Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Avatars larger than 75x75 pixels will be deleted. Check out the Avatar&Signature. Rules.



Author Topic: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf  (Read 40927 times)

FlyingBacons

  • jellybean
  • **
  • Posts: 158
  • Karma: +15/-1
  • TeenTalker
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #615 on: March 27, 2012, 02:18:12 pm »
Eto naman yung akin, kasi ganito yun. Dalawa kasi ang crush ko nun. Si boy 1 na crush na crush ko at si boy 2 na super crush ko pero palihim. Isang araw, nag-uusap kasi kami nun nung bff ko about kay boy 2 tapos nung medyo papalapit na samin si boy 2, nag-change topic kami. Edi pinag-usapan naman namin ay si boy 1. Maya-maya, sabi ni boy 2 "Akin ka na lang. Wag na kay boy 1"

Haha, yun lang... mababaw man pero super kilig ako nyan!! >____<

Jusko mahahalikan ko ng di oras yung crush ko pag nangyari yun sakin. Haha. (:

Magsshare na din ako. This happened yesterday during our overnight farewell party. Gabi na nun and konti nalang ang tao sa pool kaya nagkwentuhan kami ng nakakatakot kasi may nakakatakot na bahay dun sa resort. So ayun, nananakot sila kaya ako, ginrab ko na yung chance at kunwari natatakot ako kaya hinuhug ko si crush. HAHAHAHA. :D

Tapos after that, seryosong natakot na ako kasi yung bahay na nakakatakot is katapat lang nung room ng girls kaya pag binuksan yung bintana ay ayun agad yung makikita kaya nagsisigaw na ako tas tumigil na sila sa pagkkwentuhan ng nakakatakot tas nag-truth or dare kami. Magkatabi kami nun ni crush tapos instead of spin the bottle ek-ek paikot nalang kasi mahirap magspin ng bottle sa pool. Lahat kami dare tapos yung isa niyang dare, ihug yung crush niya na kasama namin sa pool tas ayun, biglang ako yung hinug tas yung second dare niya, ikiss yung ako sa cheeks tapos napasabi ako ng "ay?" kaya binago nila at hug nalang ulit yung dare niya. ))): Pero anyway, yung dare ko nakakatuwa, una isa ihug yung crush ko. Tapos yung pangalawa, ikiss sa tummy si crush under the water pero syempre hindi ko yun kaya kasi mabait ako(haha) kaya iniba nila ginawa nalang na nose to nose. Tas ayun, nagtinginan lang kami ni crush tas medyo napapasmile siya sakin. ASDHFKNSDAFKHC ang tagal ng tinginan namin jusko ang chemistry bonggang bongga asfASGHKAFdsaf mahihimatay ako. Tapos ayun, tinulak na kami papalapit tas nag-nose to nose na kami. ASDFHdsJFHDSJAFBF shet hanggang ngayon kinikilig ako. :"""">
readers please. :D

sharpaywaldorf

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 847
  • Karma: +12/-8
  • crush ko si CHARIES LOIE <3
    • booktiply-where book lovers meet!
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #616 on: March 29, 2012, 09:21:17 pm »
hehehe magkasama kami ni crush sa movie last week!

before pala nun nag-arcade kami, syempre basketball yung pinili ko, marunong-runong dinn naman ako magbasketball eh! tapos ayun, tinulungan niya ako!!
“what’s the matter with gravity ,why wont it make YOU fall for ME?”



THREADIE!



FB


http://www.facebook.com/anasharpaywaldo

fluffyheart

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1494
  • Karma: +39/-52
    • http://www.youtube.com/user/fluffffyheart
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #617 on: April 04, 2012, 09:56:22 am »
Paglabas ko ng restroom,he was standing at the hallway then nagka eye to eye kami, then he looked away. No,he looked at his phone.
Nung mkalampas na ko sa kanya, he called my name "Ellaine..."
then he started talking to me about this project.
That was the first and last time we talked.

