Teentalk

Poll

Question?

I post comments eh.
Silent Reader

Author Topic: ||CHEATER VS MAN-HATER|| PAGE 93 :DD  (Read 79801 times)

Czaaa

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1279
  • Karma: +93/-70
  • shake that thaaang! :))
||CHEATER VS MAN-HATER|| PAGE 93 :DD
« on: May 29, 2009, 09:08:03 pm »

a CHEATER
VS
a MAN-HATER

©C

Lyzzete Socorro Benitez - CORR
Leandro Steven Benitez - STEVE
John Presbitero Corpuz - PRESBi
Prince Kyle Elizalde - KYLE
Kristian Miguel Arellano - MIGS
Jonathan Jord Lopez - JJ
Maria Annica Santos - NiCS
Kristelle Anne Santillan - KiTEL
Jasmine Aaron - JAZZ
Pedrocio Zuniga - DRO
Leendel Crisostomo - LEE
Andrei De Guzman - DREI



ROUNDS:
|0|1.1|1.2|2.1|2.2|3|4|5|6|7|

|8.1|8.2| 9|10|11|12|13|14|15|16|

|17|18|19|20|21|22|23|24|25|26|

|27|28|29|30|31|32|33|34|35|36|

|37|38|39|40|41|42.1|]42.2|42.3|42.4|


« Last Edit: January 15, 2011, 02:17:14 pm by Czaaa »
Stories: ANB|MMH

SkYzErOh8

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 11
  • Karma: +5/-0
  • I LOVE THE THINGS........ YOU HATE
Re: CHEATER VS MAN-HATER | New Story | please read :3
« Reply #1 on: May 29, 2009, 09:21:10 pm »
perz b aq ??..perz b aq??.. hahaha uo nga perz aq ata?? haha ;D
nice one.. :)
kelan up?? :-[  8) hahaha demanding much?? ;D
xcited c aq hahaha
support support....
skatey nga pala... :)
kip it up :)
aztig to hahaha
« Last Edit: May 29, 2009, 09:24:39 pm by SkYzErOh8 »

zyeanne23

  • Guest
Re: CHEATER VS MAN-HATER | New Story | please read :3
« Reply #2 on: May 29, 2009, 09:31:57 pm »
tihuuuurts!.
new story na naman.LOL. ;D
support ako.
silent reader ako sa STATUS ihh.
hahaha!. ;D

Czaaa

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1279
  • Karma: +93/-70
  • shake that thaaang! :))
PROLOGUE
« Reply #3 on: May 29, 2009, 09:33:23 pm »
Opening Remarks:

Author's Note:

Dahil sa kadahilanang  (Labo.) madaming tumatakbo sa isip ko. Naisip kong...Gumawa ng bagong story [:
it was a month ago nang may nabasa akong blog ng friend ko, kaya ayun. Dun ko nakuha yung Idea (Kudos to her.)

(hindi talaga ako magaling sa opening remarks.lol)

SOME REMINDERS: (ang landiii may nalalaman pa kong ganito.lol)
baka di ko na macensored yung mga bullsh1t words (nawawala kasi yung feelings. LOL.) Anyway, baka kasi makaencounter kayo ng masyadong maraming such words. kaya ayun :P

PARENTAL GUIDANCE. :D

If ever may kapareho ako ng story...Dont worry di ko 'to ginaya. Talagang hindi lang ako mapakali, kaya nagstart ako ng bago. Gets nyo naman di ba? Alam nyo yun masyadong maraming ideas ang nagpplay sa utak ko. luuul (kalokohan ko.) :D

And...Hindi muna ako magpopost ng Cast Pics, since habang nagbabasa ako ng ibang story--- Eh ibang mukha ang naiimagine ko :D Kaya as the story goes...Sana magsend kayo sakin ng pictures ng mga nasa isip nyo ;) Thanks!

(Ang haba ba? Suri.)  :P




PROLOGUE:

JOURNAL:
http://itscorr.journal.com (this is not true, obviously.)

Quote
Date posted: March 21, 2007
Title: Stick to one ako, kaso ikaw hindi. (Bato bato sa langit, Tamaan sapul.)

