lang ang bahay dito?
Toby: Oo. Private resthouse kasi 'to. Lake house na rin. Mahilig kasi si Mama sa lakehouses pati na rin ang ate ko.
Zeon: Sosyal naman.
Toby: Tama na nga yan. Halika na. Papakilala sa ate ko. Oo nga pala. Pwedeng wag mong sabihin sa ate kong isa akong agent wala kasi siyang alam eh. Ang alam niya sa isang advertising company ako nagtatabaho. Ok?
Zeon: No prob.
Toby: Salamat. Halika na. Ate!

=======================================================================

Pagkagaling kong sa veranda naisipan kong magluto tapos magpahinga sa sofa.

"Ate!"

Si Toby.

Xyna: Toby! Pasok kayo. Naku nagabala ka pa, pa lang bilan ako ng putopao. Sino yang kasama mo? Mukhang yatang mayaman. Creed Silver Mountain perfume. Tama ba ako?

Lumabas ako sa pinto at niyakap si Toby. Ang tagal naming hindi nagkita.

Xyna: Ang laki mo na.

Pinisil ko ang cheeks niya.

Xyna: At ang cute pa.
Toby: Ate naman. 20 na ako hindi na ako baby.
Xyna: Oo na. Oo na.
Toby: Oo nga pala kaibigan ko si Zeon. Zeon, si Xyna ate ko.
Zeon: Hello.
Xyna: Hi. Sige pasok kayo.

Kinuha ko ang pasalubong sa akin ni Toby at tinago muna.

Xyna: Kumain na ba kayo? May pagkain dito kaluluto ko lang. Pero kakaunti lang. Hindi ka kasi nagpasabi na dadating ka eh.
Toby: Hindi okay lang ate. Busog pa kami. Ok lang.
Xyna: Bakit ka pala napapunta dito?
Toby: Wala lang. Naisipan ko lang magbakasyon. Mga isang linggo lang.
Xyna: Parehas pala tayo. Naisipan ko lang kasing magbakasyon. Saka kakamustahin ko lang si Drew saka yung Bailar. Matagal na rin hindi ko yun nabibisita. Sige maiwanan ko muna kayo ha. Medyo pagod din kasi ako sa biyahe. Kaninang umaga lang ako dumating.
Toby: Sige ate. Ok lang. Kaya na namin dito.

Umakyat na ako sa kwarto ko at umidlip.

=======================================================================

Zeon: Manghuhula ba ate mo? Bakit niya alam na may dala kang putopao at Creed Silver Mountain ang perfume ko?
Toby: So tama nga si ate mayaman ka. Creed Silver Mountain ang perfume mo eh.
Zeon: That's not the point. Ano manghuhula ba?
Toby: Loko! Malakas lang ang pangamoy nun kaya ganun. Bata pa lang kami ganoon na siya.
Zeon: Ano ba trabaho ng ate mo?
Toby: Fashion designer at saka dancer. Bukas o sa makalawa sasama kita sa dance studio ni ate doon sa may bayan. Teka. Bakit ba ang daming mong tanong sa ate ko ha Zeon?
Zeon: Masama bang magtanong?
Toby: Alam ko yan ngiting yan. Pare naman wag ate ko.

=======================================================================

Kinagabihan hindi ako makatulog kaya naisipan kong magswimming doon sa may lake. Tamang tama gabi malamig ang tubig.

Xyna: Zeon, tama ba ako? Wag ka nang magtago diyan. Alam kong nandyan ka dahil sa pabango mo.

=======================================================================

Hindi ako makatulog kaya lumabas ako sa veranda. Nakita kong nagswiswimming si Xyna sa may lake. Bigla niya akong nakita. Una kong naisip na magtago para hindi niya makita pero nakita or rather naamoy pa rin niya ako. Nakakainis 'tong pabango ko hindi naman matapang pero amoy agad ni Xyna. Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to.

Xyna: Gusto mong magswimming? Malamig ang tubig.
Zeon: Hindi okay lang.

