^CHAPTER 2: KCs.^TICK. TOCK. TICK. TOCK.prft. bakit ba ang bagal ng oras? nakakatamad dito sa opisina.
Same old stuffs na lang palagi pero sabagay ito ang bumubuhay sa pamilya ko. NO CHOICE.
Little Miss poor girl. tsk. tsk…
TICK. TOCK. TICK. TOCK. shoot!!
uwian na sa wakas, ang galing. ayos! 5 pm na. OUT NA KO.
[author: true to life yata ‘to. haha.cx my sister’s dilemma in her office.]
Currently working pala ako sa AMADO PUBLISHING sa Engineering section.
Ito ay isang struggling company na pinipilit itaas ang sales sa gitna ng economic crisis.
Natatakot na din ako na baka one day magsara yung company pero iniisip ko pa lang yun.
Parang gusto ko ng sisihin si Gloria Macapagal Arroyo. hmmm.. Why not?
FRIDAY. paboritong araw ng mga working people, kasi bukas walang pasok parang students din.
PAHINGA. PAHINGA. NAKAKATAMAD ANG OPISINA.. yan na lang ang naisip ko.
While walking palabas ng building may nakita akong babae na kumakaway sakin.
Wearing a skirt and cute blouse parang alam ko na kung sino. tss.. si Bridgette.
“bessy, out kna?..”“uh-huh..”“good. tara na!.”“where?..”“oh no! Nakalimutan mo na ba?.. FRIDAY ngayon.”“I know, anong meron?..” isip. isip. tsk, wala akong maisip..
“ngayon yung party para kay Keith.” uh-oh. ngayon na ba yun? kaya ba ko excited umuwi dahil dun. tss. no way!
“san tayo, pupunta ulit?..” nawala na ko sa sarili, pangalan pa lang niya napaparanoid na ko.
“diyan sa malapit na mall. bili tayo ng new dress, tapos diretso na tayo sa salon then sa party.”“gusto kong umuwi, magpapaalam ako kay nanay.”“ok na. pinuntahan ko na si tita kanina sa bahay niyo.”“nako, Bridgette..” Wala akong choice kundi sumama kay Bridgette sa mall. I insist na ako ang magbabayad
sa dress na pipiliin ko, kahit pinipilit pa ko ni Bridge na siya na. May pride din naman ako noh.
7pm na ng matapos kaming magshop ng kung anu-ano, nagyaya si Bridgette na magcoffee kami ng marelax naman daw ako, kanina pa kasi ako hindi mapakali.
“chill, bessy. bakit ka ba ganyan?..”
“reality ba ‘to? parang hindi lang ako naniniwala. look, Bridgette san ka nakakita ng lalaki at the age of sixteen nagpropose sa girlfriend niya.”“kayo lang yon..”“san ka nakakita ng babae na 5 taon na wala pa ring bf kasi mahal pa niya ex niya.”“kaw lang yon..”
“at maniniwala ka ba na ang ex-bf mo ay may title ng “THE BACHELOR” dahil kung sino-sino ang kadate niya.”“oo?. si Keith kasi yon..”“urgh. ewan..”“Kate, look at me. Kabado ka lang.. ok?”“I don’t think so.” may sasabihin pa sana ako kay Bridgette ng biglang nagring ang phone ko.
calling…. +6391845322..“bakit ayaw mong sagutin?..”
“hindi nakaregister yung number niya’eh. baka frank caller..”
“sagutin mo na baka mamaya emergency na yan..” Nung ready na ko para sagutin yung call biglang natigil yung pagring.
sabi ko na nga frank caller lang ‘to,eh.
I named that number ‘freak’ in case na tumawag ulit alam ko na hindi ko sasagutin.
After few minutes ng kwentuhan pumunta na kami sa salon ni Bridgette.
Katulad nung una sabi ko ako na ang magbabayad sa service sakin pero this time hindi na pumayag si Bridgette siya na lang daw.
After 1 hour ayos na kaming dalawa. Nagpasundo na si Bridgette sa driver niya sa harap ng mall, yun ang maghahatid samin papunta sa venue ng party.
