Teentalk

Author Topic: TRUST ME...IT'S LOVE UNEXPECTED.. CH.42 CONTINUATION... again...  (Read 11659 times)

hannie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 101
  • Karma: +6/-0
  • We can't get things back when we die.
TRUST ME... IT'S LOVE UNEXPECTED

Our life is like an ocean…
   Deep… Meaningful… Holds a lot of treasures…
         Calm when it’s sunny… Wavy when there’s a storm…
               But when we follow the direction of the wind,
                     We can sail peacefully…
Love is the center of our lives…
      They say, you must learn how to love
            For you to be able to live a life…

Follow your heart…
   Let it lead you to where it knows you can be happy…

Use your mind…
   Not All those people who are coming into your life are real…
         Some may just hurt you; some are just passers by,
               Whose mission is to leave you a lesson…
                     And some are really destined
                        To stay with you forever…

And when you find that someone who you think you’ll be happy with, never ever let go of that person… Because the happiness that you’re longing for is just beside that person; spending your life together…

                              -anonymous

minsan dadating yung time na akala mo yung taong gusto mo, sya na ang para sayo... pero wag mo kakalimutan, matalino si Lord... in just a snap... BOOM...  magigising ka na lang, sa iba na nakabaling ang atenxon mo...


sa lugar na hindi mo inaasahan...

sa oras na hindi mo maintindihan...

sa taong hindi mo inakalang matagal nang nanjan...


CHAPTERS
1.2.3

« Last Edit: August 29, 2010, 04:35:50 am by hannie »
Things happens for a reason.

hannie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 101
  • Karma: +6/-0
  • We can't get things back when we die.
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #1 on: May 28, 2009, 11:56:30 pm »
thanks sa pagbasa ha???? u're the first reader... thanks...  :)
Things happens for a reason.

hera11

  • Guest
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #2 on: May 29, 2009, 12:00:57 am »
who wrote the poem? :]
can i see chapter 1? :]

curiousity kills

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3049
  • Karma: +265/-32
  • crazy chicken. <3
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #3 on: May 29, 2009, 12:16:46 am »
nice prologue!~gusto ko toh! 8)

hannie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 101
  • Karma: +6/-0
  • We can't get things back when we die.
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #4 on: May 29, 2009, 11:46:48 am »
hera>> it's me who wrote the poem...
hope u like it and u continue support my story.. thanks.. u're the first tagger :)


curiosity skills>> chapter 1 po will be posted after lunch. hehe thank u. sna support mo tong story til the end... it's so mahaba sana hindi ka magsawa...
Things happens for a reason.

hannie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 101
  • Karma: +6/-0
  • We can't get things back when we die.
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #5 on: May 29, 2009, 12:22:54 pm »
guys... please leave a comment po
it's u hu'll sustain the run of this story...please please
thank u po..

sa mga silent readers po, paramdam nmn po kyo

salamat
Things happens for a reason.

hannie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 101
  • Karma: +6/-0
  • We can't get things back when we die.
CHAPTER ONE

Toktoktok!!!!

Bianx!

Oh kuya?! Gabi na kaya… pwede bukas na yan kung ano man yang sasabihin mo?...


Haay ‘tong si Kuya naman istorbo oh.. ang sarap sarap ng pagne-net ko dito eh.amff!

Buksan mo ‘tong pinto, ba’t ba kasi naglo-lock ka pa eh. Bilis!!!

Tumayo ako para buksan yung pinto… pag ka bukas ko…

Ano ba kasi yun eh… >_<

Pwedeng pahiram ng laptop mo? =D

Meron ka naman ah. Ba’t ‘tong akin kukunin mo… hindi pwede may ginagawa ako…

Hmm… ganun ba? Okay sige.. sasabihin ko nalang siguro kay Kerb na tinatago mo yung picture nya sa ilalim ng unan mo noh?! Hahaha sige dyan ka na sis… salamat haaaaa??????