Noong hinawi niya yung buhok niya sa gilid nakita kong may tattoo siya ng isang orchid sa may gilid ng leeg niya. Parang nakita ko na yung tattoo na yun hindi ko lang maalala kung saan.


Xyna: Sige. Bahala ka. Tumalikod ka.
Zeon: Bakit?
Xyna: Basta tumalikod ka.

Tumalikod ako.

Xyna: Sige pwede ka nang humarap.

Nagblush akong bigla. Naligo pala siya ng nakahubad. Robe lang pala ang dala niyang damit. Kaya pala niya ako pinatalikod.

Xyna: Sige ah. Matutulog na ako. Good night. Nice to meet you nga pala ulit.



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

wow ganda ng story sis ahh,,
next chapter n agad hehe  :D

btw, im dyek:) new reader  ;)


hi dyek! thanks! eto na yung next chapter! :)

nice story!  ;D ;D ;D

yan ang gusto kong story action kung action

go agents!!

thanks!
« Last Edit: July 13, 2009, 09:45:14 am by p!nk »
i and love and you

slabster

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 854
  • Karma: +91/-7
  • ShithouseRat
    • http://www.friendster.com/roseannng
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 2!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #19 on: June 17, 2009, 10:37:31 pm »
what can i say...that's a good writing style...
good luck. i'll wait for the next chapters.

cherryflavoredcandy

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2433
  • Karma: +120/-43
  • There is no remedy for love but to love more
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 2!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #20 on: June 17, 2009, 11:08:38 pm »
Second!
Sis KC!  ;D
naging inactive ako kaya hindi ko agad nakita agad ang new story

I like your new story :)
Nako paano ba yan muntik ng mabuking ;D

p!nk

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3076
  • Karma: +170/-49
  • taeminnie <3
    • twitter
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 2!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #21 on: June 18, 2009, 06:17:18 pm »
what can i say...that's a good writing style...
good luck. i'll wait for the next chapters.

thanks! i'm KC and you are? :)

Second!
Sis KC!  ;D
naging inactive ako kaya hindi ko agad nakita agad ang new story

I like your new story :)
Nako paano ba yan muntik ng mabuking ;D


Lil' sis! oo nga eh muntik ng mabuking buti na lang nakalimutan ni Zeon. ;D thanks ah. :)
i and love and you

slabster

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 854
  • Karma: +91/-7
  • ShithouseRat
    • http://www.friendster.com/roseannng
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 2!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #22 on: June 18, 2009, 09:50:10 pm »
thanks! i'm KC and you are? :)


R.A.   ;)

jamielle

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1237
  • Karma: +64/-13
  • εїз 프린세스 조안 εїз
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 2!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #23 on: June 18, 2009, 09:56:13 pm »
yes, may bago na akong babasahin. gusto ko toh. bdw, riel here. :) ang ganda ng story! i love it. super! kakaiba kasi...
♥ 사랑해요 김기범 ♥
εїз you are my DESTINY εїз


- 프린세스 조안 -

"Boundaries don't keep other people out. They fence you in."

p!nk

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3076
  • Karma: +170/-49
  • taeminnie <3
    • twitter
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 2!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #24 on: June 19, 2009, 06:30:15 pm »
R.A.   ;)

Hi R.A. Musta? :)

yes, may bago na akong babasahin. gusto ko toh. bdw, riel here. :) ang ganda ng story! i love it. super! kakaiba kasi...

Hi Riel! Thank you. :)
i and love and you

Ayra.

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1184
  • Karma: +72/-17
    • The Faintest Ink
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 2!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #25 on: June 19, 2009, 06:59:16 pm »
Sorry na-late ako. haha ang traffic kasi. LOL

OMG. Ang ewan mo Zeon! Di mo pa nahalata. HAY
Cause lately you make me weaker in the knees.

