DOS
Kahit na tinarayan ko si Drew kanina, kinabahan pa rin ako dun sa tingin nya. Nakakatakot eh.Tsk.
Habang naglalakad at dumadaan ako sa park, nakita ko n naman yung pamilyang nagkekwekkwek dun sa tabi. Hay.. kung buhay lang ang pamilya ko, siguro ganyan din kami. Yung nagsasama-sama sa pamamasyal. Namimiss ko na ang Mama at Papa ko. Ang cute pa nung mga anak nila... parehong babae. Siguro mga 9 years old na sila. PAreho ng damait. Pareho ng puyod. Pareho ng bag. Pareho ng sapatos. Same Height. Same body built. Kambal kasi. Ang cute talaga.
Speaking of kambal, hindi ko na nakita si Lexie pagkatapos nya mag-walk out kanina. Saan kaya yun nagtungo?
"AY PALAKA!" nagulat ako nang may tumulak sakin.
"Hi, Yara!" Speaking of the Devil. Si Lexie lang pala.
"UI!" yun lang ang nasabi ko. Wala naman akong masabing iba.
"Mag-isa kang naglalakad? Bakit?" tanong nya sakin habang sinasabayan nya ako.
"OO, malapit lang yung bahay namin. Ikaw?" Tapos sabi nya mamasyal daw muna sya sa...
"Sa bahay nyo..." "ANO?! :oWalang mall sa bahay!" nagulat naman ako sa sinabi nya. Bakit sa bahay? ADik naman nito!
"Hindi naman kasi ganung stroll. I want to meet your family. Kasi di ba friends tayo?" MEET MY FAMILY?!
"EEh?! Wala na akong pamilya, Lexie. Kaya wala kang madadatnan dun." sabi ko naman sa kanya at tumigil na kaming maglakad kasi nga liliko na ako.
"Dito ba sa street na to ang bahay nyo? Tara!" tapos naglakad na ulit sya sa street namin.
"Then, I'll stay there. Kwentuhan tayo." "Eh? Wag na . Boring akong kausap." "Then I'll talk." Wala na rin akong nagawa. Mapilit eh. So ayun nga, pinapasok ko na sya sa bahay namin na maliit lang. Tamang tama lang para sa tatlong tao itong bahay na ito.
Yung tinitirahan ko, yun pa rin yung bahay na iniwan sakin ng mga magulang ko. Yung mga gastusin ko sa bahay, kinukuha ko sa naipon na pera ng tatay at nanay ko. Tapos may part time din ako as taga-bantay ng mga pinsan ko, bata sa kapitbahay, in short, Nanny.
Tapos tapos tapos... ang dami nyang nakwento sakin taz marami rin akong nakwento sa kanya dahil talagang matanong si Lexie...
----------------------
Nagkaroon kami ng biglaang recitation ngayon dahil daw ilang linggo na rin kaming inis-spoon feed ng teacher namin sa Social Studies at ang masaklap, hindi ako nakapagbrowse ng notes kagabi! Bahala na si Stock knowledge! Naku... sana naman effective si Stocked Knowledge ko.
Napansin ko naman tong katabi ko na si Drew na mukhang relax na relax lang. Naku... siguro nag-aral to. Kung magpatulong kaya ako sa kanya mamaya kung sakaling tawagin ako? Hmm... pero imposible! Napaka-isnabero ng lalaking ito at palagi pang nakasimangot. Malaki ang galit sa mundo.
Ganun din naman si Lexie na katabi nya sa left nya. Relax na relax at parang walang problema sa surprise graded recitation namin. Ano ba naman yahaan?!
Ako na hindi responsable sa pag-aaral! Napuyat kasi ako sa kakaalaga sa pinsan ko. Kita nyo ba ang eyebags ko? Naku! Ang laki na... pero wapakels. Patunay lang yan na may ginawa ako nga lang hindi naman ako nag-aral. =_____=
“Class, bunutan ang ating recitation ngayon kaya magprepare na kayo ng ¼ sheet of paper, put your names there tapos ifold sa four then pass it forward. Pwede din kayong mag-review habang nagpeprepare kayo ng papel.” Sabi ni teacher.
Pwedeng mag-review! Magrereview muna ako. Kyaaa~Scan scan scan... kaya ko to. Naku naman... Roman Empire. Ano bang naaalala ko sa Roman Empire? Pagkapasa ko ng papel ko umupo agad ako nagsimula ng magbasa.