Oh Oh Oh teka teka!!! Ikaw hindi ka na mabiro Kuya… sige teka lang ila-log out ko lang yung YM ko… wag mo pakikialaman yung mga files ko ha…?! Matinong usapan yan…

Tumango siya.. Aba ngiting-ngiti ang loko… Hmp! Bakit ba kasi nabuko ni Kuya na crush ko yang Kirby na ‘yan eh… hmp! Naba-black-mail tuloy ako..~pumasok si Kuya sa kwarto ko, binigay ko na sa kanya yung laptop ko…

Oh ayan na ha?! Wag ka na maingay kay Kerb ha? Upakan kita!!! Sige lumabas ka na. Istorbo! Hmp..

Ikaw ang sama mo talaga sa kapatid mo noh?! Ang bait bait ko sa’yo eh…

Hay ewan! Istorbo ka..alis na! matutulog na’ko… May laptop naman sya eh kukunin pa yung sa’kin..hmp ka Kuya!!!

Eh sira nga, tanga nito… ganda ganda ng sakin eh. No choice lang talaga ako dahil magpa-pass na kami ng output bukas.. Goodnight sunget!!! =p
(sabay sara ng pinto)


Kinabukasan…

KRRRRRIIIING!!!! KRRRIIINGG!!! KRRRIIING!!!

Ang aga aga pa… Ayoko pang bumangon!!! Tahimik!!!
(pinatay ko yung alarm clock)


May naririnig akong foot steps sa tapat ng kwarto ko since kahoy yung flooring ng second floor… Ah si Kuya lang yun…

Oo natapos ko na… Buti nga pinahiram ako ni Bianx ng Laptop kagabi kundi malamang di tayo abot sa deadline…

See? Si kuya nga… teka bakit parang may kausap?...

Ayos… Si Bianca pumasok na ba?

Uh-oh! Alam ko kung sinong anghel ang may ari nung boses na yun… =’s

[color=e\orange]Hindi nandyan pa yon… Kunin ko lang USB sa kwarto ah…[/color]

Sige.. gisingin ko pare ha?

Oo sige…

Toktoktok! Toktoktok! Toktoktok!

Ay grabe sya kumatok… ayoko… hindi… hindi nya pwedeng makita na bagong gising ako, na hindi pa ko nakakapaligo, at hindi pa ako nakakapag-tooth brush~kailangan ko magtago.kaya nag cover ako ng kumot.

Biancapot! Gising ka na ba?

Toktoktok!

Papasok na ‘ko ah…


Hindeeee…. Wag… wag… wag kang papasok…~at narinig ko nang bumukas yung pinto.. amf!!! Chill bianca, kunwari tulog ka pa… wag kang gagalaw…

KRRRIIING!!! KRRRIIING!!! KRRRIIING!!!

Haay! Bwisit bakit ngayon ka pa tumunog na cell phone ka!!!

Uy miss beautiful gising ka na…

(tumahimik yung alarm ng phone ko) Gising na… pati ‘tong cellphone mo sumisigaw na oh… huyyy!!!

Uhm..??? babangon na… labas ka na Kerb!!!

Ayoko! Bumangon ka muna bago ako lumabas!

Makulit talaga tong halimaw na ‘to. Oo!!

Hinila nya yung kumot ko… Patay!!! Huhuhu ampanget ko pa naman pag bagong gising…amp!!!

Cute mo naman… bangon na dali… kain tayo breakfast…

Tinakpan ko ng kamay ko yung mukha ko tapos ibinato ko sa kanya yung unan na hinihigaan ko…

Uyy! Ano ba yan? Ang aga aga bayolente ka na… Buma----…teka, sino yang nasa picture?! Patingin!
« Last Edit: April 05, 2010, 08:39:02 pm by hannie »
Things happens for a reason.

curiousity kills

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3049
  • Karma: +265/-32
  • crazy chicken. <3
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #7 on: May 29, 2009, 12:53:28 pm »
oh BIANX!~ buking ka na.. love this chpter! :D

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #8 on: May 29, 2009, 01:23:53 pm »
ang ganda sis!!
sige..tuloy mo lang.. ;)

hannie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 101
  • Karma: +6/-0
  • We can't get things back when we die.
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #9 on: May 29, 2009, 01:27:41 pm »
**gud news!! im in the mood to post more chapters... hope u gys enjoy it... thanks

CHAPTER TWO

0_0 napabangon ako bigla… kinuha ko yung isang unan ko sabay takip dun sa picture… Picture mo yan… lintek!! At hindi mo pwede makita… amp!!!

