+++ 1 +++
Read Letter I crumpled the paper and threw it away.
Sanay naman na ako. Kahit nga hindi na siya mag-iwan ng sulat eh. Even if he just go away and leave me without a word, ok lang. Wala rin naman kasing pinagkaiba kung nandito siya o nasa malayong lugar siya. I still can’t reach him. It’s still as if I don’t have a dad.
Hoy bruha! Emoticon ka na naman jan sa sulok ha?!! Yang undefined creature na nagsalita na yan ay walang iba kundi ang aking bestfriend na kung tawagin ng maraming tao ay Ces dahil sa pangalan niyang Princess. Pero ako at ang mga taong close talaga sakaniya eh PIA ang tawag sakaniya. Galing naman yun sa pangalan niyang Sophia.
Una kasi sa lahat hindi ako EMOTICON noh. Tao ako! Tao! Pangalawa, wala ako sa sulok, nasa gitna ako ng kama! Medyo ganyan talaga kami kung mag-usap ni Pia, sigawan mode. Kapag kasi hindi kami nagsisigawan eh malamang magkagalit kami niyan.
Ay? Tao ka pala?? Amazing! Wahahahahahaha.. sira ulo rin siya eh noh?? Actually di ko lubos maisip na anak ‘to ng Tita Sydney at Tito Prince ko eh. panu anlayo layo ng ugali niya sakanilang dalawa. But oh well..
Yada yada. Ba’t ka ba nang gugulo dito kasi ha? Well, sa totoo lang, nasa bahay nila ako. Dito nga kasi ako laging iniiwan ng dad ko pag nagpupunta siya sa kung saan lupalop ng daigdig. Para ngang mas “home” ko pa ‘tong bahay nila kesa sa sarili naming bahay eh.
Well.. heto na naman po ang matinis niyang boses. Panigurado may iniisip na kalokohan ‘to.
Mom and dad are out the whole day.. kalokohan. Sure. Nakangisi pa ang bruha oh.
So? Anu naman? Lagi naman silang umaalis pag umaga ah. Hay naku. You’re no fun at all, Pae. Pae. Kung siya si Pia, ako si Pae. At tulad ng Pia niya, mga close people lang ang tumatawag sakin ng Pae. My real name is Paris Nicole.
Your statement is very objective my dear sister. It all depends on your definition of fun. Hay naku. Papaduguin mo na naman ilong ko niyan eh. magmall na nga lang tayo. At hinatak niya ang precious arms ko palabas ng kwarto pababa ng stairs.
At nung binuksan niya ang pinto palabas ng bahay??
And just where the two of you are going?? Nakataas ang isang kilay? Check! Nakapamewang? Check! Pia and Pae are in trouble? Check!
Hi, ma! Tanging ang mga katagang iyan na lamang ang nasabi ng best friend kong si Pia habang ako eh walang nagawa kundi iflash ang aking killer smile.*Ching! *
Too bad, walang effect kay tita Syd ang killer smile ko. Immune na siya. Haha..
Oh? Tatakas kayo? Dun dapat kayo sa bintana dumaan. Tukso pa samin ni Tito Prince habang tumatawa ng kaniyang evil laugh.
Ok. Siguro nagkamali ako nang sabihin kong walang pinagmanahan sakanila si Pia.
Umupo nga kayong dalawa sa sala, dali. Kakausapin namin kayo ni Prince. I’ve got to admit. Medyo weird ang pamilya nina Pia. But who cares? At least they’re family.
Umupo naman nga kami ni Pia sa aming respective seats. Usual na naming ginagawa ang bagay na ‘to. It’s considered as a family meeting, at oo, kasama ako sa family meeting nila. Para na daw kasi nila akong anak.
We waited for what Tita Sydney would say so there was a moment of silence.
Silence.
Silence.
Tictoc.tictoc.
Antagal ah. Wahahahaha..
Prince, ikaw ang magsabi sakanila. She finally gave in. haha.. Tita Sydney talaga.
Ba’t ako?! Ikaw na! Eh ikaw gusto kong magsabi eh. bakit buh?! Napasmile naman ako. Ang cute kasi tignan ni Tita Syd at Tito Prince.
Kahit matagal na silang mag-asawa, kung titignan para parin silang high school lovers.
Oo na sige na. Sasabihin ko na. Baka di mo pa lagyan ng flowery top yung ulam natin mamaya eh. togoinks! Mga kahinaan talaga ni Tito Prince oh.
Ok. It’s officially summer, diba? Yep. Simula kaninang tanghali since kaninang tanghali nagtapos ang maligayang Junior Year ko at madugong Junior Year ng mga kaklase ko. bwahahahaha..
Soooo… we’re leaving for US this coming weekend. Inayos na namin ang mga dapat ayusin kaya makakaalis na tayo as soon as possible. We-we-wait. US? Weekend? Vacation?
