Teentalk

Author Topic: .::Just That::. the ENDING!  (Read 194096 times)

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2277
  • Karma: +299/-21
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
.::Just That::. the ENDING!
« on: May 25, 2009, 11:38:58 pm »



JUST THAT
when the only thing i knew was to love him;


♥♥♥


Just That characters: *wait for characters update*


Celestine Herrera
Jana Soriano
Stacey Enriquez
Gianna Herrera


Gabriel Isaac Soriano
Eiji Salvador
Sky Sebastian Herrera
Dex Terrence Salvador
Cid Lacson
Jude Torres



Quick Links:

1. 2. 3. 4. 5.








He never asked anything like this from me.
In fact, he did not deserve anything from the start.
And he will not, ever, deserve anything from me.

Not even pain.

Because hurting him is like inflicting pain to my own self.

Even if I love him, we can only be JUST THAT – nothing more.
Friends, Best friends, Enemies, Strangers – we can be anything like that. And JUST THAT.

But no matter how he tries to slap me with it, I still can`t resist falling.









BEGINNING
Celestine Herrera





Kailangan bang maging magbestfriend din ang mga anak ng mga magbestfriend din? Si mama at ang mama ni Gabriel ay bestfriends. Si papa at ang papa naman ni Gabriel ay mag bestfriends din. Ako at si Gab? Kailangan ba kaming mag bestfriend din?

Ang kuya ko ay high school na, ang bunsong kapatid ni Gab naman ay grade three pa lang. Kaming dalawa, grade five. Kailangan ba naming maging magbestfriends din?

Paano kung ayaw ko? At paano kung gusto ko siya...
Paano kung gusto niya? Pagbibigyan ko ba siya?
Paano kung ayaw niya? Pagbibigyan ko ba ulit siya?

O baka naman... Kahit ano, ibibigay ko sa kanya dahil gusto ko siya?

Eto ang gumugulo sa isip ko simula pa noon. At hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung ano ba talaga?

Kung grade five ka at wala ka namang ginagawa bukod sa pagbuntot sa bestfriend mong team captain ng basketball player at pakikipag asaran mo sa isang lukaret na babae, maraming pwedeng mangyari sayo. Pwede kang magka puppy love sa isang teammate ng bestfriend mo, pwede ka ring sumali sa isang pipitsuging pepsquad na itinatag nang kalolalolahan ng may-ari ng school niyo, at pwede ka ring iwan ng bestfriend mong pupunta na pala ng Ireland.

Oo. Ganun ka rami ang nangyari sa akin noon.

"Bye, Eiji! Babalik ka pa ba?" Tanong ko sa bestfriend ko habang tinatahan ako ni Jana - ang lukaret kong kaibigan.
"Di ko pa alam, Cel, eh." Yinakap niya ako. "Magpakabait ka na lang muna habang wala ako. Okay?" Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

Simula grade one, kaibigan ko na si Eiji. At talagang ang bait-bait niya. Siya pa yung nagbibigay sa akin ng bagong ballpen noon kapag nagtatae na ang ballpen ko. Sobrang mahal ko `tong kaibigan ko. Kaya nung umalis siya papuntang Ireland, umiyak talaga ako ng todo. Pati nga si Jana ay napaiyak na rin.

"Ireland!" Sabi ni Jana habang linalapag sa harapan ko ang mapang kakabili pa lang niya sa National Bookstore. "Ang layo talaga, kahit anong isipin ko."

Umupo siya sa harapan ko habang nasa canteen kami. Ako naman, ay tulala parin.

"Celestine!" Sigaw niya. "Nalalanta ka na diyan ah? Siguro nanghihinayang ka dahil wala na ang bestfriend mong team captain nina Gab no? Di ka na ulit makakadikit sa basketball team."
"Tsss. Di ganun yun. Mamimiss ko si Eiji. At nawalan ako ng kaibigan-" Napanganga ako nang nakita kong papalapit ang basketball team.
"Oh! Tumulo pa yang laway mo dyan, Cel! Mapansin pa yan ng pinsan ko... naku..."
"Jana, sobrang gwapo talaga ni Gabriel! Haaay."
"Diba kapitbahay kayo? Close pa mga magulang niyo, ba`t di mo kaya siya kaibiganin at gawing bestfriend?"

Nakatingin parin ako kay Gabriel habang nakikipaghighfive sa mga kasama nila sa team. Sayang lang at wala na si Eiji...

"Ngayong wala na naman si Eiji, siguro naman... wala nang pipigil sa`yo sa pakikipagkaibigan kay Gab. kaya.. go lang nang go!"

Hindi kasi magkasundo si Gab at si Eiji dahil ayaw ni Gab kay Eiji as teamcaptain ng basketball team nila.

"Alam mo kasi, Jana. Di mo naiintindihan eh. Yang si..."

Tumingin ako kay Jana para ipaliwanag ang logic na matagal ko nang pinapaniwalaan.