Wala!!! Labas na dali!!!

Patingin na… yiiih! Sino ba yang halimaw na yan ha? Yiiih! Dalaga na si Bianx! Hahaha


Wala nga sabi eh.. Pet ko yon… Pet ko… amp!!! Labas na kasi eh!!! Kuya!!!!!!!!!!!!!

Napatakbo sa kwarto ko si kuya…

Ano? Ano yon? Anong nagyayari dito?!


Exagge ka pare!!! Wala… anu akala mo?

Ha? Akala ko pinagsasamantalahan ka na ni Bianx eh. Hahaha


Hahaha apir!!!

Magsilayas na nga kayo dito… Ang aga aga ha?!

Eh bakit ba kasi kung makasigaw ka dyan eh…


Kasi pare ayaw ipakita sakin yung picture na nasa ilalim ng unan nya eh…

Ewan!!! Layas!!!!!!!!!!!!!!! You two… get out!!!!!


Sige na sige na.. tara kerb sa baba na tayo… sis, magtooth brush ka na ha?! Hehehe

Asar talaga tong kapatid ko!!! Hmmp!

Bianx bumaba ka na ha?! Sabay tayong kumain ha?
  ;)

Tse!!!

Pagkaalis nung dalawa, sinigurado ko nang naka lock yung pintuan ng kwarto ko at naligo na ko, nagtooth brush at kung anu anu pang ginagawa na morning rituals. Nagbihis na ko ng school uniform, wala naman kasing pasok bakit kailangan pa naka uniform pag magla-library… hmp!
Pagbaba ko, paalis na sila kuya at Kirby… Malinis yung dinning table at walang dishes na dapat hugasan…

Hoy Chesco Miguelita!!!

Anong chesco miguelita? Loko ka ha! Ano ‘ko bading?... sapukin kaya kita?! >_<

Hehehe joke lang… I love you    kuya!  anong nakain mo at naghugas ka ng plato?

Ehem! Ako po naghugas nyan ate! Kaya bawal ka kumain.nyahahaha

Tse! Di pa tayo bati, wag mo ko kausapin!!! (tumalikod na ko kay Kerb, at pumunta sa lamesa)

Psst!

Wag mo ko sitsitan dyan, uupakan kita!!!


Tumingin ka kasi…

Ano ba ‘yon? (pagkaharap ko)

 ;)

Anong kinikindat kindat mo dyan? Lumayas na nga kayo… kuya kaladkadin mo na ‘tong pet mo…

Kulit mo talaga gag* ka.Tara na nga…

Bye labbydabby…
;)

Hahaha para kang may sakit sa mata… alis na!


Pagkaalis nung dalawa kumain na ko at umalis nadin ng bahay..

sa school habang naglalakad ako…

Psst! Psst! Pssst!

Lintek! Ayan na naman yang sitsit na yan eh. mamatay ka dyan kakasitsit, diretso padin ako sa paglakad…
 
Bianca Rose Hernandez Manzano!!!!!

Amp! Boses na namn ni Kirby yun… kahit kailan talaga ang gwapo nya, kahit makulet ng sobra

Lumingon ako at nakita ko syang tumatakbo palapit sa’kin… Nung naabutan na nya ako…inakbayan nya ko… *blush* pero wag kang magpapahalata Bianx!

Ano ba ‘yan? Eskandaloso ka.. San kuya ko?

Hehe *kamot sa ulo* malakas ba? Nasa library si Chesco kasama mga ka-group namin, pinaplantsa yung presentation namin.

Aba ang sarap ng buhay mo ah… at ikaw walang tinulong? Naku kung ako ang prof mo singko ka sakin… saka teka nga! (tinanggal ko yung kamay nya sa balikat ko) wag mo ko akbayan mamaya ma-office pa tayo eh, PDA.

