You + Me=LOVE∞
CHARACTERS:
Quionine Xylem Ventura
Allein Jome Montes
Max Valeine La Rosa
Kevin Saab Alcantara
Stephen Kent Sarroza
Lego Marquez
Others:
Miss Lina Marquez
Miss Mendez
PROLOGUE:
Umaga nu`n. As usual, nagmamadali na naman ako sa pagpasok. Puyat na naman kagabi sa sobrang pagbababad sa pag-aayos ng blog ko. Ewan ko ba, pero dati ko pa talaga gusto makagawa ng magandang blog pero parang sa dami ng school works and home researches ko, hindi ko na maisingit sa busy sched ko ang pag-asikaso sa aking blog. Pero dahi naalala ko siya kagabi, ayun – medyo may laman na siya. Success na rin yun para sa`kin. Dahil If I`m not mistaken, ako na lang sa mga hi-tech kong classmates ang wala nu`n.
So,ito na nga. 1st time ko lang ulit maglakad papuntang school since naiwan ako ni Manong Mando na aking school service. Tricycle lang `yun. Di naman ako `yung tipo ng taong pasosyal para sumakay pa ng van o di kaya`y bus papuntang school. E samantalang medyo malapit lang naman siya sa bahay. Kumaripas na nga lang ako ng takbo dahil alam kong malalagot ako kay Ms. Marquez `pag di ako umabot sa Biochem Class niya. Hindi naman sa wala akong pera para ipamasahe, kaso bihira lang talaga dumaan yung tricycle lalo na `pag ganito kaaga. Bahala na. Sa school na lang ako magsusuklay. At pagkatapos ng 9,365 days (siyempre joke lang `yun—mga 45 minutes lang siguro. Hehe), narating ko na rin yung school.
“Ventura, yung I.D mo?!”
Si Manong Guard `yun. Kilala niya ako dahil 1 year na rin akong nag-aaral sa school na `to. Haaaaayy…
Dali-dali kong kinuha yung ID sa bulsa ng backpack ko. Dukot dito. Dukot diyan.
“Andito lang po yun manong e. Sandali lang, ha?”
Napansin ko kasing nakakunot na yung noo ni manong. Kumportable naman akong nandito ko lang siya nilagay nung napansin kong wala…
nawawala?!
NAWAWALA NGA `YUNG ID KO!!! NAKU PO! SA DINAMI-RAMI NG PWEDENG MAWALA, BAKIT `YUN PA?!
Natatakot akong kinakabahan na parang ewan. Pero siyempre, hindi ko pinapahalata kay Manong Guard. 1 week cleaning service lang naman ang magiging parusa ko nito! PA`NO NA `TO?!!!
“Bakit? Nawawala, no? Bakit ba kasi parang hirap na hirap kang isabit yung ID diyan sa leeg mo?!”
Sige lang, manong. Ipagdiinan mo pa. Maiiyak na nga `yung tao e.
“Manong, kasi ano e… Baka naman po pwedeng…”
“May ID na nahulog sa labas. Baka kilala mo `tong pabayang nakawala nang--”
Nagulat ako nung sumingit `yung lalaki. Hinablot ko agad `yung ID na hawak niya.
“E akin `to e!”
Hinatak ko agad yung ID ko.
“Manong, Ito na po `yung ID ko, o?!”
Ay, teka, ano raw? Pabaya?! Ako?! O sige na. Nahulog lang e. Pasalamat siya—gwapo siya! Ay! Ano ba tong mga pinag-iisip ko?! Tss. Halatang nainis yung lalaki sa ginawa kong paghatak sa ID ko. Nakatingin lang siya sa`kin habang nanlilisik ang mata niya. Nakakatakot naman siya!
“Ventura, sa susunod—iingatan mo yung ID mo para di mawala. Sa susunod di na talaga kita papasukin. Buti na lang nandito si--”
“Opo, Manong! Nagmamadali na po ako eh.”
Tumakbo na `ko agad at sumenyas ng buh-bye kay Manong at pati na rin ro`n sa lalaki na medyo nakasimangot. Ewan ko ba sa kanya.Bahala nga siyang magalit . Pumunta na ako agad sa 2nd floor papuntang room ko. Tanggap ko na. Late na talaga ako. Lagoooooot na!!!
-END OF PROLOGUE-
[/sup]