STICK TO ONE. Masarap makilala as stick to one, try niyo maging, one of the best compliments ever!

#1
Kapag ikaw, may pagtingin ka pa sa ex mo,

wag ka munang magpaka-attach sa panibago. Automatic REBOUND ang bago mo! Utang na loob! :)) Alam mo yung 3-month rule? USO YUN! Sa 3 months na yun try mong maging SINGLE.. Yung as in wala ka munang kiber sa kahit na sinong opposite sex, may commitment man o wala basta putangina 3-month rule sabi eh!

Okay sabihin na nating wala ka nang pagtingin, pero gusto mo pang pagtripan, papampam ka, tantanan mo na siya lalo na kung ikaw naman ang dahilan ng break up ninyo. Tapos may bago ka na, o kaya may bago na siya, basta nagmmove on na ang isa. Spell the word H-I-Y-A!
 
#2
BEST FRIEND. BES. BEST. BESZ. BEZ. BESH. PUTANGINA WHATEVER YOU CALL IT.

There's no such thing as best friend. Oh walang kokontra, applicable lang naman to sa mga taong alam na ngang may malisya sa kanilang sariling so-called best friend ayaw pang aminin kahit mismo sa sarili nila. Apir tayo kung may kilala kang ganito ang sitwasyon! Ganito kasi yan, si girl at si boy may sari-sarili silang jowa, pareho silang committed kaya dinadaan nila sa BES !@#$ para hindi halata. Hainako ang dami kong kilalang ganito! :)) Kung alam niyo lang, yung mga jowa niyo maytinatagong selos sa mga bes niyo! HAHAHAHA. Hindi sila tanga, nakakaramdam sila. DUH.

#3
SAMANTALAHIN ANG BAWAT PAGKAKATAON. GRAB EVERY OPPORTUNITY.

Hay nako marami din akong alam na ganitong kwento ng buhay! Pareho silang committed, kaya naman kapag may pagkakataon silang makawala sa mga jowa nila, magkikita at magkikita yang dalawang yan tapos magdedate, magmomoment, magffeeling magjowa, and all that. Pwede ring isa lang ang committed sa kanila, basta bawat pagkakataon di nila palalampasin yan pramis! :))

#4
INUMAN.

"Bhe, lasing lang ako." !@#$ YOU! Isa pa, !@#$ YOU! :)) Ieexplain ko pa ba to? Sige sige. (Sabi to ni Kambal:) In my YEARS of drinking alcohol, I've tried many kinds of alcoholic beverages. DUDE, kahit may amats ka alam ko at alam mong imposible na 0% ang awareness mo sa pinaggagagawa mo.
There's still something inside of you na alam na mali ang gagawin mo pero dahil psychologically speaking, iniisip mong nakainom ka, kaya GO KA LANG! In the first place, hindi ka rin dapat nakikipag-inuman sa kung kani-kanino lalo sa mga HOT. Or else gusto mong patayin sa nerbyos at pag-aalala ang jowa mo.

Para sa mga lalaki, "Lalaki ako, I have my needs!". LINTEK KA, hindi girlfriend ang kailangan mo. SEX is one of the biggest aspects in cheating. Oh well, pwede rin pala sa mga babae ito. Ganun na ang henerasyon natin ngayon.

#5
LIWALIW.

You're just having fun, when the cat is away, the mouse will play. Mahal mo siya kapag nandyan siya, kapag hindi mo siya kasama automatic single ka. Parang ayaw mong palampasin lahat nang isda sa dagat.

BITTER NA KUNG BITTER. I HATE YOU LIKE HELL CHEATER!
BLOG KO 'TO!
Mkay??
(Author's Note: ^ yan po yung blog na sinasabi ko anyway may tinanggal akong parts, nagdagdag at nagayus, pero yan parin yun. So kudos ulit to her.  :-*)


CORR's:

!@#$. Ganito ba ko kabaliw sa kanya nuon? At nagawa ko 'tong blog slash parinig na blog na 'to? Nakakatawa talaga. Naalala ko Pagdating na pagdating ko sa states, ginawa ko agad 'tong blog na 'to. Ganun ko ba sya kamahal nuon?