Para sa may mga problema sa puso.

slabster

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 854
  • Karma: +91/-7
  • ShithouseRat
    • http://www.friendster.com/roseannng
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 3!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #26 on: June 19, 2009, 09:53:48 pm »
im doin just fine.
when will you post the next chapter?

patrickstar_05

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1604
  • Karma: +98/-6
  • .i'm in your ♥ tonight. :]]
    • multiply.com
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 3!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #27 on: June 19, 2009, 09:54:31 pm »
pagpapatuloy ko ang pagbabasa bukas. hehe..

got to go na kasi. comment ko sa part na nabasa ko.

hmm. another mission. cool..  8)

p!nk

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3076
  • Karma: +170/-49
  • taeminnie <3
    • twitter
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 3!](Dance With Me)*NEW*
« Reply #28 on: June 19, 2009, 11:44:28 pm »
note: as promised! as schedule! eto na me! kahit medyo busy nagtry pa rin akong magupdate 'cause i don't want to disappoint my readers. mga readers, sana rumami pa kayo. ;D ang next sched po ay baka sa monday if i have time. oo nga pala po pasensya na po kung may mga misspelled words. sana unawain ninyo na lang po ako. THANKS! ENJOY! :)


CHAPTER 3
Dance With Me


Xyna: Tulog pa ba yan bisita mo?
Toby: Oo eh.
Xyna: Sige alis na muna ako magjojogging lang ako tapos didretso na ako sa Bailar. Bahala ka na diyan sa bisita mo. May iniwan na akong pagkain diyan. Wag ninyo na akong tirahan.
Toby: Sige. Ingat ka ha.
Xyna: Sige. Bye. Ay! Oo nga pala. Mamaya usap tayo. Marami pa tayong paguusapan.
Toby: Ano naman yun? Tungkol saan?
Xyna: Ikaw naman. Namimiss ko lang ang kapatid ko. Namimiss ko lang yung paguusap nating dalawa. Okay?
Toby: Okay. Dadaan na lang ako mamaya sa Bailar.
Xyna: Sige. Hihintayin kita doon.

Nagjogging ako tapos dumiretso na ako sa Bailar.

=======================================================================

Zeon: Ate mo?
Toby: Gising ka na pala. Wala siya. Umalis.
Zeon: Oo nga pala. Kailangan na nating magtanong tanong mamaya sa mga tao dito tungkol kay Guevarra at Recto.
Toby: Oo nga. Pagkakain gawin na natin yun.

Nagtanong tanong kami pero walang nakakakita kay Guevarra o kay Recto. Mga 2 oras din kami nagtanong tanong.

Toby: Sandali lang daan tayo sa Bailar kakausapin daw ako ni Ate.
Zeon: Sige.

=======================================================================

Nagpalit ako ng damit at sapatos tapos pumasok na sa Bailar. Nakita kong nagtuturo si Drew ng sayaw. Si Drew ang kababata ko nung nandito pa ako. Siya rin ang kapartner ko sa mga ballroom competition. Para ko na nga siyang kapatid eh.

Drew: If you're dancing with you partner think that he/she's the person you love..
Xyna: Dance with passion and desire. Show that you're having a good time. That you love what you're doing. Convince people that you are in love.
Drew: Exactly.

Lumapit ako sa tabi ni Drew.

Drew: Everyone. This is Xyna. She's the part owner of this dance studio. She's the greatest ballroom dancer I've ever seen.
Xyna: Masyado ka naman. Hello. Again,  I'm Xyna. Hindi ninyo alam pero Drew and I had been partners for about 8 years. Pero lumuwas ako ng Manila kaya natigil na ako sa pagsasayaw. I'm really excited to dance again. Baka kasi wala na ako sa shape. Hehe.

"Sample! Sample! Kayong dalawa ni Drew."

Drew: Sample daw.
Xyna: Ok lang. Anong gusto ninyong sayawing namin? Ano bang pinagaaralan ninyo ngayon?

"Tango."

Xyna: Tango?
Drew: Yun na lang sayawin natin. Ok lang ba sa inyo yun?

Pumayag ang lahat.

Drew: Parang lesson na rin 'to. So manood kayo ng mabuti.
Xyna: Hindi na ako masyadong magaling. Matagal na akong hindi na nakakapagsayaw.
Drew: Wala yun. Magaling ka pa rin no matter what. Start? Manood kayong mabuti ha?

