oks po... salamats

sobrang haba ba? haha... pag kasi hihiwalay hiwalayin ko yan eh ang bagal ng takbo ng story, matagal pa talaga yung main storu actually...
Chapter 1.1-- That New Car
Tara... kain tayo ng burger...
Huh?
Sabi ko kain tayo...
Bakit? Sino ka ba? Close tayo?
Ano? Tara na nga...
Di naman talaga kita kilala eh... Bahala ka na nga... Sige na... Bye...
Wag... HINDI!!!Leighan: HINDIIII!!!
Leighan's POVnananaginip lang pala ako. akala ko naman kung ano na eh. ang ingay naman sa labas. uhm... di naman malakas yung boses nila pero sa ganitong oras? 1:00 am na noh. hello.
teka??? eh dalawa lang naman kami ni mama dito sa house huh? ah... creepy naman! mabuti pa, masilip ko na lang...
hmmm... si kevin lang pala

kala ko kung sino na. pero ano kaya ginagawa niya dito? saka parang umiiyak siya? ano kaya nangyari? nakita na siguro nila akong nakasilip, napahinto sila eh saka napatingin sakin si Kevin.
Leighan: (ngiti) Gabi na ha...
Kevin: Umaga na...
Leighan: hmmm... oo nga... at bakit naman napadaan ka pa dito?
Kevin: Ala lang... masama?
Leslie: Wait Kevin, kunin ko lang yung kumot saka unan mo huh...
Kevin: Ok po, thank you...
Tatabihan ko ba siya? o hindi? wag na... nakakahiya di man lang ako nagsuklay. haha. pero sige na nga... miss ko na siya eh.
Leighan: Di ka mn lang tumawag...
Kevin: Actually, dapat mga 10:00 palang tatawag na ako kaso... nag-alangan ako kaya ayun, eh kaso... gusto ko talagang magpunta...
Leighan: Kaya ala una kang nagpunta? toyo ka talaga... ginising mo pa mama ko...
Kevin: Ok lang yun... bakit gumising ka pa?
Leighan: Eh ang ingay niyo eh...saka binangungot pa ako... ayaw mo daw ako ibili ng burger... ewan, malabo...
Kevin: Oh? burger lang? kahit cake ibibili kita...
Leighan: Yabang??? Eh ba't namumula mata mo? saka namamaga? umiyak ka ba?
Kevin: A-- ako? hindi ah... syempre madaling araw na eh...
Leighan: Ok...
Leslie: Oh... eto na unan, sigurado ka ba na dito ka na lang?
Kevin: Opo,
Leslie: Matulog na kayo huh, ikaw din Leigh, tulog na...
Leighan: Sige po...
Haaay... nanlalata ako. Ayoko nang matulong ang weird ng dream ko eh. sobra! duh! haaay...
Huwag mo naman akong iwan...
Dyan ka na...
Wag naman...
Sige na...
Bye...
Wag... wag...
Kevin...6:30
tutututut tutututut tutututut...
BOOGS!!!
bakasyon pa naman eh kaya pwede pang mag extend sa pagtulog...
7:30
.
.
.
8:00
.
.
.
.
9:30
.
.
.
.
10:00...
Ayyy!!! bakit ba naman kasi nag alarm clock pa ako eh? ala namang pasok! Inis!!! hay... di na ako makakatulog ullit niyan. Hehe, pasensya na huh, medyo matakaw talaga ako sa tulog... tamad ako. ikr! 10:01 na pala... for sure wala na ang mama ko. ako na lang mag-isa dito o... ako na nga lang ba kaya? nandito pa kaya si Kevin o wala na? Sana nandito pa... gusto ko pa siya makasama. Pero kung wala na... ok lang din naman, di naman ako duwag noh. Sanay ako sa mga nakakatakot na elemento kasi lagi ako iniiwan ni mama sa bahay mag-isa pag nasa work siya, dalawa lang kasi kami sa bahay tapos malayo naman ang family namin. Si papa? ewan ko, wala ako balita simula pa nung nagkamuwang ako sa mundo. Ayaw naman sakin ikuwento ni mama, hayaan ko na super blessed na naman ako sa kanya eh saka kay kevin <3.
naikot ko na buong bahay namin na medyo malaki medyo maliit. Walang signs ni Kevin. Confirmed! wala na nga siya. How sad?
Tapos na ring kumain. Hay... ganda ng agahan ko noh? haha 11:00 na. magpapaint na muna siguro ako saka ako lalabas para kumain. Syempre, naligo muna ako tapos sinuot ko yung uniform ko pang pinta, maong na jumper na mahaba saka puting tshirt.