Naalala ko pa, Pagdating na pagdating ko dito. Oras oras yata akong tinatawagan ni Kambal. Masyadong nagaalala ang mokong, Pero kasalanan din naman nya! Hinayaan nya kong magmahal sa hinayupak nyang kaibigan.

Anu ka ba naman Corr? Pinagsabihan ka naman ng Kambal mo, Ikaw 'tong tatanga tanga at hindi nakinig. Ayan tuloy! For almost a year mukha kang buhay na patay.  ::)

Siguro? Nagtataka kayo sa mga pinagsasabi ko? Kung anu 'tong blog ko? Okay im going to explain it...


FLASHBACK
(refer to the blog.)

It was October 8, 2006 nang maging kami ni Presbi. After few months of panliligaw, nun ko lang sya sinagot 2nd year High school kami noon. He is my first boyfriend and...first love. Kung anu anung kaewanan pa ang ginawa ko para payagan lang ako nila Mom and Dad pati na rin si Kambal(Kuya ko.) na magkaroon ng boyfriend. Ilang beses ko silang sinuyo suyo bago ko sagutin si Presbi.

Nang sinagot ko na si Presbi.


"Nako. Sinasabi ko sayo Socorro, pag nasaktan ka nya. Ewan ko na lang. Pinagsabihan na kita." Sya nga pala si Leandro, *batok* este Steve. Kambal kami, Yun nga lang sya ang kuya kasi nauna sya sakin ng ilang minuto. Anyway, Magkabarkada kasi sila ni Presbi, simula nung grade school, kaya close sila.
"Anu ba 'LEANDRO'? Kelan ko ba sasabihin na wag na wag mo kong tatawaging Socorro." I hate it whenever they call me Socorro. Naman.  >:(

Sumama lalo tingin sakin ni Kambal.

"Kambal" nagpuppy eyes ako.
"Trust me, everything will be okay. Hinding hindi nya ko lolokohin at hinding hindi ako magpapaloko"

He sighed.


"Sana..."


#1
Kapag ikaw, may pagtingin ka pa sa ex mo

1 or 2 months palang after magbreak ni Presbi at ni Monic nang tanungin nya ako...

"Pwede ba kitang ligawan?"

Nagaatubili pa ko nun, alam nyo na? I have this feeling na gagawin lang nya kong panakip butas o baka naman lokohin nya ko? Kasi balita ko chickboy daw 'to. Maraming girls ang umaaligid.. Pero...

I like him, sobra... He is a basketball player of our school, Marunong syang tumugtog ng musical instruments(Nagbabalak pa nga sya bumuo ng banda.), He is tall, Handsome, Rich, A famous student of our school kahit freshman palang kami nuon sa high school sikat na sikat na sya kasi may mga nagkakagusto din sa kanyang mga seniors dahil daw sa cute sya. Hay naku.. He's perfect. Kaya wala akong nagawa kundi...

"Ah--Eh? Su-sure..."  :-\



#3
SAMANTALAHIN ANG BAWAT PAGKAKATAON. GRAB EVERY OPPORTUNITY.
A week after kong sagutin si Presbi...

NICS: "Corr! I saw Presbi and Monic a while ago, sa may school garden. Naguusap na sila, do you know anything about this?" Nagulat ako sa sinabi ni Nics, pero syempre i tried to calm down...Pero--

Ayaw talaga. >:D


KITEL: "Naku, sinasabi ko na nga ba. Baka naman tinwotwo time ka nya!"
"Girls, hindi ganyan si Presbi." I try to convince them or... I'm trying to convince myself.  :-\

Dahil hindi ako mapakali...
Pumunta kami ng school garden...and...


"See? I told you."


#2
BEST FRIEND. BES. BEST. BESZ. BEZ. BESH. PUTANGINA WHATEVER YOU CALL IT.

Ilang araw na kong di mapakali. After kong makita sila Presbi at si Monic na nagusap sa may school garden, Hindi ko mapigilang mainis, magtaka, magselos, at...masaktan.

"Anung problema?" Magkasama kami ngayon palabas ng school.
"Uh--Eh Wala."  :-\

"I know merong problema. Anu yun?" Anu ba naman kasing mukha yan? How could I resist you? Panu kita matitiis kung... Simpleng tingin mo lang sakin...