Geography ng Europe at kung anu-ano pa. Naku ka namang bata ka, Yara!
“Yara... OK ka lang? Mukha kang nagpapanic jan?” Tanong sakin ni Lexie.
“Ha? OO eh. Di kasi ako naka-aral ng ayos kagabi.” Ang sabihin mo hindi ka talaga nag-aral.
“Ganun ba? Paano yan? Tutulungan na lang kita. Sana marinig mo mamaya. Tsaka si Drew.. tutulungan ka namin ni Drew. Diba Drew?”
“Bawal. Kasalanan na nya yun kung bakit hindi sya makakasagot mamaya.” ANG DAMOOOOT!
“Basta, Yara, tutulungan kita! Wag mo ng pansinin tong madamot na to.”sabi ni Lexie tapos pinag-browse na rin nya ulit ako ng notes at libro. Tapos sya naman hindi nagbabasa. NAKU NAMAN! Baka hindi naman nya ako matulungan nyan. =____= Pareho silang kambal na hindi nagbabasa.
“Time up! Close your notes. Bawal magcoach at bawal din sumilip sa notes, OK? Ang makikita kong naninilip ng notes, lagot sakin.” Sabi ni teacher habang hinahalo yung mga papel sa fishbowl nya. Nakakakaba naman to. Lagot daw sa kanya. Ano kayang gagawin nya samin? Ipapadala sa Pluto? Ipapakain sa Leon? Ikukulong sa ref? Pakakainin ng marami hanggang sa mamatay kami sa sobrang kabusugan? OH NOOO... natatakot ako. Baka hindi ako makasagot mamaya.
“Who’s the first lucky student? Hmm..” sabi nya habang binubuksan yung papel na nabunot nya. Grabe! Wag sana ako. Wag sana ako.
“Alex Andrew Martinez” WHEW! Muntik na! Muntik na akong tamaan ng malas! Buti di ako yung napuntirya ng malas. WHEW!
Agad naman syang tumayo. Napaka-confident nya samantalang yung kapatid nya...
“GO DREW! I know you can do it! GO TWIN! GO TWIN!” nag-chi-cheer pa.
“OK, ready? Pakidetalye kung ano ang heograpiya ng Italy.” O_____O ang haba kaya nun. Detailed pa ang gusto ni Teacher. Impossible! Hindi nya masasagot yan ng bonggang bonggang detailed. He will miss some details out, for sure!
“Ang Italy ay isang tangway na nagmumula sa Timog Europa patungo sa Dagat Mediteraneo. Tila bota na may taas na takong ang hugis nito. Mabundok at bulubundukin ang Italy. In fact, malamig doon lalo na kung doon kayo nakatira sa may downside hill.” Paano naman nya nalaman yun? Hindi ko maalala na sinabi ng teacher namin yung detail about sa downside hill. Never heard of it.
“How did you know?” tanong ng teacher namin.
“Doon po kasi kami nakatira for the past 2 years.” Sabi nya.
At napa-ooooohhhh... aaaaaaahhhh... wooooooowww...

naman kaming lahat sa sinabi nya. So kaya pala sila nagtransfer. Hindi man lang nakwento ni Lexie sakin yun. Pero sabagay, hindi ko rin naman tinanong eh.
“Oh.. Continue.” Ay? Hindi pa pala tapos.
“Ang Rome ang sentro ng sibilisasyon sa Italy. Inistablish nila ang lungsod sa pitong bundok sa may Ilog Tiber na pinagkukunan ng pagkain, malinis na tubig, at nagsisilbing transportasyon at lagusan ng dagat mga 24 na kilometro pakanluran. At dahil sa mga burol kaya ligtas ang lungsod ng Roma sa mga pagbaha at paglusob ng mga kalaban ng unang panahon.” Tapos umupo na rin sya.
Grabe! Ang daya naman nun! Kaya siguro kampante sya sa recitation na ito kasi alam naman nya yung lugar. Eh ako? Hanggang dito lang ako saamin. Hindi pa ako nakakarating ng Bisaya! >.<
Ang dami pang natawag at syempre, hindi lahat kasing detailed ng pagsagot ni Drew. May ilan rin namang hindi masyadong nakasagot. Naku.. pag hindi pa naman satisfied si Mam sa sagot pinapatayo nya ito hangga’t hindi nya sinasabing pwede ng umupo, bawal umupo.
“Next! Hmm... Yara Kim.” DUG DUG. DUG DUG.
