hm.. ok, mga sis tulungan nyo naman aq, masama talaga ang loob ko. hindi ko kasi maintindihan ang ugali nung kaibigan ko..
ganito kasi yun, 2 years ago, may bestfriend ako.. isang araw habang casually nagdadaldalan ang barkada namin, sinabi niya out of of the blue sakin, eyes on me,
"alam mo, hindi ako nagagandahan sayo.."
hindi ko siya sinagot. pero nasaktan talaga ako, wala naman akong sinasabing maganda ako ah. kahit nga pabiro, hindi ko sinasabing maganda ko. pero bakit niya kaylangan sabihin sakin yun?
tapos a few days ago, nalaman ko na lang na galit siya sakin from a friend.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Kasi raw, opinion niya yun(na di ka maganda), di daw dapat sumama ang loob mo."
Parang, diba may right naman ako maoffend? Bakit siya pa ang galit? Di bale kung sa ugali ko ang may mali at yun ang pinuna niya. Pero friends shouldn't be bringing their friends down that way diba? wala naman akong ginagawa sa kanya. grr.. naiinis talaga ko..
Ganun din daw yun sa ibang friends nun ngayon. Ayaw niyang nalalamangan. Gusto siya ang bida. Pag nalamangan siya, nagagalit. Pero, grr.. nakakainis talaga. So shallow. so low. gusto kong maintindihan kung bakit siya ganun. At kung ano ang gagawin ko para maintindihan ko, kasi naiinis talaga ko sa kanya.