Hane ko,
I know it's now over. I hope i can accept it all at once.
I remember the times nung sobrang inalagaan mo ko.
Kahit more than one year lang yun, sobrang dami na din nating pinagsamahan e. Para na nga tayong mag-asawa. Tumira na ko sa bahay nyo, na halos araw araw magkasama tayo, magkatabi sa pagtulog, ikaw yung nakikita ko pag nagigising sa umaga, mukha mo yung unang unang bumubungad saken. Tanggap na tanggap na nga ako ng family mo di ba? parang anak na din nila ako.
Pag nagkakasakit ako, nanjan ka sa tabi ko, as in hindi ka umaalis, naalala mo pa ba nung niligawan mo ko? ayaw na ayaw ko pa sayo nun. Pero pinatunayan mo kung gano mo ko kamahal. First week na naging tayo, pinakilala mo agad ako sa family mo, and they treated me very nice

Pero hindi pa din ako medyo convince na seryoso ka, kase sa totoo, ikaw yung unang nagseryoso saken, though there are a lot of guys who likes me. Ikaw talaga yung nagtyaga, kaya nga ikaw yung first boyfriend ko. Super pa hard to get talaga ko, kase ang alam ko lang, lahat kayo pare pareho, mambobola. Kaya yun, super effort ka, which is naapreciate ko naman. Nung una talaga, hindi ko pa alam yung worth mo, wala akong trust sayo, lagi na lang ikaw yung nanunuyo saken kahit kasalanan ko o kasalanan mo. Ikaw yung umiintindi. Ilang beses ko sinabing, "magbreak na lang tayo", kase parang di pa naman kita ganun kamahal, pero ikaw, umiiyak ka talaga sa harapan ko.
One time, kinasap pako ng family mo para lang hindi kita iwan. Alam kase nila na saken ka lang nagbago. Na dati daw, halos weekly nakikipagbasag ulo ka, hindi ka nga umuuwi sa bahay nun kase puro gimik ka, inom, punta sa bahay ng barkada. Hindi ka nga nag aaral nun di ba? nag stop ka kase hindi mo hilig. Napaka chick boy mo pa nga daw. Pero nung nakilala mo daw ako, ang laki ng pinagbago mo. Buti hindi kita nakita na ganun kase hindi ka talaga papasa saken. Pero para saken kase, bad boy ka pa din nun, mataas kase standard ko sa lalaki, (true).
Sinabi mo sa sa family mo tsaka sa akin na mag aaral ka na. Natuwa naman ako. Nag aral ka nga. Sabi mo daw kase, para nman maipagmalaki kita pag pinakilala kita sa parents ko. Ayaw din kase sayo ng friends ko nun. Kase daw bad ka. Atsaken, di pa talaga ko sure sayo.
Pero hindi ko nakita yun, yung mga effort na yun. Proud mo akong pinakilala sa mga kaibigan mo, pero dahil ayaw ko sa kanila, hindi ko sila tinanggap. Pinalayo kita sa kanila. Pinagbawalan kita lumabas ng bahay. Sinakal kita masyado. Gusto ko ako lang. Ako lang sa buhay mo. Dahil mahal na mahal na din kita nun, gusto ko tayo lang dalawa. Napabayaan ko pag aaral ko, nilayuan ko friends ko. Alam ko sobrang mali. Naging obsession na kita. Kase nasanay ako na lagi tayong magkasama.
Dumating sa point na halos dyan na ako tumira as inyo. Pinaglalaba kita ng damit mo, lahat ng gamit mo inaasikaso ko, lahat lahat, lagi kang may pasalubong pag darating ako, Sobrang saya natin di ba.? Parang tayo na lang yung tao sa mundo. Hindi kita nakitang nambabae. Alam kong hindi mo ko kayang lokohin. Kampante ako na ako lang.
Pero kasabay nun, unti-unti kang nasakal saken. Sumusuway ka. Nagsisisnungaling ka na sa mga pinupuntahan mo. Wala ka ng time saken, Hindi mu nako naalala. Pero alam kong mahal na mahal mo ko. Lagi kitang tinatake for granted.
Pero as time goes by, narealize ko yung worth mo. Dumating sa point na, nakipagbreak ako, kase pinapili kita between saken oh sa barkada mo. Pero kase hindi ko nun naiintindihan na kailangan natin yung mga tao na dati ng nasa buhay natin.