Sus… gusto mo naman eh… haha san ka ba? Hatid na kita.


Huminto kami sa paglalakad…

Nakikita mo yung dalawang ‘yon na nakaupo sa bench?

Uhm…


Doon ako pupunta… ang layo diba? Ano ihahatid mo pa ako?

Oo naman… ang layo nyan, mga 20 steps… baka madisgrasya ka pa eh.hehehe tara na… papunta nadin ako sa library eh… sabay ka ba samin umuwi ni Chesco?


Depende… text nalang ako kay kuya.

Okay…


Pagkalapit namin kila Chia and Eimi…

Dito na ko, lumayas ka na… salamat sa paghatid…

Sungit mo namna…parang kanina lang ang sweet mo eh, anu ba ‘tong kaibigan nyo, PMS. Hehehe


Nakangiti lang sina Chia and Eimi kay Kirby…

Tse! Yan ka na naman eh.. amp ka!


Di mo ba ko ipapakilala sa friends mo labbydabby?

Labbydabby??? (sabay na tanong nung dalawa) Cheesy ah..hahaha

Ayus ba? Ako nakaisip nyan… nga pala I’m Kirby. Bianca’s boss. Hahaha

Ano? (sabay hampas sa braso ni Kirby)

Wala sabi ko she’s my boss. Haha sige alis na nga ako.. uy friends joke lang yun ha.. sige, bye..
(tapos umalis na sya)

Pagkaupo ko…

Girl, kayo na?


Things happens for a reason.

hannie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 101
  • Karma: +6/-0
  • We can't get things back when we die.
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #10 on: May 29, 2009, 01:31:12 pm »
raice>> super thanks dont worry more chapters to come...

For those who wants to make chiakahan with me, here's my ym
joshanne_040106

thanks po ulit ng mdme...

bka magpost ako ng 2 or three chaps pa..

hehe

sinisipag ako ngayon eh..
Things happens for a reason.

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #11 on: May 29, 2009, 01:50:54 pm »
haha..sis i'm loving it..keep it up!! ;)

hannie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 101
  • Karma: +6/-0
  • We can't get things back when we die.
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #12 on: May 29, 2009, 01:56:58 pm »
CHAPTER THREE

Ha? Hindi ah…

Eh bakit parang ang sweet sa’yo nun? Imposible namang wala lang yun..di’ba Chi?

Korek! Malayo palang kaya kayo kita na namin yung akbayan nyo…


Sus… wala yun. Tamang kulit lang yung g*gO na yun. Mahirap nang seryosohin..

pero, okay naman sya. I mean you’re bagay…

Huh? Hassle naman, tropa ng kuya ko yun noh.

Eh ano naman? Sus nung naging crush mo nga sya hindi mo naisip yan eh.


Oo nga… Age doesn’t matter girl…

Ay tara na, naghihintay na sila Kuya Red sa’tin sa Lib. Tayo nalang daw wala.

Oo nga, baka bumubuga na nga apoy yung mortal enemy mo dun Bianx.


Pagdating namin sa Lib…

Kuya Red: tagal! grabe sila oh…

Chia: sorry kuya Red, medyo inayus pa kasi ni Bianx love life nya eh..

Sira ka Chia ah… tigilan mo ‘ko…

Kung anu-ano pa kasi inuuna eh..haay nga naman… Hazel, ibigay mo na nga sa kanila yung mga gagawin nila…

Anu na naman problema mo ha? Suma-side-comment ka na naman eh… Kuya red di’ba bawala ang pet sa Lib.? Bakit nakapasok ‘to?

Wala kang pakialam!!!

Grrr!!! Ilayo nyo sakin yan, baka masapak ko yan..


Sssssssssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh………………….

Kuya Red: Huy quiet guys… baka madeport tayo sa labas. Madami pa tayo dapat gawin, maya na yang trouble nyo. Game na.