Ayan na. Napatingin naman ako kay Lexie at nagbigay sya sakin ng OK sign. Siguro ibigsabihin lang nun ‘OK, tutulungan kita’. Lexie! SANA NGA MATULUNGAN MO AKO! T_____T Ayokong mapatayo! Nakakahiya!
“Sino si Augustus?” Augustus? Sa kanya nagmula ang pangalan ng 8th month sa calendar? Pwede kaya yun? Think Yara! Think! Sino si Augustus?
Nag-ehem si Lexie tapos may nilagay syang papel sa table ni Drew.
“Ama ng Imperyong Romano” ang nakasulat sa papel.
“S-si.. si Augutus ang Ama ng Imperyong Romano.”AYUN! Naalala ko na.
“Isang malikhain at mapitagang pinuno si Augustus. Ginamit niya ang kanyang BLA BLA BLA... ISKEMPERTUSH! EKLABUSH! Chorvachenes chuchu ekek sa mga kaekekan and so on and so forth.” Ang haba ng sinabi ko. SANA NAMAN OK NA YUN.
Uupo na sana ako nang pigilan ako ng teacher ko with a follow-up question.
“Kelan namatay si Augustus at anong panahon iyon?” Ano? Ano daw yung tanong? May tinuro ba syang ganun? Maging yung mga kaklase ko parang hindi din alam ang sagot kaya mapatigil ako ng matagal sa pagsagot.
Tumingin ako kay Lexie para itanong kung anong sagot pero nag-sign lang sya ng hindi nya alam. ANO BA YAN?! Hindi ko din ata nabasa yun eh. Hindi lang ata.. hindi ko talaga nabasa. Naku ka naman!
Nagsimula ng magingay ang klase, nagtatanungan sila kung kelan nga ba. Ako naman tinatalasan ko yung tenga ko para makasagap ng sagot. Pero wala eh...
*TOKTOK* hindi yan katok sa pinto pero tunog yan ng ballpen ng katabi ko.
“14 AD. Pax Romana. BOPOLS!” nakita kong nakasulat dun sa papel na nakalagay sa table ni Drew.
Yun na nga ata ang sagot. NAKU DREW! Maraming salamat! MARAMING SALAMAT! Sana tama ang sagot mo! *Pero tinawag nya akong bopols. Page to tama, papalampasin ko yang bopols nay an!*
“Uhmm..” biglang tumahimik ang klase.
“Namatay po si Augustus noong 14 AD sa panahon ng Pax Romana.” Sabi ko then umaasa akong mapapaupo na ako.
“You may sitdown Ms.Kim.” sabi ng teacher ko.
“HAY SALAMAT!”malakas kong sabi which made the class laugh. Pero nabawi agad kasi next student na.
Kinulbit ko yung katabi ko.
“Oi, Drew! Salamat ah... you saved me.” Sabi ko sa kanya. Pero no comment ang !@#$. Ok na din yun. Sanay na akong hindi sya namamansin so ang kinausap ko naman ay si Lexie.
“Lex! Thank You!” “You’re welcome! Sabay-sabay tayong maglunch ni Marie!” we’re not really shouting out loud... we’re whispering over our lungs. XD Bawal kasi mag-usap... Class hours pa.

.
.
.
.
.
“Paano ko kayo mababawian ni Drew, Lexie? Sa ginawa nyo kanina, nasave nyo ako sa kahihiyan. Lalo na si Drew.” Kumakain kami ngayon sa canteen.
“What do you mean by mababawian? Nagpa-coach ka, Yara?” tanong naman sakin ni Marie.
“Slight?” tapos yung mukha ni Marie, lumukot. Mukhang disappointed sya sa ginawa ko.
“Sorry Marie! Hindi ko lang kasi talaga alam kung ano ang sagot eh. Pero Lahat naman ng sinabi ko kanina stocked knowledge. Kinailangan ko lang ng first answer para masundan ko yun. Hindi ko na ulit gagawin yun. PROMISE!” Ayaw kasi ni Marie na nandadaya ako. Masyado kasing loyal at honest yang si Marie kahit na mapang-asar sya at bubbly, isa syang nabubuhay na Santo! XD Kasi ang sabi nya sakin, kung nadadayaan daw ako sa ginawang pangba-bribe nina Sunny sa school, dapat daw hindi ko din gawin ang mali para makuha yung gusto ko.
“Fine. Promise me, hindi mo na ulit gagawin yun.” “Promise! Kasi si Tita, pinag-alaga ako kay Chi-chi kagabi. Alam mo naman ang baby, maligalig. Napuyat ako kasi magdamag syang na saakin.” Sabi ko.