Natutuliro ako.  :-[

"Si Monic..."

"Ahh..." Then nagsmile sya ng parang wala lang.

HOY ANU BA. NAGSESELOS AKO.


"Siguro may nakapagsabi na sayo no?...may communication na ulit kami..." WOW. Talaga? CONGRATS.  >:(
"Nagseselos ka no?" Nilapit nya yung muka nya sakin...

OO! SELOS NA SELOS AKO. LINTIK. kung alam mo lang, lahat ng tao tinatanong kung break na ba tayo kasi nagkabalikan na daw kayo.

"Ako? Ba't naman ako magseselos?" I manage to answer.

"Tama, wala ka naman dapat pagselosan. Kasi ikaw ang girlfriend ko... at Bestfriend ko na lang sya..."

 :o

"B-B-Be-Bestfriend?"


#4
INUMAN.
and
#5
LIWALIW.

Ewan ko ba, pero ka-babata pa nitong mga 'to eh natuto na agad uminom. Grabe kakaiba talaga ang mga kabataan ngayon.

Birthday non ni JJ, at dahil kakauwi lang ng Daddy nya galing abroad eh maraming pera ang mokong. Kaya ayun, nagpainom ang daddy nya sa bahay nila.

Nagpaalam ako sa Mommy at Daddy ko kung pwede akong sumama. Kaso ang napakagaling kong Kambal...


"Ma, wag nyong pasamahin si Lyzzie" Lyzzie nga pala ang tawag sakin sa bahay. Pero sa school pinauso ko ang Corr. :D
"Inuman yung birthday ni JJ"


 >:( >:( >:(

Ang napakagaling kong kambal talaga. Kaya ayun, hindi ako pinayagan. Lintik! Andun pa naman si Presbi.  >:(

Hayyy...Anu na kaya ang ginagawa dun sa birthday ni JJ?  :-\

Kanina ko pa tinetext si Presbi pero ni isang reply wala. Ay nak ng tokwa.

Pero syempre. TRUST. Inisip ko na pagenjoyin muna sya dun sa party ni JJ. Kaya di ko na kinulit. Sabihin pa nya possesive ako.




1
message
received

Quote
From Nics:
OMG Sis, Monic is hr. :|

 :o :o :o

Trust him Corr. TRUST.  :-\

kinabukasan...

"Oh? What happen to your face?"  :o Tanong ko kay Presbi pagkakita ko sa kanya sa may corridor.

May pasa kasi sya sa mukha.  :-\


"Ahh...Wala 'to, nauntog lang sa may kama ko."

*SCHOOL BELL*

"O sige mamaya na lang tayo magusap ah? Baka malate ka pa. Bye Love you."  :-* Pumasok na sya sa room nya, First section kasi ako habang sya, Eh Class D, Alam nyo na.

NICS: "Corr!" Tawag sakin ni Nics pagkapasok na pagkapasok ko sa room.
"Oh bakit?"

KITEL: "Have you seen him?" They're talking about Presbi.
"Yeah, kanina lang"  ???

KITEL: "Nagsorry na ba sya? Nagapologize? Or anything? About what he did?---"
"Teka. Teka. Ano?"  ???
NICS: "Hindi mo pa ba alam?"  ??? >:(
KITEL: "Hay nako. That guy!"  >:(

Ilang beses ko ng tinanong ng tinanong sila Kitel at Nics kung anu yun. Pero wala ni isa sa kanila ang nagsabi, Mas okay pa daw na sa bibig ng "magaling" kong boyfriend manggaling.

Argh! Anu ba kasi yun?!

Nung break time...I waited for him sa labas ng room nila.

"Pres---"

"Corr! may biglaang meeting for varsity I need to go there agad. Sumama ka muna kila Nics. See you later"

At don, ayun tumakbo na sya. Wala pa nga akong nasasabi eh.  >:(
Anu ba kasi yun?! Hindi tuloy ako mapakali!  :-\

Then nakita kong lumabas si Kambal sa room nila. (Magkaklase kasi sila ni Presbi.) Nalate kasi sya ng gisng kaninang umaga kaya hindi ko na sya nakita sa bahay.

