Teentalk

Author Topic: ••HADES••*chapter 4: irritated*UPDATED![come in!]  (Read 3464 times)

lonelyjice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 109
  • Karma: +19/-12
  • back for good!
Re: ••HADES••*author's back* Prologue Posted...
« Reply #15 on: May 20, 2009, 12:43:55 pm »


^^. wahhhhh.! anung forgive us?!

"spam aquh.!  :'(  :'( ;D ;D" bwahhaa.!
spam din ako! haha!



ATE ICE?!
WAHAHAHHAHA!
ANDITO KA NA ULIT! :D :D
yehey! masaya na tayo nito!
ATE ICE! ATE ICE!
welcome back!
weee~~




yes, yes!
i'm back kim! hahah!
ahmeexxoooo
A man deprived of love and has dedicated his life seeking for revenge…

HADES

dAiNg_DaY

  • Guest
Re: ••HADES••*author's back* Prologue Posted...
« Reply #16 on: May 20, 2009, 12:46:30 pm »


di ka kaya spam.! ;D ;D ahaa.!
toinks.! ehhh..!
ikaw ba.. kung gusto muh maging spam..
okei lahn ::)

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: ••HADES••*author's back* Prologue Posted...
« Reply #17 on: May 20, 2009, 01:43:04 pm »
Gee here. haha.
hindi ko mapapatawad yung pagbababoy nila kay Beatrice. grr

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

Ayra.

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 831
  • Karma: +72/-17
    • The Faintest Ink
Re: ••HADES••*author's back* Prologue Posted...
« Reply #18 on: May 20, 2009, 02:08:44 pm »
Kawawa naman si Beatrice.  :'(

Kawawa silang dalawa ni Hades.  :'(

Naku, maluha luha na ako dito prologue pa lang!  :'(

Ayra, 15 here. SUPPORTER.
Love ko na ito. <3
Cause lately you make me weaker in the knees.

Para sa may mga problema sa puso.

lonelyjice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 109
  • Karma: +19/-12
  • back for good!
Re: ••HADES••*author's back* Prologue Posted...
« Reply #19 on: May 20, 2009, 03:10:25 pm »


di ka kaya spam.! ;D ;D ahaa.!
toinks.! ehhh..!
ikaw ba.. kung gusto muh maging spam..
okei lahn ::)
hindi ba?waheh, sige..hindi nalang..  ;D


Gee here. haha.
hindi ko mapapatawad yung pagbababoy nila kay Beatrice. grr

ahlow gee, nice to meet you. :)
hmm, sino ba naman ang makakapagpatawad nun di ba? urgh, they're not humans. sa ginawa nilang yun?daig pa nila ang mga hayop.


Kawawa naman si Beatrice.  :'(

Kawawa silang dalawa ni Hades.  :'(

Naku, maluha luha na ako dito prologue pa lang!  :'(

Ayra, 15 here. SUPPORTER.
Love ko na ito. <3


ahlow ayra!kyut man name mo... hehe.
thanks for appreciating the prologue..
hope to see your name every update.. :)
A man deprived of love and has dedicated his life seeking for revenge…

HADES

curiousity kills

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3049
  • Karma: +265/-32
  • crazy chicken. <3
Re: ••HADES••*author's back* Prologue Posted...
« Reply #20 on: May 20, 2009, 04:00:35 pm »

yap..nabasa ko na lahat..
hehe.. matagal na.THANKS DAHIL
NAGBABALIK KA! <3
i`m BEE by the way.

lonelyjice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 109
  • Karma: +19/-12
  • back for good!
Re: ••HADES••*author's back* Prologue Posted...
« Reply #21 on: May 20, 2009, 04:04:42 pm »


1: Glimpse




October 2009


Hades! Tulungan mo ako! Hades!


“BEATRICE!” napabalikwas si Hades at hinihingal na nagising.


Damn. That dream again… he thought and went out of bed. Lumabas siya ng kwarto at pumunta sa kusina ng condo niya upang kumuha ng tubig. Pagkatapos ay bumalik siya sa kwarto.


Hindi mo naman talaga matatawag na panaginip ang napanaginipan niya kanina. It was a flashback of what happened three years ago. Magmula ng mangyari ‘yon ay hindi na nakatulog ng maayos si Hades gabi-gabi. Parati siyang dinadalaw ng pumanaw na nobya.