Nagsayaw na kami ng tango. After naming magsayaw nagpalakpakan ang mga tao. Biglang kong nakita si Toby at si Zeon. Nilapitan ko sila.

Xyna: Thank you. O, Toby, kanina pa kayo diyan?
Toby: Medyo. Ang galing mo pa rin pa lang sumayaw.
Xyna: Ikaw naman. Tumigil ako ng matagal kaya eto medyo hindi na ako magaling.
Toby: Hindi ate. Magaling ka pa rin. 
Xyna: Sandali lang. Malapit na 'tong matapos. Hintayin ninyo lang ako.

Bumalik na ako kay Drew.

=======================================================================

Toby: Anong tingin mo sa pagsasayaw ni ate? Ang galing diba? Hello? Zeon? Hindi ka makakibo diyan.
Zeon: Sorry. Oo magaling nga ate mo.


=======================================================================

Drew: Nakita ninyo ba yun kanina? Yoon ang passion. You two partners may not be lovers in real life pero kapag nagsasayaw kayo dapat magmukha kayong lovers dahil sa passion ninyo for each other and for dancing. Gusto ninyo pa ba ng isa?

"Opo."

Xyna: Kayo ha! Pinapagod ninyo ako. Hindi loko lang. Para mas malaman ninyo pa more about passion, eto The dance of passion. The dance of captivation.. Samba.

=======================================================================

Zeon: Samba.

Sabay naming sinabi ni Xyna. Samba, ang tanging alam kong sayaw maliban sa waltz. Mahilig din kasi sa ballroom dancing ang Mama ko. Ang paborito niya Samba tapos yun ang tinuro niya sa akin. Nakikita ko nga si Mama kay Xyna eh. Mommy's boy kasi ako eh. Too bad she's dead now.


Toby: Ano yung sabi mo?
Zeon: Wala.
Toby: Gusto mo bang sumayaw? Marunong ka bang magsamba?
Zeon: Ah Eh. Oo.
Toby: Ako bahala sayo. Ate!

Lumapit si Xyna.

Xyna: Excuse me lang ha. Bakit Toby?
Toby: Gusto daw makipagsayaw sayo ni Zeon.
Zeon: Hindi ah. Sabi yun ni Toby.
Xyna: Marunong ka bang magsamba?
Zeon: Akala ko ba ayaw mo ako sa kapatid mo bakit sinasabi mong makipagsayaw ako sa kanya?

Binulong ko kay Toby.


Toby: Sayaw lang naman eh. Oo marunong siya. Sayaw kayo.
Xyna: Ok lang ba sayo?

Tumango ako.

Xyna: Ok. Halika na.

Nagsayaw kami ng samba.

=======================================================================

After namin magsayaw ni Zeon nagpalakpakan lahat ng tao.

Xyna: Thank you. Hindi ko alam na magaling ka pala sa samba.
Zeon: Samba lang naman at simpleng waltz ang alam ko. Tinuruan kasi akong Mom ko eh.
Xyna: Ah ganun ba.
Drew: Nakita ninyo ba yun? Ganoon dapat. Tapos na ngayon ang lesson bukas balik ulit kayo for the next lesson iaapply na natin ang nakita ninyo kanina at tuturuan ko pa kayo ng ibang techniques.

Umalis na yung mga tao ang natira na lang doon sa studio ay si Toby, Zeon, Drew at ako.
 
Drew: Magaling ka pa rin talaga Xyna.
Xyna: Tama na nga yan. Masyado ng puro papuri.
Drew: Kamusta ka na pala?
Xyna: Eto pumunta dito para magrelax at magbakasyon. Parati na lang kasing trabaho eh. Ikaw kamusta ka na? Itong dance studio?
Drew: Ok lang naman ako. Sumasali pa rin sa mga competition pero tulad ngayon free time ko, dito ako nagtuturo ng ballroom dancing.
Xyna: Sa susunod kapag may competition tawagin mo lang ako i'd be very happy to be your partner. Magaling ka rin kaya matutuwa akong maging partner ka.
Drew: Salamat tatawagan kita kung kailangan ko ng partner.
Xyna: Sige. Mauna na ako.
Drew: Sige.

