Huminga ako ng malalim bago lumapit. Grabe, tomboy na tomboy `yung itsura niya. nakamaluwag na t-shirt. Cargo pants. Tsninelas. Nakacap siya na may design na star sa gilid—hindi na nga Makita buhok niya e. kalbo kaya `to? `di ko masyadong kita mukha niya, madilim na kasi e pero sa ngalan ng pagkain, kakayanin ko `to!
“hi” sumama `yung tingin sa akin nitong tomboy na kaharap ko. nagpatuloy lang siya sa paglalakad pero hinawakan ko `yung braso niya para tumigil siya.
“ui teka” nginitian ko siya ng killer smile ko na nakakamatay talaga dahil sa kagwapuhan ko. “ako nga pala si Rain, ikaw?” tinignan lang niya ako ulit, lalong sumama `yung tingin. Katakot.
Snobbish naman nitong tibong to! Kung babae ka lang nako! Baka lumuhod ka pa sa harap ko e! “pwede ko bang malaman yung pangalan mo?” inakbayan ko siya. Hindi naman siya kumibo kaya parang ok naman na nakaakbay ako sa kanya.
“p***** i**ng `yan!” bigla siyang tumakbo. fcuk! Ang sakit ng suntok niya sa mukha ko! taena! Hinawakan ko yung sumasakit kong ilong. Putek! Ang saket! “argh!”
“`tol! Grabe. Talo pa niya si Pacquiao manuntok! Straight to the face!” tumawa sila na parang tanga. Taena. Ang saket ng ilong ko!
“ok lang ba yang mukha mo? Mukhang nadislocate ata yung ibang parts ah”
“tanga. Ganyan talaga mukha niyan” tawa silang lahat.
Tumayo naman ako habang hawak hawak `yung ilong ko. napaluhod kasi ako sa sakit e.
“e kung kayo kaya suntukin ko!? grabe full force!” ang sakit! Kawawa naman gwapo kong mukha! `yung ilong ko!
Tumawa lang sila ng tumawa habang naglalakad kami pauwi. “`tol, gagaling `yan overnight. May pasok ka pa bukas oh” tinapik tapik naman ako sa balikat ni Ash.
“I’ll miss you Rain!!” niyakap naman ako ni Chris.
“yuck! Bitawan mo ako!” tinulak ko naman `yung mukha niya. Nababakla na naman kasi sa kagwapuhan ko e.
“si Chris nababakla na naman” tumawa kaming lahat. lakas ng trip namin `no?
Ako nga lang pala may pasok bukas. `di na kasi sila nag-aaral eh. bakit? Kasi—
si Ash, mayaman naman sila kaya lang lumayas sa kanila kasi `yung tatay daw niya mukhang monster. kaya tumira dito sa subdivision namin, `di naman siya pwedeng pag aralin ng mga kabarkada niya `di ba?
Si Lee, matalino at talented kaya lang tamad tska yung talino niya ginagamit sa kalokohan. Ayaw niya kumuha ng scholarship para makapag-aral, tamad e.
Si Jin every year na lang lumilipat ng school paano laging kick out, ang daming kaaway parang talo pa niya yung tbs sa sobrang war freak, kaya hindi na siya pinag-aral ng tatay niya.
Si Sandy naman parang wala nang pumapasok sa kokote niya, puro babae babae babae at nasabi ko ba `yung babae? yun kinaaadikan niya e. halos namaster na ata niya `yung basic algebra at general science, pwede na siyang magteacher ng 1st year. Ikaw ba naman 4 years ka nang 1st year e, `di mo pa ba mamamaster `yun?
Si Tristan, sa apat na school na nilipatan niya, laging may iniiwan na souvenir sa mga babae niya. Maraming tinataguan kaya `di na nag-aral.
Si Chris naman tamad, ayan, sa sobrang katamaran hindi na nag aral.
Ako na nga lang pinakamatino sa barkada namin e, pero `wag kayo mang husga. Kahit na mga gag0 `yang mga `yan. Kaibigan ko pa din sila, tska `di naman kami nagdudrugs e, `di ba?
Mag isa lang ako dito sa bahay, `yung ate ko kasi nag asawa kaagad, `yung nanay ko namatay na tapos `yung tatay ko may iba nang pamilya. Pero kahit na may ibang pamilya tatay ko, hindi naman niya ako pinapabayaan. Binibigyan niya ako ng 2o,ooo pesos every month tapos hindi pa ko pa gastos `yung kuryente tska tubig. Astig `di ba?
Papasok ako sa bagong school ngayong 4th year. Ayaw na kasi akong ipag enroll nung principal ng school ko dati e, masyado daw akong war freak kahit hindi naman talaga. Mabait kaya ako.
1st day, maaga ako. hindi late, nakakahiya naman kapag late pa ako ngayong 1st day e. pumasok ako sa loob, ayos. Walang pumapansin sa akin ah, invisible ba ako? umupo ako `dun sa 3rd row, pinaka dulo. Pumasok na `yung teacher namin.
“may bagong estudyante ba tayo ngayon?” parang napatingin sa akin `yung mga kaklase ko. dyahe. Pag nagtaas ako ng kamay magpapakilala ako at kapag napahiya ako, bawas pogi points `yun sa mga girls!
Pero wala akong nagawa kundi ang magtaas ng kamay. “can you introduce yourself to everybody?” lagi namang ganyan e. tumayo ako at pumunta sa harap.
“I’m Andrei Jan Montez. But everybody call me rain” bago pa man ako umupo e biglang may nagbukas ng pintuan sa tabi ko. (may aircon kasi classroom namin kaya kulob at sarado lahat ng pwedeng isarado)
Napatingin naman ako `dun sa tao na nagbukas ng pintuan. “well, Dianne. you`re my student, again.” Dianne ang pangalan ng babaeng nasa harap ko.