Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Make sure to read the House Rules before posting anything!



Author Topic: Chαnge of Heαrt ♥ Turning to Ashes - Pαrt 3. (Chαpter 44. 01.20.12)  (Read 97852 times)

poladerkster10

  • taffy
  • ***
  • Posts: 348
  • Karma: +12/-1
Re: Chαnge of Heαrt ♥ We'll be bαck this coming DECEMBER.
« Reply #1260 on: December 05, 2012, 11:22:51 AM »
Opoooo! Waa. Nahihiya ako. As in. Imagine, naalala mo pa ako samantalang ako, nalimutan ko na. Waa. Sorry po, Ate Diana. Er. Diana. Huwaa. Hehe. Pero natats ako. Kasi na-realize ko na hindi sayang yung pangungulit namin. Kahit na once in a blue moon ang comments namin, masaya ako na binalikan mo pa ang Change of Heart. Tsaka, nag-promise ka po diba! Hehe. Excited na ako sa Christmas Break! :)) Alam din po namin yung load bilang estudyante. The hard part is kami, naghihintay lang ng update. Samantalang ikaw, mag-iisip pa ng iu-update. Kaya po, naiintindihan ko kung sa Christmas Break pa. Don't worry pows. We will be right here waiting for you~ Kaya po good luck sa upcoming challenges sa school! Good luck and God bless Diana! :) Love you! :*
..üÜüÜü..

poladerkster10

  • taffy
  • ***
  • Posts: 348
  • Karma: +12/-1
Re: Chαnge of Heαrt ♥ We'll be bαck this coming DECEMBER.
« Reply #1261 on: December 24, 2012, 11:39:50 PM »
Why guess what date it is today, it's the 24th of December.. It's Christmas Eve! :))

My laptop just turned off while composing this text and hell nawala ako sa momentum ko! Pero okay lang. Kahit may note pa na "Your PC will restart in 2 days to complete important installing updates" gora lang ako sa pag-comment. No one can stop me because it's Christmas Eve!

Anyway, I just dropped by to greet Ate Diana a Merry Christmas! Cyber hug na lang ang gift ko sa'yo okay? :) I also just dropped by to say to Ate D na I'm still a waiting reader, hoping for this story to have it's closure. Ilang days na lang 2013 na. And I'm looking forward to new stories by Ate D na susubaybayan ko. Heehee.

Isa pang anyway, I'll cut it here na. Enjoy enjoy na sa ating kanya-kanyang Noche Buena. Merry Christmas, Teentalkers! :))

-Poleng :))
..üÜüÜü..

vermouth

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1057
  • Karma: +133/-26
  • Like a fool...
Re: Chαnge of Heαrt ♥ Turning to Ashes - Pαrt 1. (Chαpter 44. 12.27.12)
« Reply #1262 on: December 27, 2012, 04:26:28 PM »





Chapter 44
Turning to Ashes





I have a beautiful dream...
Nasa playground daw ako, na kahit binubully ng isa ring bata sa lugar na 'yon, ay nilapitan ng isa ring batang lalaki... ang batang lalaki na super crush ko.

Nilapitan niya ako at tinulungan. He even gave me a bracelet. Gosh, alam kong ang bata-bata pa pero kinilig talaga ako.  :-[ Sa sobrang kalandian este kakiligan eh di ko natanong yung pangalan niya kahit ilang oras din kaming magkasama sa paglalaro.

Kaya naman hinabol ko siya. Tumakbo ako ng tumakbo... Hanggang...








Naramdaman kong umuuga ang lupa. Lumilindol?! Oh Nooooo!  :o
Hindi ko alam kung saan ako pupunta , takbo lang ako ng takbo, pero patuloy parin ang pag-uga ng lupa.

Hanggang naririnig ko nang may tumatawag sa pangalan ko...

"Gabby..."

Sino ka?! Palakas ng palakas yung pagtawag...




At iminulat ko na ang aking mga mata... Isang panaginip...

Bumungad sa'kin ang mukha ni Louie. Agad akong nag-blush.