I whispered, "Gab..." Sumulyap ako kay Gab. "Yang pinsan mo, di ko pwedeng gawing bestfriend yan-" Nag evil smile pa ako.
"MBAKIT naman?" Kumunot ang noo niya.
"Kasi... hehe... Kung magbebestfriend kaming dalawa, baka di kami magkatuluyan! Gets mo ba?" >:D

Humagalhal ang tawa niya.

"B-Bakit?"
"Tsss... Ang OA mo talaga. Diba nga magbestfriends ang mama niya at mama mo? Pati rin yung papa mo at papa niya? Nakapagtataka talagang hindi parin kayo nagpapansinan, sa bagay... mejo nauutal ka kasi pag may ipapasabi ako sa kanya."

Napabuntong-hininga ako at tiningnan ko ulit si Gabriel sa malayo. Grabe, ang saya-saya niya. Tawa siya nang tawa. Ang sarap niya sigurong kasama? Ba`t ba kasi ako nauutal pag kausap siya? May ibang paraan pa ba para maging kaibigan ko siya? Sana man lang, mapansin niya ako. Sana... tumingin man lang siya sa akin. Kailan ko kaya siya makakausap?

Di ko man lang namalayang ang panahong iyon pala, ay nalalapit na.

Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang mga bagay na iyon. Hapon noon nang sinipa-sipa ko ang bato habang naglalakad patungo sa bahay namin. Kagagaling ko lang sa school, final examinations na kasi. Linalakad ko talaga ang papuntang bahay, di na kasi umaabot ang jeep sa loob ng subdivision na ito eh.

May nakita akong maitim na something sa loob ng bakuran ng isang bahay. Pero di ko na inisip yun. Bored ako kaya panay parin ang sipa ko sa bato. Mamaya na ako titigil sa pagsipa kapag napatapat na ako sa bahay nina Gab. Sana naman kahit makita ko na lang ulit siyang kumakain sa loob mangyari na.

Naiwala ko ang bato nang may narinig akong KAHOL NG ASO.

"ARFFFF ARFFF ARFFF AWW AWW AWW!!!"

Lumingon ako at nakita kong ang tatlong maaitim na german sheperd na handa akong lamunin ng buhay.

OH MY GODNESS. :o :-\









"AHHHHHHHHH!" Muntik nang masira ang vocal chords ko.

Tumakbo na ako. Kung minamalas ka nga naman, hahabulin ka ng aso!

Sobrang bilis ng takbo ko, adrenaline rush na yata. Pero mukhang excited talagang magkaulam ang mga aso kaya mas mabilis ang takbo nila.

Nakita ko ang bahay nina Gab. At nakita ko si Gab na lumalabas sa gate ng kanilang bahay at tumingin sa akin. Syempre, di ko kayang dumiretso sa bahay no, baka maabutan na ako ng mga aso. Kaya kay Gab na ako tumakbo. 8)

"GAAAAB!" Sigaw ko. Grabe, di ko na maitsura ang sarili ko.

Pers taym kong tinawag siya sa kanyang pangalan. Sa ganitong pagkakataon pa. Nakakahiya naman. Oo, first time ko yun. Di rin naman kasi kami nag-uusap eh. At di rin naman niya ako kinakausap. Nakakausap ko lang siya kapag may bilin si Jana. Pero di ko siya tinatawag sa pangalan niya.

Lagi din kaming nagkikita dahil tatlong bahay lang ang pagitan naming dalawa, bestfriends pa ang mga magulang namin, pinsan pa siya ni Jana... o diba? Hmmmmm. Tsaka, impossibleng di niya ako kilala. Dalawampung beses na kaming pinapakilala ng mga magulang ko. Limang beses na akong pinakilala ni Jana. At limang beses ulit akong pinakilala ni Kuya sa kanya. Magkakilala na nga kami ng bunsong kapatid niya. Kaya sobrang impossible.

"Sho! Shoooo!" Sabi niya sa mga aso.

Nasa likuran niya ako nun at takot na takot na ako. Kaya ayaw ko ng mga aso eh.




"Wala na..." Sabi niya nang umalis ang mga aso.

"Hay s-salamat talaga, G-Gab. Sobra. A-Akala ko kakainin na ako eh. HAHHHH!" Bumuga ako ng napakalakas na buntong-hininga.

Hinihingal parin ako. Kinikilig pa. Knight in shining armor ang dating ng crush ko. WAHAHAHA Pero kakahiya, di ko maiwasang mautal. Naku, Celestine, umayos ka!
































Tumaas ang kilay niya. "Uh, Kilala mo ko? Sino ka nga ba?"