"Kambal!"  :)

"Oh?"  ??? Ba't ang sungit neto?
"Meron ka ba? Ba't ang sungit mo?"

"WALA! Tanungin mo yung boyfriend mong magaling!"  >:( He looks really mad. At pwedeng pwede nang pumatay.
"Damn it. Anu ba kasi nangyari? Lahat kayo may alam na, Ako 'tong 'girlfriend' Ako pa ang walang alam!" :( Then hinawakan ako sa magkabilang braso ni Kambal.

"Socorro," He's serious. Tinawag nya kong Socorro eh.  :-\
"You better break up with him, He's cheating on you."  >:( :-\ Teka teka.

Anu daw??


"Nakipaghalikan sya kay Monic kagabi...That's why i punch him on his face"

:o :-\ :-X :'(

Ilang araw kong hindi pinapansin si Presbi...Halos isang linggo din yun ng di namin paguusap. Pero wala. WALA.

WALA SYANG GINAWANG EFFORT PARA KAUSAPIN AKO.

"Pres! Teka nga!"  >:( I grab his arm, nandito kami sa may papasok ng GYM, may training kasi sila ngayon sa basketball.

"Oh? Buti kinakausap mo na ko." Aba sya pa may ganang magtaray?! Aba!
"Hinintay kitang kausapin ako...Hinintay din kitang lapitan ako...At hinintay kitang magsorry sakin... Pero...Wala..."  :-\ Inalis nya ang kamay ko at hinawakan ito.

"Ano bang problema?" At ngayon? Hindi mo alam ang problema? IKAW. IKAW ANG PROBLEMA! NAKIPAGHALIKAN KA LANG NAMAN KAY MONIC.  >:(
"Ah...Eh...Nabalitaan ko yung nangyari sa b-b-birthday ni JJ."  :-\  :'( Medyo nagulat sya...Pero tumingin sya sakin...

Yung tingin na naman nya na yun. Hay nako.  ::)


"Hindi ko sinasadya yun...Im drunk. Okay?"

*WHISTLE*

"Sige, tawag na kami ni Coach eh. See you tomorrow. Love you Bye."  :-*

At yun na nga...Yun lang ang natanggap kong words from him...

Nasan na yung sorry?  :-\



CHEATER: THE END

Halos isang buwan akong hindi kinausap ng matino ni Kambal after nung nalaman nya na hindi ko hiniwalayan si Presbi after nung nangyari sa birthday ni JJ. Pero ako, ayus lang alam ko hindi nya ko matitiis at... Mahal ko si Presbi eh...

It was March 16, Last day ng pagiging sophomore ko sa high school nang mangyari na ang inaasahan ng lahat... Maliban sakin.  :-\

"Nakita mo ba si Presbi?" Gusto ko sana sya mahug manlang, Kasi sa summer, alam ko mamimiss ko sya ng sobra. Hindi ko na sya makikita araw araw. At magiging busy din sya kasi may Summer training ang basketball team ng school namin. at saka may ibibigay ako sa kanyang baller. Remembrance ba?  :D


"Nasa may school garden ata? Dun ko sya iniwan kanina eh."
"Ahh o sige. Puntahan ko na lang sya dun"  :)

Nagmamadali ako sa pagpunta sa school garden namin, excited na kasi akong ibigay kay presbi 'tong baller. Alam ko magugustuhan nya 'to. Syempre ako nagbigay eh  ;D

Nang makarating ako sa school garden...

 :o :o :o

Nakita kong magkayakap si Presbi at si Monic.  :-\

Syempre ayoko mageskandalo kaya eto nagtago muna ako at nakinig sa pinaguusapan nila...


"Pagdating ng Summer, babalik na ang dati sa lahat di ba?" Sabi ni Monic habang bumitaw sa pagkakyakap ni Presbi.
"Oo, araw araw na tayong magkikita. Wala ng istorbo." Istorbo?!?  :'( Sino? Ako? Ako pa ang istorbo ngayon.
"Nahihirapan na kasi ako sa patago na relasyon natin. Gusto ko maibalik yung dati."
"Tomorrow, babalik na ang lahat sa dati. Dont worry."
"I love you My Presbi..."  :-*
"I love you too My Monic" My My kayo jan! Putek. ang kokorni nyo---

Bigla na lang sila nagkiss.