Binigay na ni Kuya Red yung mga dapat namin gawin, research research walang kamatayang research ang gagawin namin…

Kahit kailan talaga peste sa buhay ko yang Alex na yan… ganito kami palagi… Kung tawagin kami ng grupo “angel and demon”,kung sino si angel at si demon saming dalawa, hindi ko alam.hehe  lagi daw kasi kami hindi magkasundo.. Eh pano kami magkakasundo? Kung lahat nalang ng kilos at galaw ko eh pinupuna nya.. asar di’ba?

Natapos na kami sa research. Nakapag bigay na ko ng mga nagawa ko kay Kuya red… Dismissed na yung meeting namin… Umalis na yung mga group mates ko habang ako nasa bench nakaupo, hinihintay si Kuya Chesco ko.Nakatungo ako, nagtetext…nung may lumapit sakin at may inaabot na panyo…Pagtingin ko dun sa nagaabot…

O sa’yo daw yan!

Bakit ikaw nagbibigay sakin nyan?
(kiniha ko yung panyo)

Eh ako ang inutusan eh. Kung ayaw mo pwede ko naman iabot yan kay manong guard para sya ang magbigay sa’yo.. (naka-smile sya)

Anong nakakatawa sa sinabi mo at bakit ka nakangiti?

Wala, buhay ko ‘to, lips ko ‘to, magssmile ako kung kelan ko gusto bakit ba!


Ang sungit mo naman! Hmp.. Thank you…

Umupo sya sa tabi ko…

Umuupo ka hindi ka man lang nagpapaalam…haay walang manners…

Nakikita mo bang occupied lahat ng bench? Hindi naman sayo ‘to diba? Wag kang magalala, aalis din ako dito, may hinhintay lang ako…pwede ba yon?

Bahala ka.. as if I care.

-----------------------------------DEAD AIR-----------------------------
HANGGANG SA NAGSALITA SYA…

Bakit ba kumukulo dugo mo sakin?

Ha? Eh ikaw kaya una palagi…


Talaga? Eh bakit nung binigay ko panyo mo galit ka kaagad?

Hindi ah. Okay, im sorry…

Putek! Wag ka ngang magto-tone down ng ganyan!!!!!!!!
>:(

Ano? Ano na naman?~! >:(

Ayoko ng ganyang tono na parang napakabait mo…

So what do you mean? Na sadyang maitim ang budhi ko?

No! May naaalala lang ako. Sorry kung naasar ka na naman.
(seryoso itsura nya)

Duh! Sino naman yung naaalala mo?

None of your business…


Nagbago na naman yung facial expression nya, yung parang may period na girl… ganun! Maya  maya May papalapit na girl samin… hindi ko sya kilala dahil taga Management dept. sya..

Hon let’s go?


Tara.. You done with your class??? (nag-nod yung girl) My place…

At lumayas na silang dalawa habang naka link yung arm nung girl sa arm ni Alex…So bastos sya at parang hindi nya ko kilala at hindi man lang sya nagpaalam, to think na we were just talking before that girl came… haaay bwisit…my place, my place pa syang sibasabi… yuck!!! Don’t want to think of whatever they’re goin’ to do there…

Oh bakit nakakunot na naman yang noo mo Bianx?

Wala kuya, tara… >:(







Sa kotse habang nagda-drive si Kuya…

Where is he?


Huh? Si Kirby mo? Hahaha… May lakad daw sya eh. Ewan ko dun, baka may date… jelly ka?
 ::)
>_< No!!! hmp…I just thought sasabay sya.. tinanong nya kasi ako kung sasabay daw ako sa inyo eh.

Date date pa syang nalalaman.. amp!  >:(Isa pa ‘tong Alex na ‘to. I really don’t know why thoughts of him irritates me..maitext nga si Chia.. Hmp! Ichichika ko sa kanya yung mga kababuyang ginagawa nyang Alex na yan…hahaha ;D

To: Chia
Chia, guess wat?
I saw Alex and his eff’n girl…
I heard him say “my place”..
Eeeww!!!

From: Chia
Weally? Hmm.. I don’t think
He’s that kind of guy, girl…

To: Chia
Hmm? I do think he rili is.

From: Chia
Chika ka ha! Sumbong kita!
Heheh =p

We’re home!!! Hello… Ate bianx! Baka gusto mo buksan yung gate natin?