Yep. mahilig talaga akong magpinta, nahilig ako dahil kay Kevin... haha kevin kevin kevin. wala na akong ibang bukambibig kundi si Kevin. Eh love ko yan eh. mag-4 years na kami, simula pa nung 3rd year highschool, ngayon mag 3rd year college na kami and we're stronger, nothing can beat him.
Sa labas ako nagpapaint sa likod bahay namin, maluwang dun and maganda ang view, mala gubat, enchanting... madaming puno saka may maliit na bahay kubo dun madalas kami dun nagpaparty party ng mga friends and classmates ko.
Hmmm? Bakit nakaset-up na yung mga gamit ko?

Gosh. Si Kevin pala nandito pa.
Leighan: Kevin... nandito ka pa pala... di ako nagsaing... kala ko kasi-- ano ba yan?
Kevin: Ala lang... abstract...
Leighan: Lagi naman abstract ginagawa mo eh...
Kevin: Haha... funny... sama mo...
Leighan: Joke lang noh...
Kevin: I know...
Leighan: Uhmm... bakit ka ba talaga nagpunta dito...?
Kevin: wala lang... na miss kita... haha
Leighan: Weh... hmm...
Chezzy no??? Joke! Alam ko corny namin. Ganyan kami, baka kasi kapag super madalas na cheezy lines magkasawaan kami and hindi rin kami nag-pPDA. ayaw ko eh, ayaw niya rin. Gusto ko rin naman kasi gusto ko siya ipagmalaki pero madami pang panahon para dun ayoko kasi na sobra kamingmaattach sa isa't isa.
Kevin: Di ka pa ba gutom?
Leighan: Tara... kain tayo...
1...2...3...4...5 days na ang nakalipas pero nandito pa rin si Kevin, alam ko dapat masaya ako kasi kasama ko siya pero bakit ganun? Ang weird eh. Basta, ni hindi man lang niya kino-contact parents niya, alam kaya nila toh? Something's going on. I better ask my mom about this, she won't lie.
tok tok tok...
Leighan: Ma...
Leslie: Oh...
Nagsusulat pa pala si mama tungkol sa mga kung anu-anong ginagawa niya sa work nila. Duh! di man lang niya ako ininvite na tumabi sa kanya. Ako na nga lang uupo.
Leighan: Ma, im nervous...
Leslie: What? Bakit naman?
Leighan: I don't know... parang may kakaiba... kay Kevin... I think something's going on, pero... bakit wala siyang sinasabi?
Leslie: Ewan ko...
Leighan: Di niyo po ba napapansin?
Leslie: Ewan ko...
Leighan: Nanaman? may alam po ba kayo?
Leslie: sa kanya ka kaya magtanong ano? Sige aaminin ko sa'yo... alam ko ang lahat pero... wala akong karapatan ara sabihin ko sa'yo nang wala siyang pahintulot...
Leighan: Pero boyfriend ko siya ma...
Leslie: Basta... bukas kausapin mo siya... gusto ko kayo ang mag-usap... ok?
Leighan: Kev what's going on?
Kevin: With what?
Leighan: With your family.
Kevin: Fine. usual. ay, oo nga pala mamamasyal ang family namin next next week.

Tapos bigla siyang tumalikod at hinarap yung kape na tinitimpla niya kanina pa na inabala ko para lang mag tanong ng 'what's going on' kahit kakagising ko lang. Alam ko may something sa smile niya, he's faking it!
Leighan: Don't fake it! next next week? eh enrollment na yun eh, patapos na ang summer.
Kevin: Don't worry Lei. Mag suklay ka kaya muna, susugod sugod ka diyan eh.
Leighan: 6th day mo na to eh. Dito ka na ba titira forever?
Kevin: Pwede ba?
Tapos ngumiti siya! ah... killer! Nangingiti ako pero ayoko, lalo niya lang ako paglalaruan.
Leighan: Eh de live-in yun?
Kevin: Eh may guardian naman eh.
Leighan: So gusto mo ngang tumira na dito? Bakit napalayas ka na ba sa inyo?
Kevin: Bakit ba parang ayaw mo? Ayaw mo ba ako kasama?
Leighan: Huh? Eh iba naman kasi to eh. diba? Napalayas ka ba sa inyo?
Tapos umupo siya, ako nakatayo pa rin tapos naka pamewang, nanay eh.
Kevin: Ok... hindi ko na naman din to matatago eh, saka darating din ang time na dapat mong malaman dahil sa mga consequences.
Leighan: Ano yun?
Kevin: Kasi... napalayas ako ni daddy.
What? narinig ko ba yun ng tama? Napalayas siya? pero bakit? Maayos sila ni daddy(daddy na rin kasi tawag ko eh). Super close sila pero ano magiging dahilan para magalit sa kanya ang dad niya ng ganun?
