Prologue
Ok. So I was livin’ “the life”. Yeah, “the life”.
Before I was born, naging instant millionaire ang dad ko when he founded our little family business na itago na lang natin sa pangalang “The Coffee Shop”. So basically it’s a coffee shop.
My dad, Nikson Custodio, married my mom, Syria Jimenea, soon after everything was settled in the coffee shop. Magkatulong nilang tinaguyod yung business namin until I came along. My mom used to tell me na ako yung pinakamagandang blessing na natanggap nila during those times. Of course, my parents are both happy to have me. Sinong magulang ba naman ang hindi, diba? Sa ganda kong ‘to? Hahaha..
Kidding aside, we were a very happy family back then. Kami na ata ang larawan ng isang perpektong pamilya. Pero as we all know, there are no such thing as “perfect” and soon enough that perfect picture of a family turned into a nightmare.
My mom died. I was 5 years old back then and I don’t know what was happening around me. But I know that whatever was happening at that time wasn’t good because I was in pain. I lost my mom but it hurts more because I also lost my dad.
My dad didn’t die he just changed. Yung masayahin, sweet, romantic at palabirong si Nikko Custodio eh wala na. Naging workaholic, wapakels at EMOngoloid dad na siya. Yun ang major reason kung bakit rin naging ganito ako. The rebel I never imagined I would be.
Pero sa harap lang ni dad ako ganun. Pagka naman sina Tito Prince, Tita Sydney at anak nila na bespren kong si Pia ang kasama ko eh mabait naman ako. Naging hate ko lang talaga ang dad ko.
So anyway, dako naman tayo sa buhay pag-ibig ko.
Grade 6 palang ako nun nang mameet ko ang first year na si Glenn. Well, hindi ko naman siya ganun kakilala except by reputation kung saan maganda naman except for the fact na playboy siya. At hindi ko alam kung fortunately ba o unfortunately pero ako ang naging prospect niya ng mga sandaling iyon.
Well, I was young and didn’t know any better. And ok, fine, stupid kaya sinakyan ko siya. So basically, naging kami. Dun ako actually nagstart maging “the ultimate rebel ever” sa harap ng dad ko. Hehe.. If he was a playboy, I am a playgirl.
Alam mo, ikaw na ata ang karma ko. Yan ang lagi niyang sinasabi sakin noon. Kasi he changed daw because of me. Yun nga lang I also changed because of him.
He was perfect. Mayaman, matalino, musician, at lahat pa ng words starting with “M”.[except “Mabaho” ah. Mabango siya. Haha] nangunguna sa words na yun ang “mahal ako”. Mahal niya talaga ko. Sobra. To the point na nasasakal na ko. Kaya ayun, I end up breaking up with him.
Ayoko na.
What do you mean ayaw mo na?
Ayaw ko na as in break na tayo.
Hindi siya nakasagot agad nun. Yumuko lang at nag-isip siguro. Saka siya nagsalita nung paalis na ko.
Bakit? Malungkot na yung tono ng boses niya nun.
Simple lang. Ayoko na. Sawa na ko sayo. So… babye!
Then I started walking away from him. Wala naman siyang magagawa kasi. Ayaw ko na so ayaw ko na.
I love you… kaya pakakawalan kita. Pero if ever you realize that I am the one for you, andito lang ako. And you can always come back to me.
Oh come on. Spare me the drama. I never go back to where I came from. So sorry na lang kay pareng Glenn. We are over and that’s the end.
After my story with Glenn ended, JC came along.
JC? He’s everything I am. I mean, parehas kami. Malungkot. Galit sa mundo. Ayun. So we just clicked. Parang puzzle pieces na fitted with each other.
Yun nga lang, hindi ko inaasahan mainlove ng todo todo kay JC.
He was my first love but take note, not my first boyfriend.
My days with JC was simply perfect. I was so happy having him in my life. Pansamantalang nawala yung bad girl na ako at napalitan ng sweet and loving [ew] self ko.
I just didn’t thought that JC could be my karma. Because he is.
I’m choosing the best path for us. He said to me one day.
Best path? We are already on the best track. Because that’s what I think.
No, we aren’t. This is not working, babe. Let’s end this.
At ayun. First time sa buhay kong nakaranas ng pain. Well, pain in general, hindi dahil parang lagi namang may inflicted pain sakin pero yung pain in terms of love? This is the first time.
At pinakamasakit.
Kaya ayun, back to the old me na lang ako. The rebel. The playgirl.
Put away the pictures.
Put away the memories.
In the time being, I had to master the art of letting go.