Pinagtripan ko siya noon, pero dati `yun, hindi ngayon.
“mga `tol, tingin sa kaliwa” sumunod naman kaming lahat sa sinabi ni Ash at sabay-sabay tumingin sa kaliwa.
“tugsh! Sexy!” halos naglalaway na si Lee sa babaeng naglalakad na nakashorts na super iksi at nakasando na puti—at pink na bra.
“ganda legs!” nangingintab naman ang mga mata nitong si Jin habang sinusundan niya ng tingin yung babae.
“puro ka na lang legs Jin, bakit di mo bigyang pansin yung—” tumigil sa pagsasalita si Sandy. Lahat kami tumingin sa kanya at hinawakan niya yung dibdib niya.
“ang lake! Pink pa yung hold-upper”“gag0. eh kung yung pwet kaya tignan mo” biglang salita ni Tristan.
“parang watermelon, na tumatalbog!” tumawa kaming lahat habang tinitignan pa din yung babaeng naglalakad.
“miss, miss! Number mo naman!” sigaw ni Chris sabay tawanan naming lahat.
`yan ang trip ng barkada namin. Ang mga babaeng sexy, kita na kaluluwa, `yung laging nakashorts, nakasando, `yung mga malalaki `yung—
mga kinabukasan nila. `yung goddess itsura ng katawan ang mga trip namin. `yung mga maarte at mga flirt. Kasi sila, nakikijoin. Hindi tulad ng mga babaeng mahinhin, papahirapan ka na—babastedin ka pa.
“Rain” tumingin naman ako kay Chris, tinawag niya ako e.
“bakit?”“ang tanga mo! Bakit kasi hindi mo tignan yung tinitignan ni Chris” natanga pa talaga ako, malay ko ba?
Tinignan ko naman yung tinitignan ni Chris at parang huminto `yung oras. parang nawala lahat ng tao dahil sa nakita ko siya ulit.
“`tol si D oh, nagbabalik!” tumawa naman silang lahat.
Dianne talaga ang tunay niyang pangalan, pero dito sa subdivision namin, D tawag sa kanya. Ilang weeks ko na din siyang hindi nakikita paano nagbakasyon daw siya dun sa lola niya sa probinsya dahil aalis daw lola niya papuntang ibang bansa. Pero may pagdududa ako dun sa dahilan e, parang alam ko kung bakit siya umalis ng ilang weeks.
Ang akala ko hindi ako mahuhulog sa isang babae na hindi mo malaman kung lalake ba siya na natrap sa katawan ng isang babae o babae talaga siya na lalake ang ugali. Ang gulo ng pagkatao niya, pero sa nakikita ko, tanggap na tanggap siya ng pamilya niya sa ganyang kilos niya—
parang lalake.Trip lang naman namin `yun nung una e, trip ng magbabarkada at siya ang napagtripan namin—o napagtripan ko. pero nang dahil sa trip na `yun, di ko sukat akalain na pwede akong mabaliw ng dahil sa babaeng yan—babae nga ba?
“`tol, tignan niyo si Rain, inlove na ata kay D” tinignan ko naman sila na nakatingin sa akin sabay tawa.
“yan pala mga trip mo, mas lalake sa`yo” pinalo ako ni Ash sa balikat at tumawa ulit sila na parang walang bukas.
Ang saya ko na sana ng makita ko ulit si D. pero bakit nga ba ako nadismaya? Kasi tumingin siya sa mga mata ko na may halong galit, ngumiti sabay alis habang nakaakbay sa isang—
babae na sexy.Ang lakas talaga ng trip ng panahon.
Parang `yung ginawa ko dati kay D.
wala kasi akong mapagtripan e. ayan tuloy, gawa ulit story. wahahaha.
RAYNE nga pala. 