“Ah...”
So tahimik na ulit kaming kumain dun. Palinga-linga naman yung mata ko sa paligid nang Makita ko ang isang Harry Potter book.
AY PUTEK! Nakalimutan kong ngayon nga pala ang deadline ng HP Book ko at kelangan ko ng isauli sa Library ulit yun withing 5 minutes or else magbabayad ako ng multa. SAYANG DIN ANG PERA!
“AY! SORRY! EMERGENCY! BOOK EMERGENCY!” sabi ko sa dalawa kong kasama habang naghahabol ng pagliligpit ng kinainan ko.
Mabilis kong inakyat ang building namin para kunin yung HP Book ko. LINTUKS NA! 4th floor pa kami tapos bababa pa ako para umakyat naman sa kabilang building kung nasaan ang library namin. Sana hindi ako atayin.
“SHOOT!” pagbukas ko ng library, tumambad agad sakin ang malaking orasan. 10 seconds remaining before 1 o’clock SHARP!
Parang bumagal ang oras sa pagtakbo ko papunta sa librarian. Para akong nasa isang marathon at malapit na ako sa finish line nang...
*WEESH!* Nadulas ako at nadanggil ko ang librarian namin na may dala-dalang 3 twilight saga sa arms nya. At ang tendency ko ay mapahiga sa arms ni Drew.
MAPAHIGA SA ARMS NI DREW?!
DUG DUG. DUG DUG.
“Stupid.” Bigla nya rin akong itinayo. Tapos umalis na rin. AY GRABE! Sinabihan pa akong stupid!
"SALAMAT DREW!" sabi ko sa kanya. Tapos napatingin ako sa orasan sa likod nya.
"OH NOOOOOO!!!" lampas na sa 1'oclock sharp ang oras.
As usual hindi na naman nya ako pinansin. WHO CARES? Basta nakapag-thank you na ako.
"MAM! Sorry po sa aksidente. Nadulas lang po ako." sabi ko habang pinupulot yung mga librong nalaglag.
"Aksidente nga diba? Late na yang libro mo. Penalty yan." sabi ni Mam Librarian habang hinahanap yung card ko.
Tsk. Penalty pa rin. Sayang din kaya ang sinko nuh!
Kapa-kapa sa bulsa. AY LECHE! Nasaan ang wallet ko?!

Limang piso na nga lang ang laman nun nawala pa. Ay tinamaan ka naman Yara! T_______T
"Uh.. Mam.. pwede utang muna? Nawawala po kasi wallet ko." Nakakahiya!!!
"Aba! Anong tingin mo Iha sa Library? Sari-sari store? Hala... magbabayad o may first warning sa library?"
Ang taray naman. Parang ngayon lang naman na-late sa pagbabalik ng libro tsaka hindi pa ako pagbigyan eh palagi naman akong humihiram dito. Kilala na nga nya ako eh. Ano ba naman yan?
Tsk.. Lumingon ako sa llikod ko para tingnan kung may kakilala ba akong pwedeng utangan.
Wala. Wala akong ka-close dito sa mga to. Paano na ba yan? Wala naman akong cellphone para itext si Marie. AY NAKU!
Bumukas yung pinto ng library at para akong nakakita ng anghel. Anghel na nakasimangot. >.<
"DREW!" lumapit ako sa kanya.
"Salamat nga pala sa pagsalo mo kanina. Pwede pautang ng 5?" Mukhang nagulat sya sa sinabi ko.

Hindi ba nya ako papautangin?
"babayadan din kita bukas! PROMISE!" tinaas ko pa yung kanang kamay ko as a sign of promise.
Nakita kong kumapa sya sa bulsa nya tapos binigyan ako ng 10.
"Wait ka lang jan. Bibigay ko yung sukli!" eh di tumakbo na ako sa librarian tapos binigyan din ako ng sukli pero pagtalikod ko...
"Asan na si Drew? Oh well, mamaya ko na lang ibibgay sa kanya."-----------------------
COMMENT. COMMENT. COMMENT
whew! lahat na ng pagpapaikli sa chapter na to ginawa ko na. HAY NAKO! Sana maayos ko 'to...
buti na lang ang nakasulat na to. kahit semis namin OK lang.
Pero after semis na ulit ako magpopost.. T_____T (sabit kasi ako eee~)
SALAMAT SA PAGBASA!