Pumunta ako sa direksyo nina Toby.

Xyna: Pasensya na kinausap ko pa si Drew eh.
Toby: Ok lang.
Xyna: Halika na. Treat ko kayo sa labas.

Pumunta kami doon sa may kainan sa kabilang kanto.

Xyna: Oo nga pala. Kamusta na yung trabaho mo doon sa advertising company na yun?
Toby: Ah.. Eh.. Ok lang naman. Maganda naman ang sweldo. Eh ikaw ate anong ba trabaho mo ngayon?
Xyna: Intern pa lang ng isang designer. Baka in the mere future magtayo na lang ako ng sarili kong boutique or something related to fashion and dancing. Alam mo naman yun ang hilig ko.
Zeon: C.R. lang ako excuse me ah.
Xyna: Sige.

Umalis sandali si Zeon.

Xyna: Eh lovelife? Kamusta naman yun?
Toby: Ate naman. Secret na yun. Malaki na ako hindi na kasama yun sa mga dapat ipaalam sa iba. Kung tutuosin hindi nga dapat natin yun pinaguusapan.
Xyna: Bakit? Wala ka na bang tiwala sa akin?
Toby: Hind naman ate.
Xyna: Ikaw naman. Hindi na kita mabiro. Ok lang yun. Pero ako eto walang panahon. Parang coke ang love life ko.. zero.
Toby: Corny mo. Haha.
Xyna: Haha.

Bumalik si Zeon sa upuan namin.

Zeon: Anong pinaguusapan ninyo?
Toby: Wala lang.

Pagkauwi namin nakatulog ako doon sa sofa. Nang kinagabihan nagluto ako para amin ng sinigang. Kumain na rin kami pagkatapos kong magluto. Kinagabihan naisipan kong umakyat ng puno doon sa may tabi namin kaya daladala ang laptop ko, umakyat ako sa taas at nagpahangin. Soysal na pagpapahangin ano? hehe. Eto ako nagsesenti. Ewan ko ba at tinitignan ko pa itong mga dating pictures namin ni Clark.  Habang nagsisintimeynto de asukal ako eh napasin kong may tao sa baba.

Xyna: Sino yan? Kung sino man yan magpakita ka.
Zeon: Ako 'to.
Xyna: Ikaw pala Zeon. Sige akyat ka.

Umakyat si Zeon at umupo doon sa kabilang sanga malapit sa akin.

Zeon: Ang hirap umakyat. Bakit gusto mo dito?
Xyna: Wala gusto ko lang peaceful.
Zeon: Sino yang lalaking kasama mo sa picture?

Sinarado ko agad yung laptop ko ng nakita niya yung picture ko with Clark. Noong masaya pa kami.

Xyna: Just a nobody.
Zeon: Hindi nga. Boyfriend mo?
Xyna: I don't have a boyfriend.
Zeon: Then husband?
Xyna: Lalong wala akong husband.
Zeon: Eh ano nga?
Xyna: Bakit mo ba tinatanong?
Zeon: Wala lang. I guess I just want to know you better.
Xyna: You want to know me better? But why?



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry na-late ako. haha ang traffic kasi. LOL

OMG. Ang ewan mo Zeon! Di mo pa nahalata. HAY

Kapag naalala niya agad yoon buking si Xyna agad. paano na yun? ;D thanks for reading. :)

im doin just fine.
when will you post the next chapter?

eto na. sorry it was late.

pagpapatuloy ko ang pagbabasa bukas. hehe..

got to go na kasi. comment ko sa part na nabasa ko.

hmm. another mission. cool..  8)

ok lang. sige. thanks for reading! :)
« Last Edit: July 13, 2009, 09:46:52 am by p!nk »
i and love and you

slabster

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 854
  • Karma: +91/-7
  • ShithouseRat
    • http://www.friendster.com/roseannng
Re: AGENT: DARK ORCHID [CHAPTER 3!](yay for readers!)*NEW*
« Reply #29 on: June 20, 2009, 12:10:35 am »
read it already :D

 

Advertisement