He checked the time.


3:37 am


Magtatatlong oras pa lang ang tulog ko…


Tinangka niyang matulog ulit. After a few minutes, he gave up. Hindi na siya makatulog. Ganun ‘yun. Tuwing napapanaginipan niya ang nangyari, nagigising siya at hindi na makatulog ulit. She’s haunting him. No, his conscience is haunting him for Beatrice’s death; na hanggang ngayon ay hindi pa niya naipaghihiganti.


Bumangon na lamang siya at nagbihis ng pang-jogging. Bumaba siya sa condo at matapos ng kaunting warm up at stretching ay nagsimulang tumakbo. Ang aga nagsimula ng araw niya. At alam niya, magmula ng oras na ‘yon, kailangan na niyang magising. Maging alerto.


Tumakbo sya... Tumakbo lang ng tumakbo. Mahina pa noong una ngunit pabilis ng pabilis. Hindi na niya tinitingnan kung saan sya pupunta. Parang may sariling isip ang kanyang mga paa at dinala sya ng mga ito sa Safewood Memorial kung saan nakalibing si Beatrice. Tumigil siya sa puntod ng nobya at bago pa man niya napigilan ay tumulo na ang luha niya.


Ganun yun. Tuwing napapanaginipan niya ang nangyari ay tumatakbo siya patungo sa puntod at pagdating doon ay napapaiyak. Unti-unti at paulit-ulit niyang naalala ang nangyari tatlong taon na ang nakalipas.


I’m sorry Beatrice… Patawarin mo ako. I never wanted that to happen…

Nakaupo lang sya sa harap ng puntod at umiiyak. Minsan inaalala ang mga masasaya nilang alaala. Minsan naman, tinititigan niya lang ang puntod nito. Basta hindi sya umaalis sa sementeryo hanggang hindi lumalabas ang araw.


Pagbabayarin ko sila Beatrice… I promise you that. Justice will be served with my hands…



_______
6:45 am
_______



Mainit na ang sinag ng araw at umalis na si Hades sa Safewood Memorial upang pumunta naman sa gym para sa training nya. Dalawang taon naman ang nakakaraan ng simulan nya ang intensive training para sa sarili. Pinag-aralan nya halos lahat ng martial arts. Karate, Japanese Okinawa, tae kwon do, judo, jujitsu, aikido, kung fu, wushu, boxing, muay thai, wing chun, Savate, capoeira, wrestling, at marami pang iba. Nagsanay din siya sa paggamit ng baril at kung ano-ano pang mga sandata.


Nagsa-shadow boxing siya nang dumating si Leigh.


“Hades Zandros… Maaga ka atah… Naghahanda talaga para sa laban nyo ni Chin?”


“Ganitong oras naman talaga ako pumupunta dito. Pero si Chin? Ah, ayoko lang masira ang record ko… Nakita ko laban niya kagabi. Patay ang kalaban niya di ba?”


“Patay nga. Sa totoo lang, siya ang pinakamahigpit at pinakamahirap mo atah na kalaban ngayon. Kaya mag-ingat ka at mag-ensayo ka nang mabuti. DEATH expects a lot from you. I hope you don’t fail us.”


“Hindi siya mahirap talunin. So consider yourselves winners. Hindi ako magpapatalo kahit kanino man sa CROSS.” Tugon niya at ipinagpatuloy ang pag-shashadow boxing.


Iniwan naman agad siya ni Leigh.



_______
9:15 am
_______



 Tumigil na sa pag-eensayo si Hades at umuwi sa condo upang magbihis. May pasok pa kasi siya. Oo, kahit ganun sya kabarumbado ay nag-aaral sya. Third year college na nga siya. ‘Yun kasi ang itinuro ni Beatrice sa kanya...


“Hades, mag-aral ka talaga ng mabuti ah? Importante ang pag-aaral… Hindi ka naman kasi pwedeng makipag-away nalang buong buhay mo di ba? At least kapag nakapag-aral ka, may iba ka pang career.”


Pero hindi sya sa isang ordinaryong eskwelahan nag-aaral-- kundi sa Kursakov Academy. Isang kilalang paaralan para sa mga barumbadong tulad nya. Mga underground fighters, pushers, at assassins ang iilan sa mga estudyante nila rito. Hindi rin ordinaryong mga kurso ang inooffer ngunit meron din naman ‘yung mga conventional courses na makikita sa ibang universities. Halos lahat ng estudyante ay mga lalake. Tatlo o lima lamang atah ang babae na enrolled at hindi pa talaga matatawag na babae ang mga ito.