"Bad dream?" Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Ahmm... actually, no." Tinignan ko ang paligid. Nasa kwarto niya kami at walang saplot. Oo nga pala, may nangyari nga pala sa'min. Nang maalala ko yun, agad na umakyat sa mukha ko ang dugo mula sa buong katawan ko.  :-[ Gosh. Ang lapit ng mukha niya.

He smirk. Tumawa pa ang loko nang di na napigilan ang sarili.

"You're really blushing, Gabby. You're like a tomato! Parang gusto ko tuloy mag-spaghetti. Hahaha!" Hawak pa ang tiyan sa kakatawa. Bwisit 'tong lalaki na 'to. Pagkatapos ng lahat....!!!!!!  >:(

"Ah ganon... Hinahatak ko yung kumot. "Umalis ka dito! Ayaw kitang makatabi! Hmp. Alis alis! Shoo~ shoo~!"

"Suuuuus, gusto mo lang makita ang aking magandang katawan eh. Ay no, gusto mo ULIT makita." At tumawa na naman ng tumawa.

"Saya mo ha. Naka-score ka lang sa'kin eh.:P

"If I know, hindi ka na makakatulog ulit ng mahimbing hangga't di mo ko nakakatabi ulit."

"Ang kapal mooooooooooo~" >:( >:( At pinaghahampas ko siya ng pinaghahampas!

"Tama na nga. Aray!... Masakit na ha." At tinigilan ko na. Mukha na siyang galit eh. Hihi. {"By the way, ano nga pala yung napanaginipan mo? Nagsasalita ka kasi, pero 'di ko naman maintindihan yung sinasabi mo. You're just saying random alien words." Alien words?! Grrrrrr.

Hmmm... nung inalala ko yung dream na yun. Yun yung bata ako eh, nung may nakilala akong bata na nagbigay ng necklace sa'kin at nalaman kong si Renz pala yun. Bakit ko naman siya mapapanaginipan kung si Louie ang kasama ko?  ???

"Uuhhhh... nasa playground daw ako...  May bata, nagbigay sa'kin ng bracelet... Which is a deja vu for me... Tapos binigyan ko siya ng pin... like a button..."

"Like this?" Tapos pinakita niya sa'kin yung necklace na hawak-hawak niya na may nakalagay na pendant na something-like-a-button-na-pin na may letter G.

I can't be wrong! Katulad na katulad yun nung bagay na binigay ko sa batang crush ko na tumulong sa'kin 7 years ago. Pero... Si Renz...

"How did you... where...?" Pinatunayan na sa'kin ni Renz yun... Na siya yun... Pero ano 'to?

"Ibig sabihin ikaw nga yun!  You're that girl seven years ago! Sinong mag-aakalang makikita pa kita at well... magiging girlfriend? I'm the lucky one indeed." And he hugged me.

Pag harap niya sa'kin, kita niya siguro yung confusion sa mukha ko.

"What? Aren't you happy? Hindi ka man lang ba nagulat? Wala man lang reaksyon?" No, Louie. Hindi sa wala akong reaksyon. Pero... paano ko sasabihin sa'yo na sinabi sa'kin ni Renz na siya yun? Sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo?

Pero, what's the big deal naman diba? Matagal na yun. Ang mahalaga, si Louie.

"Uhmmm... 'Cause I'm still shocked. Hindi ko naisip na ikaw yun." Kung magsabi kaya ako ng ilang bagay about sa pangyayaring yun.

"Remember, naglaro tayo ng naglaro nun? ano nga bang nilaro natin?"

"Yes! Naaalala ko yan, we're playing hide and seek! Sa last game natin, ako ang taya. Tapos nung hinahanap na kita, I can't find you anywhere. Nagdidilim na nun at natatakot ako na baka kung saan kana nagtago nun. I'm scared for you. Kaya hindi ako tumigil sa paghahanap sa'yo kahit alam kong pagagalitan n ako ng Mom ko." Yes. He's right. Nung oras na yun, hindi niya ako mahnp kahit tinatawag na niya ako kasi...

"Tapos nakita kita sa likod ng mga halamanan, natutulog."

I'm already sleeping. Napagod sa kakalaro.