At around 8pm, mandatory kay Tita Sydney na dapat nasa kwarto na kami. Nakaligo na at ready to sleep. Though hindi naman mandatory na kailangan at exactly 8pm eh matutulog na. Kailangan lang, wala nang ginagawa ng oras na yun.
Bandang 11pm, bagsak na si Pia niyan kaya 10:30pm pa lang tumitigil na yan sa pangungulit sa kin sa kwarto ko at nagmamigrate na siya papuntang kwarto niya.
Ako naman, kung kelan lang makaramdam ng antok saka lang matutulog.
Sa kasamaang palad, hindi ata ako lapitin ng antok ng mga panahong ito.
It’s already 2am pero gising na gising pa rin ang diwa ko at alayb na alayb pa ang dugo ko.
Waaaaah! I can’t take this anymore! Maarte ako eh. hehe.. ayaw ko yung gusto ko nang matulog pero di makatulog. Nakakainis kasi sa feeling eh. parang di mapakali.
Kaya naman tumayo na lang ako sa oh so malabot na kama ko at nagpunta sa balcony.
One thing I love about Tita Sydney and Tito Prince eh talagang pinagawa pa nila ‘tong room kong ito dito sa bahay nila na exact replica ng room ko sa bahay namin. Astig nga eh. Kaya madali akong nakakapag-adjust matulog kahit sang bahay man ako natutulog.
Pero mas gusto ko ang room ko dito, maganda kasi yung view niya sa langit. Unlike dun sa bahay namin, ok lang din naman kaya lang kasi may punong nakaharang. Puno ng kapitbahay namin, umabot ang sanga sa balcony ko.
Inappreciate ko ang magandang langit. Lagi ko ‘tong ginagawa, lalo kapag namimiss ko si Mama.
Tita Syd once told me na si Mama daw ang pinakamaliwanag na bituin sa langit. Kaya laging ang pinakamaliwanag ang tinitignan ko sa langit.
Nikko, Pae’s dad, wants us to go there. Bakit po? Anong meron? We really don’t know pero according to him, meron siyang special announcement that’s why he wants us to be there. Wow ah. Sosyalin si Tito Nikko, may special announcement, sa US pa. Wahahahaha…Haay.. anu bang gustong mangyari ni Papa?
Hinawakan ko yung necklace na lagi kong suot. Bigay ‘to ni mama.
At kinausap ko naman yung pinakamaliwanag na star, like what I always do.
In order to talk to mom.
Ma.. Ano bang plan ni God para sakin? Ifast forward natin ang mga pangyayari…
Ngayon ang araw ng flight namin papuntang US. Naguguluhan nga ako eh.
Panu ang gulo gulo ng mga kasama ko. yung isa (tito Prince) lamon ng lamon, yung isa naman (Tita Syd) check ng check ng bagahe at para makumpleto ang set, yung isa (Pia) manghang mangha sa airport. Susme.
Huwaw! Ang ganda na ng NAIA ah! Dito palang amoy isteyts na! Ignorante.
Bag number 20. check! bag number 21. bag number 21?! Bag addict.
Yumyumyumyum! Delicioso! Doro? Ikaw ba yan?
At ako? Well, nanonood lang ako sa kalokohan ng pamilyang ito. Haha..
Di ko lamang inaakalang sa di inaasahang pagkakataon ay may tatawag sa aking byutipul name.
Ang Fruit Salad Sisters.
Paris Nicole! Si Apple. At kasama pa niya ang dalawang ugly sisters niyang sina Strawberry at Cherry. Nakaformation sila nang kung tawagin nila ay beautiful peninsula (mga kakornihan ng tatlong ‘to eh).
Sino naman yang mga yan? Bulong sakin ni Tita Syd. Pero dahil sadyang pinanganak ata si tita ng may mega phone sa lalamunan eh narinig ng tatlong bruhilda ang bulong niya. Kaya ayun. Disaster.
Moral code number 1! Hadlangan ang bawat layunin ni Paris Nicole Custodio! Si Apple Frutana. Siya ang leader ng samahang tinaguyod nila. Ang Anti-Pi-En group. Isang organisasyon ng mga galit at inggit sakin at naglalayong pataubin ako.
Moral Code number 2! Wag hayaang lumaganap ang Pi-En mania! Si Strawberry Frutana. Siya daw ang beta leader.
Moral Code number 3! Pataubin lahat ng kakampi at susunod sa Pi-En mania! At si Cherry Frutana. Siya ang pinakabata sa kanilang magkakapatid.
Sa ilalim ng kapangyarihan ng lipgloss! Ako si Apple! Strawberry! Cherry…Sila ang tanging miyembro ng anti-Pi-En group na kung tawagin ko ay Fruit Salad Sisters.