________
10:20 am
________



Saktong dumating si Hades sa Academy. Agad siyang sinalubong ni Timmy—isa sa mga kasamahan niya sa DEATH ngunit madalas ay napagkakamalang hindi dahil sa napakaamong mukha. Katulad niya, seryoso rin ito sa pag-aaral.


“O Hades, nag-aral ka na daw? May exam daw ngayon eh…”


“History ba? Oo, tapos na.” tipid niyang sagot at pumasok na sila sa klase.


Tatlong subjects lang siya everyday. Ganun lang ang buhay niya… tatlo o apat na oras na tulog, training, aral, at tuwing gabi ay nanonood ng away o minsan nama’y nakikipag-away. Ganun lang.


Walang kasiyahan. Ang dating saya na nararamdaman niya tuwing lumalaban ay nawala kasama ng pagkamatay ni Beatrice. Ang pinakamamahal niyang si Beatrice na pinatay ng DEATH. At araw-araw, iisa lang ang gusto niyang gawin: ang ipaghiganti ito.


May araw din kayo sa akin…
« Last Edit: May 20, 2009, 04:15:44 pm by lonelyjice »
A man deprived of love and has dedicated his life seeking for revenge…

HADES

lonelyjice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 109
  • Karma: +19/-12
  • back for good!
Re: ••HADES••*author's back* Prologue Posted...
« Reply #22 on: May 20, 2009, 04:18:48 pm »
yap..nabasa ko na lahat..
hehe.. matagal na.THANKS DAHIL
NAGBABALIK KA! <3
i`m BEE by the way.

yup2,i remember your name sa old link.
thanks for the support..
sana di ka magsawa sa pagbabasa.:D





Note:mabilis ang update nito until the 9th or 10th chapter siguro. Kaunti lang kasi ang revisions na ginawa ko dun... But after that baka medyo bumagal since they are still under construction. HAHA!
A man deprived of love and has dedicated his life seeking for revenge…

HADES

Lavenderpink

  • taffy
  • ***
  • Posts: 441
  • Karma: +63/-3
Re: ••HADES••*chapter 1: glimpse*updated:05-20-09
« Reply #23 on: May 20, 2009, 05:27:16 pm »
 :) ako una! yehey!!! hehehe... miss ko tlga 2ng story mo ...
...Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
and know the stars are
holdin' you tonight...

Sachiko

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 662
  • Karma: +52/-11
  • Even in a pinch, I'm always Happy
Re: ••HADES••*chapter 1: glimpse*updated:05-20-09
« Reply #24 on: May 20, 2009, 07:59:34 pm »
Hello Ate Ice, buti naman at nakabalik ka na, miss ko na si Hades eh hehehe,  ;D

lonelyjice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 109
  • Karma: +19/-12
  • back for good!
Re: ••HADES••*chapter 1: glimpse*updated:05-20-09
« Reply #25 on: May 21, 2009, 02:16:33 pm »
:) ako una! yehey!!! hehehe... miss ko tlga 2ng story mo ...

haha...di masyado obvious 'di ba?
weh...


Hello Ate Ice, buti naman at nakabalik ka na, miss ko na si Hades eh hehehe,  ;D

miss nya na rin kayo..  ;D
so support,eh?
A man deprived of love and has dedicated his life seeking for revenge…

HADES

lonelyjice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 109
  • Karma: +19/-12
  • back for good!
Re: ••HADES••*chapter 1: glimpse*updated:05-20-09
« Reply #26 on: May 21, 2009, 02:44:35 pm »


2: Trouble





Lurntille International Airport
8:58 am



Inip na naghihintay sa labas ng airport si Suzanne para sa kaibigang si Harriet. Ang sabi nito ay 9 am lalapag ang sinasakyan nitong eroplano.


She should be here soon.


At exactly 9:05 in the morning, a tall lady about 18 years of age emerged from the airport. She had wavy hair, which she wore in a ponytail, a perfectly shaped nose, something she got from her English ancestors, red lips which all equates to one word: beautiful. Yeah, she’s beautiful and drop-dead-gorgeous. She was wearing a white tank top and jeans which complimented her slim figure and a Gucci shades. An airport crew was following her carrying all her baggages.