"Dahil napag-uusapan na rin 'to, ayoko na rin namang may tinatago pa sa'yo, ahmm... At that time, w-when I found you sleeping in the grass... I-I can't help myself... I kissed you..." Oh my gahd.  :o

"Seryoso??"

"Hindi naman talaga ako mahilig sa playgrounds, pinasyal lang ako noon one time dahil kakamatay lang ni Dad at gusto akong aliwin ng ate ko. Then I saw you. After no'n, inaraw-araw ko nang pumunta dun, hoping na isang araw maka-usap kita. I know this sound's gay... But , I already like you at that time. You're like a gravity, you're pulling me." Niyakap ko siya. Grabe, pwede pala yun, yung magkagusto rin sa'yo yung taong gusto mo kahit bata pa kayo. So... si Louie ang nagsasabi ng totoo?

"Gusto na rin kita... Noon pa, kung alam mo lang." ang landi ko. Hihi.

"Bago ko makalimutan, I'm giving this to you. Isinama ko yung pin na to with G tanda na nakalimutan ko na yung little girl na yun at may bago ng G sa buhay ko, not knowing na nag-iisa lang talaga ang G sa buhay ko." At sinuot niya sa'kin yung necklace.

After that, nag-dinner lang kami at umuwi na ako.

Bago ako pumasok ng bahay, hinanda ko muna ang sarili ko. Alam kong may nag-iba na sa'kin. Whew.

Pagpasok ko, nandun na sila at tapos na rin mag-dinner. Wala namang sinabi sa'kin si Mama. Pero sila kuya nanukso ng nanukso. Kesyo nagka-boyfriend lang daw ako kaya umuuwi na ako ng late ngayong Valentine's Day. Nagseselos? Hihi. Kaya binigyan ko na lang sila ng Chocolates. Pa-chicks masyado yung dalawa na yun eh.

Pagpasok ko ng kwarto ko, isang bagay agad ang napansin ko.

May letter at roses sa kama ko. Black roses...

Agad koong binuksan yung letter at binasa.






To my princess,

                        Gabriella, sweet Gabriella. Do you remember me? On my last letter, I said that I will come to you... for you... to make my dreams, desires, and revenge come true. And yes, I'm already here. Watching you... Don't worry, these flowers are only the begginning. We shall see each other. I shall see you... kiss you... and make you mine... very soon.

P.S. Happy Valentine's Day! Remember, I will get your heart...


From your prince   




I can't believe this.

Sino ba talaga siya? Masyado na akong ginugulo nitong tao na 'to.

Last two years siya nag-start. Una, puro small gifts na kakaiba. Hanggang sa mga prank calls.

Hanggang naging ganito na, letters, bloody dolls, at bullet.



Sino siya?

Experience the...
Change of Heart
Better or worst?

irene18

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 11
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: Chαnge of Heαrt ♥ Turning to Ashes - Pαrt 1. (Chαpter 44. 12.27.12)
« Reply #1263 on: January 04, 2013, 02:59:33 PM »
hello? matagal niyo na po akong reader, sabi ko kasi sa sarili ko na magcocomment ako kung natapos ko na yung story.. overall, ang ganda at nakakaiyak .. ito na ba yung katapusan? i~continue mo po kung meron pa . salamat !:)

vermouth

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1057
  • Karma: +133/-26
  • Like a fool...
Re: Chαnge of Heαrt ♥ Turning to Ashes - Pαrt 2. (Chαpter 44. 01.05.12)
« Reply #1264 on: January 05, 2013, 10:20:01 PM »
...the continuation.



I still have a dream...



Kinabukasan, pumasok ako sa school na hindi lang pag-aaral ang pakay. Gusto ko rin kasing maka-usap si Renz tungkol dun sa sinabi niya sa'kin dati na siya yung nakilala ko 7 years ago. I know na hindi na dapat pinapalawak pa yung pangyayari na 'to pero gusto ko lang malaman kung bakit siya nagpanggap? Bakit kailangan niyang magsinungaling? At paano niya nalaman yung tungkol dun?