At kami ang…Frut ana S isters! Natahimik ang lahat ng taong nandito sa airport na nakapanood ng kalokohang pinaggagagawa ng tatlong ‘to. Nabasag lang ang katahimik nang magsalita si Tito Prince.
Anu daw? Fruit salad Sisters? NOOOOOOOOooooooooooo!!!! See? Tunog fruit salad talaga pangalan nila e. Wahahahaha.. wahahahaha..
Anu namang sadya niyo dito ha, Apple? Biglang umayos mula sa pagkakaluhod niya (dahil sa pag Noooooo! niya) itong si Apple. At nakakagulat ah. Ngumiti siya. Hindi yung evil smile niya, sincere ang smile na ‘to.
Ehehehe.. Sa katunayan niyan, Pi-en gusto lang naming maggoodbye sayo. Pi-En pala ang tawag sakin ng mga taga school.
Oo, totoo ang sinasabi ni Apple. Sabat naman nitong si Strawberry.
Have a safe trip! Pangclosing remarks ni Cherry. Yun nga lang, biglang nagbago ang mga mukha nila na parang sinasabing “bumagsak sana ang eroplano! Bwahahahaha!”
Talaga lang ah?!Then out of the blue, biglang may fetus na lumitaw! Este bata pala kasama ang isang batalyong fetus na may hawak na banner.
Ate piiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii-eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeen! Sinu naman yang pumupulupot sayo? Bulong ni Tito Prince.
Drum. Drum. Drumdrumdrumdrum. <<mga pausong sound epeks
Ako ay walang iba kundi siiiiiiiiiiii….
Camille! Ate Pi-En’s number one fan! Yeah.
“At kami naman ang grade 5 squad!” ang isang batalyon ng mga fetus na may gawa nung drum sound epeks. At sila naman ang bumubuo ng Pi-En Fans Club. Yeah.. may fans club ako.
Haay. Anu namang ginagawa niyo dito, Camille? Biglang naging mellow dramatic itong si Camille na kanina lamang eh napaka eccentric.
Nabalitaan namin ang iyong pag-alis… at nadurog ang aming mga puso sa balitang ito! Togoinks. Kinuha pa ni Camille ang mga kamay ko. Pambihira.
Ipangako mo, Ate PN. Mag-iingat ka sa America. Hindi ka namin mababantayan dun kung kaya’t kailangan mong alagaan ang iyong sarili… Pambihira. Bigla ba namang tumugtog ng pampatay na tugtog yung Grade 5 Squad matapos ang speech ni Camille. Pambihira talaga.
Excuse me. Kami ang nauna dito. Sabi ni Apple sa PN Fans Club habang shinushoo away sila sakin.
“ANONG SABI MO?!” at nagrambulan ang Fruit Salad sisters at PN Fans Club.
But no worries. I know how to handle these things. Sanay na eh. wahahaha..
Walang ibang gagawin kundi iflash ang aking killer smile *ching! * at aamo ang PN Fans Club in an instant hawak susuka naman ang Fruit Salad Sisters.
Wow. Talagang dinayo ka pa nila dito ah. I wonder… may kulang ata. Bulong naman sakin ng bruhang si Pia.
Pero tama siya. May Kulang sa mga organisasyong related sakin. Nawawala ang Paris is Love: PN Admirer’s Club.
Yeah.. meron din ako nun.
Flight 7172 is now on board.Ugh. Thank God! Matapos ang lahat ng kaguluhang dinulot ng mga org na ‘to eh makakalayo na rin ako sa kanila. Wahahaha..
As we go inside (di ko alam tawag) eh naiwan ang dalawang org na yun na nagbababye sakin. Yung PN Fan’s Club eh may paiyak iyak epek pa habang yung Fruit Salad sisters eh nagievil laugh. Pambihirang buhay ‘to oh.
Sa totoo lang minsan napapagod na ko sa ganito.
Maraming inggit pero marami rin namang humahanga. Minsan parang ayaw ko nang panindigan ‘tong image na pinapakita ko sa lahat. Nakakapagod kasi. Kailangan ganito. Kailangan ganyan. Dahil kung hindi huhusgahan ka.
Kung minsan naiisip kong igive up na lang ang lahat ng ito pero everytime na naiisip ko yung, naiisip ko si Camille at ang Grade 5 squad.
Grupo kasi sila ng mga batang humahanga sakin at ginagawa akong role model. Natatakot rin akong madisappoint sila.
Pae look oh! Napatingin ako sa bintana ng eroplano dahil sa tinuro ni Pia.
At ayun. Nakita ko ang isang napakalaking banner na nakatali sa helicopter saying “We will miss you, Paris! Love, Paris is Love: PN Admirer’s Club”
Nyeh!