“Suzanne!” tawag ng babae sa kanya sabay yakap. “Oh my god! I can’t believe it! I miss you girl!”


Tumawa si Suzanne sa inasta ng kaibigan. Parang ang tagal naman nilang hindi nagkita. Sabagay, almost three years na rin.


“Hey, relax Harry. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao o.” himig biro niya sa kaibigan sabay yakap din dito.


“Oh shut up! To hell with them. I miss my bestfriend. Masama ba ‘yun?”


“Gaga! Ganyan ba talaga kalala ang impluwensya ng Paris? Dalawang taon ka lang dun ah… Nakalimutan mo na ang ugali nating mga Pilipino?”


“Zanne, Pilipino pa rin ako noh! Loka-loka. Na-miss lang talaga kitang gaga ka!”


“Yeah, I know. So let’s go. Bago pa ‘yan mabalian ng buto ang crew sa bigat ng mga gamit mo.” At inakay na ni Suzanne ang kaibigan patungo sa parking lot.


“Wait. Si mommy pa…”


“What? You mean kasama mo si tita?!”


“Yah… Kelan ba naman ‘yun pumayag magpunta ako dito mag-isa? Sa Lurntille pa talaga… And to think na sa KA ako magtatransfer.”


“Harry! You don’t mean Kursakov Academy, do you?”


“Zanne, may iba pa bang KA dito sa Lurntille? Kursakov lang ‘di ba? Hay naku. Parehong-pareho kayo ni mommy ng reaction nang sinabi ko kung san ko gusto mag-aral.”


“Harry, iha, you can’t blame us. It’s Kursakov Academy we’re talking about.”


Napalingon ang dalawa sa pinanggalingan ng boses. It was Harry’s mom. And she looked a lot like her.


“Hello Tita! I didn’t know you were coming with Harry…”


“That’s because she thought I would allow her to come back here alone. How are you Suzanne?” bati naman nito sa kanya.


“Good. I’m doing good tita. So, shall we go now? Marami pa tayong dapat gawin today…”


“Hear, hear! Mag-eenroll pa ako… Sana lang tanggapin pa ako ng academy. One week pa lang naman ang class nila eh. I can still catch up. Right?”


Sabay na napailing ang mommy ni Harriet at Suzanne sa sinabing iyon ni Harriet. Hay naku, kahit kailan matigas talaga ang ulo niya. Whenever she decides on something, hinding-hindi mo na ito mababago.





••••••••




Kursakov Academy
9:26 pm



Crap! Ano’ng klaseng eskwelahan ‘to? Ang bagal ng service! Tama bang paghintayin ako ng dalawang oras?! Hmpf.. Ginabi na tuloy ako! Kanina pa ako dapat nakauwi! Himutok ni Harriet sa sarili matapos ang mahigit walong oras na pagpapa-enroll sa KA. Kahit sabihin pang tinangka siyang pigilan ulit ng mommy at kaibigan niyang si Suzanne, nagpumilit pa rin siyang doon siya mag-aaral. Buti na nga lang at tinanggap pa rin siya ng dean ng Academy kahit late enrolee sya.


She really wants to be inside the Academy. And she has her reasons.


--flashback, 5 hours ago--


“Do you really want to do this Ms. Deveraux? I mean, this school is not an ordinary school.” Tanong sa kanya ng dean kanina sa interview.


“Yes. Modesty aside, sir. I can perfectly take care of myself. I know what kind of students you have here and I’m fine with that. Besides, you allowed me to wait for two hours. You wouldn’t want that to go to waste, do you, sir?” balik na tanong niya sa dean.


Ano ba.. Kailangan kong makapasok sa eskwelahang ito! Urgh, grant my request!


“But, this is a dangerous school Ms. Deveraux… And I do mean dangerous. This isn’t a school for a lady like you… Why, there are a lot of schools here in Lurntille. Why not try St. Monica’s? or the state university I guess?”


“I understand your concern Sir. But really, I want to study here in Kursakov. I came here all the way from Paris to study. I know all of the detriments and the risks I’m taking. I know how the school works and how your students function. I’m not afraid of it. And more importantly, I can deal with it.”


