2nd Lesson:
Daddy’s Name
Paris’ POV
I gathered all my things and put it on my bag. Lunch break na, susunduin ko na ang aking baby. Yes, yes, yes, I am a single-mom. And in fact, susunduin ko na siya sa school niya. My baby is a boy, he’s three years old, and his name is Cloud Ashley Julian. Syempre, apelyido ko ang nakalagay, I don’t care about his dad. Hindi niya kasi kami pinanagutan, he’s a jerk for dumping 2 angelic creatures namely, me and my baby Cloud. Nga pala, Cloud is a nursery student! He’s so smart kaya tinanggap siya sa Little Angels Day Care Center kahit 3 years old pa lang siya. And oo nga pala, hindi naman malayo sa Paris’ Love House ang Little Angels Day Care Center kasi magkatabi lang yun. As in, literal na magkatabi.
“Trina, sunduin ko lang si Cloud ah? Magla-lunch na rin kami sa labas.” Sinabi ko sa kanya paglabas ko. Siya nga pala si Trina Perez, secretary ko.
“Yes, Miss Paris. Ingat.” she smiled. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan kong tao, tried and tested na kasi yan.
“Mag-lunch ka na rin, Trina.” “Oo na, Miss Paris. Puntahan mo na si Cloud at baka nag-aantay nay un sa’yo.” “Okay. Bye.” tinalukuran ko na siya at nag-umpisang maglakad, nadaanan ko pa yung ibang nakapila na kukunsulta sa akin.
“Good Afternoon, Miss Paris.” nagsingitian sila sa akin.
“Good Aftie. Nag lunch na ba kayo?” tanong ko sa kanila.
“Maybaon kami eh.” Wow. Prepared?
“Mabuti naman kung ganun, hindi kayo magugutom sa paghihintay. Pano, aalis lang ako saglit ah?” sinabi ko sa kanila.
“Ingat, Miss Paris.” Dumiretso na ako sa labas at pumunta sa school ni Cloud. Pagpasok ko sa loob eh hindi ko nakita yung anako ko.
“Cecylle, si Cloud?” napatingin sa akin si Cecylle na nasa may teacher’s table.
“Naku, yung batang yun eh tulog pa. Napagod ata kakaiyak?” Siya ang teacher nila Cloud.
“Bakit siya umiyak? Hindi naman iyakin yung batang yun eh.” “May kailangan tayong pag-usapan, Paris. Maupo ka.” Umupo naman ako sa upuan na kaharap ni Cecylle.
“Anong pag-uusapan natin, Cecylle?” “Paris, inasar nang mga bullies si Cloud. Kaya umiyak yung bata.” “Anong sinabi ng mga pasaway na yun sa anak ko?” “Inasar siyang walang tatay.” “Oh.” Yun lang ang nasabi ko.
“Paris, sinasabi ko ito sa’yo ngayon kasi baka tanungin ka niya mamaya. Para makapaghanda ka na.” “Anong sasabihin ko sa kanya, Cecylle?” “To tell you the truth, hindi ko alam. Ikaw dapat ang may alam niyan, dapat napaghandaan mo na yan.” “Dumating na ang kinakatakutan kong mangyari.” “Mami, I’m hugry!” napalingon kami ni Cecylle kay Cloud na bagong gising at nira-rub niya pa yung eyes niya habang palapit sa akin. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisnge.
“Saan mo gustong kumain, Cloud?” He smiled.
“Edi sa favorite ko! Sa Jobee!” “Naku, bata ka. Hindi ka na nagsawa.” Binalingan ko yung atensyon ko kay Cecylle.
“Cecylle, alis na kami. Salamat sa pagsabi ah?” “Anytime. Ingat kayo ni Cloud.” Ngumiti siya sa amin.
“Yes, we will. Baby, say bye-bye to Teacher Cecylle.” “Bye-bye, Teacher CeeCee!” Teacher CeeCee nga pala ang tawag sa kanya ng mga estudyante niya.
Umalis na kami ng Day Care Center at dumiretso sa sasakyan ko. Sinakay ko siya front seat at syempre, nakaseatbelt ang baby ko.
Habang nasa byahe kami papuntang Jollibee eh panay ang tingin sa akin ni Cloud. Iniisip niya siguro kung paanong approach yung gagawin niya.
“Mamiii…” “Yes, Baby?” “Where’s my Daddy?” Hayyy… here’s the inevitable.
“Your daddy?” “Yes, Mami. Do I have one?” Ang sakit naman nang tanong niya.
“Yes, of course you have a daddy!” “Really?” “Yes, Bat mo naman naitanong yan?” “Because my classmates were bullying me for not having a Daddy.” “Mga lokong bata yun ah. Anong ginawa sa’yo? Pinaiyak ka lang ba?” “I’m okay, Mami.” “Good to hear that.” “But, Mami. Where is he?” “He’s busy at work. He’s working so we can pay for our bills and so we can have money to buy our needs.” “But, when can I see him?” “When Daddy is done with his work.” “When will that be?” “I don’t know, I guess it will take a long time.”Tumahimik na siya. Thank God. Pagod na akong magsinungaling sa anak ko. Malalaman din naman niya sa tamang panahon na hindi kami pinanagutan ng Daddy niya.
Kumain na kami sa Jollibee at back to normal na kami ni Cloud. Lying doesn’t hurt naman pala. Buti naman at bata pa lang siya.
Back to work na ako at nandito si Cloud sa Paris’ Love House at nandun siya kay Trina. Nakikipaglaro siguro yun or nagkukwento. Madaldal din kasi yung batang yun eh. Nagmana sa maganda niyang nanay.
Miss Paris, anong gagawin ko? Pumasok ang bagong kliyente.
“Anong problema, Miss? Anong maitutulong ko sa’yo?” “Ako nga pala si Megan. Isa akong single mom.” “Anong problema?” “Hinahanap na ng 4 year old ko yung Daddy niya. What am I going to say?”Oh. The same problem that I have. Hindi ko nga alam kung pano i-solve yung akin eh, mag advice pa kaya sa iba?
“Asan ba ang Daddy niya?” “Hindi niya kami pinanagutan eh.” “You have to tell your child the truth. Ang option mo lang naman ay dalawa, it’s either tell the truth or lie about it. Pero kung magsisinungaling ka? Dapat handa ka sa consequences kapag malaki na siya.” “Sasabihin ko na lang siguro yung totoo sa kanya habang bata pa siya.” “Well, good luck to that, Megan.” “Salamat talaga, Miss Paris. Maraming thank you talaga.” “Wala yun. It’s my job to help you.” “Sige, mauna na ako ah? Salamat ulit.” “Welcome. Ingat.”Lumabas na siya kahit hindi pa time. May kumatok.
“Hindi pa po time~!” “Mami, si Cloud to.” “Sige, Baby pasok ka.” pumasok naman siya.
“Mami, can I ask you something?” “Sure, Baby. What is it?” “Mami, what’s Daddy’s name?” oh boy.