As in kiss...

Ang tagal kong pinanuod yung eksenang yun,..Ang tagal ko din para tumayo at para pulutin yung nadurog kong puso...

Niloko nya ko. He cheated, He cheats, and He's cheating on me.

Lumabas ako sa pagkakatago ko...


"CHEATER!!!" Sabay bato nung daladala kong box na pinaglalagyan nung baller.

Tumakbo na ko paalis...

Umiiyak...

Pucha. Ang sakit. Ang sakit sakit.

After everything that I have done...

Lahat ng sakripisyo ko...

Pagttyaga sa kanya...

Pag iintindi...

Pagmamahal...

at

Pagtitiwala ko sa kanya...

NASAYANG.

NASAYANG LAHAT.

SINAYANG NYA!



Niloko nya ko...


Niloko nya ako, habang ako...

Etong tanga't nagpatuloy sa pagtitiwala sa kanya...





Ang sakit...







Ang sakit sakit masaktan...



Ganito pala yung pakiramdam...



Parang dahan dahan kang tinotorture...



Kaya yung sakit....



Ramdam na ramdam mo...




















































ITAGA MO SA BATO...

 





























HABANG BUHAY KITANG KAMUMUHIAN JOHN PRESBITERO CORPUZ!  >:(
























































I HATE YOU CHEATER!!!




Skatey: Yay for Skatey! Yey! Thanks for reading :3 ayun nakahinga na ko, kasi may nagbasa ng prologue [:
Thaaanks!!

haha. Update ba?.

Im still waiting for some feedbacks before the chapter 1 [:

ayun gusto ko kasi malaman kung okay yung start [:

Jhe: Yiheee! Yay for you! :* Thaaaaanks! haha. oo silent reader ka LOL. :D Salamat [:
« Last Edit: September 30, 2009, 02:09:47 pm by Czaaa »
Stories: ANB|MMH

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: CHEATER VS MAN-HATER | New Story | please read :3
« Reply #4 on: May 29, 2009, 09:34:43 pm »
Nice first post. (: Anyway, keep it up.

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

Czaaa

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1279
  • Karma: +93/-70
  • shake that thaaang! :))
Re: CHEATER VS MAN-HATER | New Story | please read :3
« Reply #5 on: May 29, 2009, 09:37:24 pm »
thecagedDOLL: Weee thaaaaanks [: Yay for you :* Salamat. haha.
medyo nageffort talaga ako para sa prologue neto. [:
Sana suportahan nyo [: mwaaa!
Stories: ANB|MMH

hera11

  • Guest
Re: CHEATER VS MAN-HATER | New Story | please read :3
« Reply #6 on: May 29, 2009, 09:40:58 pm »
naks! ang cool nung blog! pedeng malaman yung blogsite nya? ahehe. nakyutan ako sa blog nya ee. pretty please? :]

eniwiie, ankyut ng story mo, imma gonna support this. astig! :]

Czaaa

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1279
  • Karma: +93/-70
  • shake that thaaang! :))
Re: CHEATER VS MAN-HATER | New Story | please read :3
« Reply #7 on: May 29, 2009, 09:44:21 pm »
hera11: I'm not sure, whether mavview mo sya. Nakaprivate kasi yung account nya. [:
Anyway...Thaaaaanks! nakakataba ng puso  :)

Yay for you!
Stories: ANB|MMH

paise_19

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 40
  • Karma: +10/-0
  • TeenTalker
Re: CHEATER VS MAN-HATER | New Story | please read :3
« Reply #8 on: May 29, 2009, 09:51:26 pm »
Nice new story!!! :)
ang cute ng start! ;)
Patty nga po pala name ko... new reader po :)

Go Corr kaya mo yan!!! ::) ::)
Paluhudin mo siya sayo!!! lolz!!! 8) 8)

Czaaa

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1279
  • Karma: +93/-70
  • shake that thaaang! :))
Re: CHEATER VS MAN-HATER | New Story | please read :3
« Reply #9 on: May 29, 2009, 09:54:29 pm »
Patty: Hi Patty [: Cza here! Yay for you! [:
Salamaaaaat :* haha. akoy natutuwat nagustuhan mo [:
Yeah! Go Corr!
Stories: ANB|MMH

Czaaa

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1279
  • Karma: +93/-70
  • shake that thaaang! :))

ROUND 1.1:

"A new beginning at its end "
The only way to love is not finding the perfect person but by loving the imperfect person perfectly.