“You really seem to be decided Ms. Deveraux. Well then… Your request of transfer is granted. Please sign this waiver and you may now proceed to the registrar’s office.” Anito at may iniabot na dokumento sa kanya.


It was a waiver stating that the school shall not be blamed for any “accidents” that will happen in and outside the school premises. She immediately signed it. Alam niya kung ano ang purpose nun. Sa dami ba naman kasing gang sa academy, hindi maiiwasan ang magkabanggaan at mag-away. Minsan pa nga, umaabot ito sa patayan.


“Thank you, Sir. I’ll go ahead. Ciao!”


--end of flashback--



Nasa last stop na of enrolling si Harriet— library. Kailangan niya kasing gumawa ng account doon para makapaghiram siya ng mga libro o school records. Oo, isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto niyang makapasok sa academy. She needs access to their information. Pagkatapos niyang i-fill up ang form at ibigay ito sa librarian ay biglang tumunog ang tiyan niya.


Ugh, gutom na ako. Late na kasi… Hindi pa ako nakakapag-dinner. Sabi ng dean kanina 10pm nagcoclose lahat ng offices sa school. So baka open pa ang cafeteria. Makabili nga ng pagkain...


Mabilis siyang tumakbo pababa sa library. Naman kasi, bakit nasa 5th floor talaga ang main library? Nasa kabilang building pa naman ang cafeteria. She was running faster. Nasa 2nd floor na siya nang bigla siyang may nabangga.


“Watch it!” the guy hissed. Pero hindi na siya tumigil sa pagtakbo. Gutom na talaga siya. For crying out loud, may ulcer siya! At sumasakit na ang tiyan niya!


“Sorry!” sigaw na lang niya habang tumatakbo. After about two minutes, nakalabas din siya ng building. Nakita niya ang cafeteria right across.


There… Cafeteria, here I come! Kausap niya sa sarili at naghandang maglakad patungo sa cafeteria nang bigla siyang harangin ng limang lalake.


Napalingon siya sa paligid to check kung may iba pang tao. Wala. Sila lang ang naroon sa school grounds. Napatingin siya sa library. Hindi pa naman siya masyadong nakakalayo dito. Kapag sumigaw siya, maririnig siya ng librarian.


Silly. Walang pakealaman ang mga tao dito Harriet! You’re on your own. Saway niya sa sarili at nag-isip ng iba pang paraan kung paano siya makakatakas at makakaligtas sa limang lalake sa harapan niya.


Hmm… Breathe in, breathe out. Breathe in, breathe out. She said trying to calm herself.




Uh-oh. I smell trouble.
« Last Edit: May 21, 2009, 02:51:58 pm by lonelyjice »
A man deprived of love and has dedicated his life seeking for revenge…

HADES

Lavenderpink

  • taffy
  • ***
  • Posts: 441
  • Karma: +63/-3
Re: ••HADES••*chapter 1: glimpse*updated:05-20-09
« Reply #27 on: May 21, 2009, 02:52:43 pm »
 :( :o 0ohhh... d bale... im sure may magliligtas sau hehehe..
...Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
and know the stars are
holdin' you tonight...

Ayra.

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 831
  • Karma: +72/-17
    • The Faintest Ink
Re: ••HADES••*chapter 1: glimpse*updated:05-20-09
« Reply #28 on: May 21, 2009, 03:07:26 pm »
Aww. I still miss Beatrice. I want her and Hades. Too bad she died.

And  here's Harriet, alive and kicking.
Kung magiging sila man ni hades, sana hindi kalimutan ni hades si BEATRICE.  :'(
Cause lately you make me weaker in the knees.

Para sa may mga problema sa puso.

lonelyjice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 109
  • Karma: +19/-12
  • back for good!
Re: ••HADES••*chapter 1: glimpse*updated:05-20-09
« Reply #29 on: May 21, 2009, 03:23:11 pm »
:( :o 0ohhh... d bale... im sure may magliligtas sau hehehe..

haha...
sigurado ka talaga?  ;D


Aww. I still miss Beatrice. I want her and Hades. Too bad she died.

And  here's Harriet, alive and kicking.
Kung magiging sila man ni hades, sana hindi kalimutan ni hades si BEATRICE.  :'(


Hmm, it's a weird opinion you have their ay..
i mean, bakit si beatrice? curious lang.. ;D
A man deprived of love and has dedicated his life seeking for revenge…

HADES

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website