EXPERIMENT:31BECAUSE I LOVE HIM
“Ilang months ka na ba niyang nililigawan at hanggang ngayon eh di mo pa rin siya sinsagot, ha Ms. Page?” Uulitin ko lang, wala ako sa Oprah or sa Good Morning America.. I swear.
“3 months?”“Tagal na rin pala.. Wala ka bang balak sagutin siya?”“Siyempre meron.. Pag ok na kila mom and dad..” nagtawanan sila..
“Page,hello?Di naman kayo magpapakasal to ask some BLESSING noh.. Duuuh.” Inikot ko na lang yung mata ko.
“Hay naku..Basta!” sabi ko na lang kaya nagtawanan na lang ulet sila.
Lumapit sa akin si Carlie at humiga sa tabi ko.. Nakatingin lang siya sa may ceiling..
“Ang misteryoso ni Jin no?” napatingin ako sa kaniya..
“Ang alam ko lang, half-Japanese siya,kasali sa isang gang.. Troublemaker.. Yun lang. Ikaw ba Page, kinikwentuhan ka ni Jin?”
“Meron syang kambal na kapatid na cute.. Arya at Aeron ang name..ang cute di ba?” haayy.. Naalala ko na naman yung 2 yun.
“Eh ang parents niya?Kilala mo ba?Pinakilala ka na ba?”Natahimik ako dun infairness.. Who wouldn`t?I gave her a smirk.. Smirk na may sadness sa loob. He never mentioned his parents to me, kung anong tipo o kahit pangalan nila.. Kung bakit nandito siya, kung bakit siya sumali SA gang at kung bakit di pa rin siya umaalis.
“HINDI.” “Ngeh. Ano ba yang si Jin. Tsk tsk.” Napa-smile na lang ako,
“Siguro isang factor na rin yan kaya hindi ko muna siya masagot. IDK.. Pero deep inside me, alam ko mahal ko siya.People fall in love not knowing why or how. It’s a special feeling that doesn’t require much answer. You just love no matter how stupid you become.”[/color][/b] Gosh, I never thought I could be this cheesy. But it’s a good feeling.
“I love it!Definitely true!” narinig kong sigaw ni Janice out of nowhere.
---
The next day, sinundo kami ng mga ‘boys’ sa bahay nila Janice..
“Good morning girls..” si Jin nasa liked lang with his most precious item ever..
His MOTORCYCLE.
“Good morning din.”“Hi buko.” sabi ni Marcus papalapit kay Janice.
“Hello pandan. I bet you miss me!~” EEEEW.WHAT THE HELL! BUKO PANDAN? WALA NA BA SILANG MAISIP NA TERMS OF ENDEARMENT. UGH.WHATEVER.
“AARAN!” I said as I giggle.

. Yes you heard it right.AARAN.. His other name..
“AARAN?” sabay naman na sabi nila Marcus at Riff.
“HAHAHAHA. Pag kami tumatawag sa iyo niyan, halos mapatay mo na kami pero siya..wala lang! Ganyan ka na ba talaga ngayon AARAN?” nagtawanan na lang lahat, samantalang si Jin naman, umangkas na sa motor.
“Sakay na.” he said with a seriousness in his voice.
“Ang sungit.” I muttered under my breath. I bet he`s PMSing. Sirain ba magandang mood ko?UGH.
Inabot niya yung helmet niya sa akin, tapos sinuot ko na sabay sakay sa likod at hawak sa bewang niya.. I wanted to ask him kung anong problema, pero natatakot naman akong itanong.Niyakap ko na lang siya from behind. I love his back.

Nagstop ang lahat sa harap ng AvexTrax na restaurant. Dun kami kumain, katabi ko si Aaran Jin pero ni hindi man lang niya ako kausapin, kanina pa yan ha!It`s pissing me off!
“Hoy.. Kanina pa kayo walang imik jan ah!LQ?” sabi ni Carlie sa amin. I shrugged.
“Ewan ko sa kaniya..Sige, una na ako.” I am so DISAPPOINTED. Parang napahiya ako dun,kanina pa ako nagpapansin tapos parang wala lang sa kaniya?! Makaalis na nga!ASAR.
Lumabas ako ng resto.. At naghintay ng taxi sa labas,
“Page..wait.” Is it just me or someone is calling me? I turned around and saw him. IGNORE HIM PAGE. IGNORE HIM. Di mo ba nakita yung ginawa niya sa yo kanina? Hayaan mo siya. Just walk straight… tama.
“Look, I`m sorry. I just don`t like people calling me Aaran.It sucks.Pangit pakinggan.” sabi niya. WHY?IT`S JUST A NAME, kung mag-react akala mo kung.. Ang arte! Or is it because, Aaran means something more para sa kaniya? Di niya ba alam na gusting-gusto ko siyang tawaging ganun? UGH.
“Ok.Fine.JIN.JIN.JIN.HAPPY NOW?” I heard him chuckle. I turned around and gave him my deadliest glare. Hinawakan niya yung kamay ko,
“Ok. I will let you call me by my name..wag ka lang magalit.Ok?” para akong bata. T______T Ok. Mission accomplished. IGNORE HIM. Irony. XD
Pabalik na kami sa loob when I saw my mom..O____O
“Akala ko ba napag-usapan na natin to?” She said papalapit sa akin and then she grabbed my wrist.
“Mom...”
“Pumasok ka na sa loob ng kotse.”“Let me explain first.” “I told you to go inside!!!”“Page..” Pumasok ako sa loob ng kotse.DEFEATED.
“Ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na ayaw na ayaw ko kayong makitang magkasama ha?Mahirap ba intindihan yun?” “Pero di ba dapat bigyan niyo kami ng chance?Kahit isa lang..Don`t be like this,please..” I pleaded.
“Page, ang dami-daming nanliligaw sa`yo..Bakit siya?” “If I ask you, bakit si daddy ang pinili mo? You would definitely say, because I love him.Ganun lang yun mom.. I hope you understand...It`s because I love him.”