“Wow, bessy. wala pa rin pagbabago sa place nila Keith.”“As always, malaki pa rin at sophisticated.” 5 years din akong hindi nakapunta dito.
actually kahit nung kami pa twice pa lang ako nakapunta dito ayoko kasi ng ambiance nung place. SCARY..
“dami ng tao noh?. talagang hind nila pinalampas ang pagbabalik ni Keith.”“kahit nga tayo’eh. hindi natin pinalampas..” ewan, tama ba na pumunta ko dito?
anong point ng pagpunta ko? para makipagbalikan? magsorry? mag’hi’ na parang walang nangyari. urghh.. EWAN.
“Gosh! Kate! Kate! si Kervin, yung crush ko nung high school ayun’oh.” Si Kervin De Jesus ang super crush ni Bridgette nung High School, isang anak mayaman na super talino.
“asan? hindi ko makita.”“nandon! wait lang pupuntahan ko, sama ka?..”“hindi na. hintayin na lang kita dito, enjoy bessy!”Kumindat naman si Bridgette habang papunta kay Kervin.
Si Bridgette talaga isip bata pa rin hanggang ngayon hindi nagbabago.
Pero minsan naiinggit din ako sa babae na yun, parang walang problema samantalang ako
ubod ng dami ang problema. tsk..
“KC, ikaw na ba yan?..” may biglang nagsalita sa likod ko na isang lalaki ako naman si lingon.
“ughh.. yeah.” tinitigan ko yung lalaki nakasuot siya ng glasses. tsaka isang expensive suite. MAYAMAN. MUKHANG SMART. baka si Kervin ‘to?.
“OMG. ikaw na ba yan Kervin?. you look awesome, ang gwapo mo ngayon’ah.”
“huh?..”“kamusta ka na?. nako, si Bridgette hinahanap ka! pumunta pa nga dun’eh, mukhang malabo na yata mata ng Bessy ko.”“uhhh.. ok naman, executive na ng company namin. ikaw?.”“wow, big time kna pala. Ako? ok lang, nagwowork na din sa isang Publishing company.”“actually, KC. ano’eh. Ak- -““hey. you’re here..” isang babae ang biglang dumating parang date ni Kervin. kawawang Bridgette.
“I’m coming, may kinakausap pa ko.”
“No. No. sige na, hahanapin ko pa si Bridgette to save her from humiliation. bye!”Medyo naweirduhan ako sa mukha ni Kervin para bang napakaawkward sa kanya nung nangyari.
Sabagay yung babae naman kasi parang nanay na nakahanap ng nagtatagong anak, parang possessive date naman yun.
Lumingon ako kay Kervin at dun sa babae nakita kong nakalingon din si Kervin habang yung babae parang nagkwekwento.
Hmmm. may hindi kaya siya nasabi?. whatever, kailangan kong mahanap si Bridgette.
“Bridgette..”“Kate, sorry dapat babalikan na kita’eh.” sinabi yan ni Bridgette ng nakangiti pano ba naman meron na yatang nahanap na date kasi meron siyang kasamang guy nung nadatnan ko.
“No, it’s ok. but anyways, nakita ko si Kervin super gwapo niya at big time isa na siyang executive ngayon.”“si Kervin?..” binigyan ako ni Bridgette ng ano-sinasabi-mo- look.
“Oo, yung crush mo dati nung High School.”“omigosh, KC. tara nga sandali.. excuse us, Kervin.” what? bakit niya tinawag na Kervin yung lalaki?..
“hey, hey.. bakit Kervin tawag mo dun sa lalaki?.”
“obvious ba? kasi siya si Kervin.”
“ano?. imposible! kausap ko lang siya kanina..”
“ok ka lang ba, KC?.. hindi pa nga tayo nakakapasok naghahallucinate kna.”
“but I’m sure! kausap ko pa nga siya’eh..”
“whatever, yung kasama ko yung tunay. ok? are you sure, ok ka lang talaga?.”
“yeah.” natahimik na lang ako, sino naman kaya yung kausap ko kanina?.. tsk.