CORR's:

(It's still part of Corr's kwento.)

At yun nga, after nang nangyari. Sinabi ko or should I say nagmakaawa pa ko sa parents ko para payagan muna akong magstay sa states. Panandalian lang, para makalimot, makapagisip at the same time sabi ko pa 'para na rin maparusahan' sa mga ginawa ko.

Pagkatapos ng ilang araw kong pagpapakapako sa krus, eh pumayag din sila Mommy at Daddy...


"Ikaw talaga, magiingat ka anak ah?" Sabi ni Mommy habang nasa airport na kami.

Ako lang kasi ang pupunta ng states, kay Tita muna ako titira. Pumayag naman din si Tita kasi gusto rin nya ng may makasama. Dalaga pa rin kasi si Tita, eh since favorite nya ko sa lahat ng pamangkin nya. Ayun napapayag. At aba, sagot pa daw nya ang lahat ng gagastusin ko.

"Opo Ma, Dont worry. Pag balik ko. Iba na ko :) ill change for the better, Ive learned my lessons."

"Lyzzie, pwede pa naman magbago ang isip mo, you dont have to do this." Sabi naman ni Daddy na nalulungkot sa naisip kong pagalis.
"Dad, babalik naman ako agad eh. Ilang buwan lang naman ako dun. Don't worry im going to take care of myself. I'll be more responsible." Then I hug him.

"Basta wag ka makakalimot tumawag, magtext o magemail ah?"
"Syempre po Dad. lagi ko kayong iuupdate." ;)
"Mamimis kita Anak."  :'( I also hug my mom.
"Mom, I'll miss you too"

"Magingat ka ah? at magaral kang mabuti."
"Opo, you'll be proud of me. Kayong lahat--" Napatingin ako sa may gilid.

Nandun si Kambal, walang imik.

Hayy nako. hanggang ngayon ba naman nagtatampo parin 'to? Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Miss na kita...at Mamimis kita lalo." I hug him from his back.

humarap sya sakin, at hinawakan ang magkabila kong braso.


"Lyzzie...Sorry ah? Kung sumama ang loob ni Kuya. Mamimis din kita." Then he hug me.
"Sabi na nga ba eh, hindi mo ko matitiis."  :'( Naiyak na lang ako bigla, kasi naman. Ang tagal talaga naming nagkatampuhan ni Kambal.

"Oh pano? baka malate ka pa sa flight mo, magingat ka ah? Lagi mong tawagan si Kuya. Magaral kang mabuti. Wag kang magpapalipas ng gutom, kumain ka ng gulay at ng fruits, magtake ka ng vitamins, wag kang papaulan, magdala ka lagi ng payong o kaya ng sweater---" Ayan na si parent number 3 :D

"Opo" :P Then he tapped my head and ginulo yung buhok ko.

"Pag magbboyfriend ka dun, magpaalam at magsabi ka muna kay Kuya okay?"
"LEANDRO?!"  >:(
"Hehe. Joke lang." :P

END OF FLASHBACK

Yun ang nangyari. [:

Kaya I spend a year and few months here sa States. At mission accomplished naman, After few months...

*Tinigilan ko na ang pagvview ng facebook ni Presbi. (Ilang beses ko kasing tinry na idelete sya sa list of friends ko, kaso di ko talaga magawa. Aba sayang no.) :D

*Tinigilan ko na din ang pagaattempt na mag PM sa kanya sa YM.

*Tinigilan ko na din ang pagpunta punta sa journal site nya (Kahit wala namang laman.)

*At kahit pano, naiiwasan ko na syang mailagay sa isipan at sa utak ko.

Ginawa kong busy ang sarili ko simula ng nakarating ako dito.