Huh?! Oh stupid! Haha

Bumaba ako ng car at binuksan yung gate… Pagpasok ko ng bahay, dumiretso na ko sa kwarto ko… 4:00 pm pa lang.. katamad… Bumaba ako sa Sala, I checked the t.v baka may magandang palabas, kaso wala din… nakita ko si Kuya bumababa sa hagdan…

Sis, papunta daw si kerb ngayon… yiiih! Ayan na yung hinihintay mo.. ::)

Tse! Tigilan mo nga kuya! Nakakahiya baka malaman nya pa na crush ko sya noh. Wag kang maingay…

Oh ikaw na mag-open ng gate, sya na yata yan. Himala nag dala ng kotse si gag*…

Lumabas ako para buksan yung gate… Yes! He’s here na.. kulitan na naman ‘to malamang..  ;DPagbukas ko, bumaba sa Driver’s seat si Kerb, sasalubungin ko sana sya nung dumeretso sya sa Passenger’s seat at binuksan yung pinto. May kasama sya?  :( May bumaba na girl… and I am sooooo disappointed… >:(
Lumapit sakin si Kerb…tapos kinurot yung ilong ko…

Huy Bianx! Si Abi nga pala.. Abi this is Bianca, sister ni Chesco…

Hi Bianx! Nice to meet you..
  :)

Smile smile ka jan!? saka Bianx???? Close ba tayo? Amp!!! sino ka ba ha? At bakit kasama mo Kirby ko? >_< nagsmile na lang din ako kahit plastic..

Pasok kayo…

Nauuna akong maglakad sa kanila…kaya pagkapasok ko…

Oh sis? Seryoso ah???

Pare!!!


Uy! Ano? San ka galing ha? Bigla ka nawala kanina ah… Oh may kasama ka pala..?

Umakyat nalang ako sa kwarto ko… Badtrip ah. Kung sino man yung halimaw na kasama ni Kirby, kairita sya! Mukha namang hindi nila ako napansin na nawawala sa eksena diba? >:( Nagbihis nalang ako para pumunta sa mall, tutal meron namang malapit eh…Pababa pa lang ako sa hagdan naririnig ko na yung mga halakhakan nung tatlo…lalo na yung tawa nyang Abi na yan… hmpp!! Pagbaba ko palabas na ko sa pinto nung tinanong ako ni Kuya..

Sis, san lakad?

Huh? Sa mall… Boring eh… sige Kuya… gagabihin ako ah…

Naka smile sakin si Kirby and Abi, smile your face! Kala nyo magpapaalam ako sa inyo?! You wish…

May date yata si Bianca eh…

The hell.. am I talking to you Abi?! Haay…sarap barahin nitong babaeng ‘to… yeah I am jealous… paki nyo!!!

Bye…

And I slammed the door…

Things happens for a reason.

hannie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 101
  • Karma: +6/-0
  • We can't get things back when we die.
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #13 on: May 29, 2009, 02:01:56 pm »
CHAPTER FOUR

Buti pa dito sa mall medyo nagkakaroon ako ng peace of mind… Habang naghahanap ako ng magandang damit na pwedeng bilhin, I noticed two guys… Panong hindi ko sila mapapansin eh kanina pa nakatingin sakin.. Ano ba ‘to holdaper??? Gahd! Katakot ah… So I went out of the department store, and continue walking… hanggang sa napansin kong wala na yung dalawa…
Nakabili na ko ng ilang shirts, eh nagutom ako kaya naisip kong kumain sa KFC…
Maya maya pa…

Ate, pwedeng makipagkilala??? (umupo sya sa harap ko)

Excuse me… Hindi kasi ako nakikipag usap sa hindi ko kilala eh. And I am not intrested… sorry… if you’ll excuse me…

Since tapos nadin akong kumain, no, actually halos wala pang bawas yung superbowl ko. Sayang… pero tumayo na ako. Ayoko ng mga ganung eksena noh… Ano ako cheap? Hay nako…

Pumunta ulit ako sa department store, bibili sana ako ng shirt para kay kuya…

Hi… mukhang pinagtatagpo talaga tayo ah? Bakit ka ngawalk out kanina? Nabastusan ka ba sa friend ko? Sensya na ha? Ako nga pala si Jay, ‘yon si Mark.
(tinuro nya yung guy na nakikipag kilala sakin kanina)

Ah ok. Sige, una na ko ah…

Ayoko talaga ng mga ganito.. Ang lakas ng loob makipag kilala.. Bwisit… Nung naglalakad na ko, nagulat na lang ako nung may umakbay sakin…

Hey Sweetie… Sorry im late ha? Kanina ka pa ba?