Nagmakaawa ka, lumuhod ka pa sa harapan ko para hindi kita iwanan. Yung tipong halos halikan mo yung mga paa ko para bumalik ako. Pero wala iniwan pa din kita, Pero hindi ko intensyon na iwan ka talaga. After two days i realized hindi ko kaya. Pero nung babalik na ako sabi mo nakamove on ka na. Ayaw mo na. Sobrang sakit.
Ako naman yung nagmakaawa. Inamin ko lahat ng kasalanan ko. Sinabi ko na tatanggapin ko na lahat. Pati sa family and friends mo nagmakaawa ako para kausapin ka, baka magbago isip mo.
Oo, tinanggap mo ko, pero cold ka na. Nalaman ko may babae ka na pala. Two days? May kapalit na kaagad. Na kahapon lang mahal mo pa ako. Ngayon hindi na?
Sobrang sakit. Sobra. Yung tipong kahit tayo na ulit, harap harap mong pinamukha saken na meron ka na. Bumalik yung dating ikaw. Yung tarantado. Yung parang hindi marunong magmahal. Yung mapaglaro. Pinaramdam mo saken lahat ng pagbabago mo.
Pagdadating ako sa inyo, para akong hangin. Wala kang reaksyon, habang katext mo yung isa mong girlfriend. Si mama pa nagsabi saken nun. Nahuli ka daw. May asawa't anak na nga yun eh. I can't imagine nakaya mong gawin sakin yun. Hindi na ikaw yung nakilala ko. Hindi na,. sobrang sakit. Sobra.
Naalala ko nagalit ka pa nun kase hindi ako nakanood ng first game mo sa basketball, captain ball ka pa naman. Sayang hindi ko yon pinanood, HONEY 27 pala yung name mo sa jersey, napakaproud mo na ako yung girlfriend mo. Ayaw ko kase na nagbabasketball ka, para kaseng nawawalan ka ng time saken. Sobrang mali ako. Dapat sinuportahan kita. Nung nag aral ka na, magiging varsity ka pa nga sana nun sa FEU kaya lang pinigilan kita. Bad ko noh?
But then, halos gumunaw ang buong mundo ko kase hindi ko inexpect na magagawa mo yon. Biglang nawala yung pagmamahal mo. Alam ko kasalanan ko kung bakit nagkaganun, pero sana kahit nirespeto mo na lang yung mga pinagsamahan naten, na respeto lang saken bilang babae. tapos sasabihin mo na mas masarap sya, !@#$. sampal yun saken.
Tapos sya may picture sa wallet mo, pero ikaw hindi kita nakitang naglagay ng picture ko. Ang sakit sakit. Pero tiniis ko, sabi ko mas mabuti ng ganto kesa iwan mo ko kase hindi ko kakayanin. Pinilit kong ibalik yung dati natin. Pero iba ka na talaga. Ibang iba. Hindi ko na kinaya. Kaya pinalaya na din kita.
MAHAL na MAHAl kita kung alam mo lang. Binigay ko sayo lahat. LAHAT LAHAT. Nagsisisi naman ako sa mga pagkakamali ko, pero hindi ko inakala na magiging ganto. Na biglang, BOOM#!! Wala ka na saken. Ang dami na nating pinagdaanan. Pero alam mo pinakamasakit? Yung kahit isipin ko yung mga panggagago mo, bumabalik pa din ako sa salitang mahal kita! Mahal na mAhal. Umaasa pa din ako na babalik ka. MArerealize mo na mas mahal mo ko.
Kahit one month pa lang yung nakakalipas, parang kahapon pa din. Araw araw umaasa ako. NA babalik ka at sasabihin mo na tayo na lang ulit. (CHOS!!, popy at basha). Alam ng lahat kung gaano kita kamahal. Kulang yung term na sobrang sakit para idescribe yung nararamdaman mo. Parang bahulg ako sa bangin but still humihinga pa din ako. Kahit sa mga oras na to, nag eenjoy kayo nung girlfriend mo sa boracay, ang tagal na din nating pinalno yun e, pero iba pala makakasama mo. Sana kaya ko pa. Sana maka move on nako. Sana dumating yung panahon na maging okay nako. MAHAL NA MAHAL KITA HON!! MAHAL NA MAHAL PO. Kung alam mo lang talaga. Miss na miss na kita,

Love,
Honey.