jamie_mc88

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2233
  • Karma: +153/-50
  • =D
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #618 on: April 05, 2012, 01:02:55 pm »
Yung mga moments na nag uusap kami ng kaibigan ko tapos nag tatawanan,tapos pag tumingin ka sa direction nya, makikita mo syang nakatingin at naka SMILE SAYO!!!!!! hahahaha.. Ang babaw, pero okay na ako dun! X)))

meisnobody

  • jellybean
  • **
  • Posts: 120
  • Karma: +3/-3
  • TeenTalker
    • fromjustinesite
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #619 on: April 05, 2012, 01:18:08 pm »
mabuti pa kayo ng crush mo nag-uusap. i was fourt year high school tapos junior ang crush ko. lonely boy nga tawag ko sa kanya. nagtititigan lang kami. hindi kami nag-uusap.pero may girlfriend yun. madalas ko makita magkasama. :-[ :'(
pocket full of memories

pencilssore

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 10
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #620 on: April 27, 2012, 02:53:55 pm »
Di ko naman siya crush or anything pero he just hugged me nung napikon ako sa kanya.

ILABU27

  • jellybean
  • **
  • Posts: 130
  • Karma: +3/-0
  • TeenTalker
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #621 on: April 29, 2012, 08:45:58 am »
Mag-shashare din ako :P
Eto naman ay dun sa ex ko...Nung valentines day, nanliligaw palang siya sakin nun..hindi ako nag-expect ng kahit ano mula sa kanya kasi hindi siya ganung tao...pero syempre kahit papano gusto ko na may gawin siya. Lumipas ang maghapon....wala siyang ginawa..hindi nga siya nagpakita at nagparamdam...Nagtampo ako sa kanya nun kasi walang ka-effort2..Tapos nung gabi binati niya ko sa facebook. yung parang wala lang...Kinabukasan, lunch na nun...Yung isa kong friend na nagdodorm umuwi siya sa dorm kasi sabi ni ex may kukunin ata sa kanyang project. Tapos yung isa kong friend sumunod nalang kami sa kanya. Yung kadormmate nung friend ko nakasalubong namin tapos nakasmile siya sakin. E ako nagsmile nalang din. Medyo kinakabahan na ako nun kasi parang may kakaibang mangyayari. pagkadating namin dun nagulat ako kasi yung ngbukas ng pinto ay yung ex ko. Hindi pa nga ako makapasok agad nun kasi nagulat talaga ako. kasabwat pala niya nung dalawa kong friend ;D tapos ayun Nagluto pala siya ng Carbonara..e masarap pa naman siyang magluto nun...habang inaayos niya yung table sabi niya yung mga ipapagamit niya saking plate, baso, spoon and fork ay favorite niya.  Napangiti naman ako nun..tapos habang kumakain kami..sabi niya first time daw niyang ginawa yun kasi hindi naman talaga siya sweet na tao. syka yung kahapon sinadya daw niyang hindi magpakita kasi parang nagpapamiss siya at ayaw niyang sumabaw sa celebration. :)
Everything happens for a reason
LOVE CONTRACT

annabanana0927

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 80
  • Karma: +5/-1
  • BananaPotatow
    • follow follow din!
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #622 on: April 29, 2012, 04:57:44 pm »
kinantahan ako ni bf dati over the phone ng GITARA.hndi nman talaga siya kumakanta kaya natuwa ako na umeffort siyang kantahan ako.hihi.hindi pa kami nun nanliligaw pa lang.ngayon kung ano ano na lungs kinakanta nun e.haha.nasapian ko na ng kabaliwan.hehe.

dollifiedprincess

  • Guest
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #623 on: May 03, 2012, 02:48:58 pm »
For me, lahat ng moment basta kasama ko crush ko masaya. Unusual yun eh. :D

Sa crush ko dati ito. Nakaupo lang kami sa bleachers sa school, then lumapit siya and may tinanong na tungkol sa school. Syempre sooooooobrang kilig ako. Bumalik siya tapos may tinanong ulit. Pag alis niya grabe ang pula ko daw sabi ng friends ko. =))