Simula kasi kagabi, tumatak na sa isip ko na paghinalaan ang mga taong nagsisinungaling sa'kin. Parang unti-unting nawawala yung tiwala ko sa mga taong nakakasama ko, sa lahat ba naman ng natatanggap ko sa 'Prince' na yun.

Iniisip ko rin na baka isa siya sa mga kaklase ko, o estudyante sa school rin na pinagtitripan lang ko... pangtitrip nga lang ba 'yon?

Lastly, iniisip ko rin na baka nasa school nga siya... at tinotoo niya yung sinabi niya sa sulat na nandito na siya at pinapanood ako...

Remember, I will get your heart...

Napahinto ako bigla sa paglalakad sa corridor ng building ng school, I shivered.

Someone's watching me...

O baka feeling ko lang 'yon?

Nagmadali nalang akong pumunta sa room. Nawala lahat ng worries ko when I see his smile... Haaaay, ano ba ang nagawa kong mabuti para ibigay sa'kin siya ni Lord? Gagawin ko yun, ng paulit-ulit para di na mawala sa'kin si Louie.

"Maaga ata tayo ngayon ah?" Umupo na muna ko sa tabi niya tutal wala pa naman yung si Jacqueline. Remember sila ang seatmates? Tapos ang katabi ko si Renz.

"Of course, 'cause I wanna see you. I miss you, Gab." Then, he kissed me onmy cheek.

"Ooooops, bawal ang PDA! Lalo na sa harap namin!" Hahaha. Napagalitan tuloy ni Cha-cha.

Biglang dumating na rin si Renz. Kinakabahan ako, magalit kaya siya pag kinausap ko siya? Hindi ko alam kung paano ko siya uumpisahang tanungin.

Nag-bell na sabay dating ng teacher namin sa first subject kaya bumalik na kami sa kanya-kanya namin upuan. Sabay pasok din ni Jacqueline. Hmmm... ganun padin... she's still the same as ever... Beautiful. Naiinsecure na naman tuloy ako. Pero, there's something about her. She has... changed? Hindi na niya nakakasama yung mga alipores niya eh. Tsaka nabawasan na rin yung make-up niya. Mas lalong naging anghel ang itsura niya ngayon.




After ng isang subject, dumating si Kevin na kakaiba ang aura.

"Kevin! Himala ah! Si nice guy late? anong nangyare?" Sabi ng isa naming kaklase.

"Wala ka na do'n." Nagulat ang lahat sa sinabi ni Kevin. Totoo kasi na isa siyang nice guy. Magalang, mabait, maaasahan. Ideal guy kung baga. Madami ngang nagka-crush sa kanya kahit bagong lipat lang din siya sa school na 'to eh.

May iba talaga sa kanya ngayon. Para siyang... stressed? Hmm... nangingitim kasi yung paligid ng mata niya. Parang puyat... di siya natutulog?

Ngayon ko lang narealize na these past few days, lalo na last week, eh di kami halos nagkaka-usap ni Kevin. Di na kasi siya sumasabay sa'min pag lunch tapos kahit magkapit-bahay kami, di ko siya madalas makita. Nagkukulong sa bahay?





Dumaan ang apat na subjects na hindi ko natanong si Renz. Sa tuwing kakausapin nga niya ako, ewan ko ba, di ko magawang harapin siya kaya umiiwas ako. Haaaaay. Mali eh, dapat maka-usap ko siya eh.

Lunch break pero pinauna ko na muna sila sa canteen. Si Louie naman eh kakausapin lang daw saglit yung mga ka-team niya sa basketball. Busy? :)

Habang naglalakad ako papuntang faculty room, may inutos kasi sa'kin yung isa naming teacher kanina about sa nalalapit na pictorial para sa graduation pic, may biglang humawak sa braso ko.

Sa sobrang gulat ko, napasigaw ako at muntik nang matulak ng malakas yung taong humawak sa'kin kung hindi niya lang ako napigilan. Pag lingon ko...

"Gab..." Si Renz...

"I-ikaw pala yan... Renz... Ahm, bakit?"

"Is there something wrong? Napapansin ko kasing umiiwas ka sa'kin kanina pang umaga eh, may nagawa ba ako?" Sobrang nakakaguilty na 'to. Bakit ko kasi iniisipan ng masama si Renz.