Kevin: Tatanggalan na niya ako ng mana tapos yung mga account ko sa banko pinaclose na niya. Bumili kasi ako ng kotse eh.
Leighan: What? Di ko maintindihan.
Di ako slow. Per sige nga kayo ba gets niyo kung bakit kotse ang dahilan?
Kevin: Kasi racer si dad diba? tapos naaksidente na siya nun, kaya nga may driver kami eh. Tapos simula nun natrauma na siya mag drive ng car, pati ako di na niya pinayagan, napapagalitan niya ako kapag nalalaman niya na nagdidrive ako ng car ng classmate natin o katropa ko.
Leighan: Baka nagtampo lang siya. Syempre natatakot yun.
Kevin: Galit talaga yun, kung nakita mo lang itsura niya.
Leighan: Mag sorry ka na lang.
Kevin: Ok na rin naman atleast diba? matututo na ako maging mag-isa. but Lei, there's something more you need to know
Leighan: Ano yun?
Kinakabahan na ako. Feeling ko isang malaking desisyon ang kailngan kong gawin sa buhay ko at feeling ko yung dugo sa ulo ko umiikot.
Kevin: Kailangan muna naging maghiwalay.
HIWALAY? tama na naman ba ang narinig ko? God no! sana mali narinig ko.
Leighan: Ano?
Kevin: But hindi naman talaga hiwalay na break ok?
Hay. ok, akala ko nakikipag break siya, naku! kung hindi kukuha ako ng kutsilyo tapos... ... babalatan ko yung repolyo(huh???)
Kevin: Kailangan lang muna natin maging magkalayo. Kasi wala nang susuporta sa studies ko, eh mayron naman akong scholarship noon pa sa Salvador University sa manila, so doon ko na sana balak mag-aral.
Leighan: Huh?
Ang weird. 'Huh? Ano?' puro yan lang nasasabi ko. Ang bigat na ng nararamdaman ko ngayon. Di pa naman siya aalis pero... hindi! ayoko! Di ka aalis.
Leighan: Eh... hindi pa ba expired yung scholarship nayun?
Nanggigilid na luha ko. Iiyak na yata ako. yata nga ba?
Kevin: Huh? haha... wala yun. Wag ka iiyak.
Nakikita ko rin siya. Iiyak na siya, ang babaw ng luha nito eh.
Kevin's POVAyun na nga she's sobbing for 5 minutes now. Kanina ko pa siya yapak at kinakalma pero wala. Mahal na mahal niya talaga ako. Ganun din ako. Kaya nga napakahirap na desisyon nito eh.
Hmmm... natigil siya. haha, kahit ang bigat ng ambiance ng lugar namin natatawa ako sa itsura niya, kakagising niya lang kasi so gulo-gulo ang buhok niya tapos kakaiyak niya lang tapos naka pantulog pa siya, yung malaking damit na hugis tshirt, tapos maluwag sa kanya pero di naman sobrang haba, above the knee pero konti lang. Ang cute niya talaga. Tapos humihikbi pa siya, ang sarap siguro ng feeling pag wife ko na siya.
Leighan: Kev... alam ko na. Bakit di ka na lang maghanap ng work? Please?
Uh-oh. work, job.. allergic ako sa words na yan eh. Di talaga ako sanay magtrabaho, pero ok lang naman sa dad at mom ko kasi honor student naman ako simula kinder at panlaban din ako ngayong college.
Kevin: W-work?
Leighan: Oo.
nakatingin siya sakin, patingala, medyo maliit kasi siya eh tapos hawak niya parehas ung kamay ko, para siyang bata na humihiling ng ice cream. Gusto niya akong pagtrabahuhin, pero ano sasabihin ko? Mahirap maghanap ng trabaho ngayon lalo na kung gagamitin ko yun sa studies plus dorm plus pagkain. Kung sa Salvador U ako mag-aaral, libre na pampa dorm, pati allowance meron na san ka pa? mga babayarin na lang tulad ng fieldtrip ang kailangan kong paghirapan, pero pag ganto lahat lahat. Pero... di ko siya pwedeng biguin.
Kevin: Uhhhm... ok, I'll try my best para mahanap ng work, as soon as possible.
Leighan: Eh kung tustusan ka na lang namin?
Kevin: NO! nakakahiya. Wag na.
Leighan: Sige mag work ka na lang tapos dito ka na lang tumira.
Nilapitan ko siya lalo tapos pinisil ko yung cheeks niya, hawak niya yung bewan ko ngayon.
Kevin: Lei, sorry pero di pwede. Ayoko kasing pumangit ang image mo kapag ganun. Di pa tayo pwedeng magsama sa iisang bubong, di pa tayo kasal diba? Mabuti pa, sisimulan ko nang maghanap ng work ngayon.