*sa kanya kasi yung pinakamalakas yung tama ko dati. :D

Sa crush ko naman ngayon. Wala sobrang simple at plain lang. Nagkatama yung tingin namin tapos ngumiti siya sakin. =)) May time pa na nag hang out kami nung friends ko tapos kasama namin siya. Nakatingin siya sakin. Nakatitig nga yata eh. Tapos next thing I knew, nakalean yung ulo ko sa balikat niya. Meron pa nga, humiga siya sa lap ko tapos ganun din ginawa ko nung umayos na siya ng upo. Grabe. Pangiti ngiti ako pag naaalala ko. :D

ChennieMellark

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1010
  • Karma: +105/-4
  • I like boys who eat carrots...
    • teentalk
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #624 on: May 29, 2012, 04:45:22 pm »
okay...here's mine, kanina lang to.


So swimming ng barkada and he's my crush when we were still in 6th grade..but right now i feel like hindi ko na siya crush..okay, umm.so merong super hAbang slide sa resort tapos 7 ft pa yung pool and i'm not a good swimmer (i can swim though)..so ang dulas ng slide tapos may running water pa..i was really scared but i want to experience it anyway.

Him: sama ka? (as we sits on the top)
Me: oo (sits behind him with an awkward position)

So nung malapit ng magstart..

Him: yung paa mo
Me: ha? Hindi ko magets
Him: ipatong mo dito sa balikat ko yung hita mo

Ipinatong ko of course! Then hinawakan nya parehas,, behind me was another friend..nung nasa middle kami na slide i kept shouting.

Me: i'm nOt a good swimmer! (for 5 times)

Nung nasa pool na sobrang lakas ng impact that i drowned a bit but i felt his hands on mine,na feel ko talaga yung grip nya sa kamay ko.. then he leads me on the staircase..

Yeah.that's all.. :)
"No!", Jimmy protested.


sparklingangel

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #625 on: August 26, 2012, 11:31:03 pm »
Hindi ko ba alam kung matatawag ba itong mga 'moments'. Kasi actually, hindi naman talaga kami nag usap. AS IN NEVER. Hindi pa kami nag uusap talaga. Mag classmates pa naman kami.  And he once happened to be my seatmate! Hindi pa rin niya ako pinapansin! Too bad, right?

Pero kahit ganun, kahit walang usap. May mga 'moments' (nga ba?) 'KAMING DALAWA'.


*Birthday ko nun. A.P Subject. Yung teacher namin binigyan na kami ng seating arrangement para sa subj. niya. And guess what? SAKTO. Siya ang katabi ko. Sabi ko nga, BIRTHDAY GIFT ITO SAAKIN NI GOD. Sobrang saya ko nun. Kahit hindi kami nagpapansinan.
*Mga isang linggo makalipas ang birthday ko. Binigyan niya ako ng 'Belated Birthday Gift'. Kakatapos lang nung Science subj. namin. Nagsusulat kasi ako nun, tapos biglang may tumabi saakin at nagsalita, ''*My name*, Belated Happy Birthday.'' Tapos agad agad na umalis. Pag tingin ko, SIYA PALA. Hindi man lang ako nakapag pasalamat dahil umalis siya kaagad. Nahihiya naman akong lapitan siya para mag thank you dahil nga naiilang pa ako sakanya nun. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon sa binigay niya saakin, pero artwork siya. Yup, gawa niya yun. Isang bear na may hawak na malaking heart na nakatayo sa isang matigas na papel. Tapos may nakasulat na 'Always Take Care'. Sorry pero 'di ko talaga alam tawag dun eh. LOL. Basta maganda siya. Na touched nga ako pati mga classmates ko. Akala kasi nila  'di niya ako pinapansin. Kilig na kilig pa nga sila. Alam nilang crush ko siya. Pero natamaan ako nung sinabi ng isang friend ko na, ''Uy bhe. Wag ka munang umasa ah. Masakit." (Aww :()