Hinayupak. Mali ako, hindi pala ako kilala.







should i continue?  :o :-[
« Last Edit: September 16, 2010, 01:08:30 pm by jonaxx »

curiousity kills

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3049
  • Karma: +265/-32
  • crazy chicken. <3
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #1 on: May 25, 2009, 11:46:37 pm »
teka CELESTINE, akala ko ba kilala ka?
haha.
love the start! ;]

jonaxx

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2277
  • Karma: +299/-21
  • baby, i love you.
    • JonaxxStories;
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #2 on: May 25, 2009, 11:53:51 pm »
teka CELESTINE, akala ko ba kilala ka?
haha.
love the start! ;]
LOL. thanks sis. yeeey.
may reader ako. hehe. :)
YAYed you.. :) 8) :-*

qleht16

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 77
  • Karma: +54/-25
  • active ONLY during wed and thurs! :]..
    • fs qh..
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #3 on: May 26, 2009, 12:50:51 am »
yay! second ako..niyahahah!..buti disya nilapa ng dog! xD..
                                        ..im an auth0r..
                                       can i ask a fAv0R??
                        read..supp0rt..gIv a reply...vote on my p0ll

sheet face

  • jellybean
  • **
  • Posts: 113
  • Karma: +8/-5
  • TeenTalker
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #4 on: May 26, 2009, 12:53:49 am »
3RD ako. DAYA!! WAHAHA! ako po si PAT, 14. hehe.. :D aww. hindi ka naman pala kilala ehh.. HAHA
WILL I ALWAYS BE
SECOND PLACE?

hazalle_calla

  • jellybean
  • **
  • Posts: 235
  • Karma: +53/-5
  • SAI club is finally born on MARISCI
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #5 on: May 26, 2009, 01:11:16 am »
Akala ko ba " Dalawampung beses na kaming pinapakilala ng mga magulang ko. Limang beses na akong pinakilala ni Jana. At limang beses ulit akong pinakilala ni Kuya sa kanya." hahaha...bat di ka kilala?? ;D :D

loving someone is such a painful ordeal..but i can't stop myself from going to you..i love you so much..

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #6 on: May 26, 2009, 02:50:37 am »
Hiii~ Grace `to. :D
Alala mo pa ako? Next na Jonah. :)

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

nichainne

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 94
  • Karma: +2/-1
  • yay!
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #7 on: May 26, 2009, 07:17:07 am »
bale. trentang beses ng pinakilala si Celestine kay Gab.! 8)
'di pa rin sya kilala. haha.
baka naman may memory gap sya.
tandaan. bawal ang pork. bawal ang beans. :D :D
nyahahaha. ;D ;D

'..if kisses were snowflakes,
i would send you a blizzard..'

mej

  • jellybean
  • **
  • Posts: 139
  • Karma: +7/-0
  • beary.back.ride.♥.
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #8 on: May 26, 2009, 08:40:39 am »
wow! sa sobrang daming beses na kayong napakilala sa isa't isa,di ka pa rin nya tanda? hehehe... kilala pala ah..

~mej, here Ü
Important thing to remember to avoid being BITTER:

Never be obsessed by anyone's attention, love and loyalty no matter how much you love them.

jhamzz

  • Guest
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #9 on: May 26, 2009, 08:45:59 am »
wahaha..ang nice naman..grabe naman kaulyanin mo Gab..hmm..ang cute ng story coninue mo po..btw, im jemaica..

Lavenderpink

  • taffy
  • ***
  • Posts: 441
  • Karma: +63/-3
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #10 on: May 26, 2009, 08:52:52 am »
continue continueeeeeeee...
i read all your stories and you're 1 of my fav authors... i mean it! hindi lng d2 sa teentalk but sa lahat tlga ng stories na nabasa ko ^_^ :)
...Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
and know the stars are
holdin' you tonight...

pxltxttcddll

  • taffy
  • ***
  • Posts: 425
  • Karma: +43/-8
  • pixelatedecstaticdoll
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #11 on: May 26, 2009, 08:54:15 am »
CONTINUE! superrrrrr! continue mo po! hehe. reader po ako nund Downfall Chronicles. Continue nyo po sana to  ;)

lanz416

  • jellybean
  • **
  • Posts: 228
  • Karma: +30/-4
  • lady lalu♥
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #12 on: May 26, 2009, 09:29:57 am »
is this the new story?!
whaaaa!!
ang ganda update na po!haha
« Last Edit: May 26, 2009, 09:39:34 am by lanz416 »
I am Lanilyn
In love, who’s hardest to compete with? Third party? Flirts? Good-lookings? NO, but the love BEFORE you!

paise_19

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 40
  • Karma: +10/-0
  • TeenTalker
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #13 on: May 26, 2009, 12:06:55 pm »
Hi po ate Jonah  :) silent reader po ako ng lahat ng stories mo mula nung shakespeare in love pa lang  ;D :Dhahahaha ngayon lang ako nagka chance mag reply lolz pero pramis avid fan mo ko!!! hahaha!!!! :D :D ;D patty poh pala name ko  :)

continue mo po yung story maganda!!!!
Uy Celestine kala ko ba kilala ka?  ??? ???

KiKiaM

  • jellybean
  • **
  • Posts: 205
  • Karma: +20/-4
  • I loved him first
Re: .::Just That::. please read. :)
« Reply #14 on: May 26, 2009, 12:34:25 pm »
ate please CONTINUE!! BTW Gab should drink a memory enhancer.  ;D

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website