Anong swee…?????

Sumakay ka nalang, kesa I-stalk ka nung dalawang mokong.okay?
(bulong nya)

So savior kita nyan ha Alex??? Pero buti nadin ‘to kesa kulitin ako nung dalawang yun… nagpatuloy lang kami sa paglalakd hanggang nakakarting kami sa Toy Kingdom…bumitaw sya sa pagkaka akbay sakin…

Ayan, wala na yung mga gag*…


Thank you ha? Teka, pano mo nalamang nagsstalk yung dalawang yun?

Haay… (habang tinitignan yung mga stuff toys) I bet hindi mo ko nakita sa KFC… I am just three tables away.. nakita ko ang laht, yung pag alis mo kahit halos kakadating lang nung order mo.. Pasalamat ka at hindi ako bobo, kundi malamang, hinaharass ka na nung dalawa… tsk! Tsk!

Ang yabang nito.. So sinundan mo ko?! Right?

Hoy wag kang feeling ha? Nagkataon lang na nakita ko kayo sa dept.store at nakita kong naiirita ka dun sa dalawa…


So, you’re concerned about me?

Haays! Kakasabi ko lang na wag feeling e. slow ka?

Eh bakit nagagalit ka na naman? Anak ng! Alex… Grrr…


(tumawa sya) pikon!!! (iniwan nya sakin yung stuff toy na turtle, tapos naglakad palayo sakin)

Ayun, naiwan akong magisa dun sa store… haaay wala talagang manners. Hindi na naman sya nagpaalam nung umalis… Pero kahit ganun, mabait din pala yung taong yun noh? Hindi ko akalaing sa dinami dami ng tao, sya pa, yun pang tao na halos araw-araw eh kabangayan ko sa school ang makakatulong sakin. Take note! Kusa yung pag tulong nya… Naguilty tuloy ako… I feel bad for all the katarayan na ginawa ko sa kanya… parang ngayon, may utang na loob ako sa kanya…

Umuwi nako after non. Gabi nadin kasi… at pagod na ko magikot ikot…pagdating ko sa bahay, nasa sala si Kuya at si Kerb. Himala at wala yung Abi na yun..

Ginagabi ah…

Haay nako, hindi mo alam kung anong inabot ko kuya..

Shopping galore ka Bianx ah.. san yung akin?


(nag smile ako sa kanya) wala…o asan na yung pet mo? Ay si Abi, abi ba yun?

Wala na… pinauwi ng mom nya eh,hinatid ko na kanina… bakit?


Wala…sige akyat na ko.. good night..

Ay teka Bianx! Uhm… What do you think of her?


Huh??? Wala.. paki ko naman sa inyo…

Medyo nagulat yata sila ni Kuya sa sagot ko, pero deadma! Umakyat na ko sa kwarto ko. Eh duh! Anong ineexpect nilang isasagot ko? I super duperlike her… no way!!!! Alam ko naman eh, hindi ako manhid… she’s special to kerb.. yung pagbukas pa lng ng passenger’s seat eh, alam na…

Things happens for a reason.

hera11

  • Guest
Re: NEW!!! trust me...it's love unexpected
« Reply #14 on: May 29, 2009, 02:07:51 pm »
ahaha. ankyut. bilis ng update ah? ahmm.. sis.. opinion lang, lagyan mo ng color coding yung mga characters, medyo nakakalito kasi... kung okie lang? hehe. :]

selos si bianx.. ahihi. XD
bilis mo talaga magup. XD

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website