"Uuhh, hindi naman kita iniiwasan Renz eh. Nagkakataon lang siguro na hindi kita naka-usap ng maayos habang klase. You know... sipag-sipagan sa pakikinig? Hehe. gagraduate na tayo kaya dapat ibuhos na ang lahat sa pag-aaral!" With matching taas pa ng kamay habang naka-closed fist.

Pero base sa mukha ni Renz, hindi convincing ang sinabi ko.

"Gab, I confess my feelings to you already, alam kong hindi mo yun masusuklian pero wag mo lang sana akong iwasan. Sinabi ba ni Louie na iwasan mo ako? Nagagalit na naman ba si-----"

"OPS! Renz, walang nagsabi sa'kin na iwasan kita. Hindi naman talaga kita iniiwasan eh. May... m-may gusto lang sana akong itanong..."

"Tss. Hay nako Gab." Sabay gulo ng buhok ko. Kainis ah. "Okay. Ano yun?"

"Uhmmm... itatanong ko lang sana yung... tungkol dun sa necklace... necklace na pinakita mo----"

Napahinto ako. Nakita ko kasi si Kevin na nakatingin sa'min. Kakaiba yung tingin niya... may mali.

"Kevin!!!" Tinawag ko siya ng malakas, pero tuloy-tuloy siyang lumakad papalayo sa'min with closed fist. Galit siya?

Susundan ko sana siya nang pigilan ako ni Renz. "Don't. Pansin ko rin na may kakaiba kay Kevin these past few days. Kakaiba ang mga kinikilos niya. Madalas nang mainit ang ulo niya. And can't you see it? He looks at you with... uhm... desire? Ewan. Dati ko pa pansin na he's happy pag kasama ka niya. Feeling ko nga may gusto siya sa'yo, Gab. But I'm warning you. Hindi talaga maganda ang nararamdaman ko sa kanya ngayon eh. Kaya mas mabuti kung iiwasan mo muna siya." Makikita mo talaga ang concern sa mga mata ni Renz ngayon. Ano nga kaya ang nangyayari kay Renz?

"Ah, okay. Pero sana kung may problema siya, sabihin niya sa'tin. Matutulungan natin siya, diba?"

"Of course Gabby. By the way, ano nga ulit yung tanong mo?"

Ooops. Akala ko ligtas na ako.

"Uhmmm... yung---" May pumigil na naman sa'kin. This time kakaibang ingay na yun. May nagkakagulo sa dulo ng corridor malapit sa hagdan.

Agad kaming pumunta ni Renz. Nakita namin si Kevin na nakatayo at nakaharap sa hagdan, nakatingin sa ibaba.

Sinundan namin ng tingin yung kung ano man ang tinitingnan niya. Nagulat kami ni Renz!










"This can't be..."







To be continued.
Experience the...
Change of Heart
Better or worst?

hannahvicente

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 51
  • Karma: +0/-0
Re: Chαnge of Heαrt ♥ Turning to Ashes - Pαrt 2. (Chαpter 44. 01.05.12)
« Reply #1265 on: January 10, 2013, 09:02:13 PM »
hello po!! new reader hir..
nabasa ko po ng pahapyaw ung story and I really like it already. :)
Love grows from within one's heart.

vermouth

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1057
  • Karma: +133/-26
  • Like a fool...
Re: Chαnge of Heαrt ♥ Turning to Ashes - Pαrt 1. (Chαpter 44. 12.27.12)
« Reply #1266 on: January 14, 2013, 01:48:39 PM »
hello? matagal niyo na po akong reader, sabi ko kasi sa sarili ko na magcocomment ako kung natapos ko na yung story.. overall, ang ganda at nakakaiyak .. ito na ba yung katapusan? i~continue mo po kung meron pa . salamat !:)

Nooooo. Hindi pa natatapos 'to. Hahahahaha! :D Salamat talaga sa pagbabasa. :) Kahit ang tagal bago ako mag-update. Of course, to be continued pa 'to. Pero malapit na rin ang katapusan. ;) Salamat talaga ah.  :-*


hello po!! new reader hir..
nabasa ko po ng pahapyaw ung story and I really like it already. :)