“tara na nga, pasok na tayo.” nung nakapasok na kami as expected lahat ng attention na sakin. DISGUSTED LOOK.
Yan ang sumalubong sakin, yumuko na lang ako at hinigit si Bridge at Kervin sa bar area.
“I wanna go home.”“KC, di ba nagkasundo tayo na uuwi lang tayo kapag nakita na natin itsura ni Keith ngayon.”“pero, kita mo naman kasi mukha nung mga tao noh.”“ok lang yan! nandito naman ako’eh. ok?.” Tumango na lang ako kay Bridgette. Maya-maya biglang naglights off, I think nandito na si Keith.
Nung nagsalita na ang host nung gabing yun
bigla akong kinabahan after 5 years makikita ko na din si Keith.
Ano na kayang itsura niya? after ng mahabang intro.
Lumabas na din si Keith na may kasabay na magandang babae sa side niya.
“Oh MY GOD..” 
“oy. bakit?.. ang OA naman ng reaction mo.”
“Si Keith yung kausap ko kanina..”“weh?. di nga?. yung pinagkamalan mong si Kervin.”“yeah. Aalis na ko.”“wait! sama na ko.”
“No. magenjoy ka muna sa company ni Kervin. Bye, bessy! Good luck.” 
“ok. tetext ko na din si Manong na abangan kna sa labas.” Ito ang mahirap ang maglakad sa gitna ng madaming tao.
Hindi lang basta mga ordinaryong tao kundi yung mga inis pa sayo.
Pinilit ko na lang na hindi pansinin yung mga tingin nila ang mahalaga makaalis na ko sa lugar na ‘to.
Ang tanga ko, hindi ko man lang nakilala si Keith.
Kung anu-ano pa ang sinabi ko sa kanya, grabe disaster ka talaga KC!!
BOG! SPLASH!!
“I’m so sorry. hindi ko sinasadya.” err. ngayon pa nangyari ‘to may nabangga akong waiter.
“ok lang po. ma’am.”“I’ll help you.”“wag na po. ako na lang po.” tsk, mas lalo pa tuloy akong pinagtinginan.
“are you sure? sorry talaga nagmamadali kasi ako.” “Look who’s here.” urgh! si Margoe, sa dami na tao bakit siya pa ang lumapit.”
“I’m off, aalis na ko.”“wait. let me finish. Look who’s here, the EX GIRLFRIEND.”“tapos kna?.. aalis na kasi ako.” “bakit ka ba nagmamadali KC?. nahihiya ka ba?..”“Mind your own business Margoe, aalis na ko.” tinalikuran ko na siya pero she grabbed my arm.
“KC, come on stay for a while. Enjoy the party, minsan ka lang makapunta sa mga ganitong gathering, enjoy kna.” “I’m leaving..” Hindi ko na siya sinagot baka humaba pa ang usapan pero nako kung nasa mood lang ako, lagot sakin ‘tong maldita na ‘to.
For the second time tinalikuran ko si Margoe, and for the second time she grabbed my arm again.
“ano ba Marg- - Keith?.”
si Keith na pala ang may hawak sakin.
Sobrang dami na palang nakatingin samin, tumingin ako sa paligid kung hindi nagtatawanan may mga umiirap. urgh, so High School.
“aalis na ko, bye.” I dropped his arm at tumakbo papalayo.
“KC, wait! let me explain.”“No, Keith. Aalis na talaga ko and I’m serious. I can’t stand your party.” “I know but I’m glad you’re here.”“wala naman masama kung gusto kong makita ang dati kong mga classmate di ba?.”
“yeah. KC, misunderstanding yung kanina sasabihin ko na sana na ako si Keith kaso dumating si Winona.” oh, Winona pala ang pangalan nung kasama niya. That girl, yung date niya.
“bye, Keith.”“KC, please stay. please?”“I can’t, enough is enough, gusto ko ng magpahinga.”Buti na lang dumating na yung driver ni Bridgette. tumakbo ako papasok sa kotse without looking back. Feeling ko kasi kapag lumingon ako, baka hindi ko matiis si Keith.
For the second time, nakiusap sakin si Keith.
and for the second time hindi ako pumayag. 