*Uwian na nun. Kasabay kong maglakad yung isang friend ko at yung BABAENG GUSTO NIYA. </3 Hindi ko classmate yung girl na yun pero friend kasi siya ng classmate ko. Nasa likuran lang naming tatlo yung crush ko kasama yung isa niyang ka tropa. Naglalakad lang kami nun tapos bigla akong tinawag nung kasama niya, "*My name!*, tingin ka sa likod!" Medyo nagulat ako nun pero tumingin na lang ako at agad namang tumalikod ulit. Nakatingin ng 'masama' ang crush ko  saakin. 'Di ko alam kung ano ang ibig sabihin nun, pero parang ako yung pinag uusapan nilang dalawa. Sabi ko nga sa sarili ko, dapat nga yung gusto niya ang tinawag nila, bakit ako pa? Shocks. Ewan ko ba!
*Seatmates kami sa A.P. So, share kami ng libro. Share dapat kasi ang mga magkakatabi kasi kulang siguro yung books. Tapos nung tapos na siya sa isang page pero hindi pa ako tapos, nagpalit kaming dalawa ng upuan. Doon ako sa seat niya, while siya doon saakin. Para parehas kaming makagawa. Yun lang ang nangyari pero I still considered this as one of our so called "moments''.
*Naging team mates din kami sa P.E namin. Nasa blue team kami. Ang saya sa pakiramdam. Yung feeling na naka blue ka tapos naka blue din siya. Yung unang game namin, yung bawat isa dapat hahatakin yung cup na mabubuo na pyramid. ('Di ko ulit alam tawag dun HAHA) Magkatabi kami! Ang saya saya nga eh! Pero 2nd placer nga lang kami. PERO. May MASAKIT na nangyari sa araw din na yun. Kailangan may lumipat kasi na isa sa amin papunta sa Black team. Guess what? SIYA ANG NAGPALIPAT. At doon pa sa BESTFRIEND ko slash kalandian niya.  :'( Nasasaktan akong makita na naka KULAY ITIM NA SIYA AT HINDI NA ASUL. </3

Ayan lang muna sa ngayon. Hindi ko alam kung madadagdagan pa ang mga 'MOMENTS' namin.  :(

“Be yourself. There is something that you can do better than any other. Listen to the inward voice and bravely obey that.”

dahilsamansanas.11

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 806
  • Karma: +15/-10
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #626 on: August 28, 2012, 10:12:15 pm »
Ka chat ko siya, niyayaya niya akong manood ng movie pag bumisita siya ulit dito sa Pinas. Indonesian kasi siya, admin ng isang forum.

Him: Wanna watch a movie with me?
Ako: Just the two of us?
Him: Why, you think the more the merrier? Hehe.
Ako: <hindi ko sinagot yung tanong niya> Is it okay to your girlfriend that you watch a movie with some other girl?
Him: You're not just some other girl, I told you you're special to me.

And I was like. Waa! Bawal kiligin, haha! ;D

mheii

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1233
  • Karma: +62/-33
  • Wanderlust
    • I always break the rules
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #627 on: September 07, 2012, 01:05:50 am »
I was chatting with my bf and all of a sudden I was crying lol. Nagddrama kasi ako nun, and then he told me "you're a lot prettier than you think." And so he made my smile Hehehehe

yellowdreamer

  • taffy
  • ***
  • Posts: 356
  • Karma: +4/-0
  • TeenTalker
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #628 on: October 25, 2012, 09:33:00 pm »
Two weeks ago, before kami nag quiz  sa  isang unit...he asked me if we can exchange mind for a while. Lol. Then last week, when we have our very first long conversation...and when he commented on my fb status for the very first time. And he's a little teaser  ;)

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2445
  • Karma: +33/-7
Re: AY KILIGGGGG! >____< Moments with crush/bf
« Reply #629 on: October 25, 2012, 09:43:34 pm »
Kinilig ako ng magtext yong crush ko to tell me na nasa labas ng dorm ko siya at sinusundo ako papuntang school. the sad part is maaga kong pumasok at dahil doon nalate siya.

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

What We Had: A Wonderful Time at Wanderland

by: dyan, 2013-05-24

Sharing a few of my favorite memories from the Wanderland music festival:     We can’t wait for Wanderland 2014! Photos courtesy of...


ADVERTISEMENT

TEENTALK