Hello New Reader! :)) Salamat sa pagbibigay ng oras kahit pahapyaw pa lamang sa story na 'to. :) My name is Diana. And you are? Stay tuned! :)) and free yay!
Experience the...
Change of Heart
Better or worst?

julliandy

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 9
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: Chαnge of Heαrt ♥ Turning to Ashes - Pαrt 2. (Chαpter 44. 01.05.12)
« Reply #1267 on: January 15, 2013, 09:21:16 PM »
OMG I'M SO HULI NAAAAAAAAAA. + SO HAPPY THAT VERMOUTH IS BACK <33  ;D :D

vermouth

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1057
  • Karma: +133/-26
  • Like a fool...
Re: Chαnge of Heαrt ♥ Turning to Ashes - Pαrt 3. (Chαpter 44. 01.20.12)
« Reply #1268 on: January 20, 2013, 04:33:23 PM »

"This can't be..."




Sa dulo ng hagdan, nandoon si Jacqueline, duguan...

Dumadami na yung mga estudyanteng tumitingin kaya nilapitan ko agad si Jacqueline. Sumunod din si Renz.

"Anong nangyari sa kanya? Kevin?! Anong nangyari dito?!" Biglang bumalik sa mundo si Kevin at bumaba na rin para puntahan kami.

"H-hindi ko s-sinasadya..."

May mga teacher na rin ang pumunta at dinala na agad sa pinakamalapit na hospital si Jacqueline.

Nasa labas kami ngayon ng emergency room at naghihintay kung ano na'ng kalagayan ni Jacquie. Alam na namin ang totoong nangyari. Pababa na kasi si Kevin ng hagdan tapos may nakabangga siyang isang estudyante. Dahil dun, nag-init agad ang ulo ni Kevin at kinwelyuhan yung nakabangga niya. Hanggang sa nagsuntukan na nga sila. Kaso, nung sinuntok ni Kevin yung lalaki, papaakyat naman na si Jacquie kaya nabangga niya ito at nahulog nga si Jacquie sa hagdan.

Si Kevin, tulala parin. Nilapitan ko naman siya.

"Kevin... May problema ba? Para kasing, may kakaiba sa'yo this past few days eh."

"Uhmm... wala naman Gab. Okay lang ako. Stressed lang siguro sa mga school works. Tsaka, financial problems na rin siguro ng family ko. Ako ang panganay kaya, ako ang pinaka-inaasahan sa'min."He smiled, but didn't reach his eyes.

"Ganun ba... Basta, Kevin, kung ano man yun, nandito lang kami palagi ah. 'Wag kang magdalawang-isip na magsbai sa'min ng problema mo." Niyakap ko siya. Pakiramdam ko kasi, kailangan niya yun.

Dumating na rin si Louie.

"Anong nangyari? Kamusta na si Jacquie??" Bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. Kahit di naman talaga dapat, nakaramdam ako ng konting selos.

"Uhh, nasa ER parin siya hanggang ngayon..."

Nilagpasan niya lang ako at pumunta siya dun sa may pintuan ng ER pero pinigilan na siya nung isang nurse. He even hissed. Haaaay, di ako dapat nagkakaganito eh. Parang ang sama ko.

Nilapitan naman niya si Kevin, "What the fvck have you done?!" Hinawakan niya sa kwelyo ng uniform si Kevin at akmang susuntukin na niya ito pero pinigilan ko.

"Tama na, Louie... please?" Hawak-hawak ko ang kamay niya na pangsusuntok sana.

Lumapit na rin si Renz at inilayo nalang si Kevin kay Louie.

Umupo na si Louie, at tumabi naman ako.

"I'm sorry..."

"Wala yun. Importante siya sa'yo... alam ko yun, Louie. Don't worry." Tumingin siya sa'kin.

"Are you jealous?" Nagulat ako sa tanong niya kaya wala akong na-react agad. Then he gave me a quick kiss.

"Then, don't be."




Maya-maya pa lumabas na yung doctor at sinabing nasa stable na kalagayan na si Jacquie. Nakahinga kami lahat ng maluwag.