Nagaral ako lalo ng mabuti. At sinikap na maka A sa lahat ng Subjects ko.

Nagshopping ako ng nagshopping. (Sagot ni Tita, hindi kasi nya ko pinayagan may working student. Hindi naman daw kailangan)

Sobrang inimprove ko yung sarili ko.

Nag diet ako,

nagpaputi (lalo.)

Nag paayos at nagpakulay ng buhok (Nauso kasi yung wavy dito sa states kaya ayun, nagpaganun din ako) :P

Pagbalik ko...

Luluhuran ako ni Presbi. >:D

mali mali mali.

Luluhuran ako ni Presbi.

Pag balik ko.

ibang iba na ko.









I'm the better "Corr Benitez."


Quote
Date Posted: May 27, 2009
Title: I smell PINAS.

I'll see you soon Lovies [: I miss you so much.
Gimme a BANG when I got home. aryt?
mwaaa!

comments:
Quote
Posted by: NicsNics

OMG! I couldnt wait any longer. I'm so excited to see you na!
Quote
Posted by: sKITELs

I miss you BIGTIME! I'll see you soon Babe :*
Quote
Posted by: SteveBenitez

Kambal! Paguwi mo baka di na kita kamukha ah? :D
Quote
Posted by: Some random persons.

Uuwi ka na? Oh My, so you're going to CVM(Author's Note: eto yung school nila. at hanggang ngayon nagiisip padin ako ng meaning.lol) padin?
Quote
Posted by: Some random persons

Ill see you soon!
see 57 more...

Grabe, ang daming nagcomment sa latest blog ko. LOL.

i click the "see 57 more"


comments
comments
comments
comments
comments

.........


Puro schoolmates ko lang sa CVM kaya ayun, naghome ulit ako.

Quote
You have received a new comment/s






 :o :o :o







































































Quote
Posted by: PresbiCorpuz

See you soon.


See you soon see you soon ka dyan! See you soon your face!  >:( >:( >:(

Grrr.! Bwisit. After 1 year and few months ngayon lang ako nakareceived ng something from Presbi. Pagpunta ko dito sa states, naiwan ko na sya.

Pati ang communication namin naiwan na din. AND WALA AKONG PLANONG MAKIPAGCOMMUNICATE sa gagong yun!  >:(




Teka teka.
























Bat ganito? ba't naapektuhan ako?

Simpleng comment lang nman yun eh?

ANU KA BA NAMAN CORR! Isang "See you soon" lang nagkakaganito ka na.

CHILL.

CHILL.

CHILL.

Breath in Breath out...

I don't love Presbi.

Presbi love don't I.

I.

dont.

love.

Presbi.

Presbi.

is.

not.

love.

I'm.

not.

inlove.

with.

him.




























































again? :-\
« Last Edit: May 31, 2009, 03:01:08 pm by Czaaa »
Stories: ANB|MMH

curiousity kills

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3049
  • Karma: +265/-32
  • crazy chicken. <3

i like the flow of the story.. ;]
BEE here. :D
i`ll definitely support this. :]]

Czaaa

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1279
  • Karma: +93/-70
  • shake that thaaang! :))
Bee: Hi Bee :D Nice name :3 Yay for you! Thaaaanks for reading [: Cza here anyway :* Thaaaaanks a lot [:
Stories: ANB|MMH

curiousity kills

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3049
  • Karma: +265/-32
  • crazy chicken. <3
^ thanks,ABIGAILE is actually my real name pero BEE yung official nickname ko.. and your story is really nice. Prologue na prologue pa rin nagustuhan ko na.Akin si LEANDRO.Ahahaha. :D

Czaaa

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1279
  • Karma: +93/-70
  • shake that thaaang! :))
^ Aw nakakataba ng hearty heart heart ^-^
Ahhh...Oo nga aBEEgaile [: hehe.
thanks, haha. ginawa ko sya last night, since late na ngayon ko na lang pinost :P haha. ayown.
I'm still looking for pictures :( ayown. wala pa kasing chart.

SIGE. Sayo na si LEANDRO. akin si PRESBITERO(whatta names?) :D
Stories: ANB|MMH

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website