Dumating naman na rin yung Mommy niya pero bago pa man namin masabi ang nangyari, niyakap niya si Louie at, "Maraming salamat Hijo at nandyan ka palagi para sa anak ko."

"Uhh... Tita, hindi na po kami ni Jacquie. Matagal na po, since nung pumunta po kayo ng America." Halata sa mukha nung Mommy ni Jacquie ang gulat at pagtataka.

"Hindi kayo nagkabalikan?!" Bumulong siya, pero narinig ko yun dahil malapit ako sa likod niya.

Sinungaling talaga ang bata'ng 'yon... Walang kwenta...

Ano'ng ibig sabihin niya dun? Di kaya...


Akala ko ako lang ang may problema'ng ganun sa nanay, mukhang si Jacquie din ata.

Pinakilala naman ako ni Louie at halatang ayaw sa'kin ni Mommy ha. Nanlilisik ba naman ang mga mata.  :-\

Pumunta na kami sa room ni Jacquie. Sabi rin ng doctor, matagal pa bago siya magising. Kaya naman umuwi na muna kami at kailangan pa naming paghandaan ang mga sasabihin sa school bukas.



Kinabukasan, nagreport kami sa office. Sinabi namin ang lahat. Masususpend pa sana sina Kevin pero pinakiusapan na ni Louie. Hay, iba talaga ang may connections!



Kinahapunan, pumunta kami sa ospital para dalawin si Jacquie. Buti nalang at nagising na siya.

"Louie... I have to tell you something..."

Medyo parang di ata maganda sa'kin yun ah.

"Don't worry Gabriella, hindi ito tungkol sa kung ano man ang naiisip mo. I have to clarify something sa kanya... sa inyo..."

Kinuwento niya ang dahilan ng pag-alis niya sa bansa dati at iniwan si Louie. Pumunta sila doon dahil sa business ng Lolo niya. Nagkaproblema kasi at kinailangan ng tulong niya. Pinakasal siya sa isang lalaki na Pilipino din para makatulong sa pagbangon muli ng kompanya. Fixed marriage kung baga. At alam niyo ba kung kanino siya ikinasal...









kay Renz!



Hindi ako makapaniwala. Wala namang nasabi si Renz ah.

Napawalang-bisa na rin daw ang kasal after six months dahil ayaw naman talaga nila sa isa't isa. Pero...

"Pero there's something inside him... evilness? I'm not sure pero 'wag niyo siyang pagkakatiwalaan, I mean si Renz. Nung nagsasama pa kasi kami noon, kahit na parang wala naman talaga, nakikita ko siyang may mga kakaibang tao na kinakausap. Isa pa, ang dami niyang connections... Hindi ko alam kung hanggang saan siya nakakarating. Basta, I'm warning you, lalo na ka na Gabriella... He's different when he's with you. The intensity? Ewan, just don't trust him."


Pagkatapos ng lahat, sino ba talaga ang dapat kong pagkatiwalaan?

Sa dami ng mga nangyayari sa'kin... sa dami ng mga kasinungalingan. Hindi ko na alam.




FLASHBACK

Pumunta ako sa bahay nila Kevin para kumuha ng gamit niya dahil di na siya naka-uwi at binantayan lang si Jacquie dahil sobra talaga siya naguilty.

Something caught my eyes.

Wrapper. Wrapper sa flower pag binili mo siya. At nung lumapit ako, sa cabinet na nakabukas upang kumuha ng damit kasi akala ko nandun yung mga shirts...



I saw a gun.



Suddenly... my dreams are turning to ashes...
Experience the...
Change of Heart
Better or worst?

irene18

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 11
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: Chαnge of Heαrt ♥ Turning to Ashes - Pαrt 3. (Chαpter 44. 01.20.12)
« Reply #1269 on: March 19, 2013, 07:12:50 PM »
update niyo na po ! hihi :))

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Tita of Manila

by: dyan, 2014-11-01

  In two days, I’ll be turning 26, one step closer to becoming a full-fledged member of the #TitasofManila. Oh, who am I kidding—I am a tita of